HINDI kailanman sumagi sa isip ni Vice President Sara Duterte na magbitiw sa puwesto sa gitna ng impeachment complaints na isinampa laban sa kanya.
“Wala pa tayo doon. Masyado pang malayo ‘yung mga ganyan na mga bagay,” ang sinabi ni VP Sara sa isang press conference.
Sa ulat, sinabi ni House Secretary-General Reginald Velasco na 215 kongresista ang lumagda sa 4th impeachment complaint na higit pa sa 1/3 na kailangang lagda ng 306 mambabatas para maiakyat ang reklamo sa Senado.
Napag-alaman na si Presidential Son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ang unang pumirma sa ikaapat na impeachment complaint laban kay VP Duterte.
“There is a motion to direct the Secretary General to immediately endorse to the Senate the impeachment complaint having been filed by more than one-third of the membership of the House or a total of members.” ang sinabi ni House Speaker Ferdinand Romualdez.
Kabilang sa ground ng impeachment ang conspiracy to assassinate President Ferdinand Marcos Jr., Unang Ginang Liza at Speaker Romualdez; malversation of P612.5-M confidential funds; bribery and corruption in DepEd; extra judicial killings; betrayal of pubic trust at large scale corruption.
Itinalaga naman bilang miyembro ng prosekusyon sina representatives Gerville Luistro, Romeo Acop, Rodge Gutierrez, Joel Chua, Jil Bongalon, Loreto Acharon, Marcelino Libanan, Arnan Panaligan, Isabel Maria Zamora, Lorenz Defensor, at Jonathan Keith Flores.
Ang ikaapat na impeachment complaint ay hiwalay pa sa tatlong naunang reklamo laban sa Bise Presidente. Hindi na didinggin ang tatlong reklamo dahil nahigitan ito ng ikaapat na impeachment na inindorso ng 215 mambabatas.
Inihain ang 4th impeachment nitong Pebrero 5 at pinagtibay din sa mismong huling araw ng sesyon kahapon.
Dahil 102 lang ang kailangang numero ng mga mambabatas upang ma-”fast tracks” ang proseso ng impeachment kaya hindi na ito daraan sa deliberasyon ng House Committee on Justice at ididiretso na sa Senado.
Dahil dito, hawak na ng Senado ang bola para idetermina ang pagtatanggal sa puwesto laban kay VP Sara. (Daris Jose)
WALANG PAPEL ang Ehekutibong sangay ng pamahalaan sa 4th impeachment complaint na isinampa laban kay Vice-President Sara Duterte.
MATAPOS ang pandemya ng COVID-19, itutuloy na ng Department of Transportation (DOTr) at AyaLand ang naantalang konstruksyon ng Taguig Integrated Terminal Exchange (TCITX).
NANGANGAKO si Senatorial candidate Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. ng tulong para sa mga opisyal at miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) sa Metro Manila na matagal nang naghihirap dahil sa pagkaantala ng kanilang fuel subsidy.
MULA 2000, limang opisyal ng gobyerno sa bansa ang na-impeached ng House of Representatives kasama si Vice President Sara Duterte.