• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 11th, 2025

EJ Obiena nagkamit ng gintong medalya sa torneo sa France

Posted on: February 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANGIBABAW si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Metz Moselle Athletor sa France.

Ito ang unang gold medal na nakuha ni Obiena sa pagpasok ng 2025.

Ang nasabing panalo ay isang linggo matapos na magkamit ito ng silver medal sa Jump Meeting Cottbus 2025 sa Germany.

Nakuha ni Obiena ang 5.70 meters clearance laban sa pitong iba.

Sinubukan ng World number 4 ang 5.85meters jump subalit hindi ito nagtagumpay sa lahat ng attempts.

Ang kaniyang 5.70 meters ay maituturing niyang na season-best para makamit ang unang gintong medalya ng taon.

Nagtabla rin ang Dutch pole vaulter na si Menno Vloon subalit nabigo ito sa ginanap na tie breaker kaya pumangalawa lamang siya.

Nasa pangatlong puwesto naman sa nasabing torneo si Christopher Nilsen ng USA na nakapag-clear ng 5.60 meters.

Agad naman itong sasabak ngayon sa ISTAF Indoor sa Berlin ngayong Lunes.

Magugunitang ilang buwang nagpahinga si Obiena pagkatapos ng Paris Olympics dahil sa injury sa likod.

Philadephia Eagles, champion sa 2025 Super Bowl

Posted on: February 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments

DINOMINA ng Philadelphia Eagles ang Super Bowl 2025, daan upang ibulsa ang ikalawang championship sa kasaysayan ng koponan.

Hindi pinaporma ng Eagles ang Kansas City Chiefs sa hangad ng huli na maibulsa ang three-peat. Sa halip ay tinambakan ng Eagles ang defending champion sa score na 40 – 22.

Sa higpit ng depensa ng Eagles, halos hindi nakaganti ang mga Kansas star na sina Patrick Mahomes at Andy Reid. Sa pagtatapos ng first half, hawak na ng Eagles ang 24 – 0 lead.

Kabilang sa nagpalobo sa lead ang dalawang interception ni Mahomes na nagbigay kaagad ng 14 points sa Eagles.

Lalo pang pinalaki ng Kansas City ang lead sa 3rd quarter kasunod ng 46-yard touchdown pass ni Jalen Hurts para kay DeVonta Smith at pinaabot sa 34 – 0 ang score.

Kumamada ang quarterback si Jalen Hurts ng kabuuang 293 yards at tatlong touchdown sa panalo ng Eagles. Dahil sa episyenteng performance, pinangalanan siya bilang most valuable player

Sa panig ng Chiefs, pinilit nilang humabil kasunod ng 34 – 0 lead ng Eagles. Pinangunahan ni Mahomes ang comeback effort ng koponan at sunod-sunod na gumawa ng tatlong touchdown passes.

Gayunpaman, hindi pa rin ito naging sapat at tuluyang natapos ang laban sa score na 40 – 22.

Pinasalamatan naman ni Hurts ang kaniyang mga teammate na aniya’y pawang tumulong upang maibulsa ang kampeonato.

 

PBBM, nagtalaga ng bagong Comelec commissioner

Posted on: February 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Ma. Norina Tangaro-Casingal bilang bagong commissioner ng Commission on Elections (Comelec).

Sa katunayan, inanunsyo ni Comelec chairperson George Erwin Garcia ang ad interim appointment ni Tangaro-Casingal, araw ng Lunes, Pebrero 10.

 

Si Tangaro-Casingal ay naging director ng Comelec Law Department simula pa noong 2016. Siya ay isang election lawyer na nagsilbi sa Comelec sa loob ng 27 taon.

 

 

Papalitan ni Tangaro-Casingal si dating commissioner Socorro Inting, na nagretiro matapos na makompleto nito ang kanyang pitong taon na termino.

“Nagpapasalamat tayo sa ating kagalang-galang na Pangulo sapagkat kaagad na dininig and hiling natin na mag-appoint kaagad nang maaga dahil malapit na ang elections,” ayon kay Garcia.

“At the same time, ang napili ng ating Pangulo ay isang insider. Si Dir. Nori ay matagal nang director ng Law Department. Matagal na rin sya sa Comelec…Natutuwa tayo sapagkat ito ay pagkilala sa kakayanan, galing, talino, dedication ng nasa Comelec,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, sa harap mismo ni Garcia ay nanumpa si Tangaro-Casingal para sa kanyang bagong tungkulin.

Siya ay nasa ilalim ng Comelec First Division, makakasa ni Tangaro-Casingal sina presiding Commissioner Aimee Ferolino at Commissioner Ernesto Maceda Jr.

 

 

At dahil sa ad-interim appointment, sinabi ni Garcia na si Tangaro-Casingal ay magsisilbi hanggang sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso sa Hunyo 2.

Samantala, sa ngayon ay magtatalaga naman si Garcia ng officer-in-charge para sa Law Department.

“Nagpapasalamat ako sa ating Presidente for heeding to the request of the Chairman na ma-appoint sana ang insider. Of course, kay chairman makakaasa po na susuportahan ko ang projects ni chairman at kung ano ang ikakabuti ng Commission,” ang sinabi ni Tangaro-Casingal.

 

 

“Tangaro-Casingal’s term expires on February 2, 2032,” ang nakasaad sa appointment paper na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Ang kanyang appointment ay ‘subject to the approval’ ng bicameral Commission on Appointments.

Matatandaang, noong nakaraang linggo, nanawagan si Garcia kay Pangulong Marcos na magtalaga ng “insiders” sa gitna ng pagreretiro ni Inting at dating Commissioner Marlon Casquejo. (Daris Jose)

Rollout ng bigas sa ilalim ng food security emergency, ikakasa sa susunod na linggo -DA

Posted on: February 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IKAKASA na ng Department of Agriculture (DA) sa susunod na linggo ang pagpapalabas ng rice stocks sa local government units (LGUs) kasunod ng deklarasyon ng food security emergency.

”Sa ngayon, maraming LGUs ang nagsignify ng intent but lumalabas kasi sa procedure, may documentation na kailangang gawin. Hopefully matapos lahat ng documentation between FTI, NFA to FTI, FTI to LGU and by next week maro-roll out na hopefully ‘yan,” ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa press briefing sa Malakanyang.

 

 

At nang tanungin naman kung ilang lokalidad ang nasa listahan, sinabi ni Tiu Laurel na ang bilang ay mahigit sa 50 LGUs.

”It’s all over the country, of course all NCR, ang maguumpisa dito sa Metro Manila, San Juan then Navotas, Iloilo is on the list,” ang sinabi ng Kalihim.

Matatandaang, idineklara ni Tiu Laurel ang food security emergency sa bigas base sa rekomendasyon mula sa National Price Coordinating Council.

 

 

Sa pamamagitan ng emergency declaration, pahihintulutan nito ang pagpapalabas ng rice buffer stocks na isinagawa ng National Food Authority (NFA) para maging matatag ang presyo at tiyakin na ang bigas, isang pangunahing pagkain, mananatiling accessible sa mga consumers

Ang stocks ay ipalalabas sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), at ipagbibili sa publiko sa presyong P35 per kilo, kasama sa ‘cheapest available’ habang hangad naman ng pamahalaan na mas ibaba ang presyo ng bigas sa antas na nakita bago pa ang pagsirit na naitala noong Hunyo at Hulyo 2023.  (Daris Jose)

Ukol sa kinukwestyong budget… Speaker Romualdez, iba pa, kinasuhan sa Ombudsman

Posted on: February 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINAMPAHAN ng patung-patong na criminal at graft complaints sina House Speaker Martin Romualdez at iba pang opisyal ng Kamara.

Ginawa ng mga complainant ang paghahain ng reklamo sa Office of the Ombudsman dahil sa kinukwestyong P241 billion ng insertions sa 2025 national budget.

Pinangunahan ang pagsasampa ng kaso nina dating House Speaker Pantaleon “Bebot” Alvarez, Atty. Ferdinand Topacio, Atty. Jimmy Bondoc at Atty. Raul Lambino.

Maliban kay  Romualdez, kasama rin sa mga kinasuhan sina para sa falsification of legislative documents at graft ang mga sumusunod:

House Majority Leader Manuel Jose Dalipe

Former House appropriations committee chairperson and Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co

Acting appropriations committee chair Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo. (Daris Jose)

Rep. Pantaleon Alvarez at Atty. Ferdie Topacio, iginiit na walang halong pulitika ang inihain nilang reklamo laban kay House Speaker Martin Romualdez

Posted on: February 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IGINIIT nila Davao Del Norte 1st District Rep. Pantaleon Alvarez at Atty. Ferdie Topacio na walang halong pulitika ang paghahain nila ng kaso sa Office of the Ombudsman laban kay House Speaker Martin Romualdez at iba pang mambabatas kaugnay sa umano’y insertion sa Bicam Report ng 2025 National Budget.

 

Anila, ginawa lamang nila ang kanilang trabaho sa bayan at hindi rin umano timing ang paghahain nila ng reklamo sa napipintong impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

 

Paliwanag naman ni Atty. Topacio, ngayon lang nila naisampa ang reklamo dahil pinag-aralan pa umano nila ng mabuti kung anong partikular na kaso ang isasampa laban sa mga kongresista.

 

Magkakasama sila Rep. Alvarez, Citizen Crime Watch President Diego Magpantay, Atty. Jimmy Bondoc, Atty. Ferdinand Topacio, Atty. Raul Lambino, Atty. Trixie Angeles at Virgilio Garcia nang maghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman.

 

Sa dalawampu’t siyam na pahinang reklamo, labing dalawang bilang ng falsification of legislative documents sa ilalim ng Article 170 ng Revised Penal Code at paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act ang inihain laban kina House Speaker Romualdez, House Majority leader Manuel Jose Dalipe, dating House Appropriations Committee Chair Zaldy Co, kasalukuyang House Appropriations Committee Chair Stella Quimbo at ilan pang mambabatas.

 

Nag-ugat ang reklamo sa labing dalawang beses umano na insertion sa bicam report na umaabot sa 241 billion pesos, kumpyansa ang mga complainants na malakas ang kanilang kaso lalo pat inamin naman umano ng mga ito na mayroon talagang blangko sa Bicam Report. (PAUL JOHN REYES)

Mahusay na edukasyon, mababang presyo ng pagkain isusulong ng ATeacher

Posted on: February 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINIYAK ni ATeacher Partylist nominee Virginia Rodriguez ang pagsusulong ng mga programa para makamit ang mas mahusay na edukasyon at pagpababa ng presyo ng mga bilihin sa bansa, tulad ng bigas at iba pang mga produkto ng agrikultura.

Si Rodriguez na isang negosyante at philanthropist ang unang Pilipinang nagsusulong na maging cancer-free ang bansa na lumikha ng isang organic vitamins na may kakayahang pigilin ang pag laganap ng sakit na cancer.

Sinabi ni Rodriguez na bahagi ng programa ng ATeachers Partylist ang pagsusulong ng paggamit ng organic fertilizers at pagkakaroon ng mas mo­dernong farming methods.

Si Rodriguez, ang may akda ng librong “Leave Nobody Hungry”, ang may kakayahang pababain ang mga presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa kanyang kaalaman na paunlarin at gawing masagana ang pag-aani ng mga produktong agrikultura sa bansa.

Si Rodriguez na kilala ring advocate sa paglaban sa cancer ang kauna-unahang Pinay na nakalikha ng organic vitamins na “VeggieMax”.

Willing maghintay kung kailan puwedeng ligawan: JEFF, dinadaan na lang sa tawa ang pamba-basted ni JILLIAN

Posted on: February 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments
Willing maghintay kung kailan puwedeng ligawan:
JEFF, dinadaan na lang sa tawa ang pamba-basted ni JILLIAN
 
DINADAAN na lang ng Sparkle hunk na si Jeff Moses sa tawa tuwing inuungkat ang pamba-basted daw sa kanya ni Jillian Ward.
Kahit na itanggi pa niya na okey lang na hindi raw muna nagpapaligaw si Jillian, makikita sa mga mata niya na umaasa ito na magiging sila ni Jillian balang-araw.
“Mahalaga po sa akin si Jillian. Two years kaming nagpasaya ng mga televiewers as Analyn and Reagan sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’ Ang importante po ay magkaibigan pa rin kami,” ngiti ni Jeff sa mediacon ng ‘Binibining Marikit.’
Pero mukhang nabuhayan ng pag-asa si Jeff nang may magsabi sa kanya na hindi raw puwedeng ligawan ni Michael Sager si Jillian dahil girlfriend na nito si Cassy Legaspi.
Ayon kay Jeff, willing siyang maghintay kay Jillian at kung ready na raw itong magka-boyfriend, nandiyan lang daw siya parati.
***
IPINAKITA ng ‘Mga Batang Riles’ boys na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon ang kanilang bagong looks para sa serye at kasabay umano nito, ay ang bagong misyon ng kanilang mga karakter.
Ibinahagi nina Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton na malaking effort para sa kanila ang pagbabago ng kanilang looks.
Ngunit para kay Miguel, exciting at na-enjoy niya umano ang pagbabago ng kanilang mga itsura sa serye.
“Very exciting kasi ako, mahilig naman po talaga akong mag-experiment sa mga hairstyles kaya ito, na-enjoy ko talaga ito kasi first time kong magpaganitong itsura ng buhok. Atsaka feeling ko naman, bumabagay naman sa character ni Kidlat e,” sabi ng aktor.
Dahil unique ang buhok ni Kokoy, kinailangan niya umanong humingi ng tulong sa kaniyang ina at mga kapatid sa kung anong look nag babagay para sa kaniya, at sa karakter niyang si Kulot.
“Humingi ako ng tulong po sa Ermats ko atsaka sa mga kapatid ko ano ba ‘ yung pwede. Hindi lang dahil sa look ko as Kokoy, ‘yung babagay na transition para kay Kulot,” sabi ni Kokoy.
Kasabay ng pagbabago ng kanilang itsura ay ang pagbabago rin ng misyon ng Riles Boys sa kanilang buhay. Ayon kay Anton, mas mature na sila ngayon kumpara sa mga naunang episodes ng serye.
“More mature na po kami dito, responsibility na namin ‘yung pamilya namin ngayon, so ayun po, more mature and more skills, mga fighting skills po namin dito,” sabi ng aktor.
Dagdag naman ni Raheel, “Natuto na po sila lumaban so mas makikita na po nila na mas may porma sila sa paglalaban nila, hindi na lang basta-basta na away kalye.”
Excited na rin sina Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton sa nagiging takbo ng kuwento ngayon ng Mga Batang Riles, lalo na’t may mga nakakasama silang guest stars. Ilan na dito ay sina Ai-Ai delas Alas at Caitlyn Stave. Makakasama rin nila so Joem Bascon sa serye.
Sey naman ni Miguel patungkol sa kailang guest stars, “Nabasa ko ‘ yung script tapos kapag ilalagay ko sila sa character na nakasulat sa script, parang lalong gumaganda po ‘yung storya, bagay na bagay sa kanila.”
***
KINUMPIRMA ng Hollywood actress na si Sarah Michelle Gellar na magkakaroon ng reboot ang kanyang pinagbidahan noon na series na ‘Buffy the Vampire Slayer.’
Umere ang naturang show for 7 seasons mula 1997 hanggang 2003. Ang Oscar-winning director na si Chloé Zhao and nag-convince sa kanya na buhayin ulit si Buffy.
“When Chloé Zhao first came to me, I was so overwhelmed. I mean, she’s one of the only women to ever win the Academy Award as Best Director. She said, ‘I have this idea and I can’t do it without you,’ and I was like, ‘Uhhh.’ We will only do it if we can do it right and honor that legacy and extend it, but it just seems like the world needs a superhero right now.”
Hoping din ang 47-year old actress na ma-reunite sa iba pang cast members tulad nila Alyson Hannigan, Nicholas Brendon, James Marster, David Boreanaz, Michelle Trachtenberg and Anthony Head.
(RUEL J. MENDOZA)

Wala pa silang plano sa Valentine’s Day: JESSY, after election pa balak sundan ang anak nila ni LUIS

Posted on: February 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SINCE malapit na ang Valentine’s Day, natanong namin si Jessy Mendiola kung may plans na ba sila ni Luis Manzano?

“Naku wala pa, ang Valentine’s plans namin ay to stay here with Rosie and siyempre tuluy-tuloy and work ng campaign and everyday is Valentine’s Day with Luis, so okay lang kahit walang plano basta magkasama kami.”

Nahingan si Jessy ng updates sa kanilang two-year old daughter na si Rosie.

“Yes, super ano na niya, super daldal na niya and may mga sarili na siyang moods, may mga sarili na siyang decisions sa buhay,” at natawa si jessy.

“Pag ayaw niya talagang sasabihin niya, ‘No mama, ayaw,’ ganun siya.

“Pero malambing siyang bata talaga, I think nakikita niya kasi yun sa amin.”

So kailan magiging ate si Rosie?

“Naku tapusin muna natin itong eleksyon kasi ayoko ding ma-stress, di ba? Sabi ko din yun, but really, for me, as soon as possible, I really want lots of kids, but as of now siyempre di ba, it’s not the right time.

“So pag binigay ni Lord, okay, pag hindi pa, okay din.”

Lalaki ba ang nais niyang susunod na maging anak?

“Oo, gusto ko nga girl, boy, girl,” ang nakangiting sagot pa ni Jessy.

Kapwa nga abala ngayon ang mag-asawang Jessy at Luis.

Si Jessy sa mga showbiz events tulad ng pagiging celebrity endorser ng Manila Diamond Studio at si Luis naman ay sa paghahanda sa nalalapit na eleksyon sa Mayo.

“Ngayon back to work na talaga, kaya ano, medyo busy talaga si Luis din,” umpisang sinabi ni Jessy.
Gaano ba ka-supportive si Jessy kay Luis?
“Oh my, mga one million percent supportive ako,” tugon ng aktres.
Tatakbo si Luis bilang Bise-Gobernador ng lalawigan ng Batangas at unang beses ito na tatakbo si Luis kaya unang beses rin na mangangampanya si Jessy para sa kanyang mister.
Aminado si Jessy na excited siya sa mga magaganap.
Lahad niya, “We are very excited and also at the same time, we are very nervous.
“Of course, siyempre bagong mundo ito e, para sa amin, para sa amin ni Luis and I know how hard it is. I know how challenging it is na… di ba, siyempre artista siya, celebrity siya.
But kilala niyo naman si Luis, di ba? He’s very generous and he’s very smart. He’s very… he’s willing to give his heart to everyone.
So para sa akin, yung feeling ko at talagang alam ko, na kayang-kaya talaga niyang mag-lead and to take care of people. So sana, mabigyan ng pagkakataon na manalo.”
Pero may kaba din bang nadararama si Jessy, lalo pa nga at ang pulitika ay maituturing na mas marumi kaysa showbiz.
“Actually, ano naman, may two sides yan e, talagang may madumi, unfortunately meron talaga pero meron din namang mga lumalaban para maging maayos din.
“So sana mabigyan talaga ng pagkakataon yung asawa ko, kasi alam ko kung gaano siya talagang sure na sure niya na gusto niya talagang pagsilbihan yung mga tao, to serve, at alam naman natin lahat, di ba?
“Na talagang si Luis, meron talagang potential to be, you know, a great public servant and sana yun nga, tulad ng sinasabi ko kanina, sana mabigyan siya ng chance to show and prove that sa ating mga kababayan.”
Ano sa palagay ni Jessy ang nakakumbinsi kay Luis na tumakbo sa eleksyon ngayong 2025?
“Ano nga ba? A lot of things. Even before pa pinipilit na rin siya na tumakbo and I think yun nga, tulad ng sinabi ko kanina, he’s very giving, masipag siya and gusto talaga niya na mapakita din na kaya din niya.
“So ngayon, finally, siguro he saw the opportunity na finally nabigyan siya ng chance to run, so talagang sabi niya, ‘Itutuloy ko na ‘to love, 100% sure na ako gusto ko na’.”
At si Jessy, gaano siya kahanda upang umikot at makisalamuha sa mga taga-Batangas?
Biro nga namin kay Jessy kung nagpa-praktis na ba siya na kumaway sa mga tao?
“Ay wala ng practice-practice,” bulalas ni Jessy.
“Ganap na ngayon, ginagawa na talaga and I don’t think…you know, I don’t think pina-practice pa yun, kasi as long as you are genuine, as long as nakakasama mo sila lagi, masasanay ka talaga, e.
“And natutuwa naman din ako to see a different world, di ba?”
Handa na rin si Jessy sa mas abalang mga ganap sa pagsisimula ng kampanya.
“Yes, of course naman. Napag-usapan na namin ni Luis yan e, sabi niya, ‘O love, tuluy-tuloy na tayo, ha?’
“So sabi ko, ‘Yes, go!’
“Go, go, go, ika nga ni Madam Rufa Mae,” at tumawa si Jessy na ang tinutukoy ay si Rufa Mae Quinto at ang signature line ng komedyana.
(ROMMEL L. GONZALES) 

Pinuri ng netizens dahil mas sexy pa sa anak: SHARON, no comment sa tsikang nagkabalikan na sina KC at ALY

Posted on: February 11th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAY kakaibang ningning si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang pinost sa Facebook na kung saan naka-gold gown siya para sa isang show.
Pinuri nga ng netizens si Sharon lalo na ang kanyang sexy figure, na mukhang na-maintain na niya ang ini-aim na weight.
Comment ng netizens…
“Grabe ang sexy na talaga ni Sharon Cuneta!
“Talbog si KC sa Mudra nya. At her age, na achieve nya ang body goals.
“She looks good and fresh.
“Pa-meryl streep na sya sa 1st photo.
“Her skin has always been nice. Kutis mayaman.
“Kudos to Mega she looks young, fresh and skin talaga niya maganda.”
“Infer kay tita shawie talagang pinush ung body goals which is hard at that age. “
May ibang reaction naman ang ilang netizens…

“Hinga-hinga din TaShawie para di mangasul.”

“mukhang nanigas ang leeg kakapigil ang hininga sa third photo.
“Higpit na higpit. Ako hindi makahinga. Anyway ilang oras lang naman yan kasi masama din sa health ang naiipit tiyan ng sobra.”
Anyway, hindi naman nagbigay ng komento si Sharon tungkol sa tsikang nagkabalikan na ang anak na si KC Concepcion at dating boyfriend na Aly Borromeo.
Si KC daw ang dapat tanungin at hindi siya.
***

TIYAK na ikatutuwa ng pamilyang Pilipino na panoorin ang apat na pelikula ngayong Linggo na nabigyan ng angkop na rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ang Thai animated na “Out of the Nest,” tungkol sa isang kambing at pitong nakakaaliw na sisiw, at ang South Korean concert movie na “IU Concert: The Winning,” ay parehong rated G (General Audience).  Ibig sabihin, puwedeng panoorin ng lahat ang dalawang pelikula.

Ang “Firefighters,” na base sa totoong insidente noong 2001 sa Hongje-dong, at ang “Woodwalkers,” na tungkol sa mga bata na nagpapalit-anyo,  ay parehong rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang).

Sa PG, pwedeng manood ang edad 12 at pababa na kasama ang magulang o nakakatanda.

Para sa mga naghahanap ng aksyon at kababalaghan, swak ang pelikulang “Peter Pan’s Neverland Nightmare” na rated R-16 at R-18.

Sa R-16 ay mga edad 16 at pataas ang puwede lamang manood.  Sa R-18 ay mga edad 18 at pataas.

R-16 at R-18 din ang “The Baby in the Basket,” dahil sa tema, kababalaghan at lenggwahe.

Pinayuhan ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang mga magulang na pumili ng mga palabas na tama para sa mga bata.

“Malaki ang ginagampanan ng bawat pelikula sa paghubog ng kaisipan ng ating mga kabataan. Sa pamamagitan ng responsableng panonood, masisiguro natin na bukod sa kasayahang dulot ng pelikula, may mapupulot ding aral ang mga bata sa patnubay ng mga magulang,” sabi ni Sotto-Antonio.

(ROHN ROMULO)