TINAMBAKAN ng Golden State Warriors ang Dallas Mavericks ng 24 big points, sa tulong ng 30-point performance ni NBA superstar Stephen Curry.
Hindi pinaporma ng GS ang Dallas kung saan sa unang quarter pa lamang ang nagbuhos na ang koponan ng 33 points kontra sa 18 points ng Mavs.
Lalo pa itong tumaas hanggang sa naabot ang 25-point deficit sa pagtatapos ng 3rd quarter. Dahil dito, pinagpahinga na ng Warriors ang mga superstar nito sa 4th quarter.
Sa loob ng 29 mins na paglalaro ay nagawa ni Curry na magpasok ng 30 points at magbulsa ng pitong assists habang 18 points naman ang ambag ng bagong Warriors forward na si Jimmy Butler.
Gumawa naman ng career-high na 13 rebounds ang sophomore na si Brandin Podziemski, kasama ang 17 points sa loob ng 30 mins na kaniyang paglalaro.
Walang nagawa ang tandem nina Kyrie Irving at Klay Thompson para pigilan ang Warriors na kumamada ng kabuuang 47 shots mula sa 98 na pinakawalan.
Sa depensa ng Warriors, gumawa ito ng sampung steal at walong blocks habang binabantayan ang paint area kung saan kumamada ang koponan ng 60 points sa ilalim nito.
Tanging 46 points ang naibulsa ng Mavs sa ilalim nito.
Kapwa hawak ng koponan ang 27 na pagkatalo ngayong season at nag-aagawan sa ika-walong pwesto sa Western Conference.
Sunod na makakaharap ng Warriors ang Charlotte Hornets habang ang Los Angeles Lakers naman ang makakatapat ng Mavs. Kapwa nakatakda ang mga ito sa Pebrero-26.
NAGTAPOS na ang winning streak ni Filipino road warrior Mark “Machete” Bernaldez matapos matalo sa pamamagitan ng fourth-round knockout kay unbeaten American prospect Cain Sandoval noong Sabado, Pebrero 22, sa Chumash Casino sa Santa Ynez, California.
LOOKING forward ang gobyerno ng Pilipinas para pag-usapan ang mga hakbang sa Palau upang itaas ang labor agreements sa pagitan ng dalawang bansa.
HINIKAYAT ng Makabayan bloc si Presidente Bongbong Marcos na agad magpatawag ng special session ang Kongreso para sa senado na mag-convene bilang impeachment court para sa pagdinig ng reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.
NAGLABAS ang Commission on Elections (Comelec) ng guidelines kaugnay sa pagsasagawa ng poll debate sa telebisyon at radyo para matiyak ang pagiging patas at neutralidad.
SUMAILALIM na sa inquest proceedings sa Department of Justice noong Pebrero 24 ang mga naarestong dayuhan sa pagsalakay sa offshore gaming operations sa ATI Building sa tapat ng PITX Terminal sa Paranaque City, ayon sa Presidential Anti-Organized Crime Commission.
NALAMBAT ng mga operatiba ng Northern Police District – District Special Operations Unit (NPD-DSOU) ang 35-anyos na bebot na wanted sa droga matapos ang ikinasang manhunt operation sa Navotas City.
KALABOSO ang 22-anyos na part-time worker ng isang bodega ng iba’t-ibang produkto nang kanyang tangayin sa tanggapan nito ang mga gadgets sa Valenzuela City.
LAGLAG sa selda ang isang tulak ng droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) nang makuhanan ng mahigit P2.1 milyong halaga ng shabu sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.
INIHAYAG ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PBGen. Anthony Aberin na ipupuwesto at pamumunuan na ng mga ‘Aleng Pulis’ ang ilan sa mga pangunahing posisyon sa organisasyon.