Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SA ika-16 na taon na pamamanata sa Mahal na Poong Nazareno, kakaiba ang pagsama sa Translacion ni Congressman Sam “SV” Verzosa.
Bago ang pagsampa sa Andas, pumunta muna ang aspiring mayor ng Maynila sa “Pahalik” sa Quirino Grandstand sa Luneta sa Itim na Nazareno noong umaga ng January 8.
“‘Wag natin kakalimutan ang tunay na diwa ng pananampalataya kung bakit tayo narito, bakit tayo naging deboto,” mensahe ni SV para sa mga namamanata sa Mahal na Nazareno.
“‘Yung koneksiyon natin, ‘yung pagdarasal natin kung minsan marami nang sumasama na gusto lang makasama. Curious lang. Alamin natin ‘yung tunay na diwa ng translasyon at tunay na pananampalataya ng isang deboto.
“Sabi ko nga kanina, ang pananampalataya na walang gawa ay patay na pananampalataya. So kailangan isabuhay natin, hindi lang sa isang araw kundi sa buong buhay natin ‘yung pagiging deboto,” dagdag pa niya.
Sa 16 na taon nga ng pagiging deboto ni SV sa Nazareno, miyembro na siya ng Hijos del Nazareno.
“Ngayon kasama na ako sa Hijos del Nazareno. Iyon po ang nangangalaga, pumoprotekta sa Nazareno, nagsisilbi sa simbahan, naghihikayat sa mga tao na manampalataya.
“At tuwing translasyon sila po iyong nasa itaas ng Andas,” pahayag ni SV.
Nasaksihan namin ang pagsampa ni SV sa Andas kasama ang mga kapatid na hijos. Isa nga siya sumasalo at nagpupunas sa mga hinahagis ng mga deboto.
“Debosyon ko ang taunang paglahok, ipinangako ko iyan, panata ko na iyan. Isa sa paraan ko iyan para makapagdasal ng taimtim at makakonek sa ating Mahal na Nazareno.
“Isinasama nila ako para sa pagsampa sa Andas pero sa baba na lang ako at para sa lubid na lang,” pagbabahagi pa ni SV na hindi pa man deboto noon ay sinagot na agad ng Nazareno ang kahilingan nang minsang manalangin.
Kaya naman simula noon, ipinangako nang magiging deboto na ng Itim na Nazareno.
“Sixteen years ago bago ako namanata, down na down ako, araw ng Nazareno noon, nag-iikot-ikot ako sa Maynila nakikita ko may mga naglalakad. May problema ako, may hinahabol akong bayarin, may kailangan akong habuling big project. Ipinagdasal ko.
“Sinabi ko na tulungan ako at mamamanata ako sa Iyo habambuhay. At alam mo, God works in mysterious ways. Talagang noong araw na iyon for some reason natupad agad ang idinasal ko. Natupad agad ang mga kailangan ko at na-solve ang mga problema ko,” pagbabahagi pa niya.
“At simula noong araw na iyon nabago ang buhay ko. Gumanda, umasenso, full 360 degress, more than that pa nga eh. Bukod kasi sa mga ipinagdasal ko, sobra-sobra pa ang ibinigay sa akin ng Panginoon.”
Kaya naman ibinahagi rin ni SV ang mga natanggap niya sa iba lalo na nang nasa posisyon na siya.
“Hindi ko kakalimutan ang mga biyayang ibinigay niya at isine-share ko sa mga kababayan natin. Kaya nga ang dasal ko ngayon ay hindi na para sa sarili ko kundi para sa ibang tao, sa bayan natin.
“Ngayon para sa lungsod ng Maynila ‘yun ang dasal ko na magkaroon ng improvement sa buhay ng mga kababayan natin,” sabi pa ng host at congressman.
Say pa ni SV magkaiba ang pakiramdam sa pakikiisa sa Pahalik, pagsampa sa Andas, at lubid, kaya hindi niya ito pinalalampas.
Nasabi rin niya na, “Hinihingi ko sa ating Poon na sana’y bigyan tayo ng lakas na gumawa ng mabuti at umiwas sa mga temptasyon dahil lahat tayo ay tao lamang nakagagawa ng kasalanan pero sana gabayan tayo at masunod natin ang buhay ng mahal na Kristo.
“Marami rin akong ipinagpapasalamat sa Nazareno. Pasasalamat sa lahat ng biyaya niya, good health, success, tagumpay sa aking karera, blessings sa mga biyayang ibinigay niya at ngayon na inilagay niya ako sa posisyon para tumulong at para bumago ng mas maraming buhay.
“Patuloy ang pasasalamat ko at siyempre may mga dasal ako hindi na lang para sa akin more on sa mga kababayan natin hindi lang sa Maynila siyempre para sa lahat.”
(ROHN ROMULO)
SA pagsisimula sa bagong taon, may bonggang pasabog ang Prince of Ballad ng Pilipinas na si Gerald Santos.
FOLLOWING its success at the 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), GMA Network’s critically acclaimed and heart-wrenching drama Green Bones continues to enthrall moviegoers during its third blockbuster week across the nation.
Widely referred to as one of the best Filipino movies of recent years, Green Bones has undoubtedly earned its place as a must-watch masterpiece.
Produced by GMA Pictures and GMA Public Affairs, and co-produced with Brightburn Entertainment, Green Bones dominated the 50th MMFF Awards, winning six major awards: Best Picture, Best Actor for Dennis Trillo, Best Supporting Actor for Ruru Madrid, Best Screenplay for National Artist Ricky Lee and Angeli Atienza, Best Cinematography for Neil Daza, and Best Child Performer for Sienna Stevens.
Directed by award-winning director Zig Dulay, Green Bones follows the story of soon-to-be-released prisoner Domingo Zamora (Dennis Trillo) who was incarcerated for the murder of his sister. His release is put in jeopardy by newly assigned prison guard Xavier Gonzaga (Ruru Madrid) who makes it his personal mission to keep Zamora behind bars.
The concept behind Green Bones, which stems from an original story by GMA Public Affairs senior manager JC Rubio and was transformed into a screenplay by Lee and Atienza, has drawn crowds who are intrigued by the idea of the presence of green bones as proof of someone’s goodness in life.
Green Bones is distributed by Columbia Pictures for Sony Pictures Releasing International.
(ROHN ROMULO)


SUPORTADO ng mga kamag-anakan ng mga batang mag-aaral na nasawi sa diumano’y sanhi ng Dengvaxia vaccine ang legal na hakbang ng Office of the Solicitor General na buhayin ang na-dismiss ng Quezon City Regional Trial Court na walong kaso ng Dengvaxia.
PUSPUSAN ang isinasagawang Oplan Baklas ng mga kawani ng lokal na pamahalaan ng Quezon City upang mabawasan ang maling paglalagay ng mga election paraphernalia sa kanilang lugar.
PERSONAL na bumisita si Mayor Jeannie Sandoval sa San Lorenzo Ruiz General Hospital para tingnan ang kalagayan ng isang sanggol na lalaki na nailigtas matapos matagpuang inabandona sa isang pulang eco bag sa kahabaan ng Santos Road, McArthur Highway, Barangay Potrero noong Disyembre 23, 2024.
“Bilang Ina ng Lungsod ng Malabon, labis po nating ikinalulungkot ang nangyaring ito. Naniniwala po tayo na bawat bata ay may karapatang mabuhay, mabigyan ng tamang kalinga at paggabay. Sa kabila ng insidenteng ito, agad tayong gumawa ng mga paraan upang masiguro ang kaligtasan ng sanggol. Nawa ay lumaki ka bilang isang malusog at mabait na bata,” ani Mayora.
Sa ulat ng City Social Welfare and Development Department (CSWDD), na-diagnose bilang isang katamtamang preterm na may mababang timbang ang sanggol na inilipat sa Reception and Study Center for Children (RSCC) sa Quezon City matapos magamot sa San Lorenzo Ruiz General Hospital. Sa RSCC, ang sanggol ay tatanggap ng komprehensibong suporta sa pangangalagang medikal, nutrisyon, sikolohiya, at mga serbisyong panlipunan.
Nakipag-ugnayan ang CSWDD sa iba’t ibang ahensya, kabilang ang Malabon City Police Station, San Lorenzo Ruiz General Hospital, Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office, Ospital ng Malabon, City Health Department, Local Civil Registry, at Potrero Barangay Council for Protection of Children, upang matiyak kaligtasan, seguridad, at kapakanan ng sanggol.
Sinabi nito na nagbigay ng medical intervention ang staff ng San Lorenzo Ruiz para matiyak na nasa stable condition ang sanggol. Dinagdagan din ang mga barangay health worker bilang tagabantay ng pasyente at nagpadala ang CSWDD ng mga nursing aides mula sa mga shelter na pinamamahalaan ng lokal na pamahalaan upang magsilbing tagabantay ng pasyente.
Bukod sa gamot at gatas ng ina (mula sa City Health Department at Ospital ng Malabon’s milk bank), nagbigay sa sanggol ang mga magulang ng iba pang sanggol sa ospital ng mga damit, gatas, at iba pang gamit para sa kanyang pangangailangan.
Ang Local Civil Registry at ang CSWDD ng lungsod ay nagproseso ng mga kinakailangang dokumento sa paglipat ng sanggol sa RSCC para matugunan ang kanyang mga pangangailangan.
Lumabas sa imbestigasyon na ang sanggol ay natagpuan ng isang concerned citizen sa kahabaan ng Santos Road McArthur Highway bandang alas-6:40 ng umaga na nakabalot ng itim na sando.
“Patuloy po nating tutukan ang insidenteng ito upang masiguro ang maayos na paglaki ng bata. Dito sa ating Lungsod, prayoridad natin ang kaginhawaan at kaayusan ng buhay ng bawat residente, ano man ang edad. Nandito ang pamahalaang lungsod upang umalalay sa kanya,” pahayag naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)