NAGTALAGA nang mahigit isang libong personnel ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kapistahan ng Poong Hesus na Nazareno .Aabot sa 1,100 na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tutulong para magbantay sa seguridad sa kapistahan ng Poing Jesus Nazareno para sa seguridad ng mga deboto at mga makikiisa sa banal na aktibidad.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan PCG,aabot sa 1,100 ang kanilang tauhan na ipapakalat sa iba’t ibang lugar na daraanan ng ruta ng prusisyon ng Traslacion 2025 gayundin sa paligid ng Simbahan ng Quaipo.
Sinabi ni Gavan, ang pagde-deploy ng Coast Guard K9 teams, Explosive Ordnance Disposal units, Special Operations Groups, Civil Disturbance Management team at Deployable Response Groups sa may bahagi ng Quirino Grandstand, Jones Bridge, at sa paligid ng Quiapo Church.
Kasama rin idedeploy ang mga Coast Guard intelligence experts, crowd security personnel, at medical officers para sa seguridad at kaligtasan ng mga sasama sa Traslacion.
Nasa 21 floating assets ang ipapakalat ng PCG para magsahawa ng maritime security at safety operations Pasig River at Manila Bay kung saan 9 na unit nito ay mag-iikot sa ilang kalsada sa lungsod.
Umaasa si Admiral Gavan na magiging payapa at maayis ang Traslacion 2025 kung saan nakikiisa ang buong PCG sa selebrasyon ng kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.(Gene Adsuara )


MASIGLANG sinalubong ang 2025 ng mga guro ng pampublikong paaralan sa Lungsod ng Caloocan nang ipatupad ng pamahalaang lungsod ang Php 2,000 buwanang augmentation pay simula na unang ipinangako ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa kanyang State of ang City Address (SOCA) noong Setyembre 2024.
SISIMULAN ngayong taon ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista ang isang agresibong kampanya para sa paggamit ng seatbelt bilang bahagi ng mga hakbang sa kaligtasan sa kalsada.
TINIYAK ni Nazareno 2025 at Quiapo Church spokesperson Fr. Robert Arellano kahapon na handa na ang lahat para sa idaraos na tradisyunal na ‘Pahalik’ sa Poong Jesus Nazareno sa Martes, Enero 7 sa Quirino Grandstand.