Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
As they try to fool high society, their scheme turns into a rollercoaster of hilarious twists, unexpected challenges, and heartwarming realizations. But will their love survive the pressure of keeping up the act?
A Fresh & Fun Storyline – A mix of romance, humor, and social satire that will keep you entertained from start to finish.
Powerhouse Performances – Maris Racal and Anthony Jennings bring charm and authenticity to their roles as Penelope and Keifer.
First ABS-CBN x Netflix Original – A landmark project that sets the stage for more exciting Filipino content on the global platform.
MALUGOD na tinanggap ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang pagbisita ng mga kinatawan ng Disney Southeast Asia (SEA) nitong Pebrero 18.
Ang pagdating ng Disney SEA ay nagsilbing daan para mas pagtibayin pa ang mga hakbang ng Ahensiya at ng Disney tungo sa pagsusulong ng angkop at ligtas na mga palabas.
Kasama ni Sotto-Antonio sina Vice Chairperson Atty. Paulino Cases, Jr., Executive Director II Roberto Diciembre, at MTRCB Legal Affairs Division Chief, Anna Farinah Mindalano.
Ang delegasyon ng Disney SEA ay binubuo nina Shruti Mehta at Vineet Puri, at Disney Worldwide Vice President for Government Relations Joe Welch.
“Bilang Ahensiya na nagsusulong ng responsableng panonood, hangad ng MTRCB na bigyan ang pamilyang Pilipino ng sapat na kaalaman sa rensponsableng paggamit ng media,” sabi ni Sotto-Antonio. “Maraming salamat sa Disney sa patuloy nilang pakikipagtulungan sa atin para makapaghatid ng mas ligtas at nakakaaliw na panoorin para sa mga bata.”
Inilatag din ng Disney SEA ang kanilang pinakabagong parental control tools para tulungan ang mga magulang na mapamahalaan ang oras ng paggamit ng media ng kanilang mga anak.
Ang patuloy na kolaborasyon ng MTRCB at Disney ay patunay sa dedikasyon bg Board na maproteksyunan at maibigay sa pamilyang Pilipino ang ligtas na mga palabas tungo sa isang responsableng panonood.
(ROHN ROMULO)
MUKHANG lumaki ang chance ni Demi Moore na manalo ng kanyang first Oscar award after niyang manalo bilang best actress sa Screen Actors Guild (SAG) Awards.
Nanalo din ang 61-year old Hollywood veteran ng Golden Globe at Critics Choice Award para sa pelikulang ‘The Substance.’
Gulat si Demi nang tawagin ang name niya dahil mahuhusay ang lahat ng mga nakalaban niya sa best actress category.
“This is extraordinary and so deeply meaningful. I was thinking about this night and I realized I hadn’t thought back to when I got my membership to this incredible organization. It was in 1978. I was 15, almost 16. It changed my life because it gave me meaning.
“It gave me purpose. It gave direction. I was a kid on my own who had no blueprint for life. I knew nothing about acting, but I watched and I listened and I learned from all of you. You have all been my greatest teachers.,” sey ni Demi sa kanyang acceptance speech.
Si Timothee Chalamet naman ang nagwagi bilang SAG Best Actor for ‘A Complete Unknown’ na tungkol sa buhay ng American singer-songwriter na si Bob Dylan.
“The truth is, I’m really in pursuit of greatness. I know people don’t usually talk like that. I want to be one of the greats. I’m inspired by the greats, inspired by the greats here tonight. “I’m as inspired by Daniel Day-Lewis, Marlon Brando and Viola Davis as I am by Michael Jordan, Michael Phelps — and I want to be up there. So I’m deeply grateful. This doesn’t signify that. It’s a little more fuel. It’s a little more ammo to keep going,” sey ng aktor.
Ang iba pang SAG winners ay sina Kieran Culkin, Zoe Saldana, Colin Farrell, Jennifer Gunning, Martin Short, Jean Smart, Hiroyuki Sanada, Anna Sawai, ‘Only Murders in the Building’ at ‘Shogun’.
Si Jane Fonda ang recipient ng SAG Life Achievement Award.
(RUEL J. MENDOZA)
NAGKAINITAN ang ginanap na presscon ng boksingerong sina Chris Eubank Jr at Conor Benn.
Sa ginanap na press con sa Manchester ay bigla na lamang pinalo ni Eubank si Benn ng itlog habang sila ay magkaharap.
Ang nasabing laban ay naisagawa na sana noong 2022 subalit lumabas na nagpositibo ang 28-anyos na si Benn ng ipinagbabawal ng substance na clomifenekaya ito ay pinatawan ng ban.
Taong 2023 ng ilabas ng WBC ang finding at lumabas na dahil sa labis na pagkain ni Benn ng itlog ang dahilan.
Gaganapin ang paghaharap nina Benn at 35-anyos na si Eubank Jr sa darating na Abril 26 sa Tottenham Hotspur Stadium.
Mayroong 32 panalo, dalawang talo na 23 knockouts si Eubank Jr habang si Benn ay mayroong 20 panalo, walang talo at 13 knockouts.
Noong 1990 ng magkaharap ang kanilang mga ama na sina Chris Eubank Sr at Nigel Benn.
Nagwagi si Eubank Sr noong 1990 habang naging draw ang ikalawang laban nila noong 1993.
NAKATUON ngayon si Pinoy figure skating star Michael Martinez sa pagtuturo ng mga susunod na henerasyon na skaters.
Sinabi nito na kasama niya sina American Olympic figure skaters at U.S. Figure Skating Hall of Fame recipients Maia at Alex Shibutani na nagtuturo ng mga interesado sa nasabing sports.
Masaya ito dahil sa pamamahagi ng kaniyang mga nalalaman at pagtuturo sa ilang mga interesado sa nasabing sports.
Naniniwala ito na kaya ng Pilipinas na mamayagpag sa mga winter sports.
Huling sumabak si Martinez sa 2018 sa Winter Olympics na ginanap sa Pyeongchang, South Korea.
SUSURIING mabuti ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng kanyang gabinete sa gitna ng kumakalat na tsismis na may nakaambang na malawakang balasahan sa gabinete ng Chief Executive.
“Every time kailangan namang mag-evaluate ng Pangulo eh kung ang kaniyang secretaries, Cabinet members are doing well for the government, for the people,” ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.
“Pero as of now, wala pa po talaga,” dagdag na wika nito.
Sinagot naman ni Castro ang espekulasyon na magbibitiw na sa puwesto sina Presidential Security Command (PSC) Maj. Gen. Jesus Nelson Morales at Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy.
Binigyang diin ni Castro na hanggang ngayon ay wala pa namang personal na pagbabago.
Sa kabilang dako, posibleng magkaroon din ng potensiyal na pagbabago sa PCO sa ilalim ng liderato ni Secretary Jay Ruiz, na kamakailan lamang ay nanumpa para sa kanyang bagong tungkulin sa harap mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kinumpirma ni Castro na maging si Ruiz ay nagpahiwatig na may pagbabagong magaganap sa Palace media office.
“Sinabi niya po talaga na magkakaroon ng pagbabago at maaaring may ma-retain, maaaring may mawala. So, hintayin po natin kung ano iyong magiging order ni Secretary Jay Ruiz,” ang pahayag ni Castro. (Daris Jose)
SUPORTADO ng Malakanyang ang paghahain ng batas na magpaparusa sa mga taong nagpapakalat ng pekeng impormasyon.
“Siguro naman kahit po hindi Palasyo ang tanungin natin, gugustuhin po talaga natin na ma-ban ang fake news,” ang sinabi ni Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro sa Palace press briefing.
Sa katunayan, ang suhestiyon pa nga ni Castro ay iparehistro ang “all content creators” para matigil ang paglaganap ng misinformation at disinformation.
Gayunman, kailangan aniyang pag-aralang mabuti ng mga mambabatas ang ‘full scope’ ng fake news, lalo na ang depinidong kahulugan nito.
“We have to define first that there will be a law, if they will make such law, they have to define what’s fake news and what’s the limitation, how they can gauge that those statements will be considered as fake news,” ani Castro.
Samantala, ang PCO, sa ilalim ng pamumuno ni Jay Ruiz, ay nakatuon para paigtingin ang laban sa fake news sa social media.
Ani Castro, babalewalain lang kasi ng kasalukuyang administrasyon ang mga pahayag mula sa political rivals nito.
Itinanggi ni Castro na tila sinusulsulan pa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang “negative campaigning” sa gitna ng mudslinging o paninirang-puri ng partido ng oposisyon.
“Unang-una po, ang sasagutin lang natin ay ‘yung mga intriga na may sense. Kung wala naman, I mean, walang meaning, walang sense, hindi po natin ito sasagutin, okay,” ang sinabi ni Castro.
“At patungkol po kung sa nauna ang Pangulo sa pagbabatikos, it’s just part of the campaign propaganda and wala naman po siyang pinatungkulan kung sino. Marami pong kandidato. Ang nagtataka lang po ulit tayo kung bakit nag-aray, hindi naman sila iyong pinatutungkulan,” dagdag na wika nito.
Samantala, pinayuhan naman ni Castro ang mga tatakbo sa midterm elections na tiyakin na kuwalipikado sila sa tinatarget nilang posisyon dahil pag-aaksaya lamang ng oras at public funds kung ang mga mananalo sa eleksyon ay pawang mga “newbies” sa pulitika. (Daris Jose)