NAKIISA ang Pilipinas at si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa natitirang bahagi ng mundo sa pagdarasal para sa paggaling at malakas na pangangatawan ni Pope Francis.
Nagpahayag ng kalungkutan si Pangulong Marcos sa kondisyon ni Pope Francis, na patuloy na nakikipaglaban sa pneumonia sa pareho nitong baga.
”Nakakalungkot na marinig ang malubhang karamdaman ni Pope Francis. Sa mga sandaling ito, kaisa tayo ng buong mundo sa panalangin para sa kanyang kalakasan at paggaling,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
”Nawa’y patuloy siyang patnubayan at palakasin ng Panginoon upang magpatuloy sa kanyang misyon ng pananampalataya at pagmamahal sa sangkatauhan,” dagdag na wika nito.
Sa ulat, patuloy na umaapela ng panalangin ang maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para kay Pope Francis matapos kumpirmahin ng Vatican na lumala ang kalagayan ng kalusugan nito, at ngayon ay nasa kritikal na kondisyon dahil sa sakit na pneumonia.
“Let us continue to pray for Pope Francis,” apela pa ng CBCP sa kanilang Facebook post.
Sa naturang paskil, ibinahagi rin naman ng CBCP ang pinakahuling update sa kalusugan ng Santo Papa, na inisyu ng Holy See Press Office dakong alas-7:07 ng gabi ng Sabado, Pebrero 22, oras sa Roma.
Ayon sa Vatican, patuloy na nasa kritikal na lagay ang Santo Papa at nakaranas pa ng asthma-like respiratory crisis na may prolonged intensity, at nangangailangan ng pagkakaloob ng high-flow ng oxygen.
Kinailangan din umanong isailalim siya sa blood transfusions matapos na makitaan sa kanyang blood tests ng thrombocytopenia, na dulot ng anemia.
Matatandaang Pebrero 14 nang i-confine sa Gemelli hospital sa Roma si Pope Francis dahil sa sakit na bronchitis ngunit malaunan ay nadiskubreng may pneumonia na ito sa magkabilang baga.
(Daris Jose)
ISANG welcome development ang pagpapaliban sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) dahil mabibigyan ng sapat na oras ang gobyerno nito para tugunan ang itinuturing na ‘pressing legal concerns’ ukol sa hindi pagkakasama ng Sulu sa BARMM.
KINOKONSIDERA ng Pilipinas na umangkat ng liquefied natural gas (LNG) mula Alaska kasabay ng pagtatakda ng Trump administration na muling buhayin at pasiglahin ang long-delayed USD44 billion gas pipeline project.
DUMATING sa Palasyo ng Malakanyang si Palau President Surangel Whipps Jr., araw ng Lunes, Pebrero 24, para sa bilateral meeting kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
TATLONG MOU ang pinirmahan ng Pilipinas at Palau kasabay ng Official visit sa bansa ni Palau President Surangel Whipps Jr.