• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:15 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 19th, 2025

Mindanao lawyers, naghain ng petisyon sa Korte

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGHAIN ng Petition for Certiorari and Prohibition sa Korte Suprema ang Mindanao lawyers kaugnay impeachment case na kinakaharap sa Senado ni Vice President Sara Duterte.
Kabilang sa mga abogado na dumulog at nanguna sa paghahain ng petisyon sa SC sina Atty. Israelito Torreon, Atty. Martin Delgra, Atty.James Reserva at Atty. Hillary Olga Reserva .
Layon ng petition na maglabas ng TRO and Writ of Preliminary Injunction ang Pinakamataas na Tribunal, at maisantabi o mapawalang-bisa ang Impeachment Complaint laban kay VP Sara.
Kasali rin sa paghahain ng petition ang mga miyembro ng Davao City Council, na kakatawanin ni Davao City Councilor Atty Luna Acosta, ngunit nilinaw na nila ng petition ay bilang mga pribadong mamamayan.
Alinsunod sa idudulog na petition sa Pinakamataas na Korte, ang impeachment process ay “defective, constitutionally infirm and jurisdictionally void” o depektibo, labag sa batas at jurisdictionally void.
(Gene Adsuara)

PBBM, pinuri ang DSWD sa dedikasyon, katangi-tanging serbisyo sa mga tao

Posted on: February 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PINURI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagliligtas ng mga buhay, pagdadala ng pag-asa at pagpapakita ng tunay na kapangyarihan ng pagdamay at pagtulong sa mga mamamayan.
Sa pagsasalita ng Pangulo sa ika-74th-anniversary celebration ng DSWD sa Pasay City, araw ng Martes, tinukoy ng Chief Executive ang mahalagang papel ng departamento sa pagbibigay ng tulong, pag-asa at katatagan sa mga indibiduwal, pamilya aht komunidad na nahaharap sa mga paghihirap.
“Your courage, particularly during the recent spate of calamities, has been nothing short of extraordinary,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“’You are the first to respond but the last to sleep. While others sought shelter from the storm, you walked into the chaos to deliver relief. You have saved lives, brought hope, and demonstrated the true power of compassion,” dagdag na wika nito.
Binigyang diin din ng Chief Executive ang mga mahahalagang programa ng DSWD gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), Sustainable Livelihood Program (SLP), Social Pension for Indigent Senior Citizens, at ang Quick Response Fund (QRF).
Binanggit din nito na mahigit sa apat na milyong pamilya ang nakinabang sa 4Ps noong nakaraang taon, habang mahigit naman sa 270,000 pamilya ang nakatanggap ng tulong mula sa SLP noong 2024.
Sinuportahan naman ng Social Pension for Indigent Senior Citizens program ang mahigit sa 4.28 milyong matatandang indibiduwal habang mahigit naman sa 7.4 milyong pamilya ang nakatanggap ng tulong sa pamamagitan ng Quick Response Fund (QRF).
Nanawagan din ang Pangulo para sa kolektibong pagkilos para makapagtayo ng isang matibay o matatag, saklaw ang “Bagong Pilipinas” kung saan “no one is left behind.”
Inilunsad din ng Punong Ehekutibo ang mga bagong inisyatiba, kabilang ang Harmonized Electronic License and Permit System (HELPS), dinisenyo para gawing simple at madali ang aplikasyon sa loob ng departamento.
Kabilang sa mga bagong ipakikilalang mga programa ay ang Minors Traveling Abroad System, ginawang simple ang travel clearance para sa mga bata, at ang Pamilya sa Bagong Pilipinas Program, naglalayong palakasin ang kapakanan ng pamiya at development nito.
“These endeavors reflect a government that listens and that responds—a government that evolves to meet the needs of its people,” ang pahayag ng Pangulo. (Daris Jose)