• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 6:31 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 24th, 2025

DA, aprubado ang 25,000 MT ng fish, seafood imports

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAHINTULUTAN ng Department of Agriculture (DA) ang importasyon ng 25,000 metric tons (MT) ng iba’t ibang frozen fish at seafood sa susunod na tatlong buwan upang maiwasan ang anumang potensiyal na pagsirit ng presyo lalo na sa food service industry.

 

 

Sa katunayan, nilagdaan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang Memorandum Order No. 12 binalangkas ang guidelines para sa pag-aangkat ng 40 na isda at fishery o aquatic products mula March 1 hanggang May 30, 2025.

“This will also add variety in the market, especially for food service industry, since fish and marine species covered by this importation are mostly fish and marine products not caught locally,” ang sinabi ni Tiu Laurel sa isang kalatas, isang araw matapos ang paglagda sa memo.

 

 

“This should not affect local fishermen and should help in the ease of doing business,” ayon pa rin kay Tiu Laurel na hindi na nagbigay pa ng ibang detalye.

Kabilang naman sa food service industry ay ang restaurants, bars, fast food outlets, caterers at iba pang nagbebenta o nagsisilbi ng pagkain o inumin sa pangkalahatang publiko.

Ang ‘mga isda at seafood’ na saklaw ng DA memo ay ang Alaskan pollock, barramundi, bluefin tuna, capelin, Chilean Seabass, clams, cobia, cod/black cod, croaker, eel, emperor, fish meat, flounder, gindara, grouper, hake, halibut, hamachi, hoki at lobster.

Kabilang din ang marlin, moonfish, mussels (black, green-lipped, blue), mullet, octopus, oilfish, oyster, pangasius, red snapper, salmon, sardines, scallops, sea bream, silverfish/silver sillago, smelt, soft at hardshell crabs, squid, swordfish, tuna by-products at yellowtail sole.

Maglaaan ang ahensiya ng paunang 28 MT sa bawat each accredited o registered importer, habang ang natitirang dami ay ipamamahagi sa kuwalipikadong qualified importers sa first-come, first-served basis.

 

 

“The allocation for subsequent importations shall be based on the actual number of qualified importers who complied within the seven working days period,” ang nakasaad sa DA.

Hindi na tinukoy ng memo ang mga hakbang at kaparusahan upang matiyak na ang mga inangkat na marine products ay hindi makikipag-paligsahan sa local seafood industry, partikular na sa mga isda na ordinaryong natatagpuuan sa mga wet market.

 

 

Ang lahat ng sanitary and phytosanitary import clearances (SPSICs) na ipalalabas sa ilalim ng kautusan ay dapat na balido para sa 45 na araw mula sa issuance date.

Ang anumang hindi nagamit na SPSICs ay awtomatikong ituturing na kanselado at isinuko sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Ang mga imported fish o seafood ay dapat na nakalagay sa BFAR-accredited cold storage facilities.

 

 

Ito ay bukas sa mga importers na accredited para sa hindi bababa sa isang taon bago pa ipalabas ang kautusan at iyong nagpartisipa s mga naunang importasyon.

“Those with pending cases or under investigation for violating food safety or importation rules, incomplete documentary requirements or without Bureau of Customs accreditation at the start of the importation period are excluded,” ayon sa kautusan.

Sinabi naman ng DA, na ang policymaking body sa fisheries sector na nagtakda ang National Fisheries and Aquatic Resources Management Council ng import ceiling nito lamang huling bahagi ng nakaraang taon, naglalayon na tugunan ang inflation concerns at paghusayin ang alokasyon ng import volume para sa institutional buyers at wet markets. (Daris Jose)

DOH, Quezon City LGU sanib puwersa sa ayuda sa kalusugan ng mga residente

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGTULUNGAN ang ­Quezon City LGU at Department of Health (DOH) sa pagkakaloob ng libreng health at wellness assessment services para sa mga residente ng Barangay Loyola Heights sa pamamagitan ng programang PuroKalusugan bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Heart Month at National Cancer Awareness Month ngayong Pebrero.

Sa ilalim ng PuroKalusugan tinitiyak nitong ang bawat residente ay makakatanggap ng mahusay na healthcare services na kanilang kailangan.

Nakapaloob sa  Health risk assessments ang blood pressure (BP) monitoring, body mass index (BMI) calculation, fasting blood sugar (FBS) testing, cholesterol scree­ning, at persona­lized health check-ups na pangangasiwaan ng mga healthcare professionals.

Samantalang,libre ring ipinagkaloob ang  maternal health, early cancer screening  upang mai-promote ang isang komprehensibong approach para mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan.

“A healthier city starts with residents that are aware, educated, and have access to essential health services. Through programs like PuroKalusugan and our calorie labeling ordinance, we are empowering our citizens to make informed food choices that support a healthier lifestyle and their long-term well-being”sabi naman ni Mayor Joy Belmonte.

High-capacity mass transit, susi para resolbahin ang matinding daloy ng trapiko- Dizon

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KUMBINSIDO si Transportation Secretary Vivencio “Vince” Dizon na ang prayoridad ng pamahalaan na i-develop ang high-capacity mass transit systems—gaya ng Metro Manila Subway ay North-South Commuter Railway—ay solusyon para sa traffic congestion sa Kalakhang Maynila at kalapit lalawigan.

 

 

“The ultimate solution to traffic is really mass transit… high-capacity mass transit,” ayon kay Dizon sabay sabing “[Pag may] high capacity [mass transit], hindi na kailangan mag kotse. Kasi ang kotse, dalawa lang o apat ang kasya. [Kapag] high capacity, daan-daan ang kasya doon.”

Ibinahagi naman ni Dizon ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bilisan ang infrastructure projects gaya ng Metro Manila Subway.

 

 

“I spoke at length with the President about this, and the first thing he said, all these [high-capacity mass transit] projects have to be fast-tracked. Ang sinabi niya, unang-una, the ongoing [construction of the] Metro Manila Subway, kailangan bilisan. That is a game changer for all of us,” aniya pa rin.

Umaasa naman si Dizon para sa isang world-class subway system sa bansa.

“Ako talaga, [ang] wish ko lang [eh] na tayong lahat dito sa kwartong to at mga kababayan natin, in our lifetime, ma-experience natin may subway tayo sa Pilipinas na maayos, world class, like those in Tokyo, Hong Kong, Singapore. Iyon ang unang unang priority ng Presidente, kailangan bilisan ‘yan. Pangalawa, iyong North-South Commuter Railway,” ang sinabi ni Dizon.

Ikinalungkot naman ni Dizon ang pagkaantala ng infrastructure development sa bansa sa kabila ng pagiging una sa Asia na nakapagtayo ng light rapid transit system kasama ang Light Rail Transit (LRT) 1.

“It is very depressing na tayong unang-unang nagkaroon ng rail [system] sa Asia tapos ngayon, nagkukumahog tayo rito,” aniya pa rin.

 

 

Binigyang diin nito na madaliin ang pagkompleto sa subway, sabay sabing “[Kaya] itong subway, kailangan matapos nang mabilis. ‘Yun ang critical dyan. Pero, kung ang subway natin will take 15 years, eh, matagal naman masyado yun. [Dapat] bilisan natin.”

Binigyang diin naman ni Dizon ang epekto ng proyekto para pagaanin ang trapiko sa Metro Manila at mabawasan ang paghihirap ng araw-araw na pag-commute para sa mga mangggawa na bumi-biyahe mula sa mga kalapit-lalawigan.

 

 

“If we have the connectivity, if you live in Bulacan or Pampanga, you won’t even need to rent an apartment in Metro Manila because your travel time will just be at one hour for one way,” ang paliwanag ni Dizon.

Maliban sa mass transit, nais din aniya ng Pangulo na ayusin ang regional airports para palakasin ang turismo.

“Our regional airports… we need them to be well maintained, especially in tourist attractions like Siargao, Palawan. That is very important,” aniya pa rin.

Pag-alis ng Pilipinas sa FATF dirty money ‘grey list,’ pagkumpirma sa  global trust sa ekonomiya ng bansa.

Kasabay nito, pinapurihan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa tagumpay ni Presidente Bongbong Marcos na maalis ang Pilipinas mula sa  Paris-based Financial Action Task Force (FATF) dirty money grey list.

Ayon sa speaker, maganda rin ang epekto nito sa  overseas Filipino workers (OFWs) sa pamamagitan ng maayos, mabilis at episyenteng  remittance ng kanilang pera sa mababang fees

“By restoring our standing in the global financial community, we are removing burdensome restrictions, reducing transaction costs, and allowing financial flows to move more efficiently. This is particularly good news for our OFWs, whose hard-earned remittances will now be processed faster and with lower fees,” ani Romualdez.

Naisama ang Pilipinas sa FATF grey list noong June 2021 o sa panahon ng dating administrasyon.

“We in the House worked closely with the Executive Branch, the Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), the Anti-Money Laundering Council (AMLC), and other key institutions to pass and implement crucial financial measures that paved the way for this success,” pahayag ni Romualdez. (Vina de Guzman)

PBBM, nais na kumambiyo palayo mula sa car-centric system: Mass transit is key

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kumambiyo palayo mula sa transportation system na nakasentro sa pribadong sasakyan.

Inamin ni Department of Transportation (DOTr) chief Vivencio “Vince” Dizon na ang kasalukuyang transportation system sa bansa ay masyadong “car-centric.”

“Absolutely, it’s true. In the past the solution to traffic has always been building roads, the problem with building roads, building roads attracts more cars. That’s just how it is,” ayon kay Dizon.

 

 

“‘Build wider streets, and of course, buying cars is also a function of the development of our fellow countrymen, so we have to veer away from that and I think we are veering away from that and that is what the President wants,” aniya pa rin.

Ani Dizon, ang paglikha ng mga bagong lansangan ay hindi “ultimate solution,” kundi isang “high-capacity mass transit” at gagawin ang mga lungsod na mas kaaya-aya sa paglalakad.

 

 

“We just have to think out of the box and find ways—like the [Edsa Greenways] that’s one innovative way of helping our commuting public who want to walk,” ayon kay Dizon, tinukoy ang proyekto na inanunsyo noong 2024 na naglalayong gawing maayos ang pedestrian environment sa Edsa.

Samantala, nang tanungin naman kung bukas siya na magpanukala ng schemes gaya ng ‘four-day work days, congestion fees, o ang pagsasara ng ilang lansangan para sa mga pribadong sasakyan, negatibo naman ang naging tugon ni Dizon.

 

 

Ang paliwanag ni Dizon, maliban sa katotohanan na hindi niya saklaw ang magpatupad ng ganyang desisyon, ang solusyon aniya sa problema ay kailangan na pag-aralan munang mabuti upang matiyak na mayroon itong positibong epekto sa mga manananakay.

“We’ll just have to find ways. We’ll just have to find ways to balance everything kasi it’s a balancing act eh,” aniya pa rin.

(Daris Jose)

PBBM, nilagdaan ang batas na magpapaliban sa Bangsamoro elections

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na magpapaliban sa unang general elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Oct. 13, 2025.

Kinumpirma ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang nasabing pagpapaliban sa unang regular na halalan sa BARMM na nakatakda sanang gawin sa Mayo 12, 2025.

 

 

Matatandaang, sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Marcos ang batas para ipagpaliban ang halalan sa BARMM.

Kabilang sa mga dahilan kung bakit ginawa ito ay ang isyu sa hindi pagkakasama ng Sulu sa BARMM, ang hindi pa nareresolbahang petisyon na kumukuwestiyon sa constitutionality ng Bangsamoro Electoral Code of 2023, at ang hiling ng Commission on Elections (Comelec) na bigyan sila ng karagdagang panahon para paghandaan ang eleksiyon sa naturang rehiyon.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Erwin Garcia, mula sa orihinal na iskedyul na May 12, ang parliamentary polls ay itinakda na ito sa October 13, 2025.

 

”Para po sa inyong kaalaman….I was informed by Malacanang earlier that the president already signed the bill postponing the Bangsamoro parliamentary elections from May to October 13 of this year, meaning to say, may isa nanamang eleksyon na separate ang pagho-hold ng Comelec, and take note one month after the Barangay and SK elections naman,” ayon kay Garcia.

Nagbigay naman ang komisyon ng kopya ng dokumentong nilagdaan ng Pangulo sa na may petsang 19, 2025, muling itinakda ang unang regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa pamamagitan ng Republic Act 121231, inamiyendahan ang Article XVI of R.A. 11054 o ang Organic Law for the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

 

“Gusto naming malaman, paano yung distribution nung pito na parliamentary seats na dati ay originally nasa Sulu, paano idi-distribute yun? Very imporatant sa amin yun sapagkat gusto namin alamin – mag-o-open ba kami ng filing ng certificates of candidacy sa buong Bangsamoro o doon lamang sa mga maapektuhan ng mismong tinatawag na distribution ng pitong seats,” ayon kay Garcia.

Muli ay binigyang diin ni Garcia ang pangangailangan para sa P2.5 billion budget para sa pagsasagawa ng special election para sa Bangsamoro parliament.

 

 

“Kinakailangan naming matingnan saan namin kukuhanin at paano mabibigay sa amin ang P2.5 billion na kakailanganin namin para mag-conduct ng parliamentary election sa Bangsamoro,” dagdag na wika ni Garcia.

Ang pagsasagawa ng Bangsamoro parliamentary polls ay magiging ‘automated’.

“Ang Bangsamoro parliamentary election ay automated election, we’re hoping para lang alam ng lahat na yung sa balota na i-imprenta namin sa Bangsamoro nandiyan ang lahat ng pictures ng mga kandidato, yung mismong logo ng mga political parties na pagpipilian ng mga kababayan natin sa Bangsamoro,” litanya ni Garcia.

(Daris Jose)

Caloocan LGU, naglunsad ng libreng chest x-rays

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGLUNSAD ang Local Government ng Caloocan ng libreng chest x-ray para sa mga residente ng lungsod na edad 15 taong gulang pataas, na layuning makita ang maagang mga palatandaan at sintomas ng tuberculosis (TB) upang maiwasan ang mga impeksyon, gayundin ang pagbibigay ng access sa mga programa sa maagang paggamot sa mga lokal na komunidad.

Ang libreng services na tinawag na “TB Caravan” ay bahagi ng mga aktibidad na inorganisa para sa paggunita ng 63rd Cityhood Anniversary, na ginanap sa iba’t ibang lugar ng lungsod.

Pinasalamatan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang lahat ng kanyang nasasakupan na nag-avail ng libreng x-ray services sa pagtulong sa pamahalaang lungsod na matiyak ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga pamilya at nakapaligid na communities, lalo na para sa kapakanan ng mga madaling kapitan ng sakit at mga komplikasyon nito.

“Batid ko po na hindi biro ang sakit at hirap na dulot ng TB, kung kaya’t nagpapasalamat po ako sa lahat ng ating mga kababayan na nagpa-check up dahil malaking tulong po ito sa layunin ng ating administrasyon na ilayo ang mga nakakahawang sakit sa mga komunidad, lalong-lalo na po sa kapakanan ng mga bata, senior citizen, at iba pang mga vulnerable sa ganitong karamdaman,” pahayag ni Mayor Along.

Tiniyak din ng alkalde sa kanyang mga nasasakupan na ito ay isa lamang sa maraming mga hakbangin mula sa pamahalaang lungsod na nagtataguyod ng kalusugan at kagalingan, at gayundin ay ipinahayag na sa ilalim ng kanyang pamumuno, ang mga serbisyong pangkalusugan ay mananatiling magagamit para sa lahat.

“Mula pa noong nagsimula ako bilang Punong Lungsod, naging prayoridad na natin ang kalusugan ng mga mamamayan kaya naman siniguro rin natin na bahagi ng ating mga pagdiriwang para sa 63rd Anniversary ang tuloy-tuloy at libreng na serbisyo medikal,” aniya.

“Asahan po ninyo na sa ilalim ng ating pamumuno, walang magbabago sa pagpapahalaga natin sa kalusugan ng ating mga nasasakupan. Pinatunayan po natin na kayang ibigay ng pamahalaang lungsod ang abot-kamay, libre, at de-kalidad na serbisyo medikal na deserve ng lahat ng Batang Kankaloo,” dagdag niya. (Richard Mesa)

Mister na wanted sa multiple counts of rape sa Mindoro, nakorner sa Caloocan

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGWAKAS na ang mahigit labing-isang taon pagtatago ng 54-anyos na mister na wanted sa multiple counts of rape sa Lalawigan ng Mindoro nang matunton ng pulisya sa kanyang pinagtataguan sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nakatanggap sila ng impormasyon na nagtatago sa lungsod ang akusado na wanted sa multiple counts of rape sa Mindoro kaya inatasan niya ang Station Intelligence Section (SIS) na bumuo ng team para tugisin ito.

Sa koordinasyon sa Police Sub-Station 7 (PSS-7) at Pola Municipal Police Intelligence operatives, agad ikinasa ng SIS CCPS ang manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-12:50 ng madaling araw sa Block 1 Lot-29, Benedict Ville, Barangay 167, Llano.

Ang akusado ang dinakip ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 42, Pinamalayan, Oriental Mindoro, para sa four (4) counts of Rape in relation to R.A. 7610 at one (1) count of Statutory Rape, na lahat ay may petsang November 25, 2013.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng akusado na pansamantalang nakapiit sa SIS-CCPS habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa hukuman.

Binati ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director of the Northern Police District (NPD) ang dedikasyon ng at tiyaga ng mga operatiba sa pagtugis sa mga pugante na nauugnay sa marahas na krimen.

“This operation showcases the unyielding dedication of our personnel in the pursuit of justice for victims. We are resolute in our mission to intensify initiatives aimed at safeguarding our communities.” pahayag niya. (Richard Mesa)

Ads February 24, 2025

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments