• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:15 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 27th, 2025

3 wanted persons, nadakma sa Valenzuela

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TATLONG wanted persons, kabilang ang isang most wanted ang arestado sa magkahiwalay na manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Dakong alas-9:15 ng Martes ng umaga nang dakpin ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban si alyas “Robert”, 48, ng Northville 1, Brgy. Bignay sa kahabaan ng Mc-Arthur Hi-way, Karuhatan.

Inaresto siya ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Attempted Homicide na inisyu ng Valenzuela City Regional Trial Court RTC) Branch 172, noong November 26, 2024 na may inirekomendang piyansa na P2,500.00.

Ani Col. Cayaban, alas-4:45 ng Lunes ng hapon nang arestuhin din ng mga tauhan ng WSS sa pangunguna ni P/Lt. Jaime Abarientos Jr si alyas ‘Nato”, 34, ng Brgy. Canumay East na nakapiit sa loob ng Bureau of Jail Management and Penology Valenzuela City Jail sa hindi nabanggit na kaso.

Isinilbi kay alyas Nato na kabilang sa mga MWP sa lungsod ang warrant of arrest para sa kasong Acts Lasciviousness under Art. 336 of the RPC in rel. to sec. 5(b) of R.A. 7610 na inisyu ng Valenzuela City RTC Branch 172, noong February 20, 2025 na may inirekomendang piyansa na P180,000.

Ala-una ng madaling araw nang dakpin din ng mga tauhan ni Lt. Abarientos si alyas “Joseph”, 23, construction worker, sa Serano St. Brgy. Marulas sa bisa ng ng warrant of arrest na inisyu rin ng Valenzuela RTC Branch 172 noong February 20, 2025 para sa paglabag sa Section 5 (a) ng RA 9262 na may inirekomendang piyansa na P2,000.

Binati ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District (NPD) ang mga tauhan ni Col. Cayaban sa kanilang dedikasyon at mabilis na aksyon sa pagtataguyod ng batas at kaayusan. (Richard Mesa)