• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 12th, 2025

180 na puganteng dayuhan, naaresto ng BI noong 2024

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAY kabuuan na 180 na puganteng dayuhan ang naaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI)  dahil sa iba’t-ibang krimen sa kanilang bansa.

 

Sa ulat kay Immigration Commissioner Joel Viado,  sinabi ng  BI fugitive search unit (FSU) na ang mga puganteng dayuhan ay inaresto ng mga operaatiba sa iba’t-ibang lugar na kanilang pinagtataguan.

 

“Nearly all of them were already deported to their countries of origin where they are currently serving time in prison after being convicted for crimes they committed,” ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy.

 

Sinabi ni Viado na wala siyang lulubayan sa kanyang kampanya laban sa mga dayuhang kriminal na ginagawang taguan ang Pilipinas.

 

“As we have repeatedly declared, the Philippines is off limits to all foreign fugitives. This country is not a sanctuary for alien criminals,” ayon sa BI Chief.   “The order of the President is clear–protect our nation from external threats,” dagdag pa nito.

 

Nanguna sa listahan ang  74 Korean nationals ,  sumunod ang  Chinese na 62 habang  12 ang Taiwanese, 11 ang  Japanese, at 7 Americans, 2   Italians at 2 din ang  Australians.

 

Kasama rin sa listahan ang  Briton,  Canadian,  German,  Indian,  Indonesian,  Jordanian,  Kyrgystani,  Liberian,  Nigerian, at  Serbian.

 

Kabilang sa mga krimen na ginawa ng mga dayuhan ay economic crimes, investment scams, illegal gambling, money laundering, telecommunications fraud, robbery, at narcotics trading.

 

Kabilang din sa mga notableng inaresto ang ang anim na Japanese na miyembro ng  “Luffy” gang – Takayuki Kagashima, Sawada Masaya, Ueda Koji, Sjuzuki Seiji, Kiyohara Jun, Nagaura Hiroki –  na wanted sa pagkakasangkot sa scams, extortion at fraud activities.

 

Sa mga high profile ay ang pagkakaaresto sa isang  Australian na si  Gregor Johann Haas at Serbian Predrag Mirkovic, na wanted sa  illegal drugs gayundn ang

Indian-Nepalese Joginder Geong na inaresto daahil sa kasong murder, extortion at  robbery. (Gene Adsuara)

Kongresista, umatras sa kandidatura sa pagka-senador

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INIHAYAG ni AGRI Party-list Rep. Manoy Wilbert Lee ngayong Lunes ang pag-atras niya sa pagtakbo bilang senador ngayong 2025 National at Local Elections.

 

Sinabi ni Lee na ang kakulangan sa makinarya para sa isang matagumpay na kampanya ang dahilan kung bakit hindi na niya itutuloy ang pagkatakbo.

 

Sa halip, aniya ay pagtutuunan na lamang niya ng pansin ang pagtulong sa AGRI Party-list sa pamamagitan ng kanyang reelection upang maipagpatuloy ang kanyang mga adbokasiya.

 

“Sa pag-iikot ko po sa ating bansa, napagtanto ko na hindi sapat ang makinarya na mayroon po tayo ngayon para maabot ang lahat ng ating mga kababayan upang mapakilala at maipaalam ang aking mga ipinaglalabang adbokasiya. Naging malinaw sa akin na kailangan pa ng mas mahabang panahon para mapatibay ang pakikipag-ugnayan sa mga kapwa natin Pilipino at maging sapat ang kahandaan at makinarya para sa matagumpay na kampanya,” ani Lee.

 

Gayunman, itutuloy nito ang pagtakbo bilang kinatawan ng AGRI Party-list.

(Vina de Guzman)

NHA, namahagi ng pinansiyal na tulong sa 1,076 pamilyang nasunugan

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAMAHAGI ng tulong pinansyal ang  National Housing Authority (NHA) sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) sa 1,076 pamilyang naapektuhan ng sunog.

 

Noong Pebrero 8, 2025, tumanggap ng ₱10,000 na ayuda ang 549 na pamilyang biktima ng sunog mula sa Muntinlupa at Parañaque City sa ilalim ng EHAP. Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NCR South Sector Manager Cromwell C. Teves ang pamamahagi ng ayuda sa Muntinlupa kasama ang iba pang lokal na opisyal.

 

Samantala, noong Pebrero 5 at 7, 2025, nakatanggap din ng tulong pinansyal mula sa programa ang 527 pamilya mula sa San Andres at Tondo, Maynila.

 

Sa ilalim ng EHAP, nagbibigay ang NHA ng tulong pinansyal sa mga pamilyang naapektuhan ng mga sakuna tulad ng bagyo, sunog, lindol, at pagbaha upang matulungan silang makapagsimulang muli at muling maitayo ang kanilang mga tahanan.

 

Noong 2024, nakapag-pamahagi ang NHA ng kabuuang ₱361 milyon na tulong pinansyal sa ilalim ng EHAP. Ang inisyatibang ito ay alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suportahan ang pabahay at pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng iba’t ibang programa at serbisyo ng gobyerno. (PAUL JOHN REYES)

70 mag-asawa, kinasal sa Kasalang Bayan 2025 sa Navotas

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Navotas ang pag-ibig at pangako ngayong Araw ng mga Puso sa Kasalang Bayan 2025, kung saan opisyal na nagpalitan ng panata ang 70 mag-asawa sa isang mass wedding ceremony.

Kabilang sa mga mag-asawa sina Augusto Samson Jr., 60 taong gulang, at Nelma Lanza, 50, na 20 taon nang magkasama.

Binati ni Mayor John Rey Tiangco ang mga mag-asawa at binigyang-diin ang kahalagahan ng kasal sa pagbuo ng isang matatag na pamilya at komunidad.

“Marriage is the foundation of a strong family and a thriving community. We join you in prayer that you fulfill your vow of ‘till death do us part’, not only for yourselves but more importantly, for your children,” pahayag niya.

Hinikayat din niya ang mga mag-asawa na magkaroon ng mga foster home na puno ng pagmamahalan at mabuting pagpapahalaga, na binibigyang-diin na ang pagpapalaki ng mga responsableng anak ay nagsisiguro ng magandang kinabukasan para sa Navotas.

Bilang tanda ng suporta, niregaluhan ng pamahalaang lungsod ang bawat mag-asawa ng P5,000 para tulungan silang simulan ang kanilang bagong paglalakbay bilang mag-asawa.

Ang Kasalang Bayan ay sumasalamin sa pangako ng lungsod sa pagpapalakas ng mga pamilya at pagtataguyod ng kapakanan ng mga residente nito, na nagbibigay sa mga mag-asawa ng pagkakataong idaos ang kanilang pagsasama sa isang makabuluhan at di malilimutang seremonya. (Richard Mesa)

Tiangco, nais palawakin ang tech-based programs para sa mga magsasaka

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAIS ni Navotas Representative Toby Tiangco na palawakin pa ang mga programang pang-agrikultura na pinamumunuan ng pamahalaan upang mapalakas ang produktibidad at kita ng mga magsasaka.

“Embracing technology-driven farming methods is key to strengthening our agriculture sector,” ani Tiangco.

“The government must prioritize equipping farmers with the necessary technology and knowledge to maximize productivity and income potential,” dagdag niya.

Binanggit niya ang tagumpay ng maliliit na water impounding system, fertigation techniques, at drip irrigation sa Hermosa at Dinalupihan Bataan, na nagpabago sa produksyon ng pananim.

“According to the agriculture department, these technologies can cut fertilizer use by up to 70 percent and reduce water consumption by 30 percent,” aniya.

“We need to replicate these programs nationwide. Expanding their reach will help farmers optimize resources and lower production costs,” sabi niya.

Aniya, dapat ding tuklasin ng Department of Agriculture (DA) ang higit pang pakikipagtulungan sa pribadong sektor upang mapabuti ang kapakanan ng mga magsasaka.

Binigyang-diin niya ang Digital Farmers Program (DFP) ng DA-Agricultural Training Institute, na nagbibigay sa mga magsasaka ng mga digital na tool, kabilang ang mga smartphone, tablet, at internet access, upang mapahusay ang produktibidad ng agrikultura.

“The lack of access to smartphones and internet is a major barrier to technology adoption among rice farmers,” pahayag ng mambabatas.

The government must invest in programs that give farmers access to digital tools. Bringing public agricultural services online will provide them with valuable data and easier access to government assistance,” dagdag  niya. (Richard Mesa)

Tambay na nanghiram ng tapang sa baril, binitbit sa selda

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SHOOT sa selda ang 42-anyos na tambay matapos umanong magsiga-sigaan sa kanilang lugar habang armado ng baril Sabado ng hapon sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa isang lalaki na gumagawa ng kanyang sariling eksena ng panggugulo sa Robes 1, Brgy. 175.

Agad initasan ni Col. Canals ang Police Sub-Station 11 na puntahan ang nasabing lugar at pagdating ng mga pulis sa lugar ay nakita nila ang suspekn na matapang na nanggugulo dahil sa bitbit niyang baril.

Hindi naman pumalag ang suspek na si alyas ‘Berto’, nang dambahin siya ng mga tauhan ng SS11 at kinumpiska sa kanya ang hawak na isang hindi lisensiyadong kalibre .38 “Smith & Wesson” revolver na kargado ng tatlong bala sa chamber.

Ayon kay Col. Canals, mahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) na may kaugnayan sa Batas Pambansa 881 (Omnibus Election Code of the Philippines) at alarm and scandal ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Pagsulong ng VAT Exemption tuluy-tuloy upang makatulong sa bawat Pilipino

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ITINUTULAK ni TALINO AT GALING PINOY (TGP) party-list Rep. Jose Teves Jr. ang pagpasa ng isang batas na mag-aalis sa pagpataw ng Value-Added Tax (VAT) sa mga lahat ng uri ng gamot, generic o branded man, upang makatulong na maibsan ang bawat Pilipino sa sobrang taas na halaga ng mga gamot.

 

Aniya, pangatlo ang Pilipinas na may pinakamahal na halaga ng gamot sa buong Asia.

 

Noong Agosto 2024, naglabas ang Bureau of Internal Revenue ng Memorandum Circular No. 93-2024 na nag-aalis ng VAT sa 15 klase ng gamot para sa cancer, high cholestrol, hypertension at mental illness.

 

Naghain ng House Bill No. 8565 si Teves upang isulong ang pagtanggal sa VAT ng lahat ng uri ng generic at branded na mga gamot.

 

“Nararapat lamang na katuwang tayo ng ating mga kababayan na labis na naghihikahos sa buhay na nabibilang sa poorest of the poor,” aniya.

 

Dagdag pa niya, patuloy niyang isusulong sa 20th Congress na maipasa ang panukalang maialis ang pagpataw ng VAT sa mga gamot.

 

Sa ginanap na KAPIHAN SA EUROTEL pulong balitaan sa pangunguna ni Dr. Danilo Mangahas ay inilahad ni Teves ang kanyang hangarin na masakop ng PhilHealth packages ang lahat ng uri ng karamdaman.

 

“The Philippine Health Insurance Corp. has so many billions of pesos which should be spent for all Filipinos, especially PhilHealth members,” diin niya.

 

Nais niya rin sana na masakop ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (MAIFIPP) ng PhilHealth ang mga professional fees ng mga doktor upang maging zero-billing ang mga pasyenteng naa-admit sa mga ospital. (PAUL JOHN REYES)

DOLE: 2025 NLE, lilikha ng trabaho sa mga Pinoy

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KUMPIYANSA si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na ang nalalapit na 2025 National and Local Elections (NLE) ay lilikha ng mas maraming job opportunities para sa mga Pinoy.

“The DOLE will always expect that the continued employment of Filipinos can be sustained. Alam natin na mayroong mga activities, especially ang ating mga exercises related to political exercises, makakatulong sa pagdagdag ng mga hanapbuhay,” ani Laguesma, nang matanong sa isang pulong balitaan, kung paano mapapanatili ng pamahalaan ang good unemployment rate mula Disyembre 2024 hanggang sa unang bahagi ng 2025.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Laguesma na hindi nila iniaasa lamang sa nalalapit na halalan ang kasaluku­yang unemployment rate ng bansa.

Sa halip, nakatutok aniya sila sa kanilang Labor and Employment Plan 2023-2028, kung saan ang pamahalaan ay taunang nagsasagawa ng monitoring sa mga emerging occupations at naghahanap ng mga pamamaraan upang matulungan ang labor market na makapag-adjust sa global changes at development.

Iniulat din naman ni Laguesma na ang mga foreign trips ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ay nakapag-generate ng 201 investments na nagresulta sa mga proyektong may kinalaman sa power at renewable energy sectors, electronics at manufacturing, na nagkakahalaga ng P4 trilyon.

Nabatid na ang unemployment rate ng bansa ay nasa 3.1% noong Disyembre 2024, habang ang overall unemployment rate para sa taon ay nasa 3.8%, na pinakamababang naitala simula noong 2005.