
(ROHN ROMULO)
Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

(ROHN ROMULO)

PATULOY ngang pinag-uusapan ang naging announcement ni Barbie Forteza sa ikalawang araw ng Enero, na totoong hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto, na tumagal din ng pitong taon.Binigyan din ng kahulugan ng netizens ang social media post ng nanay ni Barbie na si Imelda Forteza at kapatid ni Barbie na si Gabrielle Vierneza pagkatapos ilantad ng aktres ang breakup nila ni Jak.
Sa Instagram Story ng mommy ni Barbie, “No one knows how much you went through this year, but you stayed strong and didn’t quit.
“I’M SO PROUD OF YOU.”
Nag-post ang kapatid niyang si Gabrielle last January 1, 2025 sa X (dating Twitter) ng litrato ng aktres na nakatingalang tumatawa na may caption na, “Gusto ko happy ka.”
Nag-comment naman si Barbie ng, “Hahahahahaha!!!”
Abangers pa rin ang netizens sa susunod na kabanata ng breakup ng JakBie, at kung ano nga ba ang tunay na dahilan.
Samantala, patuloy namang nadadamay ang ka-loveteam ni Barbie na si David Licauco, na-confirm na last year pa naging single.
Kaya say ng BarDa fans, puwede na raw silang magkatuluyan.
Pero may nagbabala kay David, na kung sakali raw na liligawan niya si Barbie, ay patapusin muna niya ang three-month rule.
(ROHN ROMULO)

Hindi naisalba ng monster double-double ni Nikola Jokic ang Denver Nuggets matapos itong tapatan din ni San Antonio Spurs center Victor Wembanyama.
Sa naging bakbakan ng dalawa ay muli kasing kumamada si Jokic ng 41 points, 18 rebounds, at siyam na assists.
Gayunpaman, tinapatan naman ito ni Wemby ng 35 points at 18 rebounds.
Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang bigating koponan at makailang-beses na nagpalit ng lead.
Sa pagpasok ng huling quarter, hawak ng Nuggets ang tatlong puntos na kalamangan ngunit pinilit ng Spurs na ungusan ang 2023 NBA champion.
37 seconds bago matapos ang laro, nagawa ng Spurs na hawakan ang isang puntos na lead, 111 – 110, habang hawak ng Nuggets ang bola.
Pinilit ni Jokic na magpasok ng 3-point jump shot ngunit bigo itong magkonekta habang nakuha naman ng Spurs ang rebound.
Gayunpaman, na-out of bounds ang Spurs sa naging transition play kayat napunta sa Nuggets ang bola. Agad namang nagpatawag ang koponan ng timeout at sa pagbabalik sa laro ay tinangka ni Jokic na ipasa ang bola sa kaniyang teammate ngunit agad itong naagaw ni Wemby.
Agad ipinasa ni Wemby ang bola kay Davin Vessel para sa isang driving dunk, 2 seconds bago matapos ang laro.
Hindi na nakahabol ang Nuggets sa nalalabing dalawang segundo at natapos ang laro sa 113 – 110.13 – 110.
Nagtala ng record sa NBA si Golden State Warriors star Stephen Curry.
Naganap ito ng ng talunin ng Warriors ang Philadelphia 76ers sa score na 139-105 kung saan nakapagtala ito ng 30-point, 10 assist at anim na rebounds.
Ang two-time NBA MVP ay naging unang manlalaro ng kasaysayan ng liga na nagtala ng eight-for-eight sa three-pointers at double-digit assist.
Ang kaniyang walong three points ng walang anumang palya ay kaniyang career best at isang three points na hawak ni Latrell Sprewell, Jalen Brunson at Ben Gordon.

Sa pagbabago na ginawa ni PBBM sa reorganisasyon ng NSC ay ang pagtanggal nito sa bise-presidente o kay VP Sara Duterte at mga dating pangulo bilang kasapi ng konseho.
Batay sa Executive Order (EO) No.81, ang NSC ay pamumunuan ng presidente bilang chairperson habang magiging miyembro rin ang senate president, house speaker at iba pang mga opisyal ng gobyerno.
Maaari ring magtalaga ang Pangulo ng iba pang mga opisyal ng gobyerno bilang kasapi ng NSC at maging mga private citizens.
Kasama naman sa Executive Committee ng NSC ang Pangulo bilang chairperson, habang miyembro rin ang executive secretary, senate president o kinatawan nito, house speaker o kinatawan nito at iba pang mga gov’t officials.
Kasabay nito, inatasan naman ang Director-General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at mga hepe ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na dumalo sa mga pagpupulong ng council at umasiste sa mga deliberasyon.
Maaari ring imbitahan ang gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para makilahok dito at magtalaga ang pangulo ng iba pang opisyal ng gobyerno at pribadong indibidwal sa NSC.
Ni-reorganize rin ang NSC executive committee at hindi na kasama dito ang pangalawang pangulo. (Daris Jose)



