MAHIGIT P.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matiklo sa buy bust operation sa Valenzuela City, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ni P/Lt. Col. Timothy Aniway Jr., hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Northern Police District (NPD) ag suspek na si alyas “Arvie”, 38, ng Brgy. Marulas.
Sa kanyang ulat kay NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Lt. Col. Aniway na ikinasa nila ang buy bust operation sa pangunguna ni P/MSg Rolando Tagay, katuwang ang mga tauhan ng Sub-Station 3 ng Valenzuela police matapos isa sa kanyang mga tauhan ang nagawang makipagtransaksyon kay alyas Arvie.
Matapos matanggap ang signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na positibo na ang transaksyon, agad lumapit ang back-up na operatiba saka dinamba ang suspek sa loob ng gate ng isang bahay sa Libra St., Batimana Compound, Brgy. Marulas dakong alas-11:55 ng gabi.
Nakumpiska sa suspek ang nasa 65.49 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P445,332, at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 9-pirasong P500 boodle money.
Nakatakdang isalang sa inquest proceeding sa Valenzuela City Prosecutor’s Office ang suspek para sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.
Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang mga DDEU sa kanilang didekasyon para panatilihing ligtas ang komunidad sa pamamagitan ng patuloy na operasyon laban sa droga. (Richard Mesa)
WALA umanong epekto sa impeachment proceedings ang rekomendasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na sampahan ng kasong kriminal si Vice President Sara Duterte dahil sa ginawang pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
DEDMA lang ang Tsina at walang categorical commitment kung tatanggapin o ipagkikibit-balikat lang ang ‘deal’ ni Pangulong Ferdinand Maros Jr., na aalisin nito ang Typhon missile system ng Estados Unidos mula sa Pilipinas kung ititigil ng Beijing ang agresyon nito sa pinagtatalunang South China Sea.
SINABI ng Department of Education (DepEd) na magde-deploy ito ng mahiit sa 15,000 qualified passers ng National Qualifying Examination for School Heads (NQESH) bilang school principal sa bansa.
‘BAGONG BAHAY, BAGONG BUHAY’! Pinangunahan ng Social Housing Finance Corp. (SHFC) at Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Wes Gatchalian ang groundbreaking ceremony para sa Phase III ng Laon HOAs Federation, Inc. Community Mortgage Program (CMP) Vertical Housing Project, bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-27 Charter Day ng Lungsod.
NAGPAHAYAG
BUMABA sa 46 percent ang bilang ng mga Pinoy na napakasaya o “very happy” sa kanilang love life.
ITINALAGA ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar B. Chavez si Senior Undersecretary Emerald Anne R. Ridao bilang Officer-in-Charge ng PCO.
KINUMPIRMA ni Executive Secretary Lucas Bersamin na si Vivencio “Vince” Bringas Dizon na ang susunod na Kalihim ng Department of Transportation, epektibo Pebrero 21, 2025.
HINIMOK ni Mayor Jeannie Sandoval ang mga Malabueno na makiisa sa kampanya ng Pamahalaang Lungsod na magsagawa ng sabay-sabay na clean-up drive sa iba’t ibang bahagi ng lungsod para maiwasan ang pagdami ng sakit na dengue