• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 5th, 2025

3 drug suspects, laglag sa higit P.4M shabu sa Caloocan

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KALABOSO ang tatlong drug suspects matapos makuhanan ng mahigit P.4 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nagpapatrolya ang mga tauhan ng Cadena De Amor Police Sub-Station 11 sa Robes1, Brgy., 175, Camarin nang matiyempuhan nila ang dalawang lalaki na nag-aabutan umano ng droga dakong alas-11:20 ng gabi.

Subalit, nang mapansin ng mga suspek ang kanilang presensya, kumaripas ng takbo ang isa sa kanila at nakatakas habang nagawang madakma ng mga pulis si alyas “Dem”, 27, at nakuha sa kanya ang isang medium pastic sachet na naglalaman ng nasa 50 grams hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000.

Nauna rito, alas-3:10 ng madaling araw nang masita naman ng mga tauhan ni Col. Canals ang dalawang lalaking pasaway city ordinance dahil walang damit habang gumagala.

Nang lapitan ng mga tauhan ng Police Sub-Stion 3 para isyuhan ng Ordinance Violation Reciept (OVR), pumalag umano ang mga suspek saka tumakbo subalit, makalipas ang maikling habulan ay nakorner at naaresto sila ng mga pulis.

Nakumpiska sa mga suspek na edad 43 at 37-anyos ang dalawang transparent plastic sachets na naglalaman ng nasa 13 grams ng umano’y shabu na may street value na P88,400.00.

Pinuri naman ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan si Col. Canals at kanyang mga tauhan sa kanilang pagbabantay sa kaligtasan ng komunidad. (Richard Mesa)

BSP, nagbabala sa mga bangko ukol sa security risks

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga bangko na i-upgrade ang kanilang security systems, dahil ang one-time passwords (OTPs) sa huli ay maging ‘obsolete’ para sa banking transaction authentication.

 

 

“What we are saying is that we are encouraging the banks to go to a higher level of protection,” ang sinabi ni Elmore O. Capule, BSP deputy governor for corporate services sector.

 

 

Ang paliwanag ni Capule, habang ang OTPs at iba pang kasalukuyang security measures ay maaaring mukhang sapat para labanan ang scams at iba pang banking threats, hinikayat pa rin ng BSP ang mga bangko na patuloy na i-upgrade ang kanilang security systems.

 

 

“Our objective is to make our regulations future-proof,” ang sinabi ni Capule. Binigyang diin ang mabilis na pagbabago sa technological landscape.

 

 

“If you say that what we have right now is sufficient, then by next week or next year, it may no longer be,” ang sinabi ni Capule.

 

 

Winika pa ni Capule na ang security expectations ay dapat na base sa “sophistication” ng bangko.

 

 

“Rural and thrift banks might still rely on OTPs, but digital banks should implement more robust systems,” ayon sa ulat.

 

 

Nilinaw ni Capule na habang ang rural at thrift banks ay maaaring i-maintain ang kanilang kasalukuyang security schemes, ang digital banks naman aniya ay dapat na mag-install ng mas maraming advanced security systems. Ang ‘urgency’ ng tuloy-tuloy na pag-upgrade ay depende sa ‘level of sophistication’ ng bangko

 

 

Samantala, muling isinatinig ni Mamerto E. Tangonan, BSP deputy governor for payments and currency management ang mga naging pahayag ni Capule. Sinabi nito na ang OTPs ay magiging ‘obsolete’ sa kabila ng malaganap na paggamit sa banking sector.

 

 

Pinagtibay naman ni Tangonan ang layunin ng BSP, unti-unting i-aadopt ang mas advanced methods, sinabi pa nito na ang “that a transition period will accompany this shift.”

 

 

“We are looking at the banks having more sophisticated [security systems],” ang pahayag ni Tongonan. (Daris Jose)

Bigas, ibebenta sa P35/kilo sa ilalim ng food security emergency

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PUWEDE nang bumili ang mga consumers ng bigas sa halagang P35 kada kilo kasunod ng deklarasyon ng food emergency sa bigas.

 

Iyon nga lamang, ito ay magdudulot ng pagkalugi sa National Food Authority (NFA) ng hanggang  P2.25 billion dahil ipagbibili ito sa mas mababang presyo kaysa  sa presyo nang pagkakabili ng suplay.

 

Ayon kay NFA Department Manager Roy Untiveros, ipalalabas ng ahensiya ang stocks nito, well-milled rice ng hanggang tatlong buwan sa local government units (LGUs), government-owned and -controlled corporations (GOCCs), at Kadiwa ng Pangulo (KNP) sites sa halagang P33 per kilo.

 

Kumpara sa actual buying price ng NFA noong  2024, ipinagpapalagay NFA na ang pagkalugi kada kilogram ay P12 hanggang P15. Nakatakda namang magpalabas ang ahensiya ng 150,000 metric tons sa loob ng anim na buwan, ito ay magta-translate sa kabuuang pagkalugi na P2.25 billion.

 

Sinabi ni Untiveros na nagpadala na ng liham ang NFA  sa LGUs para itatag ang demand, magiging basehan ng monthly allocation sa mga lugar, subalit hindi pa nakatatanggap ng tugon.

 

Ito’y matapos na ideklara ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., araw ng Lunes ang food security emergency sa bigas base sa rekomendasyon mula sa National Price Coordinating Council (NPCC), tinukoy ang mataas na presyo kahit pagkatapos na bumaba ang  ‘cost of production’at mas mababang taripa sa imported rice.

 

Ang  stocks ay ipalalabas sa pamamagitan ng Food Terminal Inc. (FTI), at pagkatapos ay ibebenta sa publiko sa halagang P35 kada kilo, kabilang sa “cheapest available” habang hangad ng pamahalaan na mas mababa ang presyo ng bigas sa level na nakitang pagsirit na naitala noong Hunyo at Hulyo 2023.

 

“Ito po ay suggested to be sold to the public by the LGUs at P35 (per kilogram). Hopefully ito po ay magkaroon ng epekto sa pagbaba ng presyo ng bigas sa ngayon,” ang sinabi ni Untiveros sa  briefing sa Quezon City.

 

Base sa pinakabagong  data na  available mula price monitoring  ng DA, makikita na ang presyo sa Metro Manila markets ay mula P41.24 hanggang P59.14 per kilo “as of February 1,” habang ang  Kadiwa prices ay P38.00 per kilo.

 

Kinukumpara ito sa  P36.00 hanggang P60.00 per kilogram range na naitala noong May 31, 2023, bago pa ang pagtaas na naitala noong  Hunyo at Hulyo 2023. (Daris Jose)

LTO, pinalakas ang alyansa sa sektor ng edukasyon para sa kaligtasan sa kalsada

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINALAKAS ng Land Transportation Office (LTO) ang pakikipag-ugnayan nito sa sektor ng edukasyon upang isulong ang adbokasiya para sa kaligtasan sa kalsada sa pamamagitan ng kampanyang “Stop Road Crash.”

 

Sa Davao Region, nakipagkasundo ang LTO-Region XI sa Legacy College of Compostela sa Davao de Oro upang sanayin at bigyang-kaalaman ang mga estudyante nito tungkol sa mga alituntunin at regulasyon sa trapiko sa ilalim ng programang S.A.F.E. (Strengthening Advocacy for Future Educators and Drivers) Schools Initiative ng ahensya.

 

Binigyang-diin ni LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang kahalagahan ng pagpapalawak ng saklaw ng programa sa edukasyon at pagsasanay sa kaligtasan sa kalsada upang mahubog ang disiplina at responsableng pag-uugali ng mga kabataan bilang mga gumagamit ng kalsada.

 

“Ang pakikipagtulungan sa pagitan ng LTO at ng mga paaralan ay isang kapuri-puring inisyatiba upang mapalakas ang adbokasiya para sa kaligtasan sa kalsada at mailapit ang mahahalagang serbisyo ng LTO sa mga institusyong pang-edukasyon,” ani Asec. Mendoza. Dagdag pa niya, ito ay alinsunod sa kampanya ng DOTr Secretary Jaime J. Bautista para sa kaligtasan sa kalsada.

 

Batay sa kasunduan sa pagitan ng Legacy College of Compostela sa pangunguna ni Atty. Joji Bernadette R. Ancog Casidsid at ng LTO-Davao de Oro District Office sa ilalim ng pamumuno ni LTO XI Regional Director Atty. Ernesto Raphael V. Robillo, magbibigay ang ahensya ng mga pangunahing serbisyo ng LTO sa mga estudyante at guro ng paaralan.

 

Kabilang dito ang libreng Theoretical Driving Course (TDC), pagkuha ng Student Permit, pag-renew ng Driver’s License, at pag-renew ng Motor Vehicle Registration.

 

Samantala, inatasan naman ang IT Department ng Legacy College of Compostela na bumuo ng isang digital system upang masubaybayan at mapabuti ang epekto ng programa.

 

“Ito ang nais maisakatuparan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa ilalim ng Bagong Pilipinas ang mailapit sa publiko ang maraming serbisyo ng pamahalaan,” ani Asec. Mendoza.

 

“Patuloy kaming nagsusulong ng mga programa at proyekto upang gawing mabilis at maginhawa ang aming transaksyon para sa milyun-milyong kliyente. Nais din naming palawakin ang programa ng pagpapatibay ng alyansa sa sektor ng edukasyon sa usaping ito,” dagdag niya. (PAUL JOHN REYES)

Libong Pinay tinatamaan kada taon, Breast Cancer Center itatayo- Solon

Posted on: February 5th, 2025 by Peoples Balita No Comments

DETERMINADO  si ­Quezon City District V Rep. Patrick Michael “PM” Vargas sa kaniyang commitment na isulong ang programa para sa pagtatayo ng Breast Cancer Center para sa kalusugan ng mga kababaihan  sa  lungsod at mga karatig nitong lugar.

Sa data, tinata­yang libong Pinay ang tinatamaan ng sakit nqa kanser kada taon  kung saan karaniwan na dito ang breast cancer kaya umapela si Vargas sa kanyang mga kasamahang mambabatas para sa agarang pag-aapruba sa House Bill (HB) 3500 o ang pagtatayo ng Mammography and Breast Cancer sa Novaliches  ng lungsod.

Ang panukalang batas ay kasalukuyang nakabimbin sa House Committee on Health. Ayon kay Vargas sa pamamagitan ng  HB 3500 o ang “An Act Establishing a Mammography and Breast Cancer Center in Novaliches “ ay naglalayong magkaloob ng accessible, abot kaya at de-kalidad na breast cancer screening, diagnosis at treatment services sa mga kababaihan nangangailangan ng serbisyo medikal.

Inihayag ng solon na ang itatayong Mammography and Breast Cancer Center ay may state-of -the-art na pasilidad para sa  breast cancer screening, maagang diagnosis, at patient support programs.

Samantalang magkakaloob din ito ng subsidiya sa mammograms para sa mahihirap na pasyente at magsasagawa ng awareness campaign para sa maagang pagtuloy ng nasabing karamdaman at maagapan ito bago pa man lumala.

Nabatid na ang laban kontra kanser ay personal para kay Vargas dahilan siya at ang kaniyang kapatid na dating Kongresista at ngayon ay Quezon City Councilor Alfred Vargas ay namatay ang ina sa nasabing karamdaman.