• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 12th, 2025

Naghahanda na sa filmfest entry ng Nathan Studios: SYLVIA, happy sa naging reaksyon sa ‘Buffalo Kids’ dahil tagos sa puso ng nakapanood

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MULI na namang gumawa ng kasaysayan ang Nathan Studios bilang first Filipino family-owned production company na nagdala ng isang animated feature sa mga sinehan ng Pilipinas.
Kilala ang Nathan Studios sa pagsuporta sa mga top-tier films mula sa iba’t-ibang genres — mapa-aksyon, comedy, drama, at marami pang iba at ngayon ay sasabak naman ang studio sa mundo ng animasyon sa ‘Buffalo Kids’. 
Aligned ito sa mission ng studio sa pagawa ng creative risks at sa pag-explore ng mga bagong posibilidad sa cinema, lalo na ngayon at layunin nito sa pagpapalabas ng mga high-quality, family-friendly films. Sa direksyon ni Gabo Galdochi at sa ilalim ng produksyon ni Pedro Solis, ang ‘Buffalo Kids’ ay isang heartwarming journey of friendship and family at pinukaw nito ang mga puso ng mga manonood sa buong mundo. Tampok sa ‘Buffalo Kids’ sina Alisha Weir, Conor MacNeill, Gemma Arterton, Sean Bean, at Stephen Graham. Sumikat ito matapos itong ipalabas sa Annecy International Animation Film Festival nuong June 2024 at mabilis itong naging paborito sa Europe at Asia. Ngayon mapapanood na ng pamilyang Pilipino ang adventurous at heartwarming na istoryang ito sa pagdala ng Nathan Studios sa ‘Buffalo Kids’ sa mga lokal na sinehan simula bukas, Pebrero 12.
At gaya ng sabi nila sa socmed kamakailan, “We’re going on a wild adventure! Heroes and villains! Buffalos in the middle of nowhere! And special friends along the way.”
Kaya naman tara sa nakakaaliw na mundo ng ‘Buffalo Kids’, na napanood na namin sa advance screening ang pelikula na ginanap sa Gateway Cinema 12 last Sunday, Feb. 9.
Happy naman ang Nathan Studios producer at aktres na si Sylvia Sanchez  kasama ang kanyang pamilya, na nagustuhan ng mga nanood ang naturang animated film.
Nag-imbita rin siya ng Star Magic Kids na nag-enjoy talaga at bongga ang kanilang kuwentuhan pagkatapos ng movie, at excited din magbigay ng kanilang reaction.
Say naman ni Ibyang, “gusto namin na Nathan Studios, iba’t-ibang genre, hindi puro action or drama lang.
“Gusto namin pag pinalabas, meron talagang tagos sa puso, doon nila maalala ang Nathan sa ganung klaseng pelikulang tulad nitong ‘Buffalo Kids’.
“Makaka-relate ang lahat tungkol sa pagtulong at hindi panglpalait at pagbibigay ng chance sa lahat.  Nasa wheel chair man o wala, special or normal, kailangang bigyan ng chance lahat.
Kuwento pa niya sa proseso ng pagbili ng pelikulang hindi lang pambata dahil magugustuhan din ng mga adults, “pumunta lang kami sa booth, parang maganda ito.  Pinapanood lang sa amin ang trailer.  Pero dapat may instinct ka sa bibilhin mo, kasi kahit maganda ang trailer, baka hindi maganda ang buong pelikula. 
“Pero lahat naman ng napipili namin, okey naman.  Like itong ‘Buffalo Kids’ careful ako, kasi ito ang first distribution na talagang solo ng Nathan.
“Ang next movie namin na ire-release ay tungkol sa magulang, ito ‘yun ‘Picnic’ ng South Korea na kuwento ng mga seniors, lola’t-lolo.  Ita-Tagalized namin yun movie, ang magda-dub ay sina Ate Ces Quesada, Tita Nova Villa, Kuya Bodgie Pascua, Freddie Webb at iba pa.
“Meron din kaming nakuha isa pang South Korean movie na about naman monk na ‘About Family’ na bida si Lee Seung-gi, comedy siya, pero may tagos din sa puso.”
Binalita rin niya na magta-try uli silang magpasok ng entry sa 2025 MMFF, after ng ’Topakk’ na nakakuha ng tatlong tropeo. 
Kaya tuloy-tuloy ang pagpo-produce nila ng local films, bukod sa pagbili ng gawa na mula sa ibang bansa.
“Sa ngayon, magro-roll kami ngayong May or June, pang-filmfest ‘yun movie at sana mapili at makasama.”
Bongga ang casting ng movie na tungkol sa ‘special’ love story, na balitang pumayag ang aktor/pulitiko kaya muli silang magkakasama ng premyadong aktres.
Kaya excited na kami sa mga susunod na pasabog ng Nathan Studios Inc.
(ROHN ROMULO) 

Nakikiusap na huwag agad siyang husgahan: PERNILLA, inulan ng pamba-bash matapos ma-link sa hiwalayang ANDI at PHILMAR

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments
USAP-USAPAN ngayon sa social media ang foreigner na si Pernilla Sjoö matapos siyang ma-link sa kilalang surfer na si Philmar Alipayo, fiancé ng dating aktres na si Andi Eigenmann.
Hinala ng netizens, si Pernilla ang pinatatamaan ni Andi sa kanyang Instagram Stories tungkol sa isang taong nagtraydor sa kanya. Kaugnay umano ito sa lumabas ang larawan ng Swedish national na si Pernilla at ng Pinoy surfer na may matching tattoo na “224” o nangangahulugang “today, tomorrow, forever.”
Inulan siya ng pamba-bash sa gitna ng umano’y hiwalayan nina Andi at Philmar kaya hindi niya napigilang masaktan dahil sa mga kritisismong kanyang natatangggap online.
Pakiusap ni Pernilla, huwag agad manghusga hangga’t hindi alam ang buong pangyayari.
“If you will be kind to me, and I assure you that I’ll be kinder to you. Never judge someone without knowing the whole story. You may think you understand, but you don’t,” pahayag niya.
Marami ang na-curious kay Pernilla dahil sa isyu. Base sa mga impormasyon sa internet, isa siyang underwater photographer na na-in love sa Pilipinas kaya pinili niyang manirahan sa bansa mula pa noong 2013.
Bukod kina Andi at Philmar, malapit din siya sa iba pang Pinoy celebrities gaya ng mag-asawangsina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Naging kliyente rin niya ang Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
May background din siya sa pagma-manage ng hotels at kilala rin bilang mental health and wellness coach.
(RUEL J. MENDOZA)

Stephen Curry, muling gumawa ng record sa panalo ng GS kontra Bucks

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING gumawa ng kasaysayan si NBA superstar Stephen Curry sa panalo ng Golden State Warriors kontra Milwaukee Bucks, 125 – 111.

Sa naturang laban ay kumamada si Curry ng 38 big points at anim na rebounds. Ito ang ika-apat na magkakasunod na 30-point game ni Steph.

Dahil dito, sasamahan ni Curry sina LeBron James, Michael Jordan, at Karl Malone bilang mga tanging player sa NBA na may edad 36 pataas na gumawa ng apat na magkakasunod na 30-point game.

Nakapagpasok si Curry ng 12 shots mula sa 24 shots na pinakawalan. Anim dito ay pawang mga 3-pointers. Ginawaran si Curry ng siyam na free throw sa kabuuan ng laban at walo ang nagawa niyang ipasok.

Samantala, sa ikalawang laro ni Jimmy Butler sa GS, nagawa niyang kumamada ng 20 points at siyam na rebounds. 16 points naman ang ipinasok ng shooter na si Buddy Hield.

Nasayang naman ang 38 points ni Bucks guard Damian Lillard, kasama ang 21 points ng bagong Bucks forward na si Kyle Kuzma.

Labis na pinahirapan ng GS ang Bucks matapos itong kumamada ng 16 steals sa kabuuan ng laro. Dahil sa magkakasunod na steal, umabot sa 20 ang turnover na nagawa ng Bucks, bagay na sinamantala ng 2022 NBA champion.

Dahil sa panalo ng GS, umangat muli ito sa above .500, hawak ang kartadang 27 – 26.

Nagawa naman ng Bucks na kumamada ng 28 na panalo habang umabot na sa 24 ang nalasap na pagkatalo.

Gilas Pilipinas nagdagdag ng mga manlalaro para ensayo nila

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGDAGDAG ng dalawang manlalaro ang Gilas Pilipinas para sa kanilang paghahanda sa ilang mga laro nila sa mga susunod na araw.

Ayon kay Gilas program director and team manager Alfrancis Chua, na idinagdag nila sina RJ Abarrientos at Ralph Cu sa training camp sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Magsisimula ang training camp ngayong Martes at sila magtutungo ang Gilas sa Qatar sa Pebrero 13 para sa 2nd Doha International cup na isang friendly games.

Dagdag pa ni Chua na ang dalawa ay hahalili sa ilang manlalaro na nagpapahinga matapos na magtamo ng maliit na injury gaya nina Justin Brownlee at Troy Rosario.

Makakasama naman sa training camp sina AJ Edu, Kevin Quiambao at Dwight Ramos habang si Carl Tamayo ay didiretso na sa Doha.

Magugunitang pagkatapos ng friendly games sa Doha ay diretso na ang Gilas Pilipinas sa third window ng FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers sa Taiwan at New Zealand.

Pinas, Cambodia tinintahan ang kasunduan na magpapahusay sa bilateral ties ng dalawang bansa

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet ang ilang kasunduan na naglalayong ayusin at paghusayin ang bilateral ties ng dalawang bansa.

 

 

Ang mga nilagdaang kasunduan ay ang:

-Kasunduan sa pagitan ng Republika ng Pilipinas at Gobyerno ng Kingdom of Cambodia para sa Elimination of Double Taxation with Respect to Taxes on Income and the Prevention of Tax Evasion and Avoidance

-Memorandum of Understanding hinggil sa Information and Communications Technology (ICT) and Government Digital Transformation sa pagitan ng Department of Information and Communications Technology ng Republic of the Philippines at Ministry of Post and Telecommunications ng Kingdom of Cambodia

 

 

-Memorandum of Understanding ukol sa Agricultural and Agribusiness Cooperation sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines at Government of the Kingdom of Cambodia

-Memorandum of Understanding hinggil sa Implementation of Competition Law sa pagitan ng Philippine Competition Commission at Competition Commission ng Cambodia

 

 

-Memorandum of Understanding sa pagitan ng Technical Education and Skills Development Authority ng Republic of the Philippines at Ministry of Labour and Vocational Training of the Kingdom of Cambodia on the Cooperation sa larangan ng Technical Vocational Education and Training

 

 

-Implementation Program ng Memorandum of Understanding hinggil sa Tourism Cooperation sa pagitan ng Ministry of Tourism ng Kingdom of Cambodia at Department of Tourism ng Republic of the Philippines 2025-2028

-Memorandum of Agreement hinggil sa Prevention of Looting and Illicit Trafficking of Cultural Properties

 

 

-Memorandum of Intent sa pagitan ng Board of Investments at Council for the Development of Cambodia on Investment Promotions

 

 

“We are also pleased with the growing partnership between our militaries and uniformed services,” ang sinabi naman ni Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati.

“I anticipate the continued exchange of best practices and knowledge to support our mutual aspiration for regional peace and security and our collaborative efforts in enhancing our resiliency,” dagdag na wika ng Pangulo.

 

 

Sinabi pa ng Chief Executive na ang Pilipinas ay “open for business” at wine-welcome nito ang “opportunity to partner and achieve greater commercial successes” kasama ang Cambodia.

Samantala, sinabi naman ni Hun Manet na ang multilateral cooperation nito sa Philippines, Cambodia ay “underlies the importance of upholding Asian unity and centrality, especially at times of conflict and geopolitical dynamics.”

 

 

Kinilala rin nito ang kontribusyon ng 7,000 Filipino na kasalukuyang naninirahan at nagta-trabaho sa Cambodia.

 

 

“The Filipino community in Cambodia plays an important role in our socioeconomic development. We remain committed to ensuring a welcoming and supportive environment for our Pinoy friends,” ang sinabi naman ni Hun Manet sa kanyang naging talumpati.

 

 

Samantala, ipinahayag naman ng Cambodian PM ang kanyang suporta sa Pilipinas kung saan nakatakdang i-host ng bansa (Pilipinas) ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit meetings sa 2026.

Si Hun Manet ay nasa bansa mula Pebrero 10 hanggang 11 para sa kanyang official visit sa Pilipinas. (Daris Jose)

P12.3B COA-flagged DepEd funds; ipinasasama sa impeachment

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT  ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun ang House Blue Ribbon Committee na iasama ang pinakahuling findings ng Commission on Audit (COA) na P12.3 billion na umano’y unsettled financial transactions sa Department of Education (DepEd) sa isinasagawang imbestigasyon sa paniniwalang mapapalakas nito ang impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

 

Sa 2023 annual audit report ng COA, sinabi nito na nabigo umano ang DepEd na maayos ang maraming bilang ng notices of suspension, disallowance and charge, na umabot sa P12.3 billion pagkatapos ng termino ni Duterte bilang education secretary. Tumaas ang halaga mula P11.4 billion noong 2022.

 

“The red flags keep piling up. First, it was P125 million in confidential funds spent in just 11 days at the Office of the Vice President (OVP). Now, COA has flagged over P12 billion in unresolved transactions at DepEd under Duterte’s leadership. This isn’t just an oversight—it’s a pattern of seemingly financial mismanagement,” ani Khonghun.

 

Inimbestigahan ng Blue Ribbon panel, dating House Committee on Good Government and Public Accountability, ang expenditure ng OVP na P125 million na confidential funds na nagastos sa loob lamang ng nasa 11-araw noong December 2022.

 

Lumitaw pa na 1,322 sa1,992 listed recipients ng naturang pondo ay wala o kulang sa birth records, na naging sanhi upang paghinalaan ang posibleng pagkakaroon ng pamemeke sa acknowledgment receipts.

 

Binusisi rin ng komite ang oaggamit ng DepEd sa P112.5 milyong confidential funds. Nadiskubre ng Philippine Statistics Authority na 405 sa 677 listed recipients ay walang birth records.

 

Ang mga naturang imbestigasyon ang ilan sa dahilan sa paghahain ng multiple impeachment complaints laban kay Duterte. Nitong Pebrero 5, inimpeach ng Kamara si Duterte.

 

Ayon kay Khonghun, maaaring hilingin ng House prosecution panel sa Senate impeachment court na ipa-subpoena ang financial records ni Duterte upang madetermina kung tutugma sa kuwestiyonableng financial practices ng OVP at DepEd.

 

“The COA report is just the tip of the iceberg. We need to follow the money. If the Vice President has nothing to hide, she should have no problem opening her financial records for scrutiny,” ani Khonghun. (Vina de Guzman)

LENTE at COMELEC, lumagda sa kasunduan

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

OPISYAL  na lumagda ng kasunduan ang Legal Network for Truthful Election (LENTE) at Commission on Elections (COMELEC) bilang bahagi ng patuloy na paghahanda para sa nalalapit na Midterm Elections sa Mayo.

 

Ang paglalagda sa Memorandum of Agreement ay pinangunahan ni LENTE Senior Program Director for the Abuse of State Resources Project Atty. Ryan Jay Roset  para sa pinaigting na pagtutulungan sa pagbabantay at pagtiyak ng kaayusan at katapatan sa papalapit na halalan.

 

Ang nasabing kasunduan ng COMELEC sa pagitan ng iba’t ibang mga election watchdog ay alinsunod na rin sa COMELEC Resolution No. 11104 na nagbabalangkas ng mga alituntunin para maiwasan ang Abuse of State Resources (ASR).

 

Ang ASR ay ang tahasang paggamit ng mga kandidato sa mga koneksyon at ari-arian na pagmamay-ari ng estado tuwing panahon ng halalan na maituturing din na isang uri ng kurapsyon o katiwalian.

 

Bahagi ng nilagdaang kasunduan ang pakikipagtulungan ng LENTE sa Committee on Kontra Bigay na mangangasiwa sa pagpapaigting sa kampanya ng COMELEC laban sa talamak na vote buying at vote selling tuwing panahon ng halalan sa bansa.

 

Kaugnay nito tiniyak ng LENTE ang pakikipagtulungan sa COMELEC at sa iba’t ibang mga ahensya ng pamahalaan upang maisulong ang pagkakaroon ng ligtas, marangal at matapat na halalan sa bansa.

 

Bukod sa Midterm Elections na nakatakda sa May 12, 2025 ay babantayan rin ng LENTE ang nakatakdang 1st BARMM Parliamentary Elections.

 

Bukod sa LENTE, lumagda rin sa nasabing kasunduan sa pagitan ng COMELEC ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pangunahing tagapagbantay ng Simbahan sa halalan sa bansa. (Gene Adsuara)

PBBM, Cambodian PM nagkita, nagpulong sa Palasyo ng Malakanyang, tinalakay ang defense, trade ties

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAINIT na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Martes, Pebrero 11, si Cambodian Prime Minister Samdech Moha Borvor Thipadei Hun Manet sa Palasyo ng Malakanyang.

 

Si Hun Manet, sa pangalawang araw nito sa Pilipinas, pinagkalooban ng arrival honors sa Kalayaan grounds ng Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Kasama naman ni Pangulong Marcos na mainit na sumalubong kay Hun Manet sa Palasyo ng Malakanyang sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Finance Secretary Ralph Recto, Trade Secretary Maria Cristina Roque, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs Frederick Go, Information and Communications Technology Secretary Ivan John Uy, at Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr. joined Marcos in welcoming Hun Manet at Malacañan.

 

 

Lumagda rin si Hun Maten sa guest book bago pa ang kanyang bilateral meeting kasama si Pangulong Marcos.

Sinasabing ito ang unang pagbisita ni Cambodian leader sa bansa.

Ang kanyang two-day official visit sa bansa ay naglalayon na isulong ang Manila and Phnom Penh’s cooperation sa paglaban sa transnational crimes, defense, trade, tourism, at regional and multilateral cooperation.

 

 

Samantala, ang diplomatic relations ng dalawang bansa ay itinatag noong 1957 at muling pinagtibay noong 1995. (Daris Jose)

DA, muling tinapyasan ang ‘Rice-for-All’ prices, MSRP para sa imported na bigas

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING tinapyasan ng Department of Agriculture (DA) ang presyo ng iba’t ibang uri ng bigas na ipinagbibili sa Rice-for-All (RFA) ng KADIWA ng Pangulo at maging ang maximum suggested retail price (MSRP) ng imported na bigas.

 

 

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na simula sa Pebrero 12, araw ng Miyerkules, ang presyo ng bigas sa ilalim ng RFA ay tatapyasin, sumasalamin sa “both a drop in global rice prices and an increase in domestic supply as the local harvest season gets underway.”

Winika ni Tiu Laurel na ang RFA prices ay maaaring bumaba ng P3 kada kilo.

Dahil dito, mula sa nasabing petsa, Pebrero 12, ang RFA5 rice ay magiging P43 kada kilo, RFA25 ay P35, at RFA100 ay P33.

 

 

Sa kasalukuyan, ang RFA5—sumasaklaw sa mga bigas na may hindi hihigit sa 5% broken grains—mabibili sa halagang P45 per kilo, RFA25 (25% broken) ay P38 isang kilo, at RFA100 (100% broken) sa halagang P36 kada kilo.

Sinabi ni Tiu Laurel na magpapatuloy ang KADIWA ng Pangulo program na magbigay ng bigas sa halagang P29 per kilo para sa mga vulnerable groups gaya ng senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at indibiduwal mula sa indigent sectors.

 

 

Muli namang tiniyak ni Tiu Laurel sa mga lokal na magsasaka na ang National Food Authority (NFA) ay bibili ng palay mula sa local farms sa presyong P21–P23 per kilo, pagtiyak na patas ng kompensasyon para sa kanilang ani.

 

 

Sinabi nito na ang NFA ay may sapat na pondo para suportahan ang mga magsasaka at panindigan ang mandato nitong rice buffer stock, ngayon ay katumbas ng 15 araw ng ‘national consumption’ sa ilalim ng binagong Rice Tariffication Law.

At upang mas maging matatag ang rice market, sinabi ni Tiu Laurel na ang MSRP para sa imported na bigas at ang saklaw nito na pianalawak sa buong bansa.

Sa kabilang dako, simula sa Pebrero 15, ang MSRP ay ibababa sa P52 per kilo mula sa P55 kada kilo, at mas mababawasan pa hanggang sa maging P49 sa Marso 1.

 

“This gradual approach aims to mitigate potential market disruptions,” ani Tiu Laurel.

“The price reductions align with global trends in the rice market, as well as President Ferdinand Marcos Jr.’s decision in July to slash rice tariffs from 35% to 15%,” ang winika nito.

Idinagdag pa ni Tiu Laurel na rerepasuhin ng mga economic managers ni Pangulong Marcos sa lalong madaling panahon ang Executive Order 62 para i-assess kung ang taripa sa bigas ay kailangan na i-adjust.

 

Aniya, mapipilitan lamang siyang irekomenda ang rebisyon ng kasalukuyang tariff level kung ang retail prices ng mga imported na bigas ay guminhawa sa P42-P45 kada kilo range.

Maliban sa bigas, sinabi ni Tiu Laurel na tinitingnan din ng DA ang pagpapatupad ng MSRP sa karne ng baboy upang tugunan ang ‘excessive gap’ sa pagitan ng farm-gate at retail prices. Inilarawan niya ang retail pork prices na P400 per kilo o mas mataas bilang “unreasonable.”

Aniya, ang desisyon kaugnay sa posibleng pagpapataw ng MSRP para sa karne ng baboy sa pagtatapos ng Pebrero at may layunin na sugpuin ang panghuhuthot.

 

 

“We are conducting a thorough analysis of the pork value chain,” ang sinabi ni Tiu Laurel sabay sabing “If evidence of profiteering emerges, we will not hesitate to institute an MSRP for pork.”

Sa ngayon, ang farm-gate price ng mga baboy ay nananatili sa P240–P250 kada kilogram. (Daris Jose)

Impeachment, puwedeng talakayin kahit sa 20th Congress

Posted on: February 12th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INIHAYAG ng dalawang mambabatas na maaari pa ring dinggin kahit sa susunod na kongreso (20th congress) ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte,

 

“Opo, kaya nga po ito po’y tinapos namin at filed na, dahil, eto po ang bola po ay nasa Senate na at ‘yung Senate po pupuwede na po nilang i-hear ito base po dun sa Articles of Impeachment na aming na-filed,” ayon kay Manila Rep. Joel Chua, miyembro ng House prosecution team.

 

Sinabi ni Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na maihahambing ito sa U.S., impeachment cases na tinalakay kahit sa sumunod na kongreso.

 

“Alam ninyo sa Amerika nangyayari ‘yan, nakaka-apat na rin yata kung saan sa ibang Congress na-file ‘yung impeachment, sa next Congress doon na-try ‘yung impeachment. So ito po’y hindi naman bago, nangyari na rin po ito sa Amerika,” pahayag ni Chua.

 

Inihalimbawa naman nin Tingog Party-list Rep. Jude Acidre ang kaso ni dating U.S. President Bill Clinton na na-impeach noong 105th Congress. Ang trial nito ay nangyari ng 106th Congress, Senado ng 106th Congress.

 

Ang rules on impeachment sa Pilipinas ay ginaya sa U.S. impeachment system, na may ilang pagkakaiba. (Vina de Guzman)