• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:54 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

“Ironclad” commitment ng US sa Pilipinas sa liderato ni Trump, mananatili

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IKINALUGOD ni Speaker Martin Romualdez ang ginawang paniniguro ng bagong talagang U.S. Secretary of State Marco Rubio na ime-maintain ng United States, sa ilalim ng liderato ni Presidente Donald Trump, ang “ironclad” commitment nito sa Pilipinas.

 

“Secretary Rubio’s affirmation clearly demonstrates the United States’ enduring commitment to our partnership. This reassurance comes at a crucial time when our shared values and mutual interests face serious challenges in the region,” ani Romualdez.

 

Napapanahon aniya ang naging pahayag ni Rubio kasunod na rin sa tumataas na tensiyon sa West Philippine Sea, partikular na sa presensiya ng malaking barko ng China Coast Guard malapit sa territorial waters ng Pilipinas.

 

Sa kabila ng patuloy na tensiyon, iginiit ni Speaker ang pagkakaroon ng diplomasya na siyang pangunahing paraan para maresolba ang usapin sa West Philippine Sea.

 

Inihayag pa ni Romualdez na sa kabila rin na kinilala nito ang pangangailangan sa isang malakas na alyansa ay mananatili ang pagsunod ng Pilipinas sa pagkakaroon ng isang independent foreign policy.

 

“Our focus remains on safeguarding our sovereignty and securing the welfare of our people. At the same time, we recognize the importance of working with allies who uphold the rule of law and respect international norms,” giit nito. (Vina de Guzman)

Matobato, walang pasaporte para pumuga palabas ng Pinas- DFA

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang record ng pasaporte at biometric records ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato kahit pa isiniwalat sa New York Times article na nakapuga ito palabas ng bansa.

“The Department of Foreign Affairs (DFA) has found no passport and biometrics records under the name ‘Edgar Matobato’,” ayon sa DFA.

“Any application under a new or assumed identity will be flagged by the system, and a Philippine passport will not be issued, if there is already an existing record and biometrics in the database,” dagdag na pahayag ng departamento.

 

 

Tiniyak ng DFA na nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa bagay na ito at “refer the matter to law enforcement agencies and relevant authorities for further investigation” kung sinasabi ng ebidensiya na kailangan pa ang isang karagdagang pagsisiyasat.

“Fraudulent application for passport is a serious offense punishable under the Passport Law,” diing pahayag ng DFA.

Samantala, noong nakaraang linggo, idinetalye ng New York Times sa artikulo nito ang pagtakas ni Matobato mula sa Pilipinas. Sinasabing umalis ng Pilipinas si Matobato kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

 

 

Si Matobato ay ‘pitong taon nang nagtatago simula noong 2017 kung saan ay may kinahaharap na kasong kidnapping case noong 2002.

Inuugnay din ito sa umano’y dating miyembro ng death squad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City. (Daris Jose)

DA, patuloy na nakikipag-usap sa mas maraming LGUs para sa ‘nationwide’ NFA rice sale

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Agriculture (DA) sa ilang piling local government units (LGUs) para sa pagbebenta ng National Food Authority (NFA) rice sa buong bansa.

Ang pagbebenta ng NFA rice sa LGUs, sa mga ahensiya ng gobyerno at government-owned-and-controlled corporations ay nagkakahalaga ng P36/kg., kabilang na ang bagong giling o iyong hindi pa tumatandang bigas, ay pinahihintulutan sa ilalim ng ‘food security emergency for rice ‘na hindi pa idinedeklara.

“Basically, nationwide ito pero kung saan malapit ‘yungstocks…Mangyayari diyan is iyong guidelines na labas namin by the end of the month. So it will take time for them to really look at it,” ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sinabi pa nito na ang inisyal na pagkilos ay naglalayon na bawasan ang mga gastos sa kargamento o logistik at panatilihin ang ‘affordable level’ ng NFA rice para sa mga consumer.

“We cannot give all municipalities or LGUs or cities. Ang diskarte for minimal friction cost is kung ano pinakamalapit sa stocks,iyon ang bibigyan ng mga allocation,” ang sinabi ni Tiu Laurel.

 

 

Sa ilalim ng ‘food security emergency for rice,’ maaaring magbenta ang DA ng NFA rice sa LGUs at iba pang government bodies simula Pebrero 11, na maaaring ibenta sa mga consumer sa halagang P38/kg.

“They can book already. Then maybe the delivery is maybe February 7 to 15,” ang winika pa rin ni Tiu Laurel,. tinukoy ang transmittal of letters mula sa NFA upang piliin ang mga LGU para matukoy ang kanilang layunin at kailangang volume allocation.

 

 

Nauna rito, nakipagpulong ang DA sa mga Metro Manila mayor para tiyakin ang availability ng NFA rice sa rehiyon.

Para sa inisyal na monthly target, may 9,000 bags ng NFA rice ang ilalaan para sa 17 lungsod at munisipalidad sa National Capital Region; at 3,000 bags sa Calamba, Laguna.

Kabilang naman sa iba pang lugar na mayroong mataas na NFA stocks ay ang Calapan City sa Oriental Mindoro at San Jose sa Occidental Mindoro.

 

 

“It will be foolish for us to mill it and send it to Luzon or Mindanao for additional freight costs. So,kung kaya lang ma-consumeiyonwithin Mindoro, thensubukan ubusin iyon,” ayon kay Tiu Laurel.

Sinabi pa rin nito na ang maaaring mag-suplay ang Mindoro ng NFA rice sa Cebu.

Sa ngayon, may 300,000 metric tons (MT) ng NFA rice stocks ang maaaring ibenta sa ilalim ng ‘food security emergency for rice.’

 

 

Gayunman, wala pa ring natatanggap ang DA ng kopya ng resolusyon mula sa National Price Coordinating Council para sa deklarasyon.

“The draft has been given and they’re finalizing or have finalized already and I’m actually assuming that it is already going around for signature,” ang pahayag ni Tiu Laurel.

Maliban sa gawing available ang murang NFA rice sa publiko, “the said declaration will also enable NFA to free up warehouse spaces and support local farmers through palay (unhusked rice) procurement for the upcoming harvest season.” ayon pa rin kay Tiu Laurel. (Daris Jose)

HVI tulak, laglag sa Valenzuela drug bust, P340K droga, nasamsam

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAHIGIT P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas ‘Biboy’, 27 ng Brgy. Gen T De Leon na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangeroud Drug Act of 2002.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Cayaban na nakumpiska sa suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money, P200 bills at cellphone.

Nauna rito, ikinasa ng mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA makaraang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y pagbebentan ng suspek ng droga.

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba dakong alas-2:05 ng madaling araw sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales.

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Valenzuela City Police sa kanilang dedikasyon at hindi natitinag na pangako sa kampanya laban sa droga.

Aniya, ang NPD ay nananatiling matatag sa kanyang misyon na pangalagaan ang komunidad at alisin ang mga aktibidad ng ilegal na droga, na tinitiyak ang kapayapaan at kaayusan para sa mga mamamayan ng Metro Manila. (Richard Mesa)

Mister, huli sa akto sa baril sa Caloocan

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KALABOSO ang 45-anyos na lalaki matapos maaktuhan ng mga nagpapatrulyang kapulisan habang sinusuri at hinihimas pa ang hawak ng baril sa Caloocan City.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang suspek na si alyas ‘Wilfredo’.

Ayon kay Col. Canals, habang nagpapatrulya ang mga tauhan ng Police Sub-Station 13 sa Phase 7C Bagong Silang, Brgy. 176C, nang matiyempuhan nila ang suspek na seryosong sinusuri at hinihimas pa ang hawak ng kalibre .38 Armscor revolver na may serial number 931048 dakong alas-6:20 ng umaga.

Nang hanapan ng kaukulang dokumento ang suspek sa pag-iingat at pagdadala sa labas ng bahay ng naturang armas, walang maipakita si ‘Wilfredo’ kaya agad siyang inaresto ng mga tauhan ng Police Sub-Station 13 at kinumpiska ang baril na kargado ng dalawang bala sa chamber.

Sinabi ni Col. Canals, mahigpit ang kanyang direktiba sa kanyang mga tauhan ang pagsasagawa, hindi lamang ng checkpoints sa mga istratehikong lugar kundi ang magdamagang anti-criminality foot patrol upang matiyak ang katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan sa kanilang nasasakupang lugar,

Sasampahan ng mga tauhan ng SS13 ang suspek ng kasong paglabag sa R.A. 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Act) at paglabag sa Omnibus Election Code sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

13.2 milyong pamilyang Pinoy, kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mahirap -OCTA survey

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINATAYANG 50% o 13.2 milyong pamilyang  Filipino ang kinokonsidera ang kanilang mga sarili na mahirap sa  fourth quarter ng 2024.

 

Sinasabing tumaas ito mula 11.3 milyong pamilya (43%) sa third quarter survey ng OCTA Research’s Tugon ng Masa.

 

Ang  survey, isinagawa mula November 10 hanggang 16, 2024 ay nagpahayag na 7% na puntos ang itinaas, kumakatawan sa  1.8 milyong karagdagang pamilya.

 

Ang  poll ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na may edad na18 at pataas.

 

Mayroon itong  ±3% margin of error sa 95% confidence level.

 

Ang subnational na  ipinagpapalagay para sa  geographic areas na covered sa survey ay may sumusunod na margins of error na 95% confidence level: ±6% para sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

 

Ayon sa  survey, iyong mga kinokonsidera ang kanilang pamilya na mahirap ay nagpahayag na ang  ‘median amount’ na kanilang kailangan para sa home expenses upang hindi maikonsidera na mahirap ay P25,000 pesos kada buwan.

 

“Additionally, families reported requiring a median of P8,000 more each month to escape poverty,” ayon sa survey.

 

Ang Self-rated poverty ang pinakamataas sa Mindanao na may  69%, sinundan ng  Visayas na may 59%. Balance Luzon, 43%, habang ang National Capital Region (NCR) ay 30% lamang.

 

Ang 69% self-rated poverty rate sa Mindanao ay mas mataas kaysa sa  third quarter figure na 60%.

 

Ang 43% self-rated poverty sa Balance Luzon ay mas mataas din kaysa sa  30% figure sa third quarter.

 

Ang  30% self-rated poverty sa Metro Manila, gayunman, ay mas mababa kaysa sa  third quarter figure na 35%.

 

Ang  59% self-poverty rate sa Visayas ay kapareho sa third quarter figures.

 

Idagdag pa rito,  makikita rin sa Tugon ng Masa poll na ang  self-rated hunger ay tumaas sa  fourth quarter ng 2024 sa 16% o tinatantiyang  4.2 milyong pamilya.

 

Ang pigura ay five-point increase mula sa third quarter figures na nakapagtala ng  11% self-rated hunger o sa tinatantiyang  2.9 milyong pamilya. (Daris Jose)

DBM, ipinalabas na ang budget para sa P7-K medical allowance ng mga gov’t workers

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget para sa medical allowance para ngayong para sa mga manggagawa sa gobyerno.

 

 

“Na-release na rin po siya sa mga departments and agencies natin. May guidelines na rin po ‘yun. That’s the P7,000 per employee for their medical allowance,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman.

 

 

Tinanong kasi ang Kalihim ukol sa update ng pagkakaloob ng medical allowance para sa mga empleyado ng pamahalaan at ang tugon nito ay “Government agencies are already starting their process for the granting of medical allowance.”

 

 

“Parang uniform allowance po iyan. They can pool it, ‘yung P7,000 per department, puwede po nilang i-pool and then kukuha sila ng kanilang respective HMOs (health maintenance organizations),” dagdag na wika ni Pangandaman.

 

 

Ang pagkakaloob ng medical allowance ay nakahanay sa Executive Order (EO) 64 na ipinalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. noong Agosto 2, 2024, na nagsasaad ng umento sa sahod para sa mga tauhan ng gobyerno.

 

 

Ang taunang medical allowance ay ipagkakaloob sa bawat kuwalipikadong civilian government personnel bilang isang subsidy para maka-avail ng HMO-type benefits, ayon sa Budget Circular 2024-6 na nauna nangh ipinalabas ng Kalihim.

 

 

Bukod sa lahat ng civilian government personnel sa national government agencies, saklaw din ng DBM circular ang state universities and colleges at government-owned and controlled corporations na hindi sakop ng Republic Act 10149 at EO 150, s. 2021.

 

 

Ang lahat ng government workers, anuman ang appointment status, maging ito man ay regular, casual, or contractual; appointive o elective; at nasa full-time o part-time basis, ay ‘eligible’ para sa medical grant.

 

Ang mga empleyado ng local government units at local water districts ay sakop din.

 

 

Ang allowance ay ipagkakaloob sa anyo ng HMO-type product coverage, na maaaring i-avail “by either government agencies concerned or their respective employees’ organizations/groups.”

 

 

Pwede rin aniya itong cash para sa pag-avail ng sarili o magbabayad/ renew ng kanilang umiiral na HMO-type benefit. (Daris Jose)

ES BERSAMIN sa mga PUBLIC SERVANTS: Manatiling walang kibo mula sa ingay sa pulitika

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAYUHAN ng Malakanyang ang mga public servants na dedmahin o magsawalang-kibo sa ingay sa pulitika at manatiling nakatuon na paghusayin at iangat ang kalagayan ng pamumuhay ng mga Filipino.

“As we begin a new year, let us take the opportunity to renew our commitment to build the Bagong Pilipinas we all envision. Our mission today is crystal clear, to serve the Filipino people with unwavering integrity, relentless dedication, and genuine compassion,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin, araw ng Biyernes, sa kanyang naging pagdalo sa 2025 Budget Execution Forum sa Pasay City.

 

 

“Let us forge ahead, undeterred by the noise, focused on uplifting the lives of our people to the best of our abilities,” dagdag na wika nito.

 

Pinangunahan ng Department of Budget and Management (DBM), layon ng forum na makapagbigay ng avenue para talakayin ang budget execution para ngayong taon.

Matatandaang, Disyembre ng nakaraang taon, tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang 2025 national budget na nagkakahalaga ng P6.326 trillion.

 

 

Nauna rito, nagpalabas naman ang DBM ng National Budget Circular No. 595, binabalangkas ang framework para sa pagpapatupad ng national budget sa ilalim ng Republic Act No. 12116 kasama ang nagpapatuloy na appropriations sa ilalim ng Republic Act 11975 at automatic appropriations.

“This budget represents not just numbers on paper but our connected vision for a prosperous Philippines,” ang sinabi ni Bersamin. (Daris Jose)

Hirit na P15 na taas sa pamasahe sa dyip, pinag-aaralan na ng LTFRB

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAG-AARALAN na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na P15 na taas na pamasahe sa dyip.

Inamin ng ahensiya na humaharap ang mga tsuper at operators ng dyip sa mga hamon dahil sa pagsirit ng presyo ng langis at mataas na cost of living o antas ng pamumuhay.

Kaya’t masinsinan aniyang pinag-aaralan ng LTFRB ang petisyon at ikinokonsidera ang lahat ng mga kaugnay na factors gaya ng trends ng presyo ng langis, inflation rates at ang kabuuang economic impact sa mga mananakay.

Gayundin, ikinokonsidera ng ahensiya ang posibleng magiging epekto ng hirit na minimum fare hike sa dyip sa panig ng mga mananakay.

Tiniyak naman ng ahensiya sa lahat ng stakeholders nito na magsasagawa ang board ng public hearings at mga konsultasyon para matiyak ang transparency at inclusivity sa proseso ng pagpapasya sa naturang usapin.

Sa kasalukuyan, ang minimum fare sa mga dyip ay nasa P13. (Daris Jose)

17 Pinoy tripulante na pinakawalan ng mga Houthi rebels sa Yemen

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

DUMATING na sa bansa ang 17 tripulante matapos na sila ay pakawalan ng Houthi rebels sa Yemen.

Lumapag ang Oman Air flight 843 saa Ninoy Aquino Internaitonal Airport Terminal 1 sa lungsod ng Pasay nitong 9:31 ng gabi ng Huwebes lulan ang 17 Pinoy seafarers.

Sinalubong sila ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, Department of Foreign Affairs Secretary (DFA) Enrique Manalo, Transporation Secretary Jaime Bautista at ilang opisyal ng gobyerno.

Ang mga tripulante ay crew ng M/V Galaxy Leader na binihag ng mga Houthi rebels sa Red Sea noong Nobyembre 2023.

Matapos ang pagpapakawala noong nakaraang araw ay agad na ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos ang pagpapauwi sa kanila. (Daris Jose)