• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:17 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February, 2025

PBBM, nais na kumambiyo palayo mula sa car-centric system: Mass transit is key

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumambiyo palayo mula sa transportation system na nakasentro sa pribadong sasakyan.

Inamin ni Department of Transportation (DOTr) chief Vivencio “Vince” Dizon na ang kasalukuyang transportation system sa bansa ay masyadong “car-centric.”

“Absolutely, it’s true. In the past the solution to traffic has always been building roads, the problem with building roads, building roads attracts more cars. That’s just how it is,” ayon kay Dizon.

 

 

“‘Build wider streets, and of course, buying cars is also a function of the development of our fellow countrymen, so we have to veer away from that and I think we are veering away from that and that is what the President wants,” aniya pa rin.

Ani Dizon, ang paglikha ng mga bagong lansangan ay hindi “ultimate solution,” kundi isang “high-capacity mass transit” at gagawin ang mga lungsod na mas kaaya-aya sa paglalakad.

 

 

“We just have to think out of the box and find ways—like the [Edsa Greenways] that’s one innovative way of helping our commuting public who want to walk,” ayon kay Dizon, tinukoy ang proyekto na inanunsyo noong 2024 na naglalayong gawing maayos ang pedestrian environment sa Edsa.

Samantala, nang tanungin naman kung bukas siya na magpanukala ng schemes gaya ng ‘four-day work days, congestion fees, o ang pagsasara ng ilang lansangan para sa mga pribadong sasakyan, negatibo naman ang naging tugon ni Dizon.

 

 

Ang paliwanag ni Dizon, maliban sa katotohanan na hindi niya saklaw ang magpatupad ng ganyang desisyon, ang solusyon aniya sa problema ay kailangan na pag-aralan munang mabuti upang matiyak na mayroon itong positibong epekto sa mga manananakay.

“We’ll just have to find ways. We’ll just have to find ways to balance everything kasi it’s a balancing act eh,” aniya pa rin.

(Daris Jose)

PBBM, nilagdaan ang batas na magpapaliban sa Bangsamoro elections

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na magpapaliban sa unang general elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oct. 13, 2025.

Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang nasabing pagpapaliban sa unang regular na halalan sa BARMM na nakatakda sanang gawin sa Mayo 12, 2025.

 

 

Matatandaang, sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Marcos ang batas para ipagpaliban ang halalan sa BARMM.

Kabilang sa mga dahilan kung bakit ginawa ito ay ang isyu sa hindi pagkakasama ng Sulu sa BARMM, ang hindi pa nareresolbahang petisyon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng Bangsamoro Electoral Code of 2023, at ang hiling ng Commission on Elections (Comelec) na bigyan sila ng karagdagang panahon para paghandaan ang eleksiyon sa naturang rehiyon.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia, mula sa orihinal na iskedyul na May 12, ang parliamentary polls ay itinakda na ito sa October 13, 2025.

 

”Para po sa inyong kaalaman….I was informed by Malacanang earlier that the president already signed the bill postponing the Bangsamoro parliamentary elections from May to October 13 of this year, meaning to say, may isa nanamang eleksyon na separate ang pagho-hold ng Comelec, and take note one month after the Barangay and SK elections naman,” ayon kay Garcia.

Nagbigay naman ang komisyon ng kopya ng dokumentong nilagdaan ng Pangulo sa na may petsang 19, 2025, muling itinakda ang unang regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa pamamagitan ng Republic Act 121231, inamiyendahan ang Article XVI of R.A. 11054 o ang Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

 

“Gusto naming malaman, paano yung distribution nung pito na parliamentary seats na dati ay originally nasa Sulu, paano idi-distribute yun? Very imporatant sa amin yun sapagkat gusto namin alamin – mag-o-open ba kami ng filing ng certificates of candidacy sa buong Bangsamoro o doon lamang sa mga maapektuhan ng mismong tinatawag na distribution ng pitong seats,” ayon kay Garcia.

Muli ay binigyang diin ni Garcia ang pangangailangan para sa P2.5 billion budget para sa pagsasagawa ng special election para sa Bangsamoro parliament.

 

 

“Kinakailangan naming matingnan saan namin kukuhanin at paano mabibigay sa amin ang P2.5 billion na kakailanganin namin para mag-conduct ng parliamentary election sa Bangsamoro,” dagdag na wika ni Garcia.

Ang pagsasagawa ng Bangsamoro parliamentary polls ay magiging ‘automated’.

“Ang Bangsamoro parliamentary election ay automated election, we’re hoping para lang alam ng lahat na yung sa balota na i-imprenta namin sa Bangsamoro nandiyan ang lahat ng pictures ng mga kandidato, yung mismong logo ng mga political parties na pagpipilian ng mga kababayan natin sa Bangsamoro,” litanya ni Garcia.

(Daris Jose)

Caloocan LGU, naglunsad ng libreng chest x-rays

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGLUNSAD ang Local Government ng Caloocan ng libreng chest x-ray para sa mga residente ng lungsod na edad 15 taong gulang pataas, na layuning makita ang maagang mga palatandaan at sintomas ng tuberculosis (TB) upang maiwasan ang mga impeksyon, gayundin ang pagbibigay ng access sa mga programa sa maagang paggamot sa mga lokal na komunidad.

Ang libreng services na tinawag na “TB Caravan” ay bahagi ng mga aktibidad na inorganisa para sa paggunita ng 63rd Cityhood Anniversary, na ginanap sa iba’t ibang lugar ng lungsod.

Pinasalamatan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang lahat ng kanyang nasasakupan na nag-avail ng libreng x-ray services sa pagtulong sa pamahalaang lungsod na matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga pamilya at nakapaligid na communities, lalo na para sa kapakanan ng mga madaling kapitan ng sakit at mga komplikasyon nito.

“Batid ko po na hindi biro ang sakit at hirap na dulot ng TB, kung kaya’t nagpapasalamat po ako sa lahat ng ating mga kababayan na nagpa-check up dahil malaking tulong po ito sa layunin ng ating administrasyon na ilayo ang mga nakakahawang sakit sa mga komunidad, lalong-lalo na po sa kapakanan ng mga bata, senior citizen, at iba pang mga vulnerable sa ganitong karamdaman,” pahayag ni Mayor Along.

Tiniyak din ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan na ito ay isa lamang sa maraming mga hakbangin mula sa pamahalaang lungsod na nagtataguyod ng kalusugan at kagalingan, at gayundin ay ipinahayag na sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang mga serbisyong pangkalusugan ay mananatiling magagamit para sa lahat.

“Mula pa noong nagsimula ako bilang Punong Lungsod, naging prayoridad na natin ang kalusugan ng mga mamamayan kaya naman siniguro rin natin na bahagi ng ating mga pagdiriwang para sa 63rd Anniversary ang tuloy-tuloy at libreng na serbisyo medikal,” aniya.

“Asahan po ninyo na sa ilalim ng ating pamumuno, walang magbabago sa pagpapahalaga natin sa kalusugan ng ating mga nasasakupan. Pinatunayan po natin na kayang ibigay ng pamahalaang lungsod ang abot-kamay, libre, at de-kalidad na serbisyo medikal na deserve ng lahat ng Batang Kankaloo,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Mister na wanted sa multiple counts of rape sa Mindoro, nakorner sa Caloocan

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGWAKAS na ang mahigit labing-isang taon pagtatago ng 54-anyos na mister na wanted sa multiple counts of rape sa Lalawigan ng Mindoro nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa lungsod ang akusado na wanted sa multiple counts of rape sa Mindoro kaya inatasan niya ang Station Intelligence Section (SIS) na bumuo ng team para tugisin ito.

Sa koordinasyon sa Police Sub-Station 7 (PSS-7) at Pola Municipal Police Intelligence operatives, agad ikinasa ng SIS CCPS ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-12:50 ng madaling araw sa Block 1 Lot-29, Benedict Ville, Barangay 167, Llano.

Ang akusado ang dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 42, Pinamalayan, Oriental Mindoro, para sa four (4) counts of Rape in relation to R.A. 7610 at one (1) count of Statutory Rape, na lahat ay may petsang November 25, 2013.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na pansamantalang nakapiit sa SIS-CCPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.

Binati ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director of the Northern Police District (NPD) ang dedikasyon ng at tiyaga ng mga operatiba sa pagtugis sa mga pugante na nauugnay sa marahas na krimen.

“This operation showcases the unyielding dedication of our personnel in the pursuit of justice for victims. We are resolute in our mission to intensify initiatives aimed at safeguarding our communities.” pahayag niya. (Richard Mesa)

Ads February 24, 2025

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Ads February 22, 2025

Posted on: February 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

Inspiring the next generation: Globe hosts special ‘Marvel Studios’ Captain America: Brave New World’ screening for student leaders

Posted on: February 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments

GLOBE fuels the aspirations of student leaders across the country with an exclusive block screening of “Marvel Studios’ Captain America: Brave New World,” a cinematic experience designed to encourage the next generation to step up and lead.

The one-of-a-kind event, running on February 22 and 26, brings together changemakers from various colleges and universities for an engaging treat that combines entertainment with inspiration.

“Students are the driving force of the nation’s future, and we want to empower them with opportunities that spark passion and commitment. This screening is about building connections and motivating student leaders to take on challenges with confidence and determination,” said Anne Calma, Globe Head of Marketing Youth Culture.

The film’s theme aligns with Globe’s #GoForwardTogether message, supporting students to be courageous in their journey to a brighter future.

The participants, handpicked by their respective schools and organizations, will get to enjoy the much-anticipated blockbuster on the following dates and venues: SM Baguio – February 22, 6 p.m., SM Iloilo – February 22, 5:15 p.m.,  SM Mall of Asia – February 22, 6 p.m., Ayala Center Cebu – February 22, 6 p.m. and Vista Mall Dasmariñas – February 26, 6 p.m.

Beyond the film showing, the activity serves as a platform for students to connect, exchange ideas, and engage with fellow leaders and Marvel enthusiasts.  They also get the chance to win exclusive merchandise through a special raffle during the screening.

Attendees can also take part in Globe’s Community Builders Program, a platform where students or school organizations can pitch their next big idea for potential Globe support. They may also apply for internships through the program.

By leveraging entertainment as a means to inspire, Globe reinforces its role as a key enabler of young leaders’ dreams.

To learn more about Globe, visit https://www.globe.com.ph/.

(ROHN ROMULO)

Maapektuhan kaya ang mga kontrata at endorsements nila?: JERALDINE, inaming hiwalay na sila ni JOSH at co-parenting kina NIMO at JETTE

Posted on: February 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGULAT talaga kami sa bagong Instagram video na ipinost ni Jeraldine Blackman.  Umaasa kami na sana ay “prank” lang ito, pero hanggang dulo, umiiyak ito at walang “It’s a prank!” na litanya.
Nakahihinayang dahil ang minahal ng hindi lang mga Pinoy, maging ibang lahi na The Blackman family ay hindi na buo bilang isang pamilya. Inamin ni Jeraldine na hiwalay na raw sila ni Josh.
Sa mga hindi nakakakilala pa rin, sina Jeraldine at Josh ang mag-asawang Filipina/Australian, based in Australia, pero sa Instagram pa lang ay umabot ng 3.2 million ang followers at talagang natutuwa at minahal ang pamilya nila, kasama siyempre ang mga cute nilang anak na sina Nimo at Jette.
Pero yun nga, ayon kay Jeraldine, hiwalay na raw sila at nag-desisyon na maging co-parenting pa rin for Nimo and Jette.
Bahagi ng kanyang pahayag habang umiiyak sa loob ng sasakyan, “I’m sorry if you’re seeing me like this. I have been trying to find the right time. When I’m gonna get a courage for me to post this one online.
“Anyway, Josh and I have separated. We’re good friends. I just know that he’s a good person. And he is the best father that Jette and Nimo could ever have. Josh was the one who introduced me to Christian life.
“Again, he’s the one who made me become like this. And without him, I’m just so lucky that Jette and NImo have him. We are gonna be co-parenting.”
Nagpasalamat si Jeraldine sa lahat ng suporta at pagmamahal na natatanggap nila. Habang feeling naman namin, marami rin ang mag-aabang kung paano na ang magiging pagtanggap sa kanila na hindi na sila buo bilang isang pamilya.
Maapektuhan din kaya ang mga kontrata at family endorsements nila?
***
MAKAKASAMA na rin sa hanay ng mga negosyo na kinabibilangan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang pagiging isang restaurateur.
Inanunsiyo na ng actor sa naging renewal of contract nila bilang MESA Restaurant’s ambassador na sa Road to 100 ng MESA, ang ika-88th restaurant ay siya na ang magiging franchisee o may-ari.
Hindi muna sinabi ni Dingdong kung saan ang location na napili niya, pero, sigurado na raw na sa pang-88th branch ng Mesa ay sa kanya na.  Suportado naman siya rito ng kanyang misis na si Marian Rivera na alam naman ng lahat na mahilig ding magluto.
Pwede nga rin na sa mismong branch nila, may twist na may maio-offer na menu talaga ni Marian.
Sa isang banda, all praises ang mga may-ari o bossing ng Mesa kay Dingdong bilang ambassador ng restaurant sa loob halos ng anim na taon na.
(ROSE GARCIA)

After na maging bida sa ‘Voltes V: Legacy’: RADSON, walang isyu sa pagtanggap na maging kontrabida

Posted on: February 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI raw isyu sa Sparkle male artist na si Radson Flores na maging kontrabida sa ‘Prinsesa Ng City Jail’ after na maging bida sa ‘Voltes V: Legacy.’ 

“Oh, no, not at all,” bulalas ni Radson.

“Kasi yung kay Mark Gordon medyo anti-hero din siya.

“Kumbaga mabait lang siya kasi nasa side siya ng humanity, pero masamang tao siya sa mga taong nakapaligid sa kanila.

“Kumbaga ginagawa niya yan talaga para mailigtas ang sarili niya pero in the end naman naging mabait siya.

“So compared dito kay Justin na yun nga, medyo weird e, weird yung moral chart ni Justin, so mahirap din kasi baka ma-spoil ko.”

Kasama ni Radson si Miguel Tanfelix sa ‘Voltes V: Legacy’ dati at ngayon ay sabay nguni’t magkahiwalay silang may proyekto dahil si Miguel ay isa sa mga bida sa ‘Mga Batang Riles.

“Sobrang proud ako sa brother ko, si Miguel.

“Napanood ko yung pilot episode nila, sobrang ganda niya.”

Nasa ‘Voltes V: Legacy’ rin sina Ysabel Ortega, Raphael Landicho at Matt Lozano; nagkikita pa ba silang lima?

“Yeah, almost all that time talaga, until now.

“Nagkakausap kami nila Miguel sa call, mahilig kami kaming maglaro until now, maglaro ng mga video games.”

Napapapanood weekdays, 3:20 PM sa GMA Afternoon Prime, ‘Ang Prinsesa Ng City Jail’ ay sa direksyon ni Jerry Lopez-Sineneng kung saan bida sina Sofia Pablo at Allen Ansay.

***

SA unang pagkakataon ay dito sa Pilipinas gagawin ang sikat na Waterbomb Festival.

Nagmula sa South Korea at nagsimula noong 2015, ang Waterbomb ay isang music festival kung saan maraming musical artists, karamihan ay galing sa South Korea ang nagpe-perform at nagbabasaan at nagkakatuwaan kasama ang audience gamit ang mga water guns at water cannons.

Gaganapin ito ngayong araw, Pebrero 22 at sa Lingo, Pebrero 23 sa Quirino Grandstand sa Rizal Park, pinagsama-samang awitin at sayaw na hip-hop, R&B, EDM, K-pop at sa unang pagkakataon ay P-pop dahil kasali sa listahan ng mga performers ang mga Filipino artists gaya ng boy group na Bilib at female singer na si Zela na parehong talent ng AQ Prime Music.

Ang Waterbomb ay naging tradisyon sa South Korea tuwing sasapit ang tag-init.

Sa paglipas ng mga taon, hindi na lamang sa South Korea ito idinaraos kundi maging sa iba pang dako ng mundo, tulad ngayong taong 2025 kung saan magaganap ito sa Maynila.

Kaya naman labis ang pasasalamat ng Bilib at ni Zela sa pagkakataong mapasama sa malaking event na ito.

Ang Bilib ay binubuo nina Yukito Kanai, Clyde Ballo, Zio dela Paz, Rafael Mumar, RC Coronel, Jmac Sangil at Carlo Samson.

At ayon sa spokesperson ng grupo na si Yukito, “We’re so thrilled na kami po iyong isa sa mga napili po nila together with Zela po sa Act 4, Waterbomb po.

“Super thankful po kami, super-honored to be performing for Waterbomb po.”

Labis ang pasasalamat ng grupo sa kanilang talent management na AQ Prime Music na siyang nag-asikaso upang mapasama sila sa nabanggit na malaking music event.

Ayon naman kay Rafael, “Sobrang thankful po kami, sobrang excited, and since it’s our first time, and it’s the first Waterbomb na gaganapin sa Philippines, it’s an honor to be invited.”

Bukod sa kanila ay isa rin sa mga Filipino na magpe-perform sa Waterbomb ay ang Sparkle artist na si Thea Astley.

Tinanong namin ang Bilib kung handa ba sila sa mga bashers, sa mga magkukuwestiyon kung bakit sila ang napili sa Waterbomb at hindi ibang Filipino group, na tulad ng SB19, BINI at iba pa?

Lahad ni RC, “Actually po ready na po kami doon dahil meron naman po talagang positive and negative feedback po when it comes sa P-pop industry po and P-pop community.

“But we’re supporting each other po kasi P-pop community so that’s why P-pop rise po and we are showcasing po our talents and to be well known outside the Philippines po, so that’s why po.”

Dagdag naman ni Carlo, “From SB19 to BINI, meron po silang magkaibang way na nadala ang P-pop sa global stage.

“So kami naman po na nabigyan ng opportunity po para mapamalas po ang P-pop and ang aming kakayahan as a group, siyempre po gagawin din po namin yung best namin para po mapakita kung ano ang P-pop.”

Isa sa mga achievements ng Bilib ay ang pagwawagi nila sa 16th PMPC Star Awards for Music nitong Oktubre 2024 bilang New Male Group Artist of the Year para sa kanta nilang Kabanata.

Samantala, kabilang sa mga inaasahang magpe-perform sa Sabado at Linggo sa Waterbomb Festival ay sina Dynamicduo, Epik High, Kim Jong-kook, Chanyeol ng EXO,  Baekho ng NU’ESTHwasa, B.I, Kwon Eun-bi, Lee Chae-yeon, STAYC, Roots, ZB & ATION, J.E.B, IMLAY, APRO, Raiden, Kang Daniel, Skull & Haha, Jessi, Sunmi, Hyolyn, Gray, Oh My Girl, VIVIZ REDDY, Yang Se-chan, U-kwon, INSIDECORE, SIENA GIRLS, Aster & Neo, 2SPADE, Mar Vista, at Kenet.

(ROMMEL L. GONZALES)

Ikinaloka ng netizens, ano raw ang gustong patunayan?… ANDI at PHILMAR, isinapubliko ang sabay nilang pagpapa-tattoo

Posted on: February 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAGKASABAY ngang nagpa-tattoo sa kanilang mga braso sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos magkaroon ng isyu tungkol sa panloloko.
Makikita ito sa in-upload na video sa Instagram page ng Island Tattoo Piercing Studio sa isla ng Siargao kung saan naka-base sina Andi at Philmar.
Kasama rin sa tattoo studio ang kanilang mga anak na sina Lilo at Koa.
Caption ng IG post, “Another tattoo sessions with the power couple @andieigengirl & @chepoxz we couldn’t be more stoked to have them back together with Lilo & Koa.”
Hindi lang sure kung “couple tattoo” ang ipinagawa nina Andi at Philmar dahil hindi ito ipinakita sa video.
Matatandaan na ibinulgar ni Andi ang parehong tattoo ni Philmar sa kaibigan nitong lady photogapher na si Pernilla Sjoö sa kanilang mga braso ng “224”, na ang ibig sabihin ay “today, tomorrow, forever.”
At dahil dito nakatanggap ng matinding pamba-bash si Pernilla sa netizens at sobrang naapektuhan, na dumating sa punto na ayaw nang lumabas ng bahay.
Ang maganda lang ay agad naayos ni Philmar ang problema nila ni Andi at pumayag naman ang dating aktres na makipagbalikan at kalimutan na ang mga nangyari.
Komento naman ng ilang netizens tungkol dito…
“Anyareh, ano nais patunayan? #Mentalhealth
“Sana sa pagpapa-tattoo nila ang maging way na maging secured and faithful silang 2 sa isa’t isa 🙂 Para sa mga anak at sa future nila.
“Naiinggit lang pala sa tattoo ni hub wid his friend. Gulo nyo. Wahaha.
“Ayun naman pla gusto din ni andi ng ink sana pala nagsabay sabay na slang tatlo.
“O ayan next time wag nang nagkalat sa socmed, mapa tattoo na lang ha?.
“Andi is the typical paranoid and insecure gf. Passive aggressive. Smh.
“Hahaha patawa naman mga ito! Very immature at talagang dapat may tattoo din sila together.
“Binulabog ni Andi ang mundo ng mga marites, gusto lang rin pala nya na may tattoo din sila ni Philmar. Hay tinuod.
“dali lang pala patahanin nito ni achi andie ko.
“Kung nung umpisa palang nagpa tattoo na silang dalawa wala sana naging problema. Hahaha.
  1. “Nawalan na talaga ng class si Andi, and yet so far from her “dream” of being simple.
  2. “Naloka ako kay Andie, ok lang ba sya?
(ROHN ROMULO)