• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 3:08 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 24th, 2025

BI, prayoridad ang agarang deportasyon sa mga naarestong POGO workers

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KASUNOD ng panawagan ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr., hinggil sa total ban ng  Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), tiniyak ng  Bureau of Immigration (BI) na madaliin ang pagpapa-deport sa mga dayuhan na sangkot sa illegal operations.

Paliwanag ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na ang mabilis na pagpapa-deport sa kanila ang prayoridad ng ahensiya habang klinaro din ang paggamit ng ticket na may flights para sa kanilang  deportation.

 

“The longer they stay in the country waiting for schedules, the longer the government shoulders the cost of their detention,” ayon kay Viado.

“We take whatever is available because our priority is to send them out of the country at the soonest possible time.”

Paliwanag na Viado na ang  deportation procedures ay nangangailangan ng tatlong mahahalagang dokumento;  isang valid passport o  travel document, isang National Bureau of Investigation (NBI) clearance upang masigurong waang  pending accountability, at  outbound ticket.

Upang mapabilis ang proseso, nakipag-coordinate ang  BI  Deportation and Implementation Unit sa NBI para mapabilis ang pagpoproseso ng clearances sa loob lamang ng isang araw.

“We all want the same thing—for them to leave our country as quickly as possible,” ayon kay Viado.

 

Binigyan diin ng BI ang naunang kaso noong Enero kung saan grupo ng mga deportees ang mabilis na napauwi sa kanilang bansa sa loob lamang ng isang linggo  na patunay lamang ang commitment ahensiya para sa mabilisang deportasyon.

 

“If we can do it fast, we will find ways to do it even faster,” ayon pa kay Viado. (Gene Adsuara)

2 drug suspects, timbog sa pagbinta ng droga sa pulis sa Malabon

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI inakala ng dalawang bagong indentified drug pushers, kabilang ang 36-anyos na dalaga na pulis pala ang kanilang nabintahan ng shabu makaraang maaresto sila sa buy bust operation sa Malabon City.

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan ang naarestong mga suspek na sina alyas “Mark”, 47, ng Brgy. Dampalit at alyas “Paula”, ng Marilao Bulacan.

Ayon kay Col. Baybayan, ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa koordinasyon sa PDEA ang buy bust operation nang nagawang makipagtransaksyon kay alyas Mark ang isa sa mga operatiba ng SDEU.

Dakong alas-4:11 ng madaling araw nang sunggaban ng mga tauhan ni Col. Baybayan ang mga suspek matapos magsabwatan na bintahan ng droga ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa M. Sison St., Brgy. Dampalit.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 11.10 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P75,480 at buy bust money.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 sa ilalim ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Pinuri P/Col Josefino Ligan, Acting District Director ng Northern Police District, ang Malabon police sa kanilang mabilis at estratehikong pagpapatupad ng operasyon. (Richard Mesa)

Kelot na nanggulo sa bilyaran habang armado ng baril sa Caloocan, kalaboso

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINITBIT sa selda ang isang lalaki na taga-Manila matapos dumayo at manggulo habang armado ng baril sa isang bilyaran sa Caloocan City.

Sa pahayag sa pulisya ng mga saksi, bigla na lamang umanong nakialam ang 24-anyos na suspek na si alyas “Boy Siga” sa mga naglalaro ng bilyar sa M. Austria Street, Barangay 88, saka bumunot ng baril na nagdulot ng takot sa mga tao sa lugar.

Agad namang humingi ng tulong ang isang concerned citizen sa mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals na mabilis namang rumesponde sa nasabing lugar.

Sa tulong ng mga saksi, nakita ang baril ng suspek na isang kalibre .40 pistola na kargado ng bala at nang wala siyang naipakitang mga dokumento hinggil sa ligaledad nito ay pinosasan siya ng mga pulis saka binitbit.

Ayon kay Col. Canals, sasampahan nila ang suspek ng kasong paglabag sa Article 155 of the Revised Penal Code (Alarm and Scandals), RAct 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act), at Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code) sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Pinapurihan ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD ang mabilis na aksyon at dedikasyon ng mga tauhan ni Col. Canals na binibigyan-diin ang kanilang pangako para sa pagpapanatili ng kaligtasan ng komunidad. (Richard Mesa)

POGO ban, gawing permanente sa pamamagitan ng absolute pogo ban law, PAGCOR charter overhaul

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MATAPOS ipagbawal ni Pangulong Marcos ang POGO sa buong bansa ay hindi umano kumpleto ito dahil lumipat at nagkalat sila sa mga probinsiya o kaya ay naging mas maliit na operasyon o nagpalit ng taktika.

 

Ayon kay Bohol Rep. Kristine Alexie Tutor, ang kailangan ngayon ay isang batas na permanente at magpapalawig pa sa pagbabawal o ban ng POGO, pag-overhaul sa PAGCOR Charter, at pagpapatupad ng mas mahigpit na batas sa pagbibigay ng LGU permits.

 

Sinabi nito na ang inisyung Executive Order No. 74, series of 2024, ng pangulo ay madaling mabawi ng ibang pangulo kaya kailangan na magkaroon ng batas para sa absolute at permanent ban sa POGO.

 

Ang panukala para sa POGO ban ay nakapaloobsa HB 10987 habang ang panukala para sa pagbasura at pagpalit sa PAGCOR Charter ay nakapaloob naman sa HB 3559. (Vina de Guzman)

OFW, hinampas ng alon, nalunod, patay

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NABAHIRAN ng lungkot ang masayang outing ng mga magkakaibigan nang nalunod ang isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa isang resort sa Calatagan, Batangas Linggo ng hapon.

 

Isinugod pa sa Calatagan Medicare Hospital ang biktimang si Diosdado Plonera Catanay, 43 binata ng Brgy Pantalan, Nasugbu Batangas subait idineklarang dead on arrival.

 

Sa ulat, nagkayayaan ang mga magkakaibigan kabilang ang biktima na magtungo sa PASSY Beach Resort na matatagpuan sa Brgy Bagong Silang, Calatagan, Batangas.

 

Habang naliligo sa mababaw na tubig sa harapan ng resort nang tangayin sila nang malakas na alon at dalhin sa malalim na bahagi ng dagat na nagresulta sa pagkakalunod ng biktima bandang alas-2:30 kamakalawa ng hapon.

 

Humingi ng saklolo sa lifeguard ng resort kung saan naiahon ang biktima at agad na dinala sas ospital subalit wala ng buhay bago pa man idating. (Gene Adsuara)

Makabayan Bloc nanawagan sa Pangulo para magpatawag ng special session para sa impeachment trial

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ng Makabayan bloc si Presidente Bongbong Marcos na agad magpatawag ng special session ang Kongreso para sa senado na mag-convene bilang impeachment court para sa pagdinig ng reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.

 

“Kung talagang bukas ang Pangulo sa special session, dapat ay tahasang gawin na niya ito. Hindi na dapat maghintay pa ng kahilingan mula sa Senate President o House Speaker. The people demand accountability now,” ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, Gabriela Party Rep. Arlene Brosas at Kabataan Rep. Raoul Manuel.

 

Sinabi ng mga mambabatas na ang mga ginagawang legal maneuvers ng kampo ni Duterte para mabinbin at madiskaril ang impeachment process ang dahilan upang mas maging agaran ang panawagan.

 

“We cannot allow narrow political interests and electoral considerations to obstruct justice and constitutional processes. Nakakabahala ang patuloy na pagpapaliban sa impeachment trial. Ang bawat araw na dumadaan ay isang araw na pinapatagal ang hustisya para sa mamamayan,” giit pa ng mga ito.

 

Idinagdag pa ng mga mambabatas na hindi maaaring patuloy na gawing hostage ng mga pulitikong may makitid umanong interes ang impeachment process.

 

“Kailangang magkaisa at kumilos ang mamamayan upang isulong ang tunay na pagbabago at pananagutan,” pahayag pa. (Vina de Guzman)

Kumakalat na Corona Virus sa SocMed, fake news

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

FALSE ALARM ang  kumakalat ngayon sa social media na bagong umuusbong na virus na mula na naman sa China.

 

Kasabay nito, mariing pinabulaanan ng Department of Health (DOH)  ang HKU5-Cov-2  na bagong corona virus variant .

 

Ito ay isang uri ng false alarm ayon sa DOH na layon lamang na makalikha ng takot o pangamba sa publiko.

 

Ayon sa DOH, walang notipikasyon mula sa World Health Organization (WHO) tungkol sa nasabing bagong virus.

 

Giit ng ahensya, bumabatay lamang sila sa datos ibinibigay ng WHO.

 

Dagdag pa ng DOH,  kailangan suriing mabuti ang mga impormasyon na nakikita sa mga social media site.(Gene Adsuara)

Holdaper na wanted sa Valenzuela, natunton sa Antipolo

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NATUNTON ng tumutugis na mga tauhan ng Valenzuela City police sa Antipolo City Jail ang kilabot na holdaper na kabilang sa “Most Wanted Person” ng Northern Police District (NPD), Sabado ng hapon.

Ani Valenzuela Police Chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naaresto ng Antipolo Police ang 44-anyos na si alyas “ Mando” dahil din sa mga kasong panghoholdap kaya inatasan niya ang kanyang mga tauhan na puntahan ang akusado upang kilalanin at doon isilbi ang warrant of arrest na inilabas ng hukuman laban sa kanya.

Dakong alas-5:30 ng hapon nang maisilbi ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police sa pangunguna ni P/Lt. Jaime Abarrientos sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Antipolo City ang warrant of arrest na inilabas ni Valenzuela Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Emma C. Mattamu ng Branch 269 laban sa akusado  na residente ng Dulong Tangke St. Brgy. Malina para sa kasong robbery na may kaukulang piyansang P24,000.

Ayon kay Col. Cayaban, mananatili pa rin sa Antipolo City Jail ang akusado habang ipino-proseso ang pagsasauli ng warrant of arrest sa Valenzuela RTC matapos itong maisilbi sa kanya.

Pinapurihan naman ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan ang Valenzuela Police Station sa kanilang masigasig na pagtugis sa mga wanted na kriminal na naghahasik ng kilabot sa tahimik na pamumuhay ng mamamayan ng lungsod. (Richard Mesa)

2 nasita sa pagyoyosi sa Caloocan, laglag sa P100K droga

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA halip na titiketan lang, sa kulungan binitbit ng pulisya ang dalawang durugista nang mabisto ang dala nilang mahigit P100k halaga ng shabu sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.

Sa report ng Tuna Police Sub-Station (SS1) kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, habang nagsasagawa ng anti-criminality operation sa Kawal St., Brgy., 28, nang maaktuhan nila ang dalawang lalaki na nagyoyosi sa pampublikong lugar dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Nang lapitan nila para isyuhan ng Ordinance Violation Receipt (OVR), pumalag ang mga suspek at kumaripas ng takbo para tumakas kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa magawang makorner at maaresto.

Nang kapkapan ang 27-anyos na mason at 32-anyos na electrician na kapwa residente ng lungsod, nakuha sa kanila ang tig-isang plastic sachets na naglalaman ng 15 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P102,000.

Kasong paglabag sa Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority), at RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) isinampa ng mga tauhan ni Col. Canals laban sa mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.

Binati ni PCOL Josefino Ligan, Acting District Director ng NPD, ang Caloocan police sa kanilang mabilis at estratehikong pagsasagawa ng operasyon.

Aniya, ang NPD ay nanatiling nakatuon sa misyon nito na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa pamamagitan ng pagpapaigting ng mga operasyon laban sa droga at pagpapalakas ng ugnayan sa komunidad. (Richard Mesa)

Nationwide Simultaneous Linis BEAT dengue campaign

Posted on: February 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKIISA si Mayor Jeannie Sandoval, kasama ang mga volunteer ng Philippine Red Cross (PRC) Malabon Chapter sa pangunguna ni Chairman Ricky Sandoval sa isinagawang Nationwide Simultaneous Linis BEAT dengue campaign ng PRC para tanggalin ang mga basura sa creek sa Barangay Longos, Malabon City at sa iba pang mga lugar na posibleng pag-iitlogan ng mga lamok na nagdadala ng nakakamatay na sakit na dengue. (Richard Mesa)