Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
TINUPAD ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang wish ni Jo Berry na nakasama ito sa teleserye.
Bago magtapos ang pinagbibidahan ni Jo na ‘Lilet Matias: Attorney-At-Law’, nakunan na ang pag-guest ni Dong na ikinakilig ni Jo.
Sey ni Dong: “Matagal ko nang pangarap makatrabaho siyempre si Jo. Napakaganda ng naging run ng ‘Lilet Matias.’ This is my simple way of showing my support sa programang ito.”
Sobrang starstruck si Jo kay Dingdong at di makapaniwala na nakaeksena niya ito.
“Kasi ang tagal na nga po na ‘pag nagkakaroon po ng pagkakataon na nag-uusap kami, lagi kong sinasabi, ‘Sana po magka-work tayo.’
“Tapos binigay nga po ngayon kahit na mabilis lang. Hopefully, masundan. Kasi hindi mo mararamdaman na Dingdong Dantes na ‘yung kaharap mo kasi ipapa-feel niya sa ‘yo na puwede kang maging komportable,” sey ni Jo.
(RUEL J., MENDOZA)