• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:17 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 27th, 2025

Malabon LGU, hinimok ang 21 barangay na makiisa sa cleanest competition kontra dengue

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIMOK ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon ang 21 barangay ng lungsod na lumahok sa Search for the Cleanest and Greenest Barangay Competition 2025 bilang bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na labanan ang pagkalat ng dengue sa lungsod.

·        `        “Kaligtasan at kalusugan ang prayoridad natin sa lungsod dahil kailangan ito sa patuloy nating pag-unlad. Kaya naman hinihikayat natin ang bawat barangay sa lungsod na lumahok sa ating Search for the Cleanest and Greenest Barangay upang ating mapanatili ang kalusugan ng bawat isa at mapigilan ang pagkalat ng dengue. Ating ipakita, ipamalas ang pagkakaisa bilang mga Malabueño at panatilihin malinis, maaliwalas, at maayos ang ating kapaligiran,” ani Mayor Jeannie Sandoval.

·        Ipinaliwanag ni City Environment and Natural Resources Office (CENRO) OIC Mr. Mark Mesina. na ang kumpetisyon ay naglalayong ipakita ang pinakamahusay na kasanayan sa pamamahala ng basura, koleksyon, operasyon ng Materials Recovery Facilities (MRF), at ang paglilinis ng mga bangketa at kalsada mula sa mga sagabal.

·        Layunin nito na magtatag ng matibay na pakikipagtulungan sa mga barangay, bumuo ng benchmarking data, kilalanin at gantimpalaan ang mga epektibong nagpapatupad ng Ecological Solid Waste Management, hikayatin ang mga residente na pangalagaan ang kanilang mga komunidad, at pagyamanin ang positibong relasyon sa pagitan ng pamahalaang lungsod, mga barangay, at mga residente.

·        Ani Mesina, ang kompetisyon ay ilulunsad sa unang linggo ng Marso kung saan ang mga kalahok ay sasailalim sa parehong iskedyul at sorpresang monitoring, pagsusuri, at deliberasyon ng kanilang mga solid waste management practices, accomplishment reports, at kalinisan at kaayusan ng kanilang mga komunidad mula Abril hanggang Nobyembre.

·        Ang mga nanalong barangay ay kikilalanin sa Disyembre at tatanggap ng cash prize: P1,000,000 para sa grand winner, P500,000 para sa unang pwesto, P250,000 para sa pangalawang pwesto, P150,000 para sa ikatlong pwesto, at P50,000 para sa ikaapat na pwesto.

·        Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit ng City Health Department, may 264 kaso ng dengue ang naitala sa Malabon noong Pebrero 24, 2025.

·        Sinabi naman ni Mesina na patuloy ang isinasagawang synchronized clean-up drive ng mga tauhan ng city hall tuwing Biyernes, paglilinis sa mga estiro at declogging operations upang matiyak ang maayos na daloy ng drainage at maiwasan ang pagdami ng mga lamok sa stagnant water.

·        “Sa pagpapatuloy natin ng pagsasagawa ng mga programa kontra dengue, nais nating maiparating sa ating kapwa Malabueño na maging concerned sa ating kapaligiran at kalikasan. Maaaring naririto nga ang pamahalaang lungsod at handang tumulong at magsagawa ng mga programa, ngunit ang pagpapanatili ng kaayusan at kalinisan ng bawat komunidad ay magsisimula pa rin sa bawat residente,”. pahayag ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

Mastermind sa likod ng P2.7B shabu shipment mula at iba pang drug smuggling cases na dumaan sa Port of Manila, busisiin

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MASUSING pinabubusisi ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa Department of Justice (DOJ) ang mastermind sa likod ng P2.7-billion shabu shipment mula Karachi, Pakistan, na naharang sa Manila nitong nakalipas na Enero.

“We urge the DOJ to strengthen its pursuit of the real masterminds behind this recent drug smuggling operation, as well as all previous shabu consignments that have entered through the Port of Manila,” pahayag ni Libanan sa isang statement.

Sinabi nito na ang patuloy na smuggling ng shabu sa Port of Manila ay nagpapakita na nananatili pa ring nakakakilos na malaya ang nasa likod nito.

“These individuals must be identified, exposed, apprehended, and prosecuted to the fullest extent of the law,” dagdag ng mambabatas.

Noong Enero 23, naharang ng joint task force na binubuo ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa 405 kilo ng methamphetamine hydrochloride (shabu) sa Port of Manila. Nakatago ito sa loob ng shipment ng vermicelli at custards.

Ang operasyon ay inilunsad matapot makatanggap ang NBI ng intelligence mula sa foreign counterpart nito kaugnay sa naturang parating na shipment mula Karachi.

Matapos makumpiska, hinuli at kinasuhan ng DOJ ang cargo consignee, dalawang customs brokers, at dalawang top executives ng freight forwarding company na siyang responsable sa handling ng shipment.

Nanawagan din si Libanan na magsagawa ng mas agresibong hakbang para mabuwag ang drug smuggling networks.

(Vina de Guzman)

GSIS net operations income, tumaas, assets pumalo sa P1.83 trillion

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INIULAT ng Government Service Insurance System (GSIS) na may 21% ang itinaas sa net income mula sa operasyon noong 2024, umabot ng P135.7 billion kumpara sa P112.1 billion noong 2023.

 

 

Nangangahulugan ito na tumaas ang kabuuang assets ng GSIS ng 9.23% sa P1.83 trillion.

Sinabi ng GSIS na ang kabuuang income ay tumaas ng 10.29% year-on-year ng P326.86 billion, sinasabing dahil sa malakas na investment returns at insurance operations.

Iniulat ng ahensiya na P13.27 billion income mula sa foreign exchange ang naidagdag, P11.24 billion mula sa global private equity investments na pinangasiwaan ng external fund managers, at P3.09 billion mula local equity investments.

 

 

Winika ni GSIS President at General Manager Wick Veloso na ang bulto o 70% ng kanilang portfolio ay namuhunan sa government securities at iba pang fixed-income instruments; habang ang balanse na 30% ay inilagay naman sa higher-yielding investments, kabilang na ang ‘equities, real estate, at iba pang investment vehicles.’

“This balanced approach ensures both stability and growth, supporting our fund life, which extends until 2058,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, tumaas naman ang financial assets ng GSIS ng P101.60 billion, habang ang cash at cash equivalents ay lumago naman ng P30.54 billion. ang kabuuang loans sa mga miyembro ay lumawig ng P370.65 billion.

Nakamit din nito ang 98.6% loan collection efficiency sa third quarter ng 2024.

Nakapagtala naman ang insurance business ng malakas na resulta na may gross premiums na umabot sa P10.6 billion, lampas sa P8.5 billion target.

 

 

Bilang resulta, nananatili naman ang GSIS bilang ‘largest state insurer’ na may net worth na P62 billion. (Daris Jose)

‘Awkward’ para boluntaryong magpatawag ng special session for impeachment- Malakanyang

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PARA sa Malakanyang, “awkward” kung boluntaryong magpapatawag si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng special session para mapabilis lang ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Sa Palace press briefing, sinabi ni Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na wala pang ‘request’ para sa isang special congressional session para kagyat na masimulan ang impeachment proceedings laban kay VP Sara.

 

 

“So, it is better for the Senate to request the President, considering that even the President made this pronouncement that if the Senate will ask him to call for a special session, he will do so,” ang sinabi ni Castro.

“Kung papansinin niyo po ang Constitution, the President may call [a] special session anytime,” aniya pa rin.

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Castro na mayroong “gray area” sa Saligang Batas, kung ang impeachment proceedings ay magsisimula sa panahon ng recess ng Kongreso.

 

 

Aniya, maaari namang magpatawag ng session si Pangulong impeachment trial “anytime without any condition.”

“If you will look and read the provisions of the Constitution, you will see po, ‘to forthwith proceed’ pero wala pong makikitang time element. Is it to forthwith proceed even during recess? Because they can proceed definitely, if there is session. There’s no question about that. But to proceed during recess, may gray area po iyan sa Constitution,” ang winika ni Castro.

 

 

“So, with that, hindi lang po ito (special session) limitado sa kung may urgency patungkol sa bill or legislation. But we believe it includes also the impeachment trial,” dagdag na pahayag ni Castro.

 

Sa ulat, na-impeach Mababang Kapulungan ng Kogreso si VP Sara matapos suportahan ng mahigit 200 mambabatas ang ikaapat na impeachment complaint laban sa kanya.

Humigit pa sa kinakailangan bilang ng mga kongresista ang lumagda sa 4th impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte, ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco.

Nasa 215 mambabatas o mahigit two-thirds ng House’s 306 members ang sumuporta sa resolusyon na ipapasa naman sa Senado na alinsunod sa batas, ang siyang magsasagawa ng paglilitis.

Ayon sa ulat, nasa pito ang articles of impeachment sa naturang complaint na magiging basehan ng mga senador sa isasagawa nilang mga pagdinig upang malaman kung matibay ang mga ebidensya para tuluyang patalsikin sa puwesto bilang bise presidente o hindi si VP Sara. (Daris Jose)

Dizon, hiniling sa mga incumbent DOTr usec, asec, directors na magbitiw sa puwesto

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISANG malawakang balasahan ang nagbabadyang maganap sa Department of Transportation (DOTr) matapos hilingin ni (DOTr) Secretary Vince Dizon sa lahat ng mga incumbent officials ng departamento na magsumite ng kanilang courtesy resignations.

 

Sa isang memorandum na may petsang Pebrero 24, 2025, ipinag-utos Dizon sa mga incumbent undersecretaries, assistant secretaries, at directors na magsumite ng kanilang resignation letter ng hindi lalampas sa araw ng Miyerkules, Pebrero 26, 2025.

 

 

Ipinalabas ang direktiba upang mabigyan ang Kalihim ng “free hand to perform the mandate given to him by the President.”

 

 

Nauna rito, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Dizon bilang bagong Kalihim ng DOTr.

 

 

Papalitan ni Dizon si DOTr Secretary Jaime Bautista na nagbitiw sa pwesto dahil sa isyu sa kalusugan.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na epektibo sa Pebrero 21, 2025 ang panunungkulan ni Dizon.

 

 

Si Dizon ay dating presidente ng Bases and Conversion Development Authority (BCDA) at COVID-19 presidential adviser.

 

 

“He is already authorized by the Office of the President to start the transition at the DOTr in coordination with the team of Secretary Jaime Bautista, who has resigned due to health reasons,” sinabi ni Bersamin sa text message sa mga mamamahayag.

 

 

Pinasalamatan naman ni Bautista si Pangulong Marcos dahil sa binigay na oportunidad sa kanya na makapagtrabaho sa gobyerno. (Daris Jose)

EDSA PEOPLE POWER, may kaakibat na malaking responsibilidad

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINIGYAN-DIIN  ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang malaking responsibilidad na kaakibat ng kalayaan at demokrasya na natamo ng bansa matapos ang EDSA People Power Revolution noong 1986.

 

Sinabi ni CBCP-Episcopal Commission on Youth chairman at Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon, ang kalayaang tinatamasa ng Pilipinas ngayon ay hindi lamang isang biyaya kundi isang hamon para sa bawat Pilipino na ipagpatuloy ang laban para sa demokrasya na ipinaglaban mahigit apat na dekada na ang nakalipas.

 

Pagbabahagi ng Obispo, ang paggunita sa ika-39 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ay isang paalala para sa lahat na patuloy na protektahan at pahalagahan ang kalayaang tinatamasa ng bansa sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kabutihan, pagkakapantay-pantay, at katarungang panlipunan.

 

Paliwanag  pa niya na  mahalaga ang patuloy na pagpapamalas ng malasakit at pagmamahal sa bayan. Umaasa rin ang Arsobispo na hindi mananaig ang kawalan ng pakialam ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa lipunan.

 

Giit niya, maraming paraan upang maipakita ang pagmamahal sa bayan—kabilang na ang aktibong pakikilahok sa mga usaping pangkomunidad at iba pang gawain para sa ikabubuti ng bansa, tulad ng pagboto sa mga karapat-dapat na opisyal ng pamahalaan. (Gene Adsuara)

Plataporma at hindi paninira, hamon ng mambabatas sa mga nangungulelat sa senatorial candidates

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PLATAPORMA at hindi paninira, ito ang hamon ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V (La Union) sa mga ‘nangungulelat’ na senatorial candidates na gumagamit sa mga kontrobersiya at pag-atake sa administrasyong Marcos para makakuha ng media mileage.

 

“Plataporma kaya ilatag nila at hindi paninira? Tingnan natin baka umangat ng konti sa survey mas maganda. Kasi ang tao naghahanap ng resulta ‘yan, naghahanap ng magandang plataporma yan. Yung iba, yung mga pambibira sa Presidente, sa House of Representatives, sila yung mga number 50, number 40. Kumbaga sinasakyan nila ‘yung kasikatan ng Presidente saka ng nagagawa niya,” ani Ortega.

 

Giit nito, ang pagiging lider ay ukol sa pagbibigay ng solusyon at hindi pag-iingay lamang kapat nalalapit na ang eleksyon.

 

“Parang wala lang, sumasakay sila, naninira sila, hindi naman sila umaangat sa survey. Feeling ko nga pag tumakbo ako baka mas mataas pa ako sa kanila. Feeling ko mas sıkat ako ng konti sa kanila,” dagdag nito.

 

Inakusahan pa nito ang ilang kandidato a gumagamit ng smear tactics a alip na magpresenta ng kongkretong programa na mabebenipisyuhan ang sambayanan.

 

“Sasakyan natin ito para sumikat tayo. Ang problema, puro paninira,” aniya. (Vina de Guzman)

Mga kandidatong may asosasyon sa POGO, huwag iboto

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ni House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio Jr. ng Manila ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidato sa halalan sa Mayo na may kaugnayan sa ipinagbawal na Philippine offshore gambling operators (POGOs).

 

“Ang problema natin naman ngayon na hinaharap natin, same individuals involved in illegal gambling in POGOs. They’re trying to get in government. If you would see, ang daming tumatakbo. Gusto makapasok sa pamahalaan para proteksyunan na naman ‘yung mga illegal na gawain nila,” ani Dionisio.

 

Kung kaya pinapurihan at pinasalamatan nito si Pangulong Marcos sa ginawa nitong pagba-banned sa POGO ngunit dapat aniyang tulungan ng mga botante ang presidente na huwag hayaang mapasok sa pamahalaan ang mga ito.

 

Naniniwala ang mambabatas na ang naging desisyon ni Marcos na i-ban ang POGO ang isa sa dahilan kung bakit natanggal ang bansa sa money laundering watchlist ng Financial Action Task Force (FATF). (Vina de Guzman)

Ginang na wanted sa droga sa Caloocan, tiklo

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

LAGLAG sa selda ang isang top most wanted drug offender matapos maaresto ng pulisya sa manhunt operation sa Caloocan City.

Ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang pagtugis sa 46-anyos na ginang na nakatala bilang Top 9 ‘Most Wanted Person’ sa lungsod.

Dakong alas-11:45 ng gabi nang madakip ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Caloocan police ang akusado na residente ng lungsod sa Samson Road, Barangay 80.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa paglabag sa Section 11 ng Article II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na inisyu ni Presiding Judge Rodrigo Flores Pascua Jr., Caloocan City RTC Branch 122.

Ayon kay Col. Canalas, may inirekomendang piyansa ang korte na P200,000 para sa pansamantalang paglaya ng akusado.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa IDMS-WSS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Pinuri ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District (NPD) ang Caloocan City Police Station sa kanilang dedikasyon at pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad. (Richard Mesa)

Move it driver, kasabwat laglag sa P680K shabu sa Caloocan

Posted on: February 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NASAMSAM sa isang move it driver na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) at kanyang kasabwat na bebot ang halos P.7 milyong halaga shabu nang maaresto ng pulisya sa buy bust operation sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang naarestong mga suspek na sina alyas “John”, 26, at alyas “Claris”, 36, office staff, kapwa residente ng Brgy. Potrero, Malabon City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Canals na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Uni (SDEU) ang buy bust operation nang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa pagtutulak umano ng droga ni alyas John.

Dakong alas-4:03 ng madaling araw nang arestuhin ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt. Restie Mables ang mga suspek nang magsabwatan umano na bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Reparo Road, Brgy. 149, Bagong Barrio.

Ayon kay Col. Canals, nakuha sa mga suspek ang nasa 100 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P680,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at limang P1,000 boodle money, dalawang cellphones, sling bag at P200 cash.

Kasong paglabag sa Sections 5, 11, at 26 sa ilalim ng Article II ng R.A. 9165 “Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002” ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Pinapurihan ni Col. Ligan, ang Caloocan police sa kanilang walang humpay na pagsisikap at estratehikong pagpapatupad ng operasyon sa paglaban sa iligal na droga.. (Richard Mesa)