ITO ang pagtatanong ni Deputy Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre sa ginawang hakbang ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hadlangan ang pagsasagawa ng impeachment trial.
“Transparency is fundamental in any democratic government. If Vice President Duterte has done nothing wrong, why is she so afraid of the truth? Blocking the impeachment process through the Supreme Court only raises more doubts,” ani Acidre.
Ayon sa mambabatas, hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka umano ng VP ang ganitong mga hakbang.
Matatandaan aniya na sa isinagawang imbestigasyon ng Kamara noong nakalipas na taon, nadiskubre na tinangka umanong hadlangan ng kanyang tanggapan ang Commission on Audit (COA) na ipalabas ang findings nito sa kontrobersiyal na ₱125-million confidential fund.
“This pattern is alarming. First, she tried to block COA’s report. Now, she wants to stop Congress from doing its job. What exactly is she trying to hide?” pagtatanong ni Acidre.
Iginiit nito na ang proseso ng impeachment ay isang constitutional mechanism upang masiguro na mayroong accountability o pananagutan ang mga high-ranking officials.
“No one is above the law—not even the Vice President. Instead of running to the courts to avoid scrutiny, she should face the process and answer the allegations fairly. The Filipino people deserve leaders who respect accountability, not those who run from it. Seeking to silence COA, and now Congress, sets a dangerous precedent. The Vice President must stop dodging the truth and start explaining herself to the public,” pagtatapos ni Acidre. (Vina de Guzman)
BINANGGA ng hindi pa natukoy na barko ang isang Filipino fishing boat na may sakay na walong mangingisda sa West Philippine Sea (WPS), ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).
PORMAL na tinurn over ng MASHAV, aid agency ng Israel ang isang bagong learning center sa mga estudyante ng Ususan Elementary School (UES).
PATAY ang isang 6-anyos na batang lalaki nang nalunod sa 3 pulgadang lalim ng pool makaraang nahulog sa isang resort sa Dolores, Quezon Martes ng hapon.
SWAK sa kulungan ang 15 individuals, kabilang ang walong umano’y sangkot sa ilegal na droga matapos madakma ng pulisya sa magkakahiwalay na anti-gambling operations sa Valenzuela City.
SA kulungan ang bagsak ng 50-anyos na mister matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril nang halughugin ng pulisya ang kanyang bahay sa bisa ng isang search warrant sa Caloocan City.
WELCOME kay Navotas Congressman Toby Tiangco ang mga digital na hakbangin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong mapabuti ang paghahatid ng serbisyo nito.
INATASAN ng Commission on Elections (Comelec) ang mga organisasyon o indibidwal na nagsasagawa ng surveys na may kaugnayan sa halalan na magrehistro sa kanila bago maglabas ng resulta.
Keanu Reeves’ Constantine teams up with Tom Welling’s Superman from Smallville through new DC multiverse artwork.