• October 19, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 6:48 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

LRT 1 Cavite Extension Phase 2 mababalam ang konstruksyon

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IBINALITA  ng Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng pagkaantala ang ginagawang konstruksyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) Cavite Extension Phase 2 dahil sa may problema sa nakatayong flyover sa lungsod ng Las Pinas.

 

     Mababalam din ang pagtatayo dahil sa kailangan pa ng karagdagang P1 billion sa pondo nito upang mabigyan solusyon ang mag- pagbabago sa designs at infrastructure conflicts.

 

     Ito naman ay ayon kay Las Pinas councilor Mark Anthony Santos na isa sa mga kasama sa committee upang mabigyan ng solusyon ang problema na kinakaharap ng proyekto.

 

     “This funding is crucial for redesigning the stations and resolving issues related to the placement of railway posts. The adjustments are necessary to align the project with existing infrastructure, but we must act swiftly to prevent further setbacks,” wika ni Santos.

 

     Isa si Santos sa nagsabi na dapat ay mayroon ng mas malakas na pagtutulungan ang DOTr, Department of Public Works and Highways (DPWH), at ang lokal na pamahalaan ng Las Pinas upang mapabilis ang pagkakaron ng solusyon sa problema sa right-of-way (ROW) na siyang sanhi ng pagkabalam upang matapos na ang nasabing railway.

 

     Dahil dito, ang Phase 2 na siyang dadaan mula sa Las Pinas papuntang Niog sa Bacoor, Cavite ay tinatayang mababalam ng may karagdagang 3 hanggang 5 taon bago matapos pa ito.

 

     Ang pagkabalam ay sanhi ng flyover sa isang bahagi ng Circumferential Road 5 (C5) extension na ginawa sa ilalim ng DPWH sa pangunguna ng dating DPWH secretary Mark Villar na binuksan noong April 2023.

 

     Kung kaya’t sinabi naman ni DOTr Secretary Jaime Bautista na ang pamahalaan ay napilitang magkaron ng redesigning sa extension ng LRT 1 upang mabigyan ng solusyon ang nasabing nakatayong 680-meter na flyover sa Quirino Highway sa Las Pinas.

 

     Kaya’t nanawagan din si Santos na dapat ay maykaroon ng isang malawakang pagrerepaso kung paano ang isang proyekto sa urban infrastructure ay ipaplano at pag-uusapan ng sa ganon ay maiwasan ang mga ganitong pangyayari sa mga susunod na proyekto ng pamahalaan.

 

     “The LRT 1 Cavite Extension is not just a transportation project. It is a lifeline for thousands of commuters. Delays like this underscore the need for better foresight and collaboration across agencies,” dagdag ni Santos.

 

     Ganon pa man, si Santos ay optimistic pa rin na magkakaroon ng solusyon ang problema sa nasabing proyekto kung kaya’t hinihikayat niya ang mga stakeholders na magtrabaho ng sama-sama upang mabigyan solusyon ang pagharap sa problema at masiguro na matatapos ang proyekto.

 

     Ang Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension ay may 5 estasyon tulad ng Redemptorist-Aseana, MIA Road, PITX, Ninoy Aquino Avenue, at ang Dr. Santos sa Paranaque na nagkaron din ng pagkabalam ang pagtatayo ng 3 tatlong taon dahil naman sa pandemya ng Covid. Ang nasabing Phase 1 ay binuksan sa publiko noong November 2024.

 

     May pondo itong nagkakahalaga ng P64.92 billion na ginawa sa pamamagitan ng public-private-partnership (PPP) sa pagitan ng pamahalaan at ng Light Rial Manila Corp (LRMC). LASACMAR  

James Gunn’s Superman Drops New Trailer, The Best Look Yet At David Corenswet’s Man of Steel Flying

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments
A brand new TV spot for James Gunn Superman has dropped early to DC Fan First members.
The spot features new footage of Nicholas Hoult’s Lex Luthor and, most importantly, the best look yet at David Corenswet’s Man of Steel in flight. The 30-second teaser, which also uses a reimagined version of John Williams’ Superman score, showcases both scenes from the previously released full-length trailer and a few new shots.
It opens on the same image of Clark Kent/Superman badly beaten up and whistling for Krypto the Superdog’s help, before transitioning to the hero protecting a young girl.
In a new clip, Lex Luthor is seen arriving in the Arctic, possibly to locate Superman’s Fortress of Solitude. Shots from the last trailer include a fire-breathing monster attacking Metropolis, Superman punching through what appears to be a glass cage, a young boy raising a Superman flag, Superman holding a damaged robot, him fighting on a baseball field, Krypto rescuing Clark, and Superman and Lois sharing a dance as they lift off of the ground, among others.
The standout moment from this new TV spot is the footage of Superman flying. As with the shot of Lex, Superman is shown in the Arctic, and he is seen flying both from behind and facing forward as he weaves around glaciers. The new Superman footage lasts for about 4 seconds, giving a short but valuable look at what Clark’s flying will look like in the film.
According to Gunn, Superman’s flying scenes took inspiration from those of Top Gun: Maverick. In order to achieve a more realistic flying effect, the production employed the use of drones. Per Gunn, “being able to shoot stuff in the sky like that is really hard,” but the modern technique helped sell the illusion that a man could fly. (Source: screenrant.com)
(ROHN ROMULO) 

Pinayagan ng korte na ipalabas ang kontrobersyal na pelikula: PAULEEN, in-announce na may court ruling na sa petisyon ni VIC laban kay DARRYL

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING magsasanib-puwersa ang GMA Network at ABS-CBN para ihatid ang inaasam ng fans na “Pinoy Big Brother Celebrity Edition Collab.

Sa Chika Minute report ni Iya Villania sa GMA News ’24 Oras’, binisita ng TV host ang bahay ni “Kuya,” upang personal na alamin ang malaking balita.
“Matapos ang dalawampung taon ng pagiging tahanan sa magkakaibang tao ay matutupad na rin ang isang pangarap na collab mula sa dalawang leader ng content creation—ang GMA at ABS-CBN.
“Sa susunod na pagbubukas ng aking bahay, mga bituin ang aking patutuluyin dahil ang mga housemates na magsasama sa isang bubong ay mga Kapuso star mula sa Sparkle at Kapamilya artists mula sa Star Magic,” sey ni Kuya.
Matatandaang nauna nang ipinahiwatig noong Sabado, Enero 25, isa umanong Big Balita tungkol sa nasabing reality show ng ABS-CBN.
***
IN-ANNOUNCE ni Pauleen Luna via Instagram na may court ruling na sa petition for Writ of Habeas Data ng kanyang husband na si Vic Sotto against Darryl Yap dahil sa controversial trailer ng pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma.
According to the official court ruling, Vic Sotto’s Petition for Write of Habeas Data is “partially granted.”
Following this, the court has “ordered” Darryl Yap to “delete, take down, and remove the 26-second teaser video from online platforms, social media, or any other medium.”
This is due to misusing collected data/information “by presenting a conversation between two deceased individuals, which cannot be verified as having actually occurred.”
Post pa ni Pauleen: “Please, let us all be mindful and responsible about posting/sharing malicious content about people. We urge everyone to act with kindness, integrity, and respect, striving to uplift one another instead of causing harm.”
Pero pinayagan naman daw ng korte si Darryl Yap sa premiere ng ‘The Rapists of Pepsi Paloma’, scheduled on February 5, 2025.
“Darryl Yap, however, is allowed to proceed with the production and eventual release of the film The Rapists of Pepsi Paloma,” the ruling read.
***
NASA Los Angeles pala ngayon sina Kyline Alcantara at Kobe Paras.
On Instagram, pinost ng Kapuso actress ang photos and videos kuha sa National Basketball Association games at the Crypto.com Arena.
Last December, nag-Pasko si Kobe kasama ang pamilya ni Kyline. Pormal na pinakilala ni Kyline si Kobe sa parents niya.
Nasa L.A. ang dalawa para ipakilala naman ni Kobe si Kyline sa ina niyang si Jackie Forster na naka-reside sa California.
Ever supportive naman daw si Jackie sa kung sino ang nagpapaligaya sa kanyang mga anak.
(RUEL J. MENDOZA)

Maraming makaka-relate sa real-life scenario ng ‘Pusta de Peligro’: KIM at MAINE, nakiisa sa newest campaign ng DigiPlus para sa responsible gaming

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

OPISYAL nang inilunsad ng DigiPlus Interactive at ang social development arm nito, ang BingoPlus Foundation, ang ‘Pusta de Peligro Responsible Gaming’ campaign na kung saan ipinalabas na ang tatlong maikling pelikula.

Ginanap ito sa Gateway Cinema 11, itinampok sa event ang matatag na pangako ng DigiPlus sa responsableng paglalaro, pagtataguyod para sa pag-iwas, edukasyon, at interbensyon upang matiyak na ang paglalaro ay nananatiling ligtas at kasiya-siyang anyo ng entertainment.

Sa gitna ng kampanya ay tatlong maikling pelikula, bawat isa ay idinisenyo upang pukawin ang pagmumuni-muni sa sarili at magbigay ng inspirasyon sa mga mapagpipiliang paglalaro.

Ang unang video ay kuwento ng isang babaeng nasa pagitan ng pagwasak sa kanyang alkansya para tumaya, o pag-iingat sa kanyang pinaghirapang pera.  Pinagbidahan ito ng komedyanang si Donna Cariaga.

Ang pangalawang video na bida naman new male actor na si Los Akiyama, ang tungkol isang taong nahuli sa isang mahirap na desisyon: gamitin ang kanyang pera para bumili ng tanghalian, o ipagsapalaran ang lahat para sa isang taya.

Itinampok naman sa ikatlong video tungkol sa isang babaeng may nasirang sapatos, sa pagitan ng pagbili ng kailangang-kailangan na kapalit, o pagkuha ng pagkakataon sa isang laro.

Sa pamamagitan ng mga relatable, real-life scenario na ito, hinahamon ng ‘Pusta de Peligro’ ang mga manonood na kilalanin ang mga sandali kung kailan ang paglalaro ay lumipat mula sa saya tungo sa panganib, at hinihikayat silang tanggapin ang panawagan ng kampanya: “Pag Pusta de Peligro na, pause na muna, dahil ang gaming dapat  fun-fun lang!”

Kamakailan ay nakiisa sina Kim Chiu, Maine Mendoza at Piolo Pascual sa pinakabagong campaign ng DigiPlus para sa responsible gaming.

Pahayag ni Kim, “Bet what you can afford para umiwas sa ‘pusta de peligro’ dahil ang gaming dapat fun fun lang.”

Paalala naman ni Maine, “Get the right support para umiwas sa ‘pusta de peligro’ dahil ang gaming dapat fun-fun lang.”

Samantala, ang mga self-defined na tool na ito ay sumasalamin sa aktibong pangako ng DigiPlus sa kapakanan ng manlalaro at umaayon sa mga pandaigdigang pamantayan para sa responsableng paglalaro.

Sa pamamagitan ng direktang pagsasama ng mga feature na ito sa mga platform nito, binibigyang kapangyarihan ng DigiPlus ang mga manlalaro na mag-enjoy sa paglalaro nang ligtas, nang walang stress o financial strain.

 

“We hope this campaign will spark a national conversation about responsible gaming,” pahayag ni DigiPlus Chairman Eusebio Tanco.

“We want players to feel empowered to make wise choices, families to feel reassured, and communities to see gaming as a safe form of entertainment. The Pusta de Peligro campaign is a crucial step toward that vision.”

Ang kampanyang ‘Pusta de Peligro’ ay kumakatawan sa isang taon na paglalakbay ng dedikasyon at pakikipagtulungan.  Malaki ang pinuhunan ng DigiPlus sa pagbuo ng isang adbokasiya na higit pa sa mga salita – pakikipag-partner sa mental health professionals, tagapagturo sa pananalapi, at tagapagturo upang lumikha ng isang kampanyang nagsasalita sa katotohanan ng mga manlalarong Pilipino.

Isang highlight ng premiere ay isang thought-provoking discussion na nagtatampok kay Teresita Castillo ng International Gambling Counselors Certification Board at financial coach na si Armand Bengco.  Sinaliksik ng panel ang kahalagahan ng edukasyon, maagang interbensyon, at pakikipagtulungan ng eksperto sa pagpapaunlad ng isang ligtas at responsableng kultura ng paglalaro.

Bumubuo ang Pusta de Peligro sa matagal nang pangako ng DigiPlus at BingoPlus Foundation sa responsableng paglalaro.  Ang mga nakaraang inisyatiba, tulad ng Tamang Laro, Tamang Panalo webinar series at mga financial coaching program para sa mga nanalo ng jackpot, ay nagbigay daan para sa pinakabagong kampanyang ito na makisali sa mga manlalaro nang mas malalim at makabuluhan.

Bilang karagdagan sa digital advocacy, ang mga on-ground initiatives tulad ng mga community workshop at live na kaganapan ay nakatakda upang palakasin ang abot ng campaign, na tinitiyak na mas maraming manlalaro ang mabibigyang kapangyarihan upang makagawa ng balanse at maingat na mga desisyon.

“We’re just getting started,” ayon pa kay Tanco.

“Responsible gaming is the foundation of a sustainable gaming industry. With Pusta de Peligro, we’re proving that advocacy and innovation can go hand in hand to create a safer, more enjoyable gaming environment for all.”

(ROHN ROMULO)

First time na magsasama-sama ang mga tatakbong senador: JESSICA, pangungunahan ang ‘Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025’

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA isang demokrasya, ang paghalal ng mga lider ay hindi lang nakasalalay sa kapangyarihan ng mamamayan na bumoto, kundi bumoto nang may sapat na kaalaman.

Napakahalaga ng mga debate para mas makilala ng mga botante ang mga kandidato, lalo na ang kanilang paninindigan para sa mas matalinong pagboto sa Eleksyon 2025.

Ngayong Pebrero 1, sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama-sama sa isang entablado ang mga kandidato sa May 12 senatorial elections sa pamamagitan ng isang multi-platform special handog ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News – ang “Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025.” 

Sa pangunguna ni Jessica Soho, ang premyado at pinaka-pinagkakatiwalaang mamamahayag ng bansa, ang “Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025” ay isang mahalagang pagkakataon para makilala at mapakinggan ang mga kandidatong humihingi ng ating mga boto.

Naniniwala ang GMA Public Affairs at GMA Integrated News na importante ang mga debate dahil isa itong paraan para maintindihan ng taumbayan ang mga plataporma at makilatis ang kakayahan, maging ang karakter ng mga kandidato – para sa matalinong pagboto sa Eleksyon 2025.

Mahigit 30 na nangungunang senatoriables ang inimbitahan ng programa base sa Pulse Asia at SWS surveys na inilabas noong Disyembre 2024.  May mga tumanggi, may mga walang tugon, at may ilang umatras. Sa huli, 12 kandidato ang kumasa sa hamon para harapin ang mga tanong ng bayan.

Bukod sa debate, haharap ang mga kandidato sa ilang mabibigat na tanong mula sa mga personalidad ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News sa pangunguna nina Vicky Morales, Kara David, Pia Arcangel, at Emil Sumangil. May pagkakataon din ang mga kandidato na kausapin mismo ang publiko tungkol sa mga naiisip nilang solusyon sa mga ilang mabibigat na suliranin.

Huwag palampasin “Tanong ng Bayan: The GMA Senatorial Face-Off 2025” ngayong Pebrero 1, 9 PM sa GMA at simulcast sa GMA Pinoy TV at DZBB.  May livestream din ito sa lahat ng GMA Public Affairs at GMA Integrated News YouTube channels at social media platforms. (ROHN ROMULO)

 

Ads January 29, 2025

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Ethics complaint… Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez, handang harapin ang reklamo sa kanya

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HANDANG harapin ni Sta. Rosa City Rep. Dan Fernandez ang inihaing ethics complaint laban sa kanya ng abogado ni Cassandra Ong.

 

Ayon sa mambabatas, karapatan ni Atty. Ferdinand Topacio na maghain ng reklamo.

 

Inihayag pa ng mambabatas na ipapa- ubaya niya sa Ethics committee ang reklamo laban sa kanya.

 

Una nang naghain ng reklamo si Topacio laban sa mambabatas dahil sa conduct unbecoming umano ni Fernandez bunsod ng ‘intimidation’ sa kaniyang kliyente na si Cassandra Ong noong nagiimbestiga ang Quad Committee ukol sa isyu ng POGO.

 

Isa sa inihalimbawa ni Topacio ang pagpigil sa kaniya na lapitan ang kaniyang kliyente at pananakot umano na ipapa-contempt si Ong.

 

Partikular umanong nilabag ni Fernandez ang Section 141, Paragraph A at B ng House Rules. (Vina de Guzman)

Iligal na nagbebenta ng wildlife, nalambat ng Maritime police

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KULONG ang isang lalaki na illegal na nagbebenta ng wildlife species matapos maaresto ng mga tauhan ng Maritime police sa ikinasang entrapment operation sa Quezon City.

Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station MARPSTA Chief P/Major Randy Veran, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal na pagbebenta ni alyas ‘Connor’ ng Wildlife species kaya isinailalim nila ito sa validation.

Nang makumpirma na positibo ang report, ikinasa ng MARPSTA ang entrapment operation matapos isa sa mga tauhan ni Major Veran ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek.

Dakong alas-2:23 ng hapon nang dakmain ng mga tauhan ni Major Veran ang suspek matapos bintahan ng isang buhay na Leopard Gecko na nagkakahalaga ng P2,300 ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay San Agustin, Novaliches, Quezon City.

Wala rin naipakita ang suspek na anumang dokumento mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagpapahintulot sa kanya na magbenta at mag-alaga ng nasabing hayop.

Ang nakuhang Leopard Gecko ay dinala sa Biodiversity Management Bureau (BMB) ng DENR habang sinampahan naman ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Section 27 ng R.A. 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) sa Quezon City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Batang babae, binugbog ng ina ng kalaro, kritikal

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KAAWA-AWA ang sinapit ng pitong taon gulang na batang babae matapos umanong pagbubugbugin ng husto ng nanay ng kanyang kalaro sa Caloocan City.

Nasa kritikal pa rin na kalagayan matapos isailalim sa maselang operasyon ang biktimang si alyas “Jenny” sa Camarin Doctor’s Hospital, sanhi ng tinamong matinding pinsala sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals, nakapiit naman ngayon ang suspek na si alyas “Rowella”, 30, na nahaharap sa kasong frustrated murder.

Lumabas sa imbestigasyon na nangyari ang insidente noong Biyernes ng hapon sa Brgy. 177 Urduja Village, habang nakikipaglaro ang biktima sa anak na babae ng suspek nang sa hindi malamang dahilan, bigla umanong kinaladkad ng ginang ang bata sa banyo at ilang ulit na inuntog sa inidoro, binuhat at inihampas ang katawan sa baldosa.

Natigil lang umano ang pambubugbog nang pumasok ang kapatid na lalaki ng suspek sa bahay makaraang marinig ang sigaw ng pamangkin at dito niya nakitang sumusuka na ng dugo, namamaga ang mukha, ang nakahandusay na biktima.

Agad ipinaalam ng lalaki ang pangyayari sa ama ng bata na siyang nagsugod sa wala ng malay na anak sa pagamutan habang dinakip naman ang suspek ng rumespondeng sina Pat Beverly Caguindagan at Pat Jesabeth Donato ng Hillcrest Police Sub-Station-8.

Ayon sa pulisya, mismong ang kalaro ng bata na anak ng suspek ang nagsalaysay kung papaano binugbog ng kanyang ina na umano’y may dati ng problema sa pag-iisip si ‘Jenny’. (Richard Mesa)

LTO binalaan ang mga drver at operator na tiyaking nasa maayos ang maintenance ng kanilang mga sasakyan

Posted on: January 29th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBABALA ang Land Transportation Office (LTO) sa mga driver at operator ng public transportation na “tiyaking” maayos ang maintenance ng kanilang mga sasakyan, matapos ang ilang insidente ng pagkasunog ng mga sasakyan sa kalsada, kabilang ang nangyaring sunog sa isang taxi sa Quezon City noong Enero 8.

 

Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, pananagutan ng parehong driver at operator na tiyaking nasa maayos na kondisyon ang mga sasakyan bilang bahagi ng mga kondisyon sa kanilang pagkuha ng pahintulot upang mag-operate ng pampublikong sasakyan.

 

“Ginagamit natin ito sa ating negosyo, sa ating paghahanapbuhay kaya dapat lang naman na tiyakin na laging nasa maayos ang kondisyon ng mga ito. Alalahanin natin na buhay ng mga pasahero at mga road users ang nakasalalay din dito,” ani Asec Mendoza.

 

“Ang paalala ring ito ay para sa mga pribadong may-ari ng sasakyan. Pananagutan natin bilang mga may-ari na panatilihing nasa maayos na kondisyon ang ating sasakyan, hindi lang para sa ating kaligtasan at ng ating pamilya, kundi pati na rin ng iba pang gumagamit ng kalsada,” dagdag  niya.

 

Ang babala ay inilabas ni Asec Mendoza matapos ang isinasagawang imbestigasyon sa taxi na nasunog sa EDSA sa Barangay Sto. Cristo, Quezon City, bandang alas-9 ng gabi noong Enero 8.

 

Sa ginanap na pagdinig nitong Lunes, Enero 27, kinumpirma ng driver ng taxi ang insidente at sinabing nagmula ang sunog sa bahagi ng makina.

 

Nahaharap ang driver sa kaso ng reckless driving dahil sa pagmamaneho ng hindi road worthy na sasakyan.

 

Sa parehong pagdinig, sinabi ng operator ng taxi na nabili niya ang sasakyan noong Agosto 2023 ngunit hindi pa naililipat sa kanyang pangalan ang rehistro nito.

 

Napag-alaman din na parehong lumabag ang driver at ang operator sa kautusan ng Bureau of Fire Protection Quezon City na huwag baguhin o alisin ang anumang ebidensya sa lugar ng insidente nang walang pahintulot mula sa mga imbestigador.

 

Sinabi ni Asec Mendoza na isinumite na ang kaso para sa resolusyon upang matukoy kung ang driver ay mananagot sa reckless driving at kung ang operator ng taxi ay maaring managot sa paggamit ng maayos na na-maintain na sasakyan, paglabag sa anti-carnapping law, at sa LTFRB Memorandum Circular 2023-27 na nagbabawal sa pagtanggap ng mga aplikasyon para sa bentahan o paglilipat, boluntaryo man o hindi, ng Certificate of Public Convenience (CPC).

 

Samantala, inirekomenda ng mga imbestigador na itag bilang “inactive” sa sistema ng LTO ang naturang taxi, dahil idineklara itong “total loss” upang maiwasan ang anumang transaksyon ukol dito sa hinaharap. (PAUL JOHN REYES)