• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 1:35 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

Athlete of the year igagawad kay Yulo

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAGNININGNING  ang gabi tampok ang pinakamahuhusay na Pinoy athletes na gagawaran ng parangal sa San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Awards Night sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Pormal nang igagawad kay Carlos Yulo ang Athlete of the Year award matapos ang impresibong kampan­ya nito sa 2024 Paris Olympics.

Iwinagayway ni Yulo ang bandila ng Pilipinas nang masungkit nito ang dalawang gintong medalya sa gymnastics kung saan pinagharian nito ang men’s floor exercise at men’s vault.

Magsisimula ang prog­ramang co-presented ng ArenaPlus, Cignal, at MediaQuest sa alas-7 ng gabi bitbit ang temang ‘Golden Year, Golden Centenary.’

May kabuuang 117 awardees ang pararangalan sa taong ito kabilang ang mga Olympians sa nakalipas na mga edisyon para magsilbing guest of honor.

Magkakaroon ng kinatawan ang bawat batch ng Olympians sa nakalipas na 60 taon para samahan ang mga 2024 Paris Olympians sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, Senator Bong Go, PBA, PVL, 1-Pacman Party List, Rain or Shine, Akari at AcroCity.

Si Freddie Webb, na naglaro para sa men’s basketball team sa 1968 (Mexico) at 1972 (Munich) Olympics, ang magsisilbing keynote speaker at kinatawan ng mga Olympians.

Iluluklok naman si weightlifter Hidilyn Diaz sa Hall of Fame.

Apat na beses na na­ging Athlete of the Year si Diaz noong 2016, 2018, 2021 at 2022.

Si Diaz ang kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics noong 2020 Tokyo Games sa Japan.

Ibibigay naman kina boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas ang President’s Award bunsod ng kanilang tansong medalyang nakamit sa Paris Olympics.

Pararangalan naman si POC President Abraham ‘Bambol’ Tolentino ng 2024 Executive of the Year habang ang Gymnastics Association of the Philippines ang National Sports Association (NSA) of the Year.

Kasama rin sa PSA honor roll ang NCAA at MVP Group of Companies na may Special Award gayundin ang 19 citations, at pitong batang awardees ng Tony Siddayao Awards.

Mga fans ni Kobe Bryant inalala ang ika-limang taon ng pagkakasawi nito

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INALALA ng mga fans ni NBA star Kobe Bryant at anak nitong si Gianna ang ika-limang taon ng kanilang pagkakasawi.

Magugunitang noong Enero 26, 2020 ng bumagsak ang helicopter na sinakyan ng mag-ama kasama ang anim na iba habang patungo sa Thousan Oaks para sa basketball practice.

Kinasuhan naman ng asawa nitong si Vanessa Bryant ang mga imbestigador ng kaso dahil sa pagpapakalat ng video at larawan sa crash site ng hindi ipinaalam sa kaniya.

Dahil dito ay nagwagi siya sa kaso mula sa LA County
noong 2023 at binayaran siya ng halos $30-milyon.

Nagtayo ang mga fans ng rebolto ng dalawa doon mismo sa lugar ng pinagbagsakan ng helicopter.

Nakatakdang ilabas ni Vanessa ang bagong libro na inialay sa mag-ama nito at ito ay ilalabas sa darating na Agosto 19.

Sa Kobe ay 41 anyos at si Gigi ay 13 ng mangyari ang aksidente.

Sa loob ng 20-taon na basketball career ay naging 18-time All-Star si Bryant, 15-time All-NBA honoree, 5-time NBA Champion at 2007-2008 NBA Most Valuable Player.

Itinakbo ng ekonomiya ng bansa, nananatiling ‘quite impressive’- Balisacan

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANANATILING ‘quite impressive’ ang itinakbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng kinapos na maabot ang target noong nakaraang taon.

Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi kontrolado ng gobyerno ang mga dahilan na nakaapekto sa itinakbo ng ekonomiya ng bansa.

 

 

“We fall short of the target but that’s understandable, as I said, because of the external and domestic factors that are outside of our control,” ayon kay Balisacan.

“But nonetheless, you know, the performance of the economy was still quite impressive compared to our neighbors in the entire Asia,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, sinabi naman ng Presidential Communications Office (PCO) na ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa ay lumago ng 5.8% sa panahon ng first three quarters ng 2024, sinasabing mas mababa kaysa sa target nitong 6.5% hanggang 8.0%.

Ipinagmalaki naman ni Balisacan na nananatiling isa sa top performers ang Pilipinas sa hanay ng mga umuusbong na ekonomiya sa Asya.

Ang agrikultura rin aniya ay isa sa mga sektor na may pinakamalaking lugo sa second half ng nakaraang taon, ang dahilan ay ang dami ng bilang ng bagyo na tumama sa bansa.

Sa ulat, kuntento si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa itinakbo ng ekonomiya ng Pilipinas, sa katatapos lamang na 2024.

 

 

Sa katunayan, ipinagmamalaki niya ang mga nakamit ng bansa sa nagdaang taon.

“I’m quite satisfied. I’m even proud. I would go as far as saying I’m proud of the things that we have achieved.” ayon kay Pangulong Marcos.

Sa ika-24 na NEDA Board meeting (January 23), kinilala ng pangulo ang ginagawang implementasyon ng pamahalaan sa malalaki at mahahalagang reporma at proyekto, na mangangailangan ng taon bago ganap na makumpleto.

Gayunpaman, kailangan aniyang maipabatid sa mga Pilipino kung ano ang ginagawa pa ng pamahalaan para sa bansa.

Bahagyang napag-iiwanan na kasi aniya ang komunikasyon o iyong pagpapabatid ng pamahalaan sa publiko, kaugnay sa mga proyekto o programa ng gobyerno na layong i-angat ang buhay ng mamamayang Filipino.

 

 

“But we have to make it known to people that this is what we are doing. So, it has to be in a language that is easily digestible and in a language that makes sense to Juan dela Cruz. We’re falling behind in making the connection between what we are doing to the lives of ordinary Filipinos.” ang winika ng Pangulo.

Aniya, kahit marami na ang proyektong tapos na, kailangan pa ring ipaliwanag sa publiko na ang iba ay on going pa, maging ang pangmatagalang benepisyong taglay ng mga ito.

 

 

Halimbawa ang kahalagahan ng pagbu-bukas ng Bataan-Cavite Bridge, na tutugon sa traffic congestion sa Metro Manila, at magbubukas rin sa iba pang lugar sa Central Luzon at Calabarzon.

Nanghingi rin ang pangulo ng detalyado at consolidated report kaugnay sa effort ng gobyerno para sa pagtitiyak ng food security.

Ang mga ganitong reports kasi aniya ang magpa-paliwanag kung papaanong magbi-benepisyo ang mga filipino sa mga inisyatibong ito, at kung papaanong makakambag ito sa hinaharap at pangkabuuang kalidad ng buhay ng mga Filipino. (Daris Jose)

ICC requests na idadaan sa Interpol, hindi dapat balewalain-Bersamin

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI dapat balewalain sakali’t mag-‘request’ ang International Criminal Court (ICC) na arestuhin o ihatid ang taong ‘subject’ sa ICC jurisdiction, kapag idinaan na ito sa Interpol.

 

 

Ang paliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, bagaman hindi pa rin nagbabago ang posisyon ng Pilipinas hinggil sa ICC at ang withdrawal ng Pilipinas mula sa ICC ay may bisa na, sinabi ni Bersamin na mapipilitan ang gobyerno ng Pilipinas na tumugon sa request kung idadaan na ito ng ICC sa Interpol.

 

“If the ICC makes a move and courses the move through the Interpol and the Interpol makes the request to us for the arrest or delivery of a person subject to ICC jurisdiction, we will respond,” ang sinabi ni Bersamin.

 

“‘Yung position is wala na tayo sa jurisdiction ng ICC pero that does not necessarily mean that the order of the ICC enforced through the Interpol is to be ignored… I’m not saying ‘yung ICC ang inaano natin, ‘yung Interpol ang pinagbibigyan natin,” dagdag na pahayag ni Bersamin.

Sa kabilang dako, sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na handa na ang Pilipinas na makipag-usap sa ICC sa gitna ng gumugulong nitong imbestigasyon sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

 

Taliwas ito sa sa mga naging pahayag niya noon na hindi makikialam ang Pilipinas sa imbestigasyon ng ICC dahil kumalas na ang bansa sa Rome Statute o ang tratado sa pagbuo ng ICC.

May mga bahagi aniya ng usapin na maaring makipagtulungan ang pamahalaan at matalakay ang mga isyu na may hangganan.

 

 

Nagsampa sa ICC ng reklamo ang mga biktima umano ng extrajudicial killings dahil sa naturang kampanya.

Ang paliwanag ni Remulla, ang pakikipagtulungan sa isang international tribunal ay pinapayagan naman sa batas ng Pilipinas. Patunay aniya rito ang paglabas-masok sa bansa ng ilang kinatawan mula sa ICC. (Daris Jose)

Imbestigasyon sa pagpapakalat ng fake news, sisimulan ng Kamara

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKATAKDANG  simulan ng Kamara ang imbestigasyon sa pagkalat ng fake news at disinformation.

 

Tatlong komite o Tri Committee (Tri Comm) ang siyang mangunguna sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa likod ng malawakang disinformation maging ang impact nito sa Filipino society.

 

Ang joint panel ay bubuuin  House Committees on Public Order, on Public Information at on Information and Communications Technology (ICT).

 

Nagsagawa naman ng unang executive briefing ngayong Lunse ang tricom na pinangunahan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez presiding.

 

“Ang mga Pilipino ay may karapatan sa katotohanan. Dapat protektahan natin ang ating mga kababayan laban sa mga maling impormasyong nagdudulot ng takot, kalituhan at pagkakawatak-watak ng ating lipunan,” ani  Fernandez.

 

Layon ng mga mambabatas na busisiin ang pagiging epektibo ng mga plataporma para labanan ang  disinformation at matukoy ang mga  legislative gaps na kailangang tugunan.

 

Pananagutin din aniya ang mga masa likod ng pagpapakalat ng pekeng balita at disinformation para sa  personal o political gain.

 

“Hindi natin hahayaang magpatuloy ang sistemang ito kung saan nalilinlang ang ating mga kababayan. Panahon na upang malaman natin ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan para sa pansariling interes,” pahayag nito.

(Vina de Guzman)

NAVOTAS SOLON, SUPORTADO ANG P500M PONDO NG PNP IT SYSTEMS

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IKINATUWA ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling maglaan ng P500 milyon mula sa intelligence fund ng Philippine National Police (PNP) upang maibalik ang badyet para sa mga programa nito sa information technology.

“Cyberspace is a rapid changing landscape and we need to ensure that our law enforcement agencies are always up to date,” aniya.

Nagpahayag siya ng buong suporta para sa hakbang na itinataguyod nito ang transparency sa gobyerno habang sinasangkapan ang PNP para labanan ang cybercrimes at tugunan ang mga hamon sa cybersecurity.

“I fully support the president’s decision because it ensures the PNP is prepared to tackle threats like phishing, scams, and identity theft while promoting accountability,” dagdag ni Tiangco.

Sa datos mula sa Social Weather Stations (SWS), binigyang-diin ni Tiangco ang pagkaapurahan ng pagtugon sa cybercrime kung saan 7.2% ng mga pamilyang Pilipino ang naging biktima ng cybercrimes noong Setyembre ng nakaraang taon.

“Maya’t-maya makakarinig ka ng reklamo na na-hack, na-scam, o na-phish. Napapanahon at kailangan talaga nating mag-invest sa IT programs ng ating kapulisan,” paliwanag Solon.

Gayundin, idiniin ni Tiangco ang kahalagahan ng pagpapabuti ng sistema ng 911 ng PNP, na sinabi na ang malaking bilang ng mga kahilingan sa emergency hotline ay mga kalokohan.

“Nakakalungkot dahil majority ng tumatawag sa ating 911 centers ay prank calls. Apart from enforcing sanctions and penalties for prank callers, we need a system that deters such actions and ensures faster emergency responses,” sabi pa niya.

Umaasa siya na ang muling inilaang pondo ay makakatulong sa pagbuo ng Integrated National 911 System upang mapahusay ang emergency services. (Richard Mesa)

Substitute bill hinggil sa Adolescent Pregnancy Prevention, tanggap ng Malakanyang

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TANGGAP ng Malakanyang ang substitute bill ukol sa Adolescent Pregnancy Prevention bill ni Senator Risa Hontiveros.

 

”Well, we always welcome initiatives like those kasi it means she finally realized that there must be something [objectionable] to her earlier version. But we are not judging her version at all,” ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

 

 

Sa kabilang dako, umaasa na ngayon si Senadora Risa Hontiveros na papasa na sa panlasa ng mga kritiko ang substitute bill para sa isinusulong niyang Pregnancy Prevention Bill.

Binago kasi ng senadora ang ilang probisyon ng kontrobersiyal na anti-teenage pregnancy bill kasunod ng mga kritisismo.

 

Dahil dito, umaasa si Hontiveros na susuportahan na ito ng mga senador na binawi ang kanilang pirma sa panukala.

 

 

Inalis na kasi ng senadora ang mga kontrobersiyal na probisyon at isinama ang mga rekomendasyon ni Senate President Chiz Escudero.

Kabilang na rito ang pag-alis sa katagang ” guided by International Standards”, paglimita sa Sex Education sa 10 taon pataas; pag-adjust sa 16 taong gulang pataas pagdating sa access sa Reproductive Health Product ng walang parental consent.

 

 

Naniniwala naman si Hontiveros na hindi na babalik pa sa committee level ang pagdinig sa substitute bill.

Matatandaang, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibi-veto niya ang Senate Bill 1979 o “Prevention of Adolescent Pregnancy Act” kung maipasa raw ito sa kasalukuyan nitong mga nilalaman.

Sa isang ambush interview nitong Lunes, Enero 20, sinabi ni Marcos na nabasa na raw niya nang detalyado noong weekend ang Senate Bill 1979, at hindi raw siya sang-ayon sa ilan umanong bahagi ng panukalang batas.

 

 

“I was shocked and I was appalled by some of the elements of that. Because this is, all this woke that they are trying to bring into our system. You will teach four-year olds how to masturbate, that every child has the right to try different sexualities,” ani Pangulong Marcos.

“This is ridiculous. It is abhorrent. This is a travesty of what sex education should be to the children.”

 

 

Samantala, nang tanungin naman si Bersamin kung ano ang basehan ni Pangulong Marcos sa sinasabing probisyon ukol sa masturbation matapos na igiit ng senadora na wala naman ito sa kanyang panukalang batas, sinabi nito na na may nabasa ang Pangulo na may indikasyon ng masturbation.

”This is very common, you know when you read something, you read the lines and there are between the lines… language is very broad, you have a connotation, denotation and the other implications of language,” ayon kay Bersamin.

 

 

”Let’s give the President a benefit of the doubt about that no? He probably read there something that indicated to him that it is going to include masturbation… he’s entitled to that opinion,” aniya pa rin. (Daris Jose)

DFA, masusing naka-monitor sa posibleng pagpapatigil sa US assistance —PCO

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MASUSING naka-monitor ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ulat kaugnay sa posibilidad na pagpapatigil sa United States foreign assistance.

Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos na magpalabas ang US State Department ng “stop-work” order para sa lahat ng existing foreign assistance at pinatigil ang bagong tulong, ayon sa isang cable na nakita ng Reuters, matapos ipag-utos ni Pangulong Donald Trump ang ’90-day pause to review’ kung ang aid allocation ay nakahanay sa kanyang foreign policy.

 

Ang pagpapatigil sa foreign aid na kagyat na epektibo ay naka-apply sa bago at umiiral na tulong, tinukoy ang US State Department memo na nilagdaan ni Secretary of State Marco Rubio, araw ng Biyernes.

 

 

Nakasaad sa memo na ang mga senior official “shall ensure that, to the maximum extent permitted by law, no new obligations shall be made for foreign assistance” hanggang si Rubio ay makagawa ng desisyon matapos ang pagrerepaso, ang iniulat ng Reuters.

 

Sinabi pa ng PCO na makakatrabaho ng DFA ang partner nito sa US Department of State at US government “to determine how this will affect the Philippines.”

 

 

Ang Estados Unidos ang pinakamalaking ‘single donor’ pagdating sa pagbibigay ng tulong sa buong mundo.

Sa katunayan, “in fiscal year 2023, it disbursed $72 billion in assistance.” (Daris Jose)

Chinese Embassy pumalag: Chinese ‘espionage’ ops, ‘baseless speculation and accusation’

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINALAGAN ng Chinese Embassy ang di umano’y espionage operation sa Pilipinas ng sinasabing Chinese spy.

 

 

“The so-called ‘espionage’ operation of a Chinese citizen in the Philippines is baseless speculation and accusation,” ang sinabi ng tagapagsalita ng Chinese Embassy na naka-post sa kanilang website.

“The Chinese Embassy in the Philippines has expressed concerns to the Philippine side and requested for consular visit to the said Chinese citizen so as to provide consular assistance,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang Chinese national ang naaresto kamakailan dahil sa pag-eespiya.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, bukod sa isang Chinese ay dalawa ring Pinoy ang naaresto sa operasyon na ikinasa sa Makati City noong Biyernes ng gabi, January 17.

Ipiniresenta ang mga salarin at ang mga kagamitan na nakuha mula sa kanila sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ).

 

 

Kinilala ang mga suspek na sina Deng YuanQing at ang dalawang Pinoy na sina Ronel Jojo Balundo Besa, Jayson Amado Fernandez.

Napag-alaman na may kakayanan ang mga nakuhang kagamitan sa pagmamanman sa mga lugar na military camp bases, power plants, tanggapan ng mga local government unit at maging mga shopping mall.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kung sino pa ang mga kasabwat at kung ano ang kanilang motibo.

 

 

Nahaharap ngayon ang tatlo sa kasong Espionage at Cybercrime Prevention Act of 2012.

“We urge the Philippine side to base its judgment on facts, not to make presumption of guilt, stop airing groundless speculations about the so-called ‘Chinese spy case’, handle relevant cases in accordance with the law, earnestly fulfill the obligations of the bilateral consular treaty and protect the legitimate rights and interests of Chinese citizens in the Philippines,” ang sinabi naman ng Chinese Embassy. (Daris Jose)

Sakripisyo ng SAF 44, paalala ng kahalagahan ng “national unity”- VP Sara

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PARA kay Vice-President Sara Duterte na isang “powerful reminder” ang ‘heroic deaths’ ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 para sa kahalagahan na magkaisa bilang isang bansa.

 

Ipinahayag ito ni VP Sara sa video message ukol sa National Day of Remembrance of the Heroic Sacrifice ng SAF 44.

 

“May the lessons learned from this tragic loss inspire us to work together to overcome challenges and strive for a safer and more secure future for all Filipinos,” ang sinabi ni VP Sara.

“SAF 44 is a powerful reminder of the importance of national unity and our collective responsibility to protect our country’s security,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, muling kinilala ni VP Sara ang kabayanihan ng fallen 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) commandos na nasawi sa naganap na Mamasapano Clash.

 

 

Ginawa ng bise ang pahayag kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng madugong bakbakan noon.

Batay sa inilabas na statement ng bise, ang ginawa ng SAF 44 ay simbolo ng kabayanihan at sakripisyo para sa Pilipinas.

Kaugnay nito ay nanawagan si Duterte sa mga Pilipino na magkaisa para masolusyunan ang mga hamon na kinakaharap ng bansa.

Magsilbi rin sana itong inspirasyon sa mga Pilipino para magtulungan.

 

 

Ang sagupaan sa Mamasapano ay nagsimula sa pagsalakay ng puwersa ng Special Action Force ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP–SAF) saTukanalipao,Mamasapano,Maguindanao Pilipinas upang dakpin ang mga terorista, na nauwi sa pinakamalaking pagkalagas sa puwersa PNP–SAF nang masukol sila ng mga puwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters atMoro Islamic Liberation Front.

Naganap ang insidente noong madaling-araw ng Enero 25, 2015.

 

 

Kung maaalala , aabot sa 44 na tauhan ng pulisya ang nasawi matapos ang pakikipagsagupaan sa mga rebeldeng muslim sa isinagawang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Sa kabila nito ay matagumpay naman ang operasyon kung saan na neutralized ng mga ito ang Malaysian bomb maker and Jemaah Islamiyah leader na si Zulkifli Bin Hir, alias Marwan.

“As we continue to honor their lives and extend our deepest condolences to their families and loved ones, let us also acknowledge the complexities and dangers faced by those who serve in law enforcement and the armed forces,” ang sinabi ni VP Sara. (Daris Jose)