• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 1:33 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

Bilang top winners sa awards night ng 50th MMFF: PlayTime, bahagi ng pagpaparangal kina JUDY ANN, DENNIS at ‘Green Bones’

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ANG PlayTime, na top contender sa industriya ng online entertainment games sa Pilipinas, ay nagsilbing opisyal na kasosyo ng Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa ika-50 edisyon ng Metro Manila Film Festival (MMFF), ang pinakamalaking festival para sa mga pelikula sa  Pilipinas.
Bumisita ang PlayTime sa MMDA Headquarters upang ipakita ang pangako nito sa pagsuporta sa talento at kulturang Pilipino, na pinatitibay ang partnership sa pagitan ng PlayTime at MMDA, kaya pinaglapit ang mundo ng mga online entertainment games at pelikula.
Bilang partner, nakilahok ang PlayTime sa MMFF Parade of Stars at pinarangalan ng cash prizes (nagkakahalaga ng P100,000 at P250,000) ang MMFF Gabi ng Parangal winners:
 • Best Actor – Dennis Trillo
 • Best Actress – Judy Ann Santos – Agoncillo
 • Best Picture – Green Bones
“Partnering with the MMFF for its 50th edition is an incredible honor,” pagbabahagi ni Jay Sabale, PlayTime Senior PR Manager.
“Our mission has always been to provide thrilling and meaningful experiences, and being part of this iconic celebration allows us to support Filipino artistry while engaging our community in a truly unique way.”
(ROHN ROMULO) 

Asawa ni boxer Eumir Marcial ibinunyag ang ginagawang pambabae at pananakit nito

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments
IBINUNYAG ng asawa ni Olympic boxer Eumir Marcial ang ginagawang pambabae nito at pananakit.
Sa social media account ni Princes Marcial, ay ibinahagi niya ang hindi magandang pangyayari sa apat na taon nilang pagsasama.
Sinabi nito na nahuli niya ang asawa na may ibang babae sa isang condominium sa lungsod ng Pasay.
Ipinaaresto umano niya ang dalawa kung saan nakulong sila ng limang araw.
Kahit na ganun ang pangyayari ay sinunod niya ang payo ng mga pamilya na ayusin ito kaya pinagbigyan niya ang asaw.
Subalit may nakapagsabi sa kaniya na ibinahay ng boksingero ang babae sa Zamboanga.
Sa makailang komprontasyon ay nagkaroon ng pananakit pisikal ng asawa sa kaniya.
Kaya aniya ito nagsalita sa publiko ay para na rin sa kaligtasan ng kaniyang pamilya.
Desidido aniya ito na magsampa siya ng kaukulang kaso.
Ikinasal ang dalawa noong 2021 sa isang beach wedding kung saan bilang dating boksingero rin si Princess ay siya na ang tumatayong manager ni Marcial.

National Football League, magdodonate ng $5-M bilang tulong sa mga nasunugan sa LA

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANGAKO ang National Football League (NFL) na tutulong sa mga biktima ng malawakang wildfire sa Los Angeles, California.
Batay sa statement na inilabas ng NFL ngayong araw, magbibigay ito, kasama ang ilang team, ng $5 million para suportahan ang mga komunidad sa LA na labis na napinsala sa nagpapatuloy na wildfire.
Ang naturang halaga ay mula sa pinagsama-samang donasyon ng ilang mga team: ang Rams at Chargers na kapwa nakabase sa LA, at ang Minnesota Vikings at Houston Texans.
Ang apat na team ay magbibigay ng tig-$1 million na donasyon at tatapatan naman ito ng NFL Foundation.
Ang naturang tulong ay mapupunta sa Los Angeles Fire Department Foundation na tumutulong sa mga first responder sa malawakang sunog at American Red Cross, na tumutulong sa mga apektadong residente.
Ayon kay NFL Commissioner Roger Goodell, ang tulong ay bilang pagkilala sa kabayanihan ng mga responder at mga residente na sumuporta sa kanilang mga kapwa sa kabila ng banta ng wildfire.
Tiniyak din ng NFL na magpapatuloy ang pagsuporta nito sa mga komunidad na labis na napinsala sa malawakang wildfire, kasama ang mga team sa buong liga.

Gov’t rightsizing, makatitipid ng P8.7 billion -DBM

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAAARING  makatipid ang gobyerno ng hanggang P8.7 billion sa pamamagitan ng batas na nagkakaloob kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng kapangyarihan na i-rightsize ang burukrasya.
“Sir, initial data lang po muna. If 3% are rightsized from this program, around P3 billion worth of savings po ang mage-generate,” ang sinabi ni Department of Budget and Management (DBM)  Undersecretary Wilford Wong sa isinagawang consultative meeting hinggil sa Senate Bill 890, o mas kilala rin bilang “Rightsizing the National Government Act of 2022.”
“It depends po on the tier, the number of employees, or the programs that will be rightsized. If, for example, 7% will be rightsized… the net savings will be approximately P8.7 billion po,” aniya pa rin.
Gayunman,  nagpahayag ng pagkabahala si Senator Chiz Escudero ukol sa halaga na nauugnay sa separation fees, kinuwestiyon kung kailan ang panukalang savings ay napagtanto.
“Kelan ma re-realize ‘yung P3 billion if 3% is rightsized or if 3% avail? Because you have a cash-out also eh, ‘di ba?” ang tanong ni Escudero.
Bilang tugon,  sinabi ni Wong na magsusumite ang DBM ng karagdagang detalye sa Senado.
Sa ulat, iginiit naman ni Senator Win Gatchalian na ang P3 billion savings ay maliit kumpara sa kasalukuyang P6.3 trillion budget.
“I hope that this is not only fashionable, Mr. Chairman, dahil alam niyo naman sa US [that] they created a Department of Government Efficiency… It’s an incomplete figure because you have to pay separation din eh. Maglalabas ka muna ng pera bago mo kitain yan eh,” aniya pa rin.
Matatandaang, sinabi ng  DBM na ang pagpapasa ng National Government Rightsizing Program (NGRP) para maging batas ay magbibigay pahintulot sa reclassification ng posisyon para punan ang mga bakante sa gobyerno, tiyakin ang pinakamainam na paggamit sa  manpower resources sa iba’t ibang ahensiya. ( Daris Jose)

Gobyerno ng Pinas, gandang tulungan ang mga Filipinos na apektado ng LA wildfires

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAKAHANDA ang gobyerno ng Pilipinas sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tulungan ang mga Filipinong apektado ng “massive wildfires” sa katimugang bahagi ng estado ng California.
“Sa ngayon, we’ve been trying to reach ‘yung ating mga kababayan through all possible means… Marami sa ating mga kababayan ay under mandatory evacuation,” ang sinabi ni DFA Assistant Secretary Adelio Angelito Cruz sa isang panayam.
Nauna rito, umapela ng tulong ang mga Filipino at Filipino-Americans na apektado ng malawak na wildfires matapos na ang ilan sa mga ito ay mawalan ng lahat dahil sa sunog.
Sa kabilang dako, nagpalabas naman ang Philippine Consulate General sa Los Angeles ng advisory na nananawagan sa mga mamamayang Filipino na pag-ukulan ng pansin ang diplomatic post para sa tulong.
“The Consulate is coordinating with local authorities and closely monitoring the situation of Filipino nationals in the affected areas. Filipino nationals requiring the Consulate’s assistance may call (323) 528-1528,” ang sinabi ng Consulate sa naturang advisory.
Sinabi pa rin ni Cruz na tanging tatlong pamilyang Pinoy lamang ang humingi ng tulong mula sa gobyerno ng Pilipinas.
“Kakaunti lamang ang humihingi ng tulong sa amin. We are assuming na marami silang kamag-anak sa LA at doon muna sila na naninirahan… Sa Palisades, walang masyadong mga Pilipino,” aniya pa rin.
Winika pa nito na may mahigit sa tatlong milyong Filipino ang nasa kabuuang estado ng California. ( Daris Jose)

3 impeachment vs VP Sara kasado na – House SecGen

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

VERIFIED na ang tatlong impeachment complaint na naisampa sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang kinumpirma ni House Secretary Gene­ral Reginald Velasco kung saan ang tatlong impeachment complaint ay tungkol umano sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President.
Ani Velaso, nang maisampa ang mga reklamo ay agad na pinag-aralan ng House legal department kaya sa ngayon ay na-verified na lahat ang tatlong impeachment complaint.
Sinabi ni Velasco na takda nang maipadala anumang araw ang tatlong reklamo sa tanggapan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez upang maisama ito sa 10 araw na House plenary’s Order of Business.
Ang Plenary naman ay may tatlong araw upang maipadala ang reklamo sa House justice committee para sa kaukulang komento. ( Daris Jose)

Rider na walang helmet, buking sa shabu sa Caloocan

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SHOOT sa selda ang isang hinihinalang adik na rider nang sagasaan ang isa sa mga pulis na kabilang sa nagsasagawa ng Oplan Sita sa Caloocan City.
Kahit nakailag, bahagya pa rin nahagip si P/Cpl. Ofalia nang sagasaan 59-anyos na rider na sa pagmamadaling tumakas ay nawalan ng kontrol at bumangga sa malaking karatula ng Oplan Sita sa may Alat Bridge, Quirino Highway, Brgy. 185.
Ayon kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga tauhan ng NPD-District Mobile Force Battalion (MDFB) sa naturang lugar nang parahin nila ang rider dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo ng walang suot na helmet dakong alas-2:45 ng madaling araw.
Sa halip na huminto, pinaharurot ng suspek ang minamanehong motorsiklo patungo sa kinatatayuan ni Cpl Ofalia na bahagyang nakaiwas.
Sumemplang naman ang rider nang bumangga sa karatula matapos mawalan ng kontrol sa manibela na dahilan upang tumilapon at kumalat sa kalsada ang laman ng dala niyang sling bag.
Nang suriin ng pulisya ang nagkalat na laman ng bag, natuklasan ang halagang P2,500 cash at anim na plastic sachet na naglalamant ng 28 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P190,400.00.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang pagiging alisto at mapapagmatyag ng pulisya na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. “This operation is proof of our commitment to eradicating illegal drugs in our communities. Together, we will make our streets safer,” pahayag ng opisyal. (Richard Mesa)

KOJC, nakiisa sa INC para sa gaganaping peace rally sa Jan. 13, 2025

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAKIKIISA na rin ang Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na pinangungunahan ni Pastor Apollo Quiboloy sa January 13 peace rally ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Manila.
Sa isang pahayag mula sa KOJC, sinabi nilang kinikilala ni Quiboloy ang hakbang ng INC para ipunin ang milyong katao, kasama na ang iba pang mga grupo.
Hangad umano nila ang kaliwanagan sa isipan ng mga mamamayan para sa kapayapaan at kaayusan.
Nais din ng KOJC na pangunahan ng makatwirang pinuno ang bansa, lalo na sa panahon ng karimlan.
Samantala, sa anunsyo naman ng Presidential Communications Office (PCO), suspendido na ang pasok sa government offices at lahat ng antas ng private at public schools sa mga lungsod ng Maynila at Pasay sa Enero 13, 2025 (Lunes), alinsunod sa Memorandum Circular No. 76.
Ito ay upang bigyang-daan umano ang maayos na pagdaraos ng “National Rally for Peace” na inaasahang dadaluhan ng maraming tao.

Mahihirap na Pinoy binabaan ‘living standards’

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TUMAAS ang bilang ng self-rated poor Filipino families noong nakaraang taon.
Sa kabila ito ng mga indikasyon na binabaan na nila ang living standards.
Ayon sa  Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa noong Disyembre 12 hanggang 18, mula 15,000 noong Hunyo, bumaba ito sa 12,000 noong Setyembre at naging P10,000 noong Disyembre.
“The self-rated poverty threshold … has remained sluggish for several years despite considerable inflation. This indicates that poor families have been lowering their living standards, i.e., belt-tightening,” pahayag ng SWS.
Pinakamataas ang Metro Manila na may self-rated poverty threshold mula P18,000 noong Setyembre at naging P20,000 noong Disyembre.
Bumaba naman sa Balance Luzon ng P10,000 mula P15,000 habang nananatiling P10,000 sa Visayas at Mindanao.
Sa kabila nang mababang threshold, umabot pa rin sa 63 porsyento ang self-rated poverty noong Disyembre, mas mataas ng apat na puntos mula sa   59 porsyento noong Setyembre.
Ito na ang pinakamataas na rekord mula noong Nobyembre 2003 na pumalo lamang sa 64%.
“In the past, the median self-rated poverty gap has generally been half of the median self-rated poverty threshold. This means that typical poor families lack about half of what they need to not consider themselves poor,” saad ng survey.
Ayon pa sa survey, ang median family expenses para sa upa ng bahay ay nasa P3,000 kada buwan P2,000 sa transportation, P1,000 sa internet at P300 sa mobile load.
Nasa 2,160 respondents ang lumahok sa naturang survey.

JUNKSHOP OWNER, KULONG SA PANANAKIT SA KAINUMAN AT PAGPAPAPUTOK NG BARIL

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINITBIT sa selda ang 46-anyos na junkshop owner matapos hampasin ng bote sa bibig ang isa sa kainuman bago kumuha ng baril at nagpaputok sa Valenzuela City.

Sa kanyang ulat kay NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, habang nag-iinuman ang magkabarkadang sina alyas “Paul”, 23, ng Caingin St., Brgy. Parada at alyas “Allen”, 22, sa tabi ng basketball court sa Dominador Asis St. Brgy. Gen. T. De Leon nang dumating at nakisali ang suspek na si alyas “Aristeo”, 46, na hindi naman umano kinukumbida.

Habang nag-uusap dakong alas-2:30 ng madaling araw, biglang dinampot ng suspek ang isang bote na walang laman at hinampas sa bibig si ‘Pual’ na dahilan upang matanggal ang isang ngipin ng biktima na sa labis na takot ay nagtatakbo saka nagtago.

Hindi pa nasiyahan, umuwi sandali ang suspek at paglabas ng bahay, nagpaputok ng hawak na baril bago sumakay sa kanyang motorsiklo at umalis sa naturang lugar.

Sinamahan naman ng saksing si ‘Allen’ ang biktima na i-report sa mga tanod ng Brgy. Parada ang pangyayari bago humingi sila ng tulong sa Gen. T. De Leon Police Sub-Station-2 (SS2).

Inatasan naman ni SS2 Commander P/Capt. Ronald Bautista ang kanyang mga tauhan na magsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek habang nakaupo sa kanyang Isuzu DMax na nakaparada sa harap ng kanyang bahay sa Block 4, Lot 5, Dominador Asis St., Brgy. Gen. T. De Leon.

Ayon kay Col. Cayaban, nakuha kay Aristeo ang isang kalibre 5.56 rifle na may 17 pang bala at isang kalibre .45 pistola na may anim na bala sa magazine na parehong walang kaukulang lisensiya habang na-rekober naman sa lugar ng piangyarihan ng insidente ang isang basyo ng bala ng kalibre 5.56 at ang basag na bote ng beer na isinungalngal ng suspek sa biktima.

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Valenzuela police sa kanilang mabilis na pagresponde. “This operation reflects our commitment to ensuring public safety and delivering swift justice. The apprehension of the suspect demonstrates the Northern Police District’s dedication to proactive law enforcement,” pahayag niya. (Richard Mesa)