• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 5:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 18th, 2025

GM TAI pinangunahan ang inspeksyon ng proyekto sa pabahay; inagurasyon ng tanggapan ng NHA sa Navotas

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINANGUNAHAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai, ang inspeksyon ng Arkong Bato Housing Project sa Lungsod ng Valenzuela upang matiyak ang kalidad at napapanahong pagtatapos ng proyekto.

 

Matatagpuan sa loob ng lungsod, ang Arkong Bato Housing Project ay sumasalamin sa dedikasyon ng NHA sa in-city development. Ang proyekto ay nakalaan para sa mga pamilyang naninirahan sa mga mapanganib na lugar, kabilang ang mga nasa baybayin ng Ilog Tullahan.

 

“Alinsunod sa ating programang Build Better More (BBM) Housing at sa direktiba ng ating Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para makamit ang isang Bagong Pilipinas, atin pong sinisigurado na ang mga pabahay na itinatayo ng NHA ay de-kalidad at malapit sa mga pampublikong pasilidad,” ani GM Tai.

 

Pagkatapos ng inspeksyon na sinamahan ni Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, pinangunahan din ni GM Tai ang inagurasyon at seremonya ng paggugupit ng laso para sa bagong Tanggapan ng NHA-NCR-North Sector sa Brgy. North Bay Boulevard South, Lungsod ng Navotas.

 

Ayon kay GM Tai, ang bagong opisina ay isang mahalagang hakbang upang mas mailapit sa publiko, stakeholders, at mga benepisyaryo ang mga serbisyo ng NHA, at matiyak na mas madali nilang maa-access ang mahahalagang programa, suporta, at iba pang kinakailangang mapagkukunan.

 

“Ipinatayo po natin ang gusaling ito upang mas lalo pa nating mailapit sa publiko’t benepisyaryo ang mahusay at maaasahang serbisyo ng NHA,” diin ng GM Tai. (PAUL JOHN REYES)

DOTr: MRT 3 magkakaroon na ng four-car train sets

Posted on: February 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

 INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaroon na ng four-car train sets ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT) dahil sa tumataas na bilang ng mga pasahero.

 

Dadagdagan ng isang (1) bagon ang three-car trains na tumatakbo ngayon sa darating the June pagkatapos ang ginagawang rehabilitasyon ng pasilidad upang mapagkasya ang four-train configuration.

 

“Come June, the extension of the Taft (Avenue station) pocket track will be completed in preparation for the deployment of four-car train sets in our rail line. A turnback facility capable of accommodating a four-car MRT 3 train set is being constructed by Japanese maintenance contractor Sumitomo at the North Avenue station,” wika ni MRT general manager Oscar Bongon.

 

Ang Sumitomo rin ang namamahala sa pag-aayos ng rail tracks, signaling system at catenary system na siyang nagbibigay ng electricity sa mga bagon. Magkakaron ng testing ang mga bagon sa ginawang linya.

 

Makapagsasakay ang isang three-car MRT 3 set ng 1,182 na pasahero habang ang four-car train set naman ay makapagsasakay ng 1,576 na mga tao. Sa ngayon, ang MRT 3 ay mayroon 18 hanggang 20 three-car train sets. Ang bilang ng mga tumatakbo ay 12 hanggang 14 lamang.

 

Noong nakaraang Linggo ay sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes na ang MRT ay may plano na magdagdag ng isang bagon sa MRT’s three-car set dahil sa planong pagtatanggal ng EDSA busway kung saan dumadaan ang EDSA Carousel buses.

 

Subalit ang nasabing mungkahi ay hindi gusto ng mga iba’t ibang sektor sa transportasyon lalo na ang mga pasahero at grupo ng mga negosyante sa bansa sa Metro Manila.

 

Habang ang DOTr na siyang namamahala sa MRT 3 ay nagpahayag naman na hindi aalisin ang EDSA busway.

 

Taong 2022 ng ginamit ang unang four-car train sets sa kahabaan ng EDSA subalit tuwing rush hour lamang ito tumatakbo at may operasyon.

 

“The expansion of train capacity is part of a two-year rehabilitation program for the rail system, which also involves refurbishing 72 light rail vehicles,” saad ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

Samantala, ang Metro Manila Subway Project (MMSP) naman ay nahaharap sa problema tungkol sa right-of-way kung kayat nagkakaroon ng pagkabalam sa pagtatayo nito.

 

Dahil dito ay nanawagan sa pamahalaan ang Management Association of the Philippines (MAP) na iresolba sa lalong madaling panahon ang nasabing problema sa right-of-way (ROW).

 

Ayon kay MAP chairman Eduardo Yap na ang P488 billion na subway ay siyang kaunaunahang underground mass transit system na siyang makapagbabago sa takbo ng trapiko sa Metro Manila sapagkat maiengganyo ang mga pasahero na sumakay dito at mahihikayat din ang mga negosyante na magtayo ng negosyo sa bansa.

 

Ang problema sa right-of-way ay siyang nagiging sanhi ng pagkabalam ng konstruksyon lalo na sa lungsod ng Pasig at dahil dito inaasahan na hindi matatapos ang nasabing proyekto sa 2028 na siyang target ng completion nito.

 

Hiniling din ni Yap na sana ay mabigyan ang DOTr ng full authority upang maresolba ang problema dahil kung matatagalan pa ang completion ng proyekto ay magkakaroon rin ng setbacks sa programa ng pahamalaan.

 

“The MMSP is backed by Japanese funding, is a key project in the government’s infrastructure program aimed at improving mobility in the capital, where traffic congestion costs the economy billions of pesos annually,” dagdag ni Bautista. LASACMAR

Cashless toll sa expressways balik na sa Marso 15

Posted on: February 18th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

SIMULA  sa Marso 15, balik na sa cashless o contactless toll collection sa mga pangunahing toll expressway, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB) nitong Sabado.

 

Paalala ng TRB, ang lahat ng mga motorista ay kinakailangang magkaroon ng valid Electronic Toll Collection (ETC) device o radio frequency identification (RFID) stickers sa kanilang mga sasakyan.

 

Ang mga motoristang walang ETC o RFID sticker ay papayagan pa ring makapasok sa mga toll plaza subalit kailangan na silang magpalagay ng tag.

 

Gayunpaman, ang mga walang ETC o RFID ay iisyuhan ng deputized personnel ng Land Transportation Office (LTO) ng Temporary Operator’s Permit o Show Cause Order dahil sa paglabag sa “No Valid ETC Device, No Entry” Policy sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No. ng Department of Transportation, LTO, at TRB.

Pagmumultahin din ang mga motorista na walang valid RFID at sa may RFID subalit ‘insufficient load balance”.

 

Paliwanag ng TRB, ang cash lanes ay kadalasang nagdudulot ng paghaba ng linya at pagbagal ng daloy ng trapiko patungo sa kanilang ETC designated lanes.

 

Unang ipinatupad noong Disyembre 2020 ang cashless collection ngunit ito ay nasuspinde dahil sa ilang mga isyu sa operasyon.

 

Samantala, nagpahayag naman ng suporta ang San Miguel Infrastructure, Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), MCX Tollway Inc., Bases Conversion and Development Authority (BCDA), Philippine Reclamation Authority (PRA) at subsidiary PEA Tollway Corp.

(PEATC) sa inisyatibong ito ng TRB.

Ang MPTC ang may hawak ng North Luzon Expressway (NLEX), Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX), Manila-Cavite Toll Expressway (CAVITEX), Cavite-Laguna Expressway (CALAX), Cebu-Cordova Link Expressway (CCLEX), at NLEX Connector.

 

Ang SMC Infrastructure sa pamamagitan ng SMC ang nagpapatakbo naman ng South Luzon Expressway (SLEX), Skyway Stage 3, Southern Tagalog Arterial Road (STAR), NAIA Expressway, at ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX).

Ang MCX Tollway Inc., naman ang nag-oopereyt ng Muntinlupa-Cavite Expressway.

 

Batay sa pinakabagong data mula sa TRB, na 97% ng mga user ng expressway ay gumagamit na ng ETC/RFID sticker para sa pagbabayad ng toll.

Mikhail Red is back with another terrifying masterpiece in ‘Lilim’

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MIKHAIL Red, director of the top-grossing Filipino horror film ‘Deleter,’ is back with another terrifying masterpiece in ‘Lilim,’ starring Heaven Peralejo, National Winner for Best Actress at the 2023 Asian Academy Creative Awards.
An official selection at the 54th International Film Festival Rotterdam (IFFR), ‘Lilim’ is about two siblings who take refuge in an orphanage, only to unearth a dark secret that threatens their lives. Red is set to unveil a new take on terror with ‘Lilim.’
The story begins with Issa, who kills her abusive father in a desperate act of self-defense. After the harrowing encounter, she flees their home along with her younger brother, Tomas.
On the run from the police, the siblings take shelter in Helping Hands, a secluded orphanage led by mysterious women who present themselves as nuns. Though the orphanage is said to be built on a miraculous site, the head nun ominously warns them that the place holds many secrets.
Issa and Tomas soon try to acclimate to their new environment; however, they realize that something is terribly wrong. They stumble upon cult practices and find that the nuns’ intentions are far from holy.
As Issa fights to protect her brother, the malevolent forces within the orphanage grow more powerful, threatening to claim them as the next victims of its dark secret. The walls seem to whisper a chilling truth: hell is a place on earth.
Red sheds light on the dark inspiration that fueled ‘Lilim.’ “I wanted to make a film about a hidden society sheltering from the encroaching oppression of the times, only to collapse and fall victim to their own beliefs, a society shackled by fear and by fanaticism, mirroring the very world it tries to escape,” Red shared in a statement to U.S. publication Variety. “It is also my first horror film seen through the eyes of children.”
For ‘Lilim,’ Red is collaborating with his own family members. His father, Raymond Red, Palme d’Or winner for Best Short Film in 2000 Cannes Film Festival for ‘Anino,’ serves as cinematographer, while Mikhail’s brother, Nikolas, penned the screenplay.
Peralejo plays the lead role of Issa, which marks her major debut in the horror genre. Veteran actress Eula Valdez, whom Red previously worked with in ‘Neomanila’ and ‘Nokturno,’ delivers a chilling portrayal as the head of the orphanage, Marga. Mon Confiado (‘Nanahimik ang Gabi,’ ‘Arisaka’) joins as an investigator tracking the movements of the two siblings, while child actor Skywalker David gives a breakthrough performance in his feature film debut as Tomas.
Meanwhile, Ryza Cenon, who plays a nun, delivers a “twisted scene” in the movie that Red is particularly eager for audiences to witness. In a bold transformation, Cenon even shaved her hair off to fully embrace her role.
Following its world premiere at Rotterdam, ‘Lilim’ garnered rave reviews from international publications. Hailed as a “crowd-pleaser” by ScreenAnarchy, the film was lauded for being “creepy, entertaining, and polished” with its jumpscares described as “solid.” Peralejo’s portrayal as Issa also drew acclaim, with critics commending her as an actress who “isn’t afraid to become a plucky heroine when the script calls for it.”
With its haunting narrative, strong cast, and bloody spectacle, ‘Lilim’ has also been praised by Asian Movie Pulse for being a “well-directed, well-shot, well-acted psychological horror/slasher that will definitely satisfy all fans of the particular genre.”
After making waves at IFFR, the global impact of ‘Lilim’ is just getting started. The film will continue to terrify audiences worldwide, having been selected by more prestigious festivals—marking significant milestones for the Filipino horror genre on the international scene.
Filipino viewers won’t have to wait much longer. Experience the horrifying mystery of ‘Lilim’ in cinemas nationwide starting March 12. (ROHN ROMULO) 

Hinangaan ng netizens dahil patuloy pa ring tumutulong: KRIS, labis-labis ang pasasalamat sa anak na sina JOSH at BIMBY

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA social media account ni Queen of All Media Kris Aquino, masaya niyang ibinahagi ang larawan kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby, na naganap na birthday celebration ng kanyang 54th birthday last February 14.

Caption ni Kris, “i want to thank all my friends for taking time to greet me last night (asalto) and my friends from OC, who flew in. But above all- i thank you for being with me, kuya josh, and bimb during my journey towards recovery.”

Makikita sa naturang post ang sangkaterbang gifts tulad ng flowers at teddy bears na mula sa mga kaibigan, pamilya at fans na hindi nakalimot bumati sa kaniyang kaarawan at mag-send ng regalo.  Ilan sa mga bumisita ay sina Michael Leyva at RB Changco at iba pa.

Samantala, maraming netizens ang humanga kay Kris, na kahit patuloy siyang lumalaban sa sakit ay nakuha pa rin niyang tumulong sa iba.  Lubos nga ang pasasalamat ng isang netizen na tulong na ipinaabot ng mommy nina Josh at Bimby para sa pagpapagamot sa kanyang ama.

Kaya panalangin nito, “sana po ay bigyan ka pa ng mahabang buhay ng Poong Maykapal.”

Patuloy nga dating ipagdasal si Kris sa paglaban sa kaniyang autoimmune disease at hopefully gumaling na siya para makabalik na rin sa work.

***

INILABAS na ng award-winning documentarist na si Baby Ruth Villarama ang teaser para sa bago niyang obra, ang “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea”.
 
Isa ito sa mga napiling entry para sa 2025 Puregold CinePanalo Film Festival na ngayon pa lang ay inaasahan nang hahakot ng awards at siguradong pag-uusapan ng publiko dahil sa napapanahong isyu sa pagitan ng Pilipinas at China.
 
Direk Baby Ruth Villarama has described “Food Delivery” as a film about unity, sacrifice, and the Filipino spirit and what she hopes 2025 Puregold CinePanalo audiences find in her film is a sense of empathy and connection to the people who are often unseen in protecting our food, and by extension, our sovereignty.
Sabi ni Direk Baby Ruth, “We want the audience to understand that sovereignty is not just a political issue, it’s a deeply personal one for every Filipino.
 
“From the fishermen risking their lives to feed their families, to the Coast Guard and Navy personnel delivering food to the soldiers on remote outposts, Food Delivery illustrates the shared sacrifice and the collective love we all have to protect our way of life,” sabi pa ni Villarama na nakilala sa documentary “Sunday Beauty Queen” na nanalong Best Picture sa 2016 Metro Manila Film Festival.
Bukod sa “Food Delivery”, ang iba pang entry sa CinePanalo 2025 full-length category ay ang mga sumusunod: JP Habac’s “Olsen’s Day”, Christian Paolo Lat’s “Journeyman”, Mes de Guzman’s “Sepak Takraw,” Jill Singson Urdaneta’s “Co-Love”, Catsi Catalan’s “Fleeting”, TM Malones’ “Salum”, and Tara Illenberger’s “Tigkiliwi”.
 
Ang CinePanalo 2025 ay magsisimula sa March 14 hanggang March 25 sa Gateway Cineplex 18.
 
(ROHN ROMULO)

Mukhang nagkabalikan na sila: KC, tinuturong ‘mystery girl’ sa IG story post ni ALY

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAG-UUSAPAN ngayon sa netizens kung si KC Concepcion nga ba ang kasama ng dating Azkals player na si Aly Borromeo nitong nagdaang Valentine’s Day?

Sa Instagram story ay nagbahagi ito ng larawan na may kayakap na babae na nakasuot ng cream na jacket at naka-ponytail ngunit may takip ang mukha ng isang heart sticker.

Caption pa ni Aly, “Happy Valentine’s!! [pink heart emoji].

Pero kahit na tinakpan pa ang mukha ng mystery girl ay sobrang obvious daw na hulma ito ng mukha at walang duda na ang anak ni Megastar Sharon Cuneta iyon.

Nagkaroon tuloy ng ispekulasyon na nagkabalikan sila nang dumalo ang anak ni Gabby Concepcion sa isang football event last year kung saan naroon din si Aly.

Nagbahagi pa noon si KC ng mga litrato sa event at naroon nga ang ex niya.

 

Nang tanungin naman ang Megastar ay tumanggi itong magsalita tungkol sa lovelife ni KC.

Sinabi nitong ang anak na mismo ang tanungin tungkol doon dahil ayaw raw niyang masira ang tiwala nito lalo na at matanda na ito.

Positibo naman ang mga komento ng netizens kung sakaling totoo na nagkabalikan na nga ang dalawa…

“obvious nmn d nagkasya Yung sticker. ”

“Happy for them. Aly comes from nice family also.”

“Sana sila na ang end game. Pareho anak ng mayaman. ”

“I was rooting for them before and I’m rooting for them again now. Sana wedding bells na.”

“Halata namang si KC yan eh!”

Happy for them!!! Enjoy love birds!”

“So happy for them. Aly is a very decent guy and God fearing. Naligaw lang ng landas si KC. Both families know each other well. Sana forever na yan.”

“Mega likes him, sana sila na talaga :)”

“Happy Hearts sila sna may forever na sa kanila wishing you both the best in life KC and Aly. ”

“Love is sweeter the second time around. So happy for this couple! Good luck 👍

(ROHN ROMULO) 

Ads February 18, 2025

Posted on: February 18th, 2025 by Peoples Balita No Comments