• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

PAOCC, nagbabala sa mga may-ari laban sa pagpapa-upa ng mga property sa illegal POGOs

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAAARING mawala mula sa mga establishment owners ang kanilang mga property kung papayagan ng mga ito na gamitin ang kanilang mga propyedad ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa isang panayam, sinabi ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) Executive Director Gilbert Cruz na itutulak ng organisasyon na ma-forfeit ang kanilang mga ari-arian.
“Medyo delikado po ‘yan para sa kanila baka mawala ‘yung property nila kasi pwede po namin file-an ng criminal forfeiture ‘yan kung talagang inallow nila na ipagamit ‘yung kanilang property or resort nila para sa mga ganitong activity,” ang sinabi ni Cruz.
Irerekomenda rin aniya ng PAOCC ang paghahain ng reklamo sa mga naaangkop na awtoridad laban sa mga nagmamay-ari na pumayag na rentahan ang kanilang establishment para sa illegal na operasyon ng POGO.
Samantala, sinabi ni Cruz na isa sa mga tagapagpahiwatig ng POGO operation ay ang presensiya ng mga dayuhan at kapag ang residente ay hindi umalis sa bahay at makikitang aktibo sa loob ng 24 oras.
“Isa sa mga indicators is nag o-operate po sila gabi, madaling araw, tapos may mga foreigners po sa loob. Ngayon nagpapa-deliver na lang sila ng pagkain. Kadalasan hindi na sila nag luluto,” ani Cruz.
“Tapos po nagpapadagdag sila ng internet connection and then nakikita nila maraming sasakyan… ‘yun yung isa sa mga indicators,” aniya pa rin.
Kaya nga ang panawagan ni Cruz sa mga concerned citizens ay i-report ang ganitong senaryo sa mga awtoridad, ang pagrereport aniya ay mananatiling anonymous para sa kanilang proteksyon.
Samantala, ibinalita naman ni Cruz na ang isa sa establishment na sinalakay ng PAOCC sa Pasay City ay ginagamit ngayon bilang kanlungan para sa mga batang lansangan.
“‘Yung iba pong building na nahuli natin before ay nagagamit na po natin like ‘yung isang nahuli natin dito sa Metro Manila ginagamit na po nating parang tahanan po ng mga nakukuhang street children,” ani Cruz.
Winika pa nito na ang inisyatiba ay ginawa sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Daris Jose)

DepEd, hangad ang mas mahigpit na hugpong sa DBM, DOF sa pagtaas ng pondo

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINIYAK ng Department of Education (DepEd) na sinasaliksik nito ang lahat ng collaborative measures kasama ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Finance (DOF) sa layuning tugunan ang ‘funding gaps’ sa basic education programs ng departamento.
Sinabi ng DepEd na layon nito na dagdagan ang pondo sa pamamagitan ng unprogrammed appropriations at iba pang constitutional mechanisms para suportahan ang mahahalagang programa nito kabilang na ang DepEd Computerization Program (DCP).
Nito lamang araw ng Lunes, Disyembre 30 ay nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Republic Act (RA) No. 12116 o ang 2025 General Appropriations Act (GAA) na nagtatakda ng P6.326 trillion halaga ng national budget para sa taong 2025, kung saan nakatanggap ang education sector ng alokasyon na P1.055 trillion—itinuturing na may “highest share” sa P6.326-trillion budget para ngayong fiscal year.
Sinabi naman ni Education Secretary Sonny Angara na sa kabila ng nakuha ng education sector ang pinakamalaking alokasyon ngayong 2025, binigyang diin ng Kalihim ang pangangailangan para sa ‘interagency cooperation’ para pondohan ang funding gaps sa ilang programa ng DepEd.
“Education remains a top priority for this administration, and we will be working closely with the DBM and DOF to explore funding mechanisms that will enable us to deliver our mandate. Education is everyone’s business and we’re aiming for closer collaboration,”ang sinabi ni Angara.
“DepEd remains hopeful that its partnership with government agencies and stakeholders will help address ongoing challenges and ensure that critical initiatives address the needs of Filipino learners,” dagdag na wika ng Kalihim. (Daris Jose)

Noong 2024… Halos 5 milyon na ‘near-poor Pinoy’, nakakuha ng tulong mula sa —DSWD

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HALOS limang milyong Pinoy ang nakinabang mula sa  Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) program sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa taong 2024.
“The utilization rate of the P26.7 billion allocation for AKAP in 2024 reached 99.3 utilization during its first year of implementation,” ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao.
Ang Cagayan Valley (Region 2), Davao Region (Region 11) at Caraga (Region 13) ay mayroong 100% utilization.
Nagbibigay ang AKAP ng P5,000 cash assistance sa bawat ‘eligible beneficiary.’ At upang maging kuwalipikado, ang pamilya ay dapat na may income o kita na mababa sa poverty threshold at hindi nakatatanggap ng tulong mula sa ibang programa ng pamahalaan.
 Saklap ng AKAP ang medical, funeral, food, at cash relief na ibinibigay ng direkta sa pamamagitan ng Crisis Intervention Units/Sections ng DSWD kapwa sa central at field offices at sa pamamagitan ng Social Welfare and Development and Satellite Offices sa iba’t ibang bansa.
Sa P6.326-trillion national budget para sa 2025, P26 bilyon ang alokasyon para sa AKAP program, inaasahan na mapakikinabangan ng limang milyon na ‘minimum wage earners’ at mga pinoy na nasa panig ng ‘poverty threshold’ base sa DSWD records.
Ang Poverty Threshold ay ang halaga ng kita na maaaring makatugon sa pinaka-minimum na pagkain at iba pang pangangailangan ng isang tao o pamilya.
Bilang pagtalima sa naging direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos,Jr., ang Kalihim ng DSWD, Department of Labor and Employment at National Economic and Development Authority ay magpupulong ngayong araw ng Biyernes, Enero 3 para gumawa ng draft  ng mga alituntunin para sa pagpapalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ng AKAP funds.
Sa kabilang ako, tiniyak naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang AKAP ay insulated o hiwalay mula sa politika sa gitna ng pangamba na ang budget nito ay gagamitin sa 2025 midterm elections.
“The DSWD will not be used by anybody for their political gains, not next year, not ever. The DSWD social workers do stringent verification and validation processes for clients who seek financial assistance, with or without referrals from legislators and local government unit (LGU) officials,” ang sinabi ni Gatchalian.
“There is no line item that entitles any congressional district or LGU to have an allocation in any amount and lodged this with the DSWD that could benefit their constituents. Referrals from legislators and local executives are entertained pursuant to existing DSWD guidelines. Our social workers, and not politicians, determine the beneficiaries,” aniya pa rin.
Idagdag pa rito, winika pa rin ni Gatchalian na ang field offices ng DSWD ay aktibong nakikipag-ugnayan at nakikipagtulungan sa mga opisyal ng LGU sa ‘payout activities’ subalit para lamang sa logistical support. (Daris Jose)

2 HVI drug suspects, laglag sa P4.4 milyong marijuana sa Caloocan

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KALABOSO ang dalawang drug suspects na itinuturing High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng mahigit P4 milyong pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana at kush sa ikinasang buy bust buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Biyernes ng madaling araw.
          Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles ang mga naarestong suspek na sina alyas “Lester”, 21, ng Sto Tomas Village 7 Ext. Deparo at alyas “Luigi” 27, ng Mentors Village Subdivision.
          Ikinasa ng mga tauhan ni P/Lt. Restie Mables, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Caloocan police ang buy bust operation, katuwang ang mga tauhan ng Police Sub-Station 10 matapos magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.
Kaagad dinamba ng mga operatiba ng SDEU ang mga suspek matapos tanggapin ang P13,500 marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang bloke ng high grade marijuana o kush dakong ala-1:35 ng madaling araw sa Block 2, Lot 20 Mentors Village Subdivision, Brgy. 175 sa naturang lungsod.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 36,530 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may katumbas na halagang P4,383,600.00 at 50 gramo ng high grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P75,000.00.
          Pinuri naman ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at mabilis na pagkilos. “The NPD’s campaign against illegal drugs remains unwavering. We will continue to be relentless in safeguarding our communities from this threat.” aniya.
“This successful operation exemplifies our unwavering commitment to dismantling drug trafficking rings in the NCR,” pahayag naman ni ni NCRPO Acting Regional Director P/BGen. Anthony Aberin.
          Binigyan-diin naman ni PNP Chief P/Gen. Rommel Marbil “Our anti-drug efforts extend beyond mere law enforcement. We aim to safeguard the lives and well-being of our communities while dismantling drug networks,”.
Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Section 5, Section 11 at Sec 26 Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang mga suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Pagpasa sa panukalang digitalization ng public school system, pinamamadali

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANAWAGAN ang isang mambabatas sa agarang pagpasa sa panukalang paglalaan ng inisyal na P500 milyong investment ng gobyerno para sa digital transformation ng public school system sa bansa.
Ayon kay Representative Brian Raymund Yamsuan, isinusulong ng House Bill 276 o Institutionalization of Digital Technology in Public Education Act ang modernisasyon at transpormasyon sa paggamit ng makabagong teknolohiya bilang bahagi ng pagtuturo sa public schools.
“In the last pandemic, digital technology was used as a crisis management tool to ensure that most students were able to continue learning even when lockdowns and other health protocols were in place. But today, even without a crisis, digital technology has proven to be a must in facilitating learning inside and outside the classroom,” ani Yamsuan.
Sinabi ng mambabatas, hindi tulad sa mga pribadong paralan na agad makakalipat ang mga estudyante sa paggamit ng online classes tuwing may malakas na bagyo, pagbaha at iba pang emergencies, kadalasang napipilitan ang mga public school students na dumalo sa mga makeup classes o paggamit ng modules kapag suspendido ang face-to-face classes.
Sa panibago aniyang guidelines na ipinalabas ng Department of Education (DepEd) sa class suspensions, kailangang mag-invest sa digital technology sa public schools.
Nakapaloob sa revised guidelines ng Deped sa class suspensions, ang face-to face classes sa public schools sa lugar na inilagay sa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS)  No. 1 ay otomatikong suspendido para sa mga Kindergarten.
Habang ang face-to-face classes mula Kindergarten hanggang Grade 10 ay automatically suspended tuwing TCWS Signal No. 2,  kung saan ang estudyante ay magsasagawa ng klase sa online o modular distance learning, performance tasks, projects o makeup classes para masiguro na tuloy ang pag-aaral ng mga ito.
Samantalang ang klase at trabaho sa lahat ng levels sa ilalim ng TCWS No. 3 pataas ay suspendido.
Gayundin ang pagpapatupad ng distance learning sa ganitong sitwasyon.
 “Institutionalizing the use of digital technology in our public school system will help promote  inclusive learning as this will  increase the access of marginalized communities to quality education via the Internet.  Digitalization will also ensure that our students are future-ready and  globally competitive,” pahayag nito.
Sa ilalim ng panukala, maglalaan ng P500 milyon bilang initial operating fund para sa pagpapatupad ng panukala. (Vina de Guzman)

DOST, magpapatupad ng mga proyekto na aabot sa 2.5 Billion pesos

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
ILALATAG ng Department of Science and Technology (DOST) ngayong taon ang samu’t saring mga programa at proyekto na nagkakahalaga ng P2.5 billion pesos para sa mas pinahusay na teknolohiya at innovation.
Ito ay ayon kay DOST Secretary Renato Solidum sa bagong Pilipinas public briefing kaugnay sa mga plano ng ahensiya ngayong 2025.
Ayon pa kay Solidum, tututukan ng ahensya ang ilang mga sektor  upang magtagumpay ang mga proyekto para sa interes ng mga Pilipino gaya halimbawa ng sektor ng agrikultura, kalusugan at iba pa.
“Nag-approved na ang ahensya ng mga proyekto para sa taong ito at aabot sa  P2.5 billion piso na naka-line up na”, ani Solidum.
Ang mga proyektong ito aniya ay application ng science at technology at hinimok ang mga estudyante na makilahok para sa mas maunlad na bansa.
“Sana po ang ating mga kabataan ay sumali sa ganitong adbokasiya kasi mas maganda ang ating kinabukasan bilang bansa kung ang mga kabataan ay papasok sa science, engineering, agriculture, mathematics at creative arts”, dagdag pa ni Solidum.
Kabilang sa mga programa ay may kinalaman sa AI o artificial intelligence and geospatial analytics, smart agricultures, smart technology industry 4.0 para sa manufacturing, quantum computing, biologic and pharma at iba pa.
Ipinunto pa ni Solidum na science and technology ang dahilan kaya lumago at umangat ang mga mauunlad na bansa. (PAUL JOHN REYES)

LTFRB: Muling pinalawig ang deadline ng PA ng mga traditional jeepneys at UV Express

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang deadline ng provisional authority (PA) ng mga traditional jeepneys at UV Express units ng isang taon.
Ayon sa LTFRB, ang validity ng mga PAs ng mga individual operators ng traditional jeepneys at UVs ay sa darating pa ng Dec.31, 2025. Muling binuksan ang aplikasyon sa consolidation noong nakaraang Nov. 29,2024.
“The extension will cover only operators who have pending applications for consolidation in line with the government’s public vehicle modernization program (PUVMP),” wika ni chairman Teofilo Guadiz
Sa ilalim ng Memorandum Circular 2024-043, sinabi ng LTFRB na kinakailangan palawigin pa ang deadline ng validity ng PAs dahil madami pa ang mga aplikasyon sa consolidation ang nakahain sa board’s central at regional offices na wala pa resolusyon.
Sinabi naman ng Manibela, ang grupong tutol sa PUVMP, na nangangahulugan lamang na ang nasabing memo ay nagpapatunay na ang program sa PUVMP ay isang malaking pagkabigo. Dagdag pa ng grupo na ang extension ay binigay dahil upang maiwasan ang posibleng kakulangan sa pampublikong transportasyon kapag ang mga modern jeepneys lamang ang papayagan na tumakbo sa mga lansangan.
Sa kabilang dako naman, isang grupo naman ng mga tricycle sa Metro Manila ang naghain ng reklamo dahil sa tumataas na bilang ng mga motor taxis sa Central Luzon at CALABARZON na walang ginawang kunsultasyon.
Sa isang press conference na ginawa sa Quezon City, hiniling ng National Confederation of Tricycle Operators (NPTC) sa pamumuno ni president Ariel Lim, na magkaron ang pamahalaan ng moratorium sa ginagawang expansion ng motor taxis sa buong bansa na ayon sa kanila ay may masamang epekto sa kanilang operasyon.
“We were taken aback that there are 2,500 units per company operating in Region 3, and 8,000 others in Region IV-A. Motor taxi operators have shifted to these regions because there is a filed petition stopping the increase in Metro Manila,” sabi ni Lim.
Ayon sa kanila na hindi naman sila tutol sa operasyon ng mga motor taxi sapagkat ang hinihiling lamang nila sa pamahalaan ay ihinto na ang pagbibigay ng PA sa tumataas na bilang ng mga motor taxis sa buong bansa.
“Let us respect our appeal. Tricycle drivers are no longer earning because those motor taxi drivers can directly pick up their passengers inside villages,” dagdag ni Lim. LASACMAR

‘Generation Beta’ tawag sa isisilang sa 2025-2039

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA pagpasok ng Taong 2025 ay pormal na ring nagsimula ang isang bagong henerasyon na tinatawag na ‘Generation Beta.’
Ayon sa demographer at consultant na si Mark McCrindle, ang lahat ng sanggol na isisilang sa taong 2025 hanggang 2039, ay makakabilang sa bagong henerasyong ito.
Inaasahan aniyang sila ay mabubuhay hanggang sa ika-22 siglo at pagsapit ng kalagitnaan ng 2030s ay sila na ang bubuo sa 16% ng populasyon sa buong mundo.
Inaasahan ring ang Gen Beta ang bubuo sa 19% ng workforce ng buong mundo sa nasabing taon.
“Generation Beta represents the dawn of a new era,” ayon pa kay McCrindle, sa kanyang bagong blog post. “They will grow up in a world shaped by breakthroughs in technology, evolving social norms, and an increasing focus on sustainability and global citizenship.”
Aniya pa, ang mga Gen Beta ay magiging anak ng mga millennials at mas matandang miyembro ng Gen Z.
“Their formative years will be marked by a greater emphasis on personalisation — AI algorithms will tailor their learning, shopping, and social interactions in ways we can only begin to imagine today,” ani McCrindle.
Gayunman, inaasahang mahaharap umano ang Gen Beta sa “major societal challenges” sa kanilang buhay, gaya ng patuloy na epekto ng climate change, shifting ng global population at mabilis na urbanisasyon sa mas maraming bahagi ng mundo.
Matatandaang ang mga taong ipinanganak mula 1883-1900 ay tinawag na The Lost Generation; ang 1901-1927 The Greatest Generation; 1928-1945 The Silent Generation.
Ang mga dumating sa mundo mula 1946-1964 ay Baby Boomer Generation habang Generation X o “Baby Busters” ang 1965-1980.
Generation Y o Millennials ang 1981-1996; Generation Z 1997-2010 at Generation Alpha
2011-2024.

Ads January 4, 2025

Posted on: January 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments

Ads January 3, 2025

Posted on: January 4th, 2025 by @peoplesbalita No Comments