• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 10:04 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

Vloggers na nagkakalat ng fake news tatalupan ng Kamara

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SISIMULAN na ng Tri-committee ng Kamara ang imbestigasyon sa mga indibidwal na nasa likod ng talamak na pagpapakalat ng fake news na isa umanong matin­ding panlilinlang sa publiko.

Magsasagawa nga­yon ng executive briefing ang joint panel na binubuo ng Committees on Public Order, on Public Information, at Information and Communications Technology (ICT) na pangungunahan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez.“Ang mga Pilipino ay may karapatan sa katotohanan. Dapat protektahan natin ang ating mga kababayan laban sa mga maling impormasyong nagdudulot ng takot, kalituhan at pagkakawatak-watak ng ating lipunan,” sabi ni Fernandez.

Iginiit ni Fernandez na ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon para sa perso­nal o politikal na interes ay dapat na managot.

“Ang fake news ay lason na sumisira sa ating demokrasya. Hindi tayo titigil hangga’t mapanagot ang mga nasa likod nito at matiyak na may tamang proteksyon ang ating mga kababayan,” dagdag pa ng solon.

Pangunahing isyu na tatalakayin ang transpa­rency ng mga social media platforms sa pagtukoy at pagtanggal ng maling impormasyon, pagpapatupad ng mga hakbang sa pananagutan laban sa mga paulit-ulit na lumalabag tulad ng mga iresponsableng vlogger at influencer, at ang mas malawak na epekto ng disimpormasyon sa pambansang seguridad, lalo na sa usapin ng hidwaan sa West Philippine Sea.

Kabilang sa mga inimbitahan ang mga pangunahing social media platforms upang ipaliwanag ang kanilang mga polisiya at hakbang kung paano nila nilalabanan ang fake news, cyberbullying, at mapanirang content.

Sinabi ni Fernandez na tutukuyin din sa imbestigasyon ang mga butas sa batas upang matugunan ang mga isyu.

Nanawagan din ang solon sa publiko na huwag basta maniwala sa mga impormasyon na kanilang nakikita online at maging mapanuri upang malaman kung peke ang mga ito.

Tututukan din sa imbestigasyon ang mga panganib na dulot ng fake news sa mga ordinaryong Filipino, lalo na sa kabataan at marginalized na pangunahing biktima ng cyberbullying at online harassment.

 

Gilas Pilipinas may friendly game muna bago ang FIBA Asia Cup Qualifiers

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

GAGAMITIN ng Gilas Pilipinas ang lalahukan nilang friendly games bilang paghahanda sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers.

Aalis ang Gilas patungong Doha sa Pebrero 13 para lumahok sa International Friendly Basketball Championship sa Qatar.

Mula Pebrero 14 hanggang 16 ang laro na lalahukan ng host country na Qatar, Egypt, Lebanon at Pilipinas.

Makakasama nila si Troy Rosario na siyang pumalit sa injured player na si Kai Sotto.

Tiwala si Gilas coach Tim Cone sa 6 -foot-6 na si Rosario na kayang dalhin ang koponan at umaasa itong mapipili ito sa final roster.

Kabilang kasi si Rosario ng magwagi ng tatlong gintong medalya ang Gilas sa Southeast Asian men’s basketball.

Unang makakaharap ng Gilas sa FIBA Asia Cup 2025 Qualifiers ang Taiwan sa Pebrero 20 habang ang New Zealand ay sa Pebrero 23.

‘Di pa rin ma-digest ang pagkapanalo ng Best Actress: JUDY ANN, baka after ten years bago ulit sumali sa isang festival

Posted on: January 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINANONG namin si Judy Ann Santos nang nakausap namin sa Thanksgiving lunch para sa buong team ng ‘Espantaho’ sa Chef Jessie Rockwell Club sa Makati, kung nag-sink in na ba sa kanya ang pagkapanalo niya ng Best Actress sa nakaraang 50th Metro Manila Film Festival.

Sagot ng aktres, “Alam mo, sa totoo, kahit sabihin nilang charot-charot, hindi pa talaga. “Parang umaalingawngaw pa sa akin yung pagtawag sa pangalan ko, yung ang blurred nung mga pangyayari. 

Parang pag bumabalik ako doon sa moment na yun, kahit yung time na nakasakay na ako ng sasakyan pauwi, yung, ‘Totoo ba ito? Totoo ba talaga ito?’

“Tapos kalung-kalong ko yung award, yung trophy, na parang tinititigan ko, na parang, ‘Ay oo, ang bigat nga! Akin ba talaga ito?’

“Nandun e, yung hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na sa sampung pelikula… ‘though we had a lot of nominations, nakapag-uwi pa kami ng isa.

“And palagi kong sinasabing ‘kami’ kasi hindi naman mabubuo yung ‘Espantaho’ kundi sa kabuuan ng produksiyon, ng staff, ng crew, ng lahat ng cast.”

Pagpapatuloy pa niya, “ito yung mga bagay na alam kong hindi ko ito maiuuwi kung hindi dahil of course kay direk Chito, sa materyal ni direk Chris, sa tiwala ni Atty. Jojit, at sa powerhouse cast ng Espantaho kasi naggabayan talaga kami. 

“Hindi ko pa rin talaga alam kung ano’ng sasabihin ko e, kasi parang hindi siya totoo.

“Yung nangyari ba talaga ito? Seryoso ba ito? Sabihin na nilang ang arte-arte ko.

“Hindi ko pa lang talaga ma-digest ba, na nangyari siya sa akin. But of course, of course, sobra akong grateful sa jury, sa lahat, sa lahat-lahat ng bumoto for me to be 2024 Best Actress sa Metro Manila Film Festival.

Sobrang laki ng gratefulness ko, pero hindi ko rin talaga alam kung sapat pa rin ba yung trabaho ko, kasi hindi nga ako magandang gauge ng sarili kong mga proyekto.

But then again, nandun ako sa okay lang naman din na hindi ako naliligayahan sa trabaho ko, kasi ibig sabihin binibigyan ko pa rin ng malaking espasyo yung skills ko sa pagiging artista, na mayroon pa akong room for improvement and ina-address ko yun. 

“Alam ko sa sarili ko na hindi sapat na hanggang dito lang ako, so I’m still willing to learn. I’m still excited to work with new directors and new writers, of course veteran actors, directors and writers, kasama naman sa pangkalahatan yun.

Pero again, kung tatanungin mo kung kailan ko ito mada-digest? Hindi ko alam. 

“Parang gusto ko munang panghawakan itong trophy na ito in the next 10 years bago ako ulit sumali sa isang festival.” 

Milestone ang pagwawagi ni Judy Ann dahil ika-50th anniversary ng MMFF kaya binsagan siyang “Golden Best Actress”.

Kaya nga. Siguro kaya hindi ko siya ma-digest, kasi parang history na, history pa,” say pa ni Juday. 

Talagang ang dami kasi talagang…napakaraming magagaling. “Hindi naman kayo makakapasok sa 50th MMFF kung hindi mahuhusay lahat ng pelikula, hindi ba? 

“So to be singled out with the other actors or participants at ikaw ang makapag-uwi nung final award na iyon nung gabing yun… well actually, hindi pala final kasi best picture pala yung final. 

“Iba. Iba yung… kaya lutang ako nung sinabi ni Atty, ‘Halika na, umuwi na tayo’, tayo naman ako, umuwi na… hindi na ako naghintay ng kung ano pa man kasi talagang lutang na lutang ako. 

“Hindi ko alam kung saan ako pupunta, ano’ng mangyayari? Anong gagawin? 

“Pagdating nga namin sa bahay, parang tulala pa rin ako, na parang nagising ako, humarap ako… hinanap ko kaagad yung award ko kasi baka nga nananaginip lang ako,” at muling tumawa ang aktres. 

“Saan ko ba siya nilagay? Nasaan ba ito? Pati yung envelope, hinanap ko pa, kasi feeling ko hindi talaga siya totoo.

Pero thank you Lord, totoo,” bulalas pa ni Judy Ann. 

“Ang sarap, ang saya ng pagtatapos ng 2024, tapos napakasarap ng opening ng 2025 ko. So thank you Lord, thank you universe, nandito lang ako para mag-abang sa kung ano pang ibibigay sa akin ng Panginoon for this year.”

***

SI Rams David na yata ang talent manager na may pinakamaraming alagang talents.

As in hindi na namin mabilang kung ilang artists ng kanyang Artist Circle management ang nakasalamuha namin sa annual Thanksgiving party ng kanyang kumpanya kamakailan.

Ka-table namin ang dating sexy actor na ngayon ay nagbabalik bilang character actor na si Ernie Garcia, at ang character actress na si Melissa Mendez.

Nasa katabing table naman namin sa ballroom ng Prime Hotel ang hunk actor na si Troy Montero na crush namin. Yes, bagong addition sa roster of talents ni Rams si Troy.

Kasama ni Troy sa mesa ang isa sa mga loyal artists ni Rams, ang aktres na si Sheryl Cruz na always friendly. Ang ganda ni Sheryl noong gabing iyon.

Sina Inday Garutay at Billy Gandoza na bukod sa guapo ay mahusay mag-host ang bumangka sa mga parlor games kung saan isa sa mga big winners ay si John “Sweet” Lapus na special guest sa party kahit hindi alaga ni Rams; close friends kasi sila.

In attendance  siyempre sina Shyr Valdez, Dang Cruz, BJ “Tolits” Forbes, Mico Aytona, Marc Solis, Jet Rai, ang mag-asawang Jan Marini at Gerard Pizzaras, at ang mga Sexbomb girls na sina Aifah Medina at Monic Icban na may pasabog na dance number with Joy Cancio, ang orihinal na SexBomb girl.

Dumalo rin ang pretty na si Jess Martinez fresh from her ‘Abot Kamay Na Pangarap’ stint.

Sayang at hindi nakadalo si Wilma Doesnt dahil may taping at si Chanda Romero na hindi tuloy namin nainterbyu tungkol sa pananalo ni Kakkie Teodoro ng ‘Isang Himala’ over Chanda ng ‘Espantaho.’

Nasa Thanksgiving party rin siyempre sina Mosang, Eagle Riggs, ang youngstars na sina Rikki Mae Davao at Prince Keino Encelan, ay marami pang iba.

At taun-taon, nakaugalian na ni Noreen Divina, na may-ari ng Nailandia Nail Salon & Spa at Skinlandia beauty and wellness clinic (sa SM Fairview), ang palaging pagdadala ng premyo para sa grand raffle draw.

Matalik na magkaibigan sina Noreen at Rams kaya naman palaging nakasuporta ang dalawa sa isa’t-isa.

That night ay muli naming na-meet ang butihing ina ni Jess na dati na naming nakilala noon sa taping ni Jess para sa Abot Kamay Na Pangarap, bagets si madir, para lamang siyang ate ni Jess.

At si Jess naman, habang lumilipas ang mga araw ay lalong gumaganda, at dinig namin, maraming projects na ang nakalinya para sa kanya si Rams.

Anyways, this 2025 ay aasahang patuloy na aalagwa ang career at karaketan ng mga talents ng Artist Circle dahil na rin sa husay at sipag ni Rams.

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads January 28, 2025

Posted on: January 28th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Pagkatapos na ipagluksa ang kanilang lolo: ALDEN, babalik na sa hosting at kaabang-abang ang next projects

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments
INAMIN ni Kapuso actor Alden Richards na medyo naging inactive siya sa social media nitong mga nakaraang linggo.
Ayon pa sa aktor ay kinailangan daw niyang magpahinga pansamantala dahil sa pagpanaw ng kanyang grandfather kama­kailan lamang.
Pero ngayon daw ay okey na raw siya at nakatakda na siyang magbalik na ang aktor sa ‘All-Out Sundays’ simula ngayong Feb. 9.
Hindi naman itinanggi ni Alden na talagang nasa katawan na niya talaga at hinaha­nap-hanap na rin niya ang pagho-host para sa mga tagahanga niya.
Super aktibo naman si Alden sa mga kaliwa’t-kanang acting projects noong isang taon.
“Babalik tayo as like the way we used to do before, host and prods din as well. Nakaka-miss din, excited ako. See you mga Kapuso,” banggit pa niya.
Samantala, walang dudang si Alden pa rin ang Box Office King dahil kumita nang husto ang pelikula nila ni Kathryn Bernardo na ‘Hello, Love, Again’.
Pagdating naman sa telebisyon ay nagtapos na rin ang seryeng ‘Pulang Araw’.
Kung ano ang kasunod abangan na lang daw nating lahat.
***
MARAMI ang natutuwa dahil naka-move on na ang kasalukuyang bise gobernador ng Batangas na si Mark Leviste sa pagkaka-link kay Kris Aquino.
Sa ngayon kasi ay sa isang Sparkle artist na si Aira Lopez nali-link si VG Mark.
Nag-hard launch na ng kanilang relasyon ang dalawa matapos i-post ni Aira ang video nila sa TikTok kung saan napa-oo siya ng bise gobernador.
Sa caption niya ay sinabi niyang sineselebreyt nila ang espes­yal na araw na una silang dinner together bilang magkarelasyon.
Makikita sa vi­deo na si VG Mark pa talaga ang nag-record sa kanyang sarili mula pagkatok nito sa pinto ni Aira na may dalang bulaklak.
May pa-bulaklak nga rin sa kanya si Aira.  Ang cute na parang super teen ager pa ang dalawa.
Idinaan pa ni  VG Mark sa dessert nila ang pagtanong nito ng “Will you be my girlfriend?” at napa-yes naman agad ang sparkle star, huh!
Sa mga nag-comment ay walang nag-nega sa relasyon nila ha at puro positibo ang komento sa pinost nitong video.
And so…
Nagpasalamat naman  si Aira kay VG Mark sa pagpuno nito ng saya sa puso niya.
At sa kabila ng  20-year age gap nila ay meron itong bright outlook sa buhay, compassion at genuine commitment kung saan binigay nito sa kanya ang pagmamahal na hindi pa niya naranasan.
“Age doesn’t define us; happiness does, and I pray for God’s blessings as we journey forward together,” sey pa ng Sparkle star.
(JIMI C. ESCALA)

Ita-translate sa iba’t-ibang wika para sa Asian tour: Award-winning play ni Direk NIJEL na ’Subtext’, isa nang musical

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments
UNANG nakilala sa teatro ang award-winning na international film director-writer-producer na si Direk Nijel de Mesa na marahil ay hindi na natatandaan ng marami.
Isa nga sa mga unang obra niya na nagbigay sa kanya ng pagkilala ay ang kanyang dula na “Subtext,” na nanalo ng 1st Prize sa Don Carlos Palanca Awards for Literature.
Na later on ay naging isa itong full-length movie at na ngayon ay isang nakakikilig na musical play na! Ang kwento ay umiikot sa mga pagsubok sa pakikipag-relasyon at komunikasyon.
Kasama sa mga naunang cast noon ay sina Victor Neri, Soliman Cruz, Lou Veloso, Harlene Bautista, Paolo Contis, Ciara Sotto, Boboy Garovillo, at Nova Villa.
Ngunit sa kasalukuyang bersyon na ito na isang musical ay tiyak na magugustuhan ng mga magkasintahan at pati na rin ang mga single sa pagsapit ng Buwan ng Pag-ibig. Ang “Ayoko Na, Talo, Ewan Ko, Meron Din Kaya, Ayoko na Hindi Ikaw” ay ilan lamang sa mga bagong orihinal na kanta na isinulat mismo ni Direk Nijel para sa dula, at ang mga musical arrangements ay ginawa ni Jopper Ril.
Ang touring musical na ito ay dapat abangan ng ating mga kababayan abroad dahil soon ay mapapanood ito sa Japan, Taiwan at South Korea.
Ayon kay Direk Nijel, pinakikiramdaman pa raw nila kung puwede nila itong dalhin sa CCP (Cultural Center of the Philippines) after nang pagpapalabas sa Sikat Studios.
Pahayag pa niya, “pinanood na po ito ng mga producers, ita-translate po siya sa Nihongo, Mandarin at Hangul.  Kaya nasa plano na mag-Asian tour ang ’Subtext the Musical’ and hopefully bago kami mag-tour, malaman namin ang pulso ng bayan.
“At sana sa bawat pagtatanghal namin, makita din po ninyo ang sarili ninyo.  Love month na sa February, sana mapuno ang puso ninyo ng pagmamahal.”
Ang premiere cast ng musical version na ito ay kinabibilangan ng anim na mahuhusay na aktor at aktres na kaya ring kumanta. Ang ’Subtext the Musical’ at binubuo ng tatlong bahagi na magpapakilig, magpapatawa at magpapaluha sa mga manonood.
Ang talong pares ay sina Cherry Morena at Jiro Custodio (na mula sa NET25’s Star Kada), Ced Recalde at Shane Santos, Karl Tiuseco at Gaye Angeles.
Pawang pinalakpakan ang pagtatangghal ng anim na bida, na hindi lang nagpakita ng husay sa pag-arte, pati na rin sa pag-awit.
Siguradong lahat ay makaka-relate lalo na noong panahong uso pa ang pagtawag sa telepono, pagsusulat ng mga liham at pagpapadala ng text.
Kaya huwag ninyong palampasin ang natitirang pagtatanghal sa Pebrero 1, 8, at 15, 2025, alas-7 ng gabi sa Sikat Studios Main Hall sa 305 Tomas Morato, Quezon City.
Produced ng “One Acts Theater” division ng NDMstudios ang “Studio Run” na ito.
Para sa mga tiket, mag-text o tumawag kay Ms. Junna Marie sa 09062266750.
(ROHN ROMULO)

‘Buffalo Kids’, inspired by the real-life relationship between Pedro Solís’ children, Alejandra and Nico

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BUFFALO Kids is a 2024 Spanish animated adventure film directed by Pedro Solís and Juan Galocha.

Written by Jordi Gasull and Javier Barreira, the screenplay of Buffalo Kids is based on Pedro Solís’ short film Cuerdas, which is in turn inspired by the real-life relationship between Solís’ children, Alejandra and Nico (with Mary and Nick respectively being their alter egos in the film). The film is a 4Cats Pictures, Atresmedia Cine, Anangu Grup, Little Big Boy AIE, and Mogambo Productions production.

English voice cast: Alisha Weir as Mary, Conor MacNeill as Tom, Gemma Arterton as Elenor, Sean Bean as Outlaw Wilson and Stephen Graham as Uncle Niall.

Set in the 19th century, the plot follows the adventures of two orphaned Irish siblings (Tom and Mary) who emigrate to the United States to reunite with their uncle Niall in New York City. When Niall doesn’t show up at the docks, Tom and Mary set out to find him with the company of a stray dog, Sparky, sneaking on board a train with a group of orphans when they cannot afford a ticket.

During the journey, Mary befriends non-verbal paraplegic boy Nick, who is rejected from his initial possible family due to his disability. The orphans’ supervisor, Eleanor, learns of their circumstances and assures them she won’t give them away to the train staff.

When the train stops to refuel, Mary takes Nick off the train to touch the nearby buffalo, but the train departs without them on board as everyone else in the carriage was asleep. Tom is able to get a nearby cart in working order and travel after the train, but they find it deserted after an apparent Indian attack. The children have a close call with a pack of coyotes that leaves Tom with an injured leg, and when they stop to collect water they are captured by an Indian tribe. However, the tribe proves to be friendly, and affirms that they had nothing to do with the train attack.

Tom, Mary and Nick are eventually led to another group of white men, but these men turn out to be the bandits responsible for attacking the train, having taken the passengers as slave labour to work in a mine. When the children are reunited with the orphans and Eleanor, one of the other prisoners is revealed to be Tom and Mary’s uncle Niall, who was captured from another train.

Tom, Mary and Nick manage to escape the mine and contact a nearby fortress for help, as well as the Indian tribe. The two groups work together to stage an assault and rescue the prisoners before the bandits can destroy the now-depleted mine to cover up their actions. Niall, Tom and Mary agree to remain as a family, and Eleanor not only joins them but invites Nick to come along as well.

The film was also sold to Best Film (Poland), NOS Lusomundo (Portugal), The Film Group (Greece), MegaCom Film (former Yugoslavia), Filmhouse (Israel), Front Row Entertainment (Middle East), ARP Sélection (France) and Nathan Studios. (Philippines).

In PH cinemas nationwide February 12.

(ROHN ROMULO)

Nagluluksa na naman ang showbiz industry: Queen of PH Cinema na si GLORIA, pumanaw na sa edad na 91

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGLULUKSA na naman ang local entertainment industry dahil sa pagpanaw ng premyadong aktres na si Gloria Romero noong Sabado, Enero 25 sa edad na 91.
Kinumpirma ito ng kanyang pamilya at unang inihayag ng pamangkin na si Lovely Rivero sa kanyang Facebook page kalakip ng mga larawan ng tinaguriang Queen of Philippine Cinema.
As of press time ay hindi ibinubunyag ang sanhi ng kanyang kamatayan.

Ang caption sa mga larawan ng pumanaw na aktres, ““Rest well, our Movie Queen, Tita GLORIA ROMERO. Praying for the repose of your soul & for strength for @chefmgutierrez, Chris & the whole family during this very difficult time. (emoji praying hands).”
Naglabas na rin ng official statement sa pamamagitan ng social media post ng kanyang nag-iisang anak na si Maritess Gutierrez:
“TO OUR DEAREST FAMILY, RELATIVES, AND FRIENDS: It is with great sadness to announce the passing of my beloved Mother, Gloria Galla Gutierrez aka Gloria Romero, who peacefully joined our Creator earlier today.
“In this time of loss, our family deeply appreciates the support, prayers, sympathy, all the lovely messages, and heartfelt condolences that we’ve received. She will surely be missed dearly.”
Matatandaan naman na noong Pebrero 29, 2024 ay binigyan ng post birthday celebration at tribute si Ms. Gloria na noo’y edad 90 (December 16, 1933) ng kanyang mga kasamahan sa industriya na ginanap sa Manila Hotel, na hindi niya inaasahan at labis niyang ikinatuwa.
Inorganisa ito ng kanyang kaibigan at itinurong na kapatid na si Ms. Daisy Romualdez at naging matagumpay ang nasabing event dahil dinaluhan ito ng mga malalapit sa movie icon sa halos walong dekadang pamamalagi sa industriya ng pelikula at telebisyon.
Ang wake ni Romero ay ginaganap sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City nagsimula ito noong Linggo, Enero 26, para sa pamilya at mga kaibigan.
Ang public viewing ang gaganapin sa umaga, Enero 27 at 28 at isasara sa hapon para sa mga mahal sa buhay ng yumaong beteranang aktres.
Ipinanganak si Gloria Anne Borrego Galla sa Denver, Colorado bago nanirahan sa Pilipinas noong kasagsagan ng digmaan.
Pinangarap na noon pa ng batang Gloria Romero na maging isang artista at nakuha niya ang pag-apruba ng kanyang ama na pumasok sa industriya ng entertainment.  Sinimulan niya ang kanyang showbiz career noong 1940s, menor de edad na papel niya hanggang sa pumasok siya sa Sampaguita Pictures noong 1952 sa ilalim ng kanyang kilalang screen name.
Kabilang sa mga pelikulang nagbigay sa kanya sa superstardom ay ang 1952 movie na “Madame X,” at “Dalagang Ilocana” pagkalipas ng dalawang taon na nakakuha ng kanyang unang FAMAS Award para sa Best Actress award.
Kabilang sa kanyang pinakakilalang mga pelikula ay ang “Hongkong Holiday,” “Condemned,” “Nagbabagang Luha,” “Tanging Yaman,” “Magnifico,” “Moments of Love,” “Beautiful Life,” at “Rainbow’s Sunset,” to name just a  kakaunti.  She also appeared in TV dramas such as “Familia Zaragoza,” “Mga Anghel na Walang Langit,” “May Bukas Pa,” and “I Love Betty La Fea.”
Si Romero ay lumabas sa ilang pelikula at TV productions sa kabuuan ng kanyang karera at umani ng ilang mga parangal, kabilang ang dalawang FAMAS Award para sa Best Actress, isang FAMAS Award para sa Best Supporting Actress, dalawang Gawad Urian acting awards, at dalawang Metro Manila Film Festival (MMFF) Best Actress.  mga parangal, at marami pang iba.
Tuos-puso ang aming pakikiramay sa pagpanaw ni Ms Gloria Romero.
***
BILANG pasakalye sa Chinese New Year, anim na pelikula ang binigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng karampatang klasipikasyon para sa ikaliligaya ng manonood.

PG (Patnubay at Gabay/Parental Guidance) ang “Her Locket,” na humakot ng 8 awards sa 2024 Sinag Maynila Film Festival.

Ipinaalala ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang paggabay ng mga magulang sa kanilang mga anak sa tamang pagpili ng mga panonoorin.

“Habang may mga eksena na posibleng naglalarawan ng ilang sensitibong paksa, tayo, bilang mga magulang, ay laging handa na sagutin ang mga tanong ng ating mga anak,” sabi ni Sotto-Antonio.

Rated R-13 naman ang “Presence” at mga edad 13 pataas lamang ang pwedeng manood nito dahil sa ilang masisidhing eksena.

R-13 din ang “Flight Risk,” “Death Whisperer 2” at “Overlord: The Sacred Kingdom” na may mga temang hindi angkop sa edad 12 at pababa.

Habang ang “Anora,” mula sa libro ni Sean Baker, ay R-18 dahil sa mga eksena, lenggwahe at maselang paksa na bagay lamang sa edad 18 at pataas.

Tiniyak ni Sotto-Antonio sa publiko na ang mga pelikula ay dumaan sa tamang proseso para mabigyan ng angkop na klasipikasyon para sa kapakanan ng mga manonood,  partikular ang mga bata.

(ROHN ROMULO)

Walang ibang parte ng mukha na kanyang pinagawa: HEART, ipinagdiinan na sumailalim lang siya sa lip enhancement

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments
INAMIN ng Global Fashion Icon na si Heart Evangelista na sumailalim lang siya sa lip enhancement.
Pero ang ibang parte ng mukha ay wala siyang pinagawa.
“Lips lang ‘yung naiba. Lips lang ‘yung pinagawa ko. It’s true. I’m just saying the truth. If you don’t accept, well, wait for judgment day. Because this is all real except that,” pagturo pa ni Heart sa lips niya sa isang teen photo niya.
Willing daw na magpatingin sa doctor si Heart para ma-examine ang face niya.
“Ayaw nilang maniwala sa akin. Alam mo, one of these days, pupunta talaga ako sa doctor. Magpapa-xray ako. I don’t know how they can prove. Mamatay man. Seryoso,” diin ni Heart.
Last year ay inamin ni Heart na nagpa-lip fillers siya sa isang kaibigan na walang lisensya na gawin iyon sa kanya. Na-traumatize daw si Heart dahil hindi maganda lumabas at nawalan ng shape ang lips niya.
***
KINUMPIRMA ni Will Ashley na naayos na ang hindi nila pagkakaunawaan ni Sofia Pablo. Umaasa rin siyang magkakaayos din sina Sofia at Jillian Ward.
Nabanggit ni Sofia na ilang taon din silang hindi nag-usap ni Will. Pero nagawa nila itong pag-usapan at ayusin bago pa man sila magkatrabaho sa ‘Prinsesa ng City Jail.
“Before po we started taping, we talked. ‘Yun po ‘yung point ko na I think darating naman din ‘yun with Jillian when the time is right.
“Kapag may taong nag-start na ‘Ba’t ‘di kayo mag-usap?’ Kasi ‘yun po ‘yung nangyari with Will. Naging OK kami kasi we both wanted to be OK na,” sey ni Sofia.
Ayon kay Will: “Isang tinik ang nabunot after how many years. Totoo naman po ‘yon kasi parang nagkaroon lang din ng misunderstanding. Kumbaga hindi kami nagkaroon ng chance makapag-usap nang gano’n katagal kasi nga pareho din kaming naging busy.”
Tungkol sa problema nina Sofia at Jillian,  saad ni Will: “Kung ano man ‘yung problema nila eh kasi, I mean, hindi naman po ako ‘yung makakaayos nun eh. Kumbaga it’s for them to fix.”
(RUEL J. MENDOZA)

Mamarkahan din ang first-ever documentary entry: Walong nakapasok sa ‘2025 Puregold CinePanalo Film Festival’, mas matindi at kaabang-abang

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISINIWALAT na ang mga filmmaker na lalahok sa nalalapit na ‘2025 Puregold CinePanalo Film Festival’ sa naganap na press conference na ginanap sa Artson Events Place sa Quezon City.

Sa bagong grupo ng mga contenders at kanilang mga entry na sumasakay sa momentum ng napakalaking matagumpay na festival noong nakaraang taon, ang Puregold CinePanalo ay mabilis na nagiging isang mainit na inaasahang kaganapan sa kalendaryo ng industriya ng lokal na pelikula.

Milyun-milyong piso sa production grants ang malaking bahagi ng draw.  Sa 2025 run ng Puregold CinePanalo, nakinabang ang bounty sa walong nanalong filmmaker na nakatanggap ng P3,000,000 bawat isa, gayundin sa dalawampu’t apat na student filmmaker na nakatanggap ng P150,000 bawat isa.

Dahil ang Puregold CinePanalo ay muling naghahangad na magbigay ng milyun-milyong grant sa produksyon sa mga piling kalahok, ang mga aspiring new filmmakers ay hinimok na gumawa ng mas nakapagpapasiglang mga kuwento na may temang, “Mga Kwentong Panalo ng Buhay”.

Sa press conference, ipinagmamalaki ng Puregold CinePanalo ang mga karapat-dapat na kalahok na ito sa mga dumalo na binubuo ng mga organizer ng festival gayundin ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang partner ng festival tulad ng MTRCB, Gateway Cineplex 18, Mowelfund, Terminal Six, CMB Films, at MFP Rentals.

Si Ms. Ivy Hayagan-Piedad, senior marketing manager para sa Puregold, ay masigasig na nagsalita tungkol sa pakikipagtulungan sa isang bagong batch ng mga filmmaker.

“After an intensely competitive application period, these directors came out on top of the heap,” pahayag niya.

“We know they will produce excellent, gripping work and we can’t wait to share these with the viewing public at the upcoming festival.”

Ang Puregold CinePanalo Film Festival ay agad na magpapakita ng mga direktor at artista ng iba’t ibang karanasan at pagbubunyi sa loob ng industriya, kasama ang star-studded 2025 na edisyon na itinatampok ang mayamang reserbang talento ng domain ng paggawa ng pelikula.

Si Mes de Guzman ang direktor ng ‘Sepak Takraw’, na pinagbibidahan nina Enzo Osorio, Nicollo Castillo, Ruby Ruiz, at Acey Aguilar.  Itatampok sa ‘Olsen’s Day’ ni JP Habac sina Khalil Ramos, Romnick Sarmenta, at child actor na si Xander Nuda.  Pinamunuan ni Tara Illenberger ang ‘Tigkiliwi’ na pinagbibidahan ni Ruby Ruiz sa kanyang pangalawang pelikula sa Puregold CinePanalo, kasama sina Gabby Padilla, at Julian Paul Larroder.

Ang dynamic duo na sina Christian Paolo Lat at Dominic Lat ang magdidirek ng ‘Journeyman’, na pinagbibidahan nina JC Santos at Jasmine Curtis-Smith.

Si TM Malones ay magtatrabaho sa ‘Salum’ kasama sina Allen Dizon at Christine Mary Dimaisip.  Ang ‘Co-Love’ ni Jill Singson Urdaneta ay magso-showcase kina KD Estrada, Alexa Ilacad, Jameson Blake, at Kira Balinger.

Samantala, ang ‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ ni Baby Ruth Villarama ay mamarkahan ang kauna-unahang dokumentaryo na sumali sa Puregold CinePanalo line up.

Isa pang makasaysaya sa filmfest ay pagsabak ng kilalang producer na si Catsi Catalan, na kung saan matutunghayan ang kanyang directorial debut sa ‘Fleeting’, na pinagbibidahan nina Janella Salvador at RK Bagatsing.

Dumalo rin sa press event ang dalawampu’t apat (24) na student filmmakers mula sa mga unibersidad sa buong bansa na kinabibilangan Nina:

Adelbert Abrigonda (Polytechnic University of the Philippines) – “Dan, En Pointe”

Allan M. Balance Jr. (Polytechnic University of the Philippines) – “Cancer Din Ang Zodiac Sign Mo?”

Angel Allizon Cruz (University of Santo Tomas) – “Dito, Dati”

Roniño Dolim (University of Eastern Philippines) – “Sine-Sine”

Kenneth Flores (Far Eastern University) – “1… 2… Strike!!!”

Austine Rae R. Fresnido (FAITH Colleges) – “Sa Susunod Sisikat si Susan”

Clyde Cuizon Gamale (University of the Philippines) – “Champ Green”

Bjorn M. Herrera (Central Philippine University) – “Nanay’s Frankenstein”

Maria Eleanor P. Javier (University of the Philippines Visayas) – “Mother at Sixty”

Producer Ivan Gentolizo representing Mae Malaya (University of the Philippines) – “Sisenta!”

Ira Corinne Esquerra Malit (University of Caloocan City) – “SamPie”

Naiah Nicole Mendoza (Polytechnic University of the Philippines) – “Taympers”

Vhan Marco B. Molacruz (Colegio de San Juan de Letran) – “Uwian”

Jadrien Morales (University of the Philippines) – “Let’s Go Somewhere Else”

Regene Narciso (Dalubhasaan ng Lunsod ng San Pablo) – “Papunta Ka Pa Lang, Naka-Bounce Na Ako”

Alexie Nicole Pardo (Polytechnic University of the Philippines) – “Checkmate”

Kieth Earl B. Rebaño (University of the Philippines Visayas) – “Daeaura”

John Lester Rimorin (University of the Philippines) – “Japan Surplus”

Jose Andy Sales (University of San Carlos) – “G!”

Mark Joseph Sanchez (Polytechnic University of the Philippines) – “Our One and Only Bab(o)y”

Aubrey Soriano (Polytechnic University of the Philippines) –  “Si Nadia at ang Kanyang mga Kuro-Kuro”

Jasper Tan (Far Eastern University) – “Sa Pagbunga”

Johannes Tejero (University of San Carlos) – “Daog, Pildi”

Sean Rafael A. Verdejo (National University Laguna) – “Dela Cruz, Juan P.”

Dahil sa diverse lineup of filmmakers, siguradong ang 2025 Puregold CinePanalo ay isang kaganapan hindi mapalalampas sa Philippine cinema. Ang completed films ay ipalalabas sa Gateway Cineplex 18 mula March 14 hanggang March 25, 2025.

(ROHN ROMULO)