• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 4:51 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

DFA sa mga undocumented Pinoy sa Estados Unidos: Manatiling ‘low profile’, gawing legal ang inyong pamamalagi

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang undocumented at overstaying Filipino sa Estados Unidos na manatiling “low profile” at gawing legal ang kanilang pamamalagi habang pinahihigpit ng administrasyong Trump ang kanilang mga immigration policy.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose De Vega na nakahanda ang DFA na ipaabot ang tulong nito sa mga Filipino na magpapasaklolo sa Philippine Embassy o mga konsulado sa Estados Unidos.

 

 

“Our advice is to keep a low profile as possible and work for your legalization,” ayon kay De Vega.

Aniya pa, sinabi ni President Donald Trump na maaari siyang makipagtulungan sa Democrats ukol sa illegal aliens na hindi babagsak sa ilalim ng mga kategoryang illegal immigrants na target ng mga ito na i-deport, gaya ng mga kriminal at terorista.

“That means they will make legal means to encourage these productive overstaying aliens to be totally legalized. So, take advantage of that,” ang sinabi pa ni De Vega.

 

 

Winika pa nito na ang lahat ng mga Pinoy, maging kung ito ay undocumented, bumiyahe sa Estados Unidos, ay may hawak na visa.

“Lahat iyan may visa. Nag-expire lang. Walang halos tumawid na walang kapapel-papel,” ani De Vega.

Kaya nga, halos imposible na ang tinatayang 300,000 Filipino na walang legal status sa Estados Unidos ay ide- deport sa pagtatapos ng administrasyon ni Trump.

 

 

“If you are targeted for deportation, you have legal means also to contest your deportation and at least legally stay for several months,” anito sabay sabing “(Some immigration lawyers could) argue that you are doing something productive in the US. And sometimes, it’s a success, it prevents deportation.”

Matatandaang, sa unang Trump presidency, sinabi ni De Vega na “only a few hundred or less” undocumented Filipino kada buwan ang idine-deport ng Estados Unidos, mas mababa sa bilang sa panahon ng Obama administration.

 

 

“Tingnan natin, kunwari bigla lang in six months may 20,000 na-deport o 10,000, then umakyat talaga. Huwag tayo mag-conclude until makita natin iyong data in six to eight months kung dadami ang made-deport,” aniya pa rin.

Muli namang inulit nito na handa ang gobyerno ng Pilipinas na tugunan ang epekto sa mga Filipino ng planong mass deportation.

 

 

Madali naman aniya sa gobyerno na gamitin ang DFA Assistance-to-Nationals fund.

Nandiyan din aniya ang Department of Migrant Workers’ Aksyon (Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan) Fund, gagamitin para sa legal, medical, financial at iba pang uri ng tulong para sa overseas Filipino workers, gaya ng ‘repatriation ay intervention’ para protektahan ang karapatan ng mga mamamayan.

 

 

“The President talked to President Trump and our ambassador has assured them that they’ll give them the assistance,” ang sinabi ni De Vega. (Daris Jose)

Akusado sa 990 kilos na shabu, naghain ng not guilty

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NOT GUILTY plea ang inihain ng abogado ng mga akusadong pulis sa 990 kilos shabu sa ginanap na arraignment  Lunes ng umaga, Enero 27.

 

Dahil dito, itinakda ng Manila Regional Trial Court (MRTC)  Branch 175 sa Pebrero 14  ang pre-trial para sa kasong paglabag sa RA 9165 sa 29 na mga pulis.

Kaugnay ito sa narekober na 990 kilo ng sahbu sa isang gusali sa Tondo Maynila noong 2022.

Bagama’t tumangging magbigay ng plea ang kampo ni MSgt Rodolfo Mayo Jr dahil sa nakabinbin nilang motion to quash sa paglilitis…ang abogado na ang naghain ng not guilty plea para sa kanya

 

Hindi naman sumipot ang mga abogado ng ilan sa mga akusado na nakalalaya pa rin kasama na si PLCol Glenn Gonzalez

 

Samantala, tinalakay din ng korte ang kanya kanyang hiling ng mga akusado sa kanilang detention, kung ililipat ba sa PNP Custodial Center

 

Kasama rin dito si Patrolman James Osalvo na hiniling mailipat sa PNP General Hospital at mabantayan ng isang kamag-anak

 

Ito ay dahil sa kondisyong medikal ng pulis na nasangkot sa aksidente at nasa kustodiya ngayon ng Custodial Center sa Kampo Crame. (Gene Adsuara)

Mga pro-China candidates sa halalan, huwag iboto

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMAPELA si House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V sa mga Pinoy na huwag iboto ang mga  pro-China candidates ngayong darating na May midterm elections.

 

Kasunod na rin ito sa ulat na gumamit ng sonic device ang isang  Chinese vessel sa Philippine Coast Guard ship malapit sa Zambales.

 

Ang device ay nagpapakawala ng nakakabinging ingay o noise, na nagbibigay panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga personnel ng bansa.

 

“This is no longer just about the West Philippine Sea—it’s about our future as a nation. Supporting candidates who are soft on China is the same as endorsing the harassment of our Coast Guard and the exploitation of our natural resource,” anang mambabatas.

 

Lalo pang pinalalakas ng Tsina ang kanilang presensiya sa wps, gamit ang  water cannons at ngayon ay acoustic weapons para takutin ang mga pinoy.

 

“Bawat Pilipino ay dapat magtanong: Pahihintulutan ba natin na kontrolin ng China ang ating mga desisyon? O pipiliin natin ang mga lider na ipaglalaban ang ating soberanya at hindi magpapadala sa mga dayuhang mananakot?” pahayag pa ni Ortega.

 

Hinikayat pa nito ang mga botante na gamitin ang kanilang balota bilang armas aat depensa laban sa panghihimasok ng dayuhan.

 

“A vote for pro-China candidates is a vote against the heroes who fought for our independence, the fishermen fighting for their livelihood, and the Coast Guard risking their lives to protect our seas. We must elect leaders who put the Philippines first—leaders who champion our flag in every forum and stand shoulder-to-shoulder with our people in adversity,” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)

Bagong China Town bubuksan sa Quezon City

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISANG  bagong Chinatown sa Banawe area ang nakatakdang buksan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte  kaugnay ng  hitik sa sayang selebrasyon ng Chinese New Year sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte na itatampok sa nasabing event ang commitment ng pamahalan ng Quezon City upang isulong ang turismo at ipakita sa mga bisita partikular na sa mga turista ang kakaibang kasaysayan ng magkalong kultura at modernong mga darayuhin sa lugar.

Samantalang isa ring makulay na mga aktibidad ang masasaksihan sa Martes , Enero 29  ang selebrasyon ng Chinese New Year na sisimulan sa Dance Fit session.

“Then a ribbon-cutting ceremony will be led by the mayor, marking the official launch of the redesigned City Chinatown,” pahayag ni Engelbert Apostol, Chief ng Public Affairs and Information Service Department ng naturang siyudad.

Aniya ang bagong disenyong QC Chinatown ay siguradong makakahalina sa lugar bilang pa­ngunahing hub ng turismo, kultura at maging sa komersiyo.

HVI drug suspect nasilo sa Navotas buy bust, higit P.3M droga, nasabat

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISANG drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang timbog matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enfortcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng droga ni alyas ‘Eman’, 46, ng Brgy, NBBN.

Isinailalim ng SDEU sa validation ang suspek at nang positibo ang report, ikinasa nila ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr, sa koordinasyon sa PDEA matapos isa sa kanyang mga tauhan ang nagawang makipagtransaksyon kay ‘Eman’ ng droga.

Dakong alas-10:35 ng gabi nang dakmain ng mga tauhan ni Capt. Rufo ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer sa V De Guzman St., Brgy. Bangkulasi.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 54.39 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P369,852.00 at buy bust money.

Sinampahan ng SDEU ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at pambihrang pagganap sa panahon ng operation.

“This significant seizure is a direct result of our relentless efforts to dismantle illegal drug operations within our jurisdiction. Disrupting the supply chain and preventing these dangerous substances from reaching our communities are major achievements,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Binata na wanted sa rape sa Bulacan, nalambat ng Caloocan police

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong statutory rape matapos makorner ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang akusado na si alyas ‘James’, 20.

Dinakip si ‘James’ sa bisa ng warrant of arrest na inisyu Presiding Judge April Anne M. Turqueza-Pabellar, ng Family Court, Branch 6, Third Judicial Region, Sta. Maria, Bulacan noong August 16, 2024, para sa kasong Statutory Rape.

Ayon kay Col. Canals, walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang Cadena de Amor Police Substation-11 na nagtatago umano sa Camarin ang akusado na nakatala bilang Top Most Wanted Person sa Bulacan.

Kasama ang mga tauhan ng NCRPO-RDEU Team 3, agad nagsagawa ang SS11 ng joint operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:20 ng gabi sa Lirio Street, Barangay 175, Camarin.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng SS11 habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Pinuri naman ni Col. Ligan ang dedikasyon at mabilis na action ng mga tauhan ni Col. Canals na nagresulta sa matagumpay na operation. (Richard Mesa)

EDSA Shrine at 2 simbahan pa kinilala na bilang national shrine ng CBCP

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAIANGAT  bilang national srhine ang status ng tatlong Simbahang Katolika sa bansa.

Pinangunahan ito ng Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o kilala bilang EDSA Shrine , Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto at Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu.

Isinagawa ang pag-angat ng estado ng nasabing mga simbahan matapos ang 129th plenary assembly ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines na dinaluhan ng mahigit 70 Obispo sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang EDSA Shrine at Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto ay nasa ilalim ng Archdiocese ng Manila habang ang Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu ay sa ilalim ng Diocese of Antipolo.

 

Itinayo ang EDSA Shrine noong 1989 bilang pag-alala sa Pebrero 25, 1986 people power revolution.

Ito rin ang lugar na isinagawa ang 2001 rally na nagresulta sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang Loreto Church sa Sampaloc District ay makikita doon ang centuries-old na imahe ng Virgin Mary bilang Our Lady of Loreto ito rin ang tanging simbahan sa bansa na inialay sa mga Marian ang titulo.

Habang ang Aranzazu Shrine sa San Mateo, Rizal ay may mayamang kasaysayan na noong 1596 ay unang nanirahan ang mga Augustinian friars.

Ayon pa sa CBPCP an ang pagdeklara na maging national shrine ang isang simbahan at ito ay maituturing na sagradong lugar na kinikilala ng Simbahang Katolika dahil sa pagiging makasaysayan, spiritual at mayroong cultural significance.

Kadalasan ito ay kinikilala dahil sa pagkakaroon ng sikat na debosyon, mayroong mahalagang religious events, miracles o apparitions.

Ads January 27, 2025

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Los Angeles Lakers sinapawan ang Boston Celtics

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMISKOR si star center Anthony Davis ng 24 points at may 23 mar­kers si Austin Reaves para banderahan ang Lakers sa 117-96 pagsa­paw sa nagdedepen­sang Boston Celtics.

Nagkuwintas si LeBron James ng 20 points at 14 rebounds para sa Los An­ge­les (24-18) matapos pa­ngalanan sa All-Star Game sa ika-21 sunod na season.

Inungusan din ni James si NBA legend Hakeem Olajuwon sa seventh place sa defensive rebounds sa NBA history sa third quarter.

Mayroon na ngayong 9,726 rebounds si James.

Pinamunuan ni Kristaps Porzingis ang Boston (31-14) sa kanyang 22 points ka­sunod ang 17 markers ni Jaylen Brown.

Nag-ambag si Jayson Tatum, hinirang din sa All-Star Game, ng 16 points.

Ipinoste ng Lakers ang isang 28-point lead sa fourth quarter para iwanan ang Celtics matapos magsalpak ng 11 three-pointers sa first half.

Sa Denver, inilista ni Ni­kola Jokic ang kanyang pang-limang sunod na tri­ple-double sa tinapos ni­yang 35 points, 22 rebounds at season-high 17 assists sa 132-123 panalo ng Nuggets (28-16) sa Sac­ramento Kings (23-21).

Djokovic hindi na tinapos ang semis ng Australian Open dahil sa injury

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NATAPOS na ang paghahangad ni Serbian tennis star Novak Djokovic na makuha ang pang-25 na grand slam title.

Maaga kasi itong nag-retire sa semifinals ng Australian Open dahil sa injury sa kaniyang kaliwang hita.

Tinapos pa ni Djokovic ang unang set laban kay world number 2 na si Alexander Zverev kung saan natalo siya sa 7-6(5) sa laro na tumagal ng isang oras at 21 minuto.

Nagulat na lamang ang mga audience ng magkamayan na ang dalawa hanggang tuluyang umalis na sa court si Djokovic.

Pinasalamatan ni Zverev ang mga nanood dahil hindi sila nagalit kay Djokovic matapos na hindi tinapos ang laro.

Hiniling na lamang nito sa audience ng pagrespeto na lamang kay Djokovic dahil sa binigay nito ang lahat ng makakaya.

Magugunitang nakapasok sa semifinals ng Australian Open si Djokovic matapos na talunin niya si Carlos Alcaraz kung saan nag-medical time out siya dahil sa injury.