GUSTO ng Department of Agriculture (DA) na makausap ang Department of Public Works and Highways (DPWH) upang matiyak ang maayos na daloy ng agricultural goods at mas mababang transport costs sa pamamagitan ng pagpapabuti at pagsasaayos ng imprastraktura.
Sinabi ng DA na ang planong pagpupulong ay naglalayong tukuyin ang mahahalagang lugar para sa pag-upgrade ng mga tulay at lansangan lalo na sa mga pangunahing agricultural regions.
Sinabi naman ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang pagsasa-ayos sa mga lansangan at tulay ay magpapatatag sa retail food prices, maaaring makapagpababa sa transportation costs, mabawasan ang spoilage at mapabilis ang paghahatid ng agricultural goods.
“Agriculture relies heavily on logistics, and transport infrastructure directly affects the cost and efficiency of moving farm inputs and produce,” ang sinabi ni Tiu Laurel.
“Better infrastructure enables a more efficient supply chain, reducing costs from farm to market,” aniya pa rin
Tinuran pa ng DA na ang usapin ay mahalaga sa rice sector, gaya ng transport costs sa Thailand at Vietnam, kabilang sa mga leading sources ng bansa ng imported rice, ay mas mababa dahil sa mas maayos na road conditions.
Sinabi pa ni Tiu Laurel na ang mga truck kapuwa sa Southeast Asian countries ay may kakayahan na mag- transport ng 8 hanggang 10 tonelada ng mas mahigit sa 41-tonelada na limitado sa bansa.
“Various costs are taken into account in producing agricultural products, such as farm inputs (seeds, fertilizers, feeds, etc.), fuel and oil, irrigation fees, electricity prices, labor and transport,” ayon sa ulat.
Sinabi pa ng DA, ang mga lansangan at tulay na napinsala dahil sa ginagawa ng maraming filipinong magsasaka at mangangalakal na pago-overload ng kanilang trucks para makatipid ng halaga.
Sa kabila ng regular na bridge inspections at load rating updates na minandato ng DPWH, sinabi ng ahensiya na may ilang tulay, bagama’t itinuturing para sa specific loads, ay itinutulak ng lampas sa kanilang limits bunsod ng excessive overloading.
“The practice of truckers of loading their vehicles with various even beyond prescribed limits has led to the collapse of several bridges across Luzon and the Visayas in recent years,” ayon sa DA.
Binigyang diin pa rin ng DA na ” that such problems will persist if inadequate road networks and overloading issues will not be addressed.”
“The importance of a strong road and bridge network in agriculture, especially in an archipelago like the Philippines, cannot be overstated,” ang sinabi pa rin ni Tiu Laurel. (Daris Jose)
MAY KAPANGYARIHAN ang Senate impeachment court na magpataw ng lifetime ban kay Vice President Sara Duterte sa pag-upo sa alinmang public office kahit na pinili nitong magbitiw bago o habang dinidinig ang impeachment laban sa kanya.
INAKUSAHAN ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez nang paglilihis sa isyu ukol sa paghahain ng kaso ng huli laban sa ilang lider ng Kamara, kung saan nakuwestiyon ang timing nito.
NANAWAGAN si dating Bayan Muna Congressman Carlos Isagani Zarate na magsagawa ng agarang imbestigasyon sa nakakaalarmang pagtaas ng inaabandonang Filipino seafarers, at agarang aksyon mula sa Department of Migrant Workers (DMW), kongreso at iba pag kaukulang ahensiya.
HINARANG ng Bureau of Immigration (BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang dalawang indibidwal na nagpanggap na magkasama sa trabaho at magbabakasyon.
SHOOT sa kulungan ang isang tambay matapos ipaaresto sa pulisya ng kanyang nakakatandang kapatid na babae nang tutukan siya ng baril sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.
BINITBIT sa selda ang siyam na kahera ng isang cockpit arena nang mabisto ang ginawa nilang pang-uumit sa pera na kita ng sabungan sa Malabon City.
DUGUANG humandusay sa harap ng kanyang kinakasama ang katawan ng 34-anyos na jeepney driver matapos katukin at pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang mga suspek sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.
IPINAG-UTOS ni Mayor Along Malapitan ang pagsasagawa ng fogging operations sa iba’t ibang barangay at mga paaralan sa Lungsod ng Caloocan upang panatilihin ang kaligtasan ng mga mamayan mula sa dengue at iba pang karamdaman.
BABAWASAN ng Social Security System (SSS) ang interest rates na ipinapataw nito sa mga pensioners na may salary/calamity loans upang higit na mapabuti ang serbisyo sa mga ito.