• March 10, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 7th, 2025

Gumagawa ng pekeng PWD ID’s arestado

Posted on: February 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ARESTADO  ang tatlong indibidwal na namemeke ng PWD Id’s  sa isinagawang entrapment operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) nitong Miyerkules.

 

Kinilala ang mga suspek na sina Marites Esedera y Goco, 34; Erdie Macaspac y  Garcia, 49; at Michelle Janaban y Ronquillo,31 na pawang residente ng Sta.Cruz, Manila.

 

Bago ang entrapment operation, nakatanggap ng tip ang mga operatiba  mula sa confidential informant kaugnay sa pagmamanupaktura at pagbebenta ng pekeng PWD IDs  sa Quezon Boulevard sa Sta.Cruz,Manila.

 

Narekober din ang ilang piraso ng ebidensya mula sa mga suspek tulad ng computer at ilang mga kagamitan na ginagamit sa paggawa ng pekeng IDs  at isang piraso ng finished product  ng pekeng PWD ID  na ibinenta sa mga operatiba.

 

Mahaharap sa kasong falsification of Public Documents  at manufacturing and Possession of Instruments for Falsification  sa Manila City Prosecutor laban sa mga suspek. (Gene Adsuara)

Bilang ng mga mambabatas na lumagda sa impeachment vs VP Sara pumalo na sa 239

Posted on: February 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NADAGDAGAN pa ang mga kongresista na lumagda sa ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice Pres. Sara Duterte.

Ito ang sinabi nina House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong, at Rep. Rodge Gutierrez, na isa sa mga miyembro ng House Prosecution Team.

Sinabi ng mga mambabatas na may mga kasamahan sila na gusto pang humabol para maging complainant sa reklamong impeachment kontra sa bise presidente.

Sa katunayan, sa kanilang bilang ay nasa 239 na ang kabuuang pirma.

Gayunman, ang desisyon kung isasama pa ba o hindi ang mga humabol ay naka-depende sa rules ng Senado, na tatayong impeachment court.

Sa ngayon nasa 215 ang orihinal na lumagda at endorsers ng nasabing impeachment complaint, lagpas ito sa requirement na 1/3 ng buong miyembro ng Kamara para mapa-impeach ang bise presidente at maiakyat ito sa Senado. (Daris Jose)

Para patalsakin sa puwesto… Articles of Impeachment vs VP Sara hawak na ng Senado

Posted on: February 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INAKYAT na sa Senado ng Kamara ang Articles of Impeachment na naglalayong patalsikin sa puwesto si Vice President Sara Duterte.

Ang Senado ang tatayong impeachment court at lilitis kay Duterte kung saan tatayong judge ang mga senador.

Kabilang sa akusasyon kay Duterte ang maling paggamit ng confidential funds, graft and corruption, at betrayal of public trust—lahat ng grounds para sa impeachment sa ilalim ng 1987 Constitution.

Tumangging magbigay ng pahayag si Senate President Francis “Chiz” Escudero kaugnay sa impeachment complaint upang hindi sila maakusahang may kinikilingan.

Sinabi naman ni Sen. Joel Villanueva na mahaba pa ang pagdaraanan ng impeachment complaint kabilang na ang pagsasaayos sa rules ng impeachment at pagpapagawa ng robe ng mga senador.

Kailangan ng boto ng 16 senador para ma-convict si Duterte. (Daris Jose)

MMDA: Pinag-aaralan kung aalisin na ang EDSA bus lane

Posted on: February 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBIGAY  ng isang pahayag and Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kanilang pinag-iisipan at pinag-aaralan kung aalisin na ang EDSA bus lane.

 

     Ito ang naging pahayag ni MMDA chairman Romando Artes sa isang press briefing na ginawa sa Malacanang ng siya ang nakipagkita kay President Ferdinand Marcos kung saan pinag-usapan ang Comprehensive Traffic Management Plan (CTMP) na para sa Metro Manila at mga katabing probinsiya.

 

     Ang pahayag na ito ay isa lamang suhestiyon mula sa MMDA na maaari lamang mangayari kung ang kapasidad ng Metro Rail Transit 3 (MRT 3) ay madadagdagan.

 

     “We have discussed the plan of the Department of Transportation (DOTr) that they have trying to expand the carrying capacity of MRT 3. Today, there is a 30 percent additional capacity each train because right now we only have three main coaches. One wagon will be added, so that is another 30 percent additional capacity. The infrastructure is just being adjusted to accommodate the longer wagon,” wika ni Artes.

 

     Sa parte naman ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sinabi ni Artes na magkakaroon ng rehabilitasyon sa EDSA na sisimulan sa darating na March. Ginagawa na rin ang timetable at preliminary traffic management plan para dito.

 

     Samantala, sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na inaasahan nila na magkakaroon nang mahigpit na paglalaan ng mga kumpanya para sa gagawing bidding para sa operasyon at pagmimintina ng EDSA busway.

 

     “The DOTr is close to wrapping up the terms of reference (TOR) for the concession of the busway. Once the TOR is finished, we will sign an agreement with the International Finance Corp. to hire it as a consultant in the conduct of the bidding,” wika ni DOTr Secretary Jaime Bautista.

 

     Kung magagawa ang lahat ng plano para dito, ang DOTr ay gagawa ng sunud-sunod na roadshow upang mahikayat ang pribadong sektor upang mag compete sa bidding para sa EDSA Busway. Ang nasabing bidding ay kailangan matapos sa loob ng isang taon kung saan ang road infrastructure sa ilalim ng public-private partnership (PPP) ay gagawin hanggang 2026.

 

     Sinabi ni Bautista na maraming kumpanya ang nagpadala ng mga feelers na sasali sila bilang PPP partners subalit hindi sinabi ni Bautista kung sino ang mga ito.

 

     “We are still developing the terms of reference, and then we will invite prospective bidders. We will have roadshows, and then we will do the procurement. Although, we have received feelers that they want to join the bidding for the EDSA Busway,” saad ni Bautista.

 

     Isa sa mga balita na interesado ang infrastructure builder na Megawide Construction Corp. na lumahok sa bidding dahil ang strategy na ito ay tugma sa kanilang buong network sa pagtatayo ng mass transport sa Mega Manila.

 

     Ang Megawide ang nagtayo at namamahala sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na ngayon ay siyang nagsisilbing Southern end loop ng mga buses na namamasada sa EDSA Busway.

 

     Dati pa na nagbigay ang Megawide ng isang unsolicited proposal sa DOTr upang ang Megawide na ang mangasiwa dito subalit ito ay hindi tinanggap dahil ang gusto ng ahensya ay magkaron ng isang solicited bidding kung saan magkakaron ng mas maraming bidders. Mas gusto ng DOTr na sila ang kumuha ng mga solicited proposals para sa mga bidding ng mga kontrata ng proyekto sa transport.  LASACMAR

LTO suportado ang deklarasyon ng DA ng National Food Emergency dahil sa isyu ng supply ng bigas

Posted on: February 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BILANG suporta sa deklarasyon ng Department of Agriculture (DA) ng national food emergency dahil sa isyu ng suplay ng bigas, inatasan ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng Regional Director at pinuno ng law enforcement units na magbigay ng tulong sa mga cargo truck na naghahatid ng suplay ng bigas sa buong bansa.

 

Ipinaliwanag ni Asec Mendoza na ang tulong mula sa LTO ay may layuning tiyakin ang maayos at walang hadlang na paghahatid ng suplay ng bigas bilang bahagi ng interbensyon ng pamahalaan, partikular na sa mga lungsod at bayan na maaaring makaranas ng kakulangan sa suplay o hindi pangkaraniwang pagtaas ng presyo ng bigas.

 

“Sa ilalim ng patnubay ng ating DOTr Secretary Jaime J. Bautista, maglalaan tayo ng ilang tauhan upang magsilbing escort sa mga cargo truck na naatasang maghatid ng bigas mula sa pinagmulan patungo sa destinasyon,” ani Asec Mendoza.

 

“Makikipag-ugnayan tayo sa Department of Agriculture at iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay nito, at inaasahan natin ang ating mga LTO Regional Director na gawin din ito sa kani-kanilang nasasakupan,” dagdag niya.

 

Sa isang memorandum na nilagdaan ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., idineklara ang national food emergency sa bigas upang mas epektibong matugunan ng pamahalaan ang kakulangan sa suplay at ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng presyo nito.

 

Sa parehong memo, inirekomenda ng National Price Coordinating Council—kung saan kabilang ang DOTr—ang deklarasyon ng national food emergency sa bigas. Ang LTO ay isang attached agency ng DOTr.

 

Dahil ang bigas ang pangunahing pagkain ng milyun-milyong Pilipino, binigyang-diin ni Asec Mendoza ang kahalagahan ng pagtutulungan at koordinasyon ng lahat ng kinauukulang ahensya ng gobyerno, kabilang ang LTO.

 

“Nakahanda tayong maglaan ng tauhan at mga kinakailangang kagamitan upang makatulong sa pagsasakatuparan ng deklarasyong ito, dahil ang pangunahing konsiderasyon dito ay ang kapakanan ng ating mga kababayan,” ani Asec Mendoza.

 

“Patuloy nating babantayan at susubaybayan ang mga update kaugnay nito upang makapagplano at maisagawa ang kinakailangang tulong na maibibigay ng LTO,” dagdag pa niya. (PAUL JOHN REYES)

Phase out ng EDSA bus lane, posible – MMDA

Posted on: February 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PARA mabawasan ang mga sasakyang bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA, pinag-aralan na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang phase out ng EDSA busway.

Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, na lumutang ang pag-phase out sa EDSA busway dahil na rin plano ng Department of Transportation (DOTr) na magdagdag ng isang bagon sa mga train ng MRT na mayroong 30% capacity sa bawat trip.

Nilinaw naman ni Artes na ang plano ay gaga­win kung kaya lamang ng MRT na i-accomodate ang lahat ng pasahero ng bus carousel, subalit kung tutuusin aniya ay hindi naman inconvenient ang bus dahil hindi lahat ng istasyon ng MRT ay may bus station.

Sa sandaling matupad aniya ito ay magiging libre ang isang lane kaya may mungkahing ipagamit sa “high occupancy vehicles” tulad sa Amerika na kung tatlo o apat ang pasahero ng pribadong sasakyan ay maaaring gamitin ang special lane.

Paliwanag pa ni Artes na kung makakasakay din lang ang mga ­pasahero sa MRT ay hindi na nila nakikitang kailangang pa sumakay ng bus ang mga commuter dahil pareho naman ang ruta at mas bentahe sa mga pasahero dahil mas marami itong istasyon kaysa bus carousel.

Giit pa ni Artes na kung makakasakay din lang ang mga pasahero sa MRT, hindi nila nakikitang kailangang sumakay pa ng bus ang mga commuter dahil pareho naman ang ruta at mas bentahe sa mga pasahero dahil mas marami itong istasyon kaysa bus carousel.

“Kung ma-accommodate naman sa taas sa train ‘yung mga pasahero, we don’t see the need na magkaroon pa ng bus kasi exactly the same route nga siya, and mas bentahe ang train,”ayon pa kay Artes.

Plano na rin ng DOTr na plano na pagdugtungin ang MRT at Light Rail Transit (LRT).