• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 24, 2025
    Current time: October 24, 2025 8:23 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

PBBM, nanawagan para sa int’l support para sa UN Security Council bid ng Pinas

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MULING nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa suporta para sa Pilipinas na makasama sa United Nations Security Council (UNSC).
Ginamit ng Pangulo na oportunidad ang unang Vin d’Honneur ngayong taon sa Palasyo ng Malakanyang para ipanawagan na makasama ang Pilipinas sa (UNSC).
Kasali kasi ang Pilipinas sa naglalaban-laban para masungkit ang non-permanent seat sa UNSC para sa terminong 2027-2028. Ang Security Council ay ang pangunahing responsable para sa pagpapanatli ng ‘international peace at security.’
“I take this opportunity anew to convey to your respective governments our earnest request for your support to our UNSC bid, and we hope for your support when the time comes when we are indeed sitting as a member of the Security Council,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang talumpati.
Ang UNSC ay mayroong 15 miyembro kung saan ang bawat isa ay mayroong isang boto at sa ilalim ng UN Charter, ang lahat ng member states ay obligadong sumunod sa desisyon ng Council.
Sa kabilang dako, binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang Pilipinas ay mayroong “rich experience in building peace, forging consensus, and finding new paths for cooperation.”
“Nowhere is this best highlighted than in our unfaltering contribution to UN Peacekeeping Operations over the past sixty years, deploying over 14,000 troops in 21 UN peacekeeping operations and special political missions,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa rin niya na ang layunin ng bansa ay nakaayon sa pananaw na ang multilateralism ay dapat na palakasin o pagtibayin sa pamamagitan ng pagreporma sa Security Council at pagpapasigla sa General Assembly.
Samantala, matatandaang nasungkit ng Pilipinas ang isang seat sa Security Council para sa terminong 2004-2005.  (Daris Jose)

Pangalan ni Chavit, di aalisin sa balota matapos umatras sa pagka-Senador sa darating na eleksyon

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAISASAMA  pa rin sa balota ang pangalan ni dating Ilocos Governor Chavit Singson .
Ayon sa Commission on Elections (Comelec) hindi na maiaalis o matatanggal si Singson sa balota dahil nagsimula na ang pag-iimprenta.
Sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia , ito ay kung itutuloy ni Singson ang kanyang naging anunsyo na pag-atras sa Eleksyon 2025.
Paliwanag naman ni Garcia na sakaling may makuha pa rin na boto si Singson ay idedeklara ito bilang stray vote at hindi bibilangin.
Ang pormal na paghahain ng withdrawal ni Singson ay hihintayin ng Comelec ngayong umaga.
Sinasabing usaping pangkalusugan ang dahilan ng pag-atras ni Singson sa senatorial race.
Ayon kay Garcia, dapat personal ang paghahain ng aspirante ng kanyang withdrawal at hindi puwedeng kinatawan lamang.(Gene Adsuara)

Halos P1 milyon shabu, nasamsam sa HVI na ginang sa Valenzuela

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MULING humimas ng rehas ang isang babaeng tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng halos isang milyong peso halaga ng shabu nang maaresto muli ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas “Shiela”, 46, ng Brgy. Gen T De Leon.
          Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation matapos ang natanggap na impormasyon na patuloy umano ang pamamayagpag ng suspek sa pagbebenta ng shabu.
          Batay sa record, dati nang nadakip ng SDEU ang suspek sa buy bust operation noong November 2023 subalit, nang makalabas ay muli umano itong nagpatuloy sa kanyang illegal drug activities.
          Dakong alas-4:20 ng hapon nang arestuhin ng mga tauhan ni Capt. Dorado ang suspek sa Pardrigal Extension, Brgy. Karuhatan matapos umanong bintahan ng P14,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
          Nakumpiska sa suspek ang nasa 140 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P952,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 14-pirasong P1,000 boodle money, P400 recovered money, cellphone at sling bag.
          Ani PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
          Pinuri naman ni NPD Director ang pagsisikap at  dedikasyon ng mga operatiba. “This is another major success in our fight against illegal drugs. The NPD remains committed to making our streets safer for all,” pahayag ni Col. Ligan. (Richard Mesa)

COMELEC Checkpoint para sa 2025 National Elections, sabay-sabay na inilunsad sa CAMANAVA

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
UPANG matiyak na pigilan ang anumang banta  ng karahasan na may kaugnayan sa darating na May Election, sabay-sabay na sinimulan ang pagpapakalat ng checkpoint sa ibat-ibang lugar sa Hilagang bahagi ng kamaynilaan partikular sa CAMANAVA Area, nitong January 12, 2025.
Ang nasabing hakbangin ng Commission on Election sa 2025 National Elections at BARMM Parliamentary Election ay inilunsad bilang pagsisimula ng mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon kabilang ang nationwide gun ban na  ang layunin pigilan ang anumang karahasan o anumang gawaing ipinagbabawal  na may kaugnayan sa halalan.
Dahil dito, nagpakalat  ang COMELEC at NPD  ng mga miyembro ng kapulisan sa buong CAMANAVA area upang subaybayan ang mga mamamayan sa pagsunod at pagtalima sa batas  na pinaiiral  sa panahon ng halalan at mapanatili ang katahimikan sa panahon ng halalan.
Ipinaliwanag ni Northern Police District (NPD) Acting Director PCOL Josefino Ligan ang mga layunin ng checkpoint, ay upang hulihin ang mga indibidwal na lumalabag sa batas trapiko at halalan; mapanatili ang presensya ng pulisya upang hadlangan ang aktibidad ng kriminal; at subaybayan ang mga kahina-hinalang aktibidad upang matukoy ang mga potensyal na banta.
           Binigyang-diin ng mga Election Officer ng Commission on Elections (COMELEC) ang pinakamahalagang kahalagahan ng mga checkpoint sa pagtataguyod ng integridad ng halalan, na tinitiyak na magagamit ng mga botante ang kanilang mga karapatan sa isang ligtas at protektadong kapaligiran.
          Nanawagan din sila sa publiko na makipagtulungan sa mga alagad ng batas sa panahon ng checkpoint operations.
Alinsunod sa pagpapatupad ng mga checkpoint na ito, ang NPD at COMELEC ay nananatiling determinado sa kanilang pangako na hadlangan ang mga banta at tiyakin ang isang secure na proseso ng elektoral para sa lahat ng mamamayan.
Pinapakiusapan ang publiko na sumunod sa mga pamamaraan ng checkpoint, kabilang ang pagbagal at pagiging handa na magpakita ng wastong pagkakakilanlan kapag hiniling.
Ang NPD at COMELEC ay patuloy na nagpapatupad ng mga sustained security measures at nakikipagtulungan sa publiko para matiyak ang tagumpay ng 2025 National Elections.
Hinihikayat din ang mga mamamayan na iulat ang anumang mga iregularidad o kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya o sa pamamagitan ng hotline ng NPD.
Magpapatuloy ang sabay-sabay na checkpoint operations hanggang sa pagtatapos ng panahon ng halalan, na magpapatibay sa magkasanib na pangako sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at ang demokratikong proseso. (Richard Mesa)

P361M naibahagu na financial assistance ng NHA sa taong 2024

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
UMABOT sa P361 million ang naipamahagi na Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA) sa mga pamilyang Pilipino para sa buong taon ng 2024 na naapektuhan ng matinding kalamidad, sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben A. Tai.
“The NHA is one with President Bongbong Marcos Jr.’s commitment to aiding the housing needs of our Filipino families through our various” programs and services,” said GM Tai.
Sa ilalim ng EHAP, ang ahensya ay nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang apektado ng mga kalamidad tulad ng bagyo, sunog, lindol, at pagbaha. Ang programa na ito ay para tulungan ang mga benepisyaryo na magsimula mula sa pamamagitan ng pagsasaayos ng kanilang mga tahanan.
Kamakailan lang, nag-abot ng pamaskong handog ang NHA Region XI ng EHAP bilang year-ender na regalo sa 35 pamilya mula sa bayan ng Tarragona at 2 pamilya naman mula sa bayan ng Lupon na biktima ng sunog sa Davao Oriental.
Bilang kinatawan nina NHA General Manager Joeben A. Tai at Regional Manager Engr. Clemente A. Dayot, personal na iniabot ni NHA District 2 Officer-In-Charge Gerold P. Namoc ang cash assistance na tig-P10,000 bawat pamilya. (PAUL JOHN REYES)

OCTA: Inflation, pagkain top concern ng Pinoy NANANATILI ang inflation at pagkain sa pangunahing concerns o alalahanin ng mga Pinoy.

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Batay sa resulta ng OCTA Research 4th Quarter 2024 Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey na inilabas kahapon, 56% ng adult Filipinos ay itinuturing na ang pagkontrol sa presyo ng basic goods at commodities bilang top national concern.
“This is a significant drop of 10 percentage points from the 66% registered during the 3rd Quarter of 2024,” anang OCTA.
Kasunod ng inflation, 44% ng mga Pinoy ay concern sa access sa abot-kayang pagkain, pagpapahusay o pagdaragdag ng sweldo (36%), pag-ahon sa kahirapan (34%) at paglikha ng trabaho (29%).
Ang alalahanin naman sa umento sa sahod ay bahagyang bumaba sa 36% mula sa dating 39% habang bumaba rin ng apat na puntos ang concerns sa paglikha ng trabaho na nasa 29% na lamang.
Anang OCTA Research, ang survey ay isinagawa mula Nob­yembre 10-16, 2024, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa may 1,200 respondents, na nagkakaedad ng 18-taong gulang pataas.

Ads January 14, 2025

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

“IT’S THE BEST CAST IMAGINABLE,” SAYS DIRECTOR JEFF FOWLER OF THE CAST OF “SONIC THE HEDGEHOG 3”

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Sonic the Hedgehog 3, which sees Team Sonic on a brand new adventure, welcomes back the franchise’s all-star cast, plus a few new additions.

 

“We could not be more excited,” says director Jeff Fowler. “We’ve got Ben Schwartz back voicing Sonic; Colleen O’Shaughnessey as Tails; Idris Elba as Knuckles; James Marsden as the Donut Lord – aka Sheriff Tom Wachowski – Tika Sumpter as Maddie Wachowski; and the incomparable Jim Carrey in not just one, but two key roles. Robotnik’s henchman Agent Stone is once again played by Lee Majdoub. Natasha Rothwell and Shemar Moore have cameos as newlyweds Rachel and Randall. Adam Pally drops in as everybody’s favorite goofy Deputy Wade. And last but not least, our new character, Shadow the Hedgehog, is played by Keanu Reeves. It’s the best cast imaginable.”

In Sonic the Hedgehog 3, Sonic, Knuckles and Tails reunite against a powerful new adversary, Shadow, a mysterious villain with powers unlike anything they have faced before. With their abilities outmatched in every way, Team Sonic must seek out an unlikely alliance in hopes of stopping Shadow and protecting the planet.

Watch the trailer: https://youtu.be/fNvhVxfvAUU

In Ben Schwartz’s imaginative hands, Sonic is a flurry of manic energy and goofy humor. “Making people laugh is a beautiful feeling,” says Schwartz. “I spend a lot of my life making thousands of people laugh together and it’s one of my favorite things in the universe. Being able to do that for kids as Sonic sends me over the moon.”

Anyone who likes the earlier films will love this one, promises Schwartz. “We’ve exploded the boundaries,” he says. “There are fights in outer space. There are two different Robotniks. The ultimate life form will destroy the world if the team of Knuckles, Tails and Sonic can’t stop him. This is Sonic’s toughest fight yet and he gets knocked on his butt a couple of times, but he comes back hard.”

Idris Elba, who voices Knuckles, loves the fact that Sonic’s world runs on pure imagination. “We all know hedgehogs don’t move fast. And they’re not blue. But no matter what age you are, this is an experience you don’t want to miss. And make sure you share it — it’s definitely a movie for everyone.”

Colleen O’Shaughnessey, who voices the brainy fox Tails, has been involved in the Sonic world since the early games, and knows Tails inside out. “The love that I’ve gotten playing this character has just been tremendous,” she says. “Sonic fans are some of the most passionate fans in the world. And they’re very opinionated! When they like what you do, that is a huge compliment. It’s overwhelming sometimes.”

According to director Fowler, when the character of Shadow was teased at the end of the second movie, “fans lost their minds.”

“Shadow is a very strong hedgehog,” says Keanu Reeves, who voices the fan favorite Sonic character. “Sonic can’t compete with him at the beginning, but he’s a quick learner. Visually, it’s very exciting. There’s such a spirit of fun and surprise that’s also connected to emotional authenticity for the characters. That allows you to empathize with them.”

In Sonic the Hedgehog 3, Jim Carrey not only reprises his scene-stealing role as the perfidious Dr. Ivo Robotnik, he also plays Ivo’s equally treacherous 110-year-old grandfather, Gerald Robotnik, the engineer of Shadow’s evil intentions. “It’s going to be amazing for audiences to see what Jim does with it,” says Fowler. “He had so many funny ideas for the characters. He’s been involved in every little aspect of the Robotnik world, including all of his interactions with his sidekick Agent Stone.”

Everyone must see this film in a movie theater, Carrey recommends. “And see it with your family. No matter how big your TV screen is, the cinema allows you to dream bigger. The artists that created this have painted it on a canvas so large you can get lost in it. But be sure to drop some popcorn so you can find your way back.”

It wouldn’t be a Sonic story without Tom and Maddie Wachowski, the squad’s surrogate parents played by James Marsden and Tika Sumpter. “James is an amazing friend and an incredible actor,” says Fowler. “He always wants to know what we can improve. And Tika is just a ray of sunshine. Her smile lights up a soundstage. She walks on set and we hear that laugh. It just makes everyone relax because we know it’s going to be a fun day.”

Also returning is Lee Majdoub as Agent Stone, Ivo Robotnik’s loyal henchman. “He auditioned for the first film with just a line or two,” says Fowler. “But he made the comedy look so easy and effortless. He has to share scenes with Jim Carrey and he’s always up for everything Jim throws at him. Jim just loves him and so do I. This movie shines a light on what an amazing actor Lee is.”

Krysten Ritter joins the cast as Director Rockwell of G.U.N. Rockwell views Team Sonic with a great deal of suspicion, which can be a detriment to their fight against Shadow. “She’s not exactly on Sonic’s side for a good deal of the movie, which creates some interesting layers for the story,” says Fowler. The filmmakers loved her performance in Jessica Jones and Breaking Bad and thought she’d be the perfect fit to continue to build out G.U.N., an important part of the Sonic world mythology.

Sonic the Hedgehog 3 opens in Philippine cinemas January 15, 2025. Join the conversation with the hashtag #SonicMovie3 and tag @paramountpicsph

(Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

((ROHN ROMULO) 

Sa pag-reign sa charts mula 2000 hanggang 2024: TAYLOR SWIFT, tinanghal na Top Artist of the 21st Century ng Billboard

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BIHIRA na sa panahon ngayon ang tulad ng Sparkle artist na si Allen Ansay.

‘Di raw niya idadaan sa mabilisan ang ka-loveteam na si Sofia Pablo para maging girlfriend niya kahit na 18 years old na ito.

“Kung hanggang kelan puwede, maghihintay po ako. Kung sasabihin na niyang puwede na, game po ako,” sey ni Allen.

Sa tanong na baka mapagod ito sa paghintay kay Sofia at maghanap ito ng iba, sagot ni Allen ay sure na raw siya sa kanyang ka-loveteam.

“Siyempre po, 100%, siya lang. Gusto ko po yung traditional way sa pagligaw. Yung pupuntahan po yung babae sa bahay at magdadala ka ng bulaklak. Yun ang natutunan ko sa probinsya namin.”

Thankful si Sofia sa genuine care na pinapadama ni Allen sa kanya kahit na wala pa silang relasyon.

“Masaya and masarap talaga sa pakiramdam at sa puso na may taong nandiyan para alagaan ka. Alam mo na may taong nandiyan lagi para makinig sa ‘yo, suportahan ka. Thankful ako na sobrang genuine ng care niya, pati sa  Mommy ko.“

Sa January 13 na ang world premiere ng Prinsesa Ng City Jail sa GMA Afternoon Prime na mula sa direksyon ni Jerry Lopez Sineneng.

Kasama rin sa cast sina Beauty Gonzalez, Keempee de Leon, Dominic Ochoa, Denise Laurel, Lauren King, Pauline Mendoza, Radson Flores, Ina Feleo, Ayen Munji-Laurel at Will Ashley.

***

SI Direk Jerry Lopez Sineneng pala ang nag-takeover sa pagdirek ng ‘Widows’ War’ dahil naging masyadong busy si Direk Zig Dulay.

Nang tanungin namin kung sino ba ang mastermind sa mga patayan sa serye, tumawa lang ito at sinabing hindi rin daw niya alam.

“Kahit ako, clueless sa kung sino talaga yung Palacios killer. Basta tutukan lang nila and make your own conclusions. Yun ang nakaka-excite sa show dahil hula ka lang nang hula,” tawa pa niya.

Mag-world premiere na sa, today, January 13 sa GMA Afternoon Prime ang bagong teleserye ni Direk Jerry na ‘Prinsesa Ng City Jail’ na bida si Sofia Pablo.

Inamin ni direk na dumaan sila sa maraming aberya noong nagte-taping sila last year.

“Mostly ay yung unpredictable weather ang dahilan. We started taping sa city jail noong summer na kasagsagan ng El Niño. Grabe ang init talaga and we have to stop taping for a while dahil doon. Noong matapos ang init, sunud-sunod na bagyo naman ang dumating. But we try to make the most out of the situation. Dinadaan na lang namin sa tawa ang lahat.”

Ang ikinatuwa ni Direk Jerry ay wala raw siyang narinig na reklamo sa kanyang mga artista.

“They are all very professional. Kahit saksakan ng init at maulan, no complaints. Lalo na from Sofia. Never siyang nagreklamo and she’s always prepared. Kaya ang suwerte ko sa mga artista dito kasi walang nag-attitude.”

***

SI Taylor Swift ang tinanghal na Top Artist of the 21st Century ng Billboard dahil sa pag-reign nito sa Billboard 200 albums at Billboard Hot 100 songs chart mula sa simula ng 2000 hanggang 2024.

Nagsimula magkaroon ng hit single si Taylor in 2006 with the song “Tim McGraw” and since then ay nagkaroon siya ng 14 #1 albums at 12 #1 songs on Billboard.

Mga nag-number one ay We Are Never Ever Getting Back Together, Shake It Off, Blank Space, Bad Blood, Look What You Made Me Do, Cardigan, Willow, All Too Well (10 Minute Version), Anti-Hero, Cruel Summer, Is It Over Now? and Fortnight.

Ang iba pang kasama sa Top 10 Artists ay sina Usher, Bruno Mars, Justin Bieber, Beyonce, The Weeknd, Eminem, Post Malone, Rihanna at Drake.

(RUEL J. MENDOZA) 

Matapos na umalma ang KimPau fans sa binagong playdate: Inaabangang movie nina KIM at PAULO, sa March 26 na mapapanood

Posted on: January 13th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA isyung pag-unfollow ng dalawang sikat na Kapamilya stars na sina Kim Chiu at Paulo Avelino aa social platforms ng Star Cinema ay sinasabing naimpluwensiyahan daw ng huli ang una.
Kumbaga dahil sa kabaitan daw ni Kim ay hindi raw magawa ng aktres na i-unfollow ang isang film production na malaki rin naman ang naging ambag sa kung anuman ang kasikatan na ngayon ng isang Kim Chiu.
Kaya naman may nagkomento na very obvious na nagmalasakit sa Star Cinema na maaring naimpluwensahan si Kim ni Paulo.
Tahimik pa rin naman ang mga taga-Star Cinema pero maingay sa social media ang fans nina Kim at Paulo, dahil sa pag-unfollow nina Paulo Avelino and Kim Chiu sa social media platforms ng nasabing production company.
Ayon sa isa sa nakausap naming miyembro ng KimPau ay sila raw ang mag-iingay para maipagtanggol ang mga idolong sina Kim at Paulo.
Nag-umpisa lang naman ang isyu nang mag-tweet si Paulo ng “Ma-experience nga na hindi tumapos ng pelikula.”
Ito ay matapos maglabas ng teaser ang SM Cinemas na sa April pa raw ang showing ng pelikula nilang ‘My Love Will Make You Disappear’.
Nauna na kasing lumabas ang press releases na pang Valentine presentation ang movie na pagsasamahan ng KimPau.
Bukod sa trending ang Star Cinema, trending din ang ‘Kim deserves respect.’
Sentimyento ng fans, ba’t ganun, hindi sila (KimPau) aware na may ganung pangyayari samantalang minadali raw ito ng kanilang idolo.
May nabasa naman kaming comment ng isang tagahanga na malamang daw na kailangan pang ayusin ang pelikula at baka raw nung pinanood ng mga bossing ng Star Cinema ay nakulangan ay hindi sila nagandahan at need pang dagdagan at iretoke ang nasabing pelikula.
Bakit naman kasing may mag-unfollow agad? Mas mainam na upuan at pag uusapan nila muna di ba?
O baka naman bahagi ito ng promo para umingay ang movie?
Anyway, naglabas na ang official statement ang Star Cinema na sa March 26 na ipalalabas ang ‘My Love Will Make You Disappear’.
***
ISANG mahigpit na pagbati sa bagong pamunuan ng PMPC Star Awards Inc. sa pamumuno ni president-elect Mell T. Navarro.
Siyempre kasabay din ng pasasalamat namin sa ibinigay muli na pagkakataon sa amin  sa.pagkakataong  ng mga kapatid ko sa club upang mahalal muli  bilang secretary ng the oldest showbiz media organization.
Thank you my dear Sto. Niño de Tondo, Sta. Marta for all the blessings.
Samantala ang iba pang nahalal na officers ay sina Fernando de Guzman  (Vice President), Mildred Bacud (Asst. Secretary), Boy Romero (Treasurer), John Fontanilla (Asst. Treas), Rodel Fernando  (Auditor), Eric Borromeo (PRO–English), Blessie Cirera (PRO-Pilipino) at ang mga maglilingkod namang Board of Directors ay sina Roldan Castro, Rommel Placente, Rommel Gonzales, Ma. Leonila Garcia, Evelyn Diao, at Francis Simeon.
(JIMI C., ESCALA)