• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 10:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

Posisyon ni PBBM na tutol na i- impeach si VP Sara, hindi nabago- Malakanyang

Posted on: January 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
HINDI nabago ng National Rally for Peace ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang posisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kontra sa pagsisikap na i-impeach si Vice President Sara Duterte.
“The President’s position on the impeachment move in the HoR (House of Representatives) has not changed,” ang sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin nang tanungin kung mayroong anumang epekto ang malawakang rally sa paniniwala ng Pangulo na hindi dapat i-impeach si VP Sara.
Sa ulat, hayagang sinabi ni Pangulong Marcos na kontra siya sa balakin na i-impeach o patalsikin sa puwesto si VP Sara dahil maaapektuhan umano ang trabaho ng mga kongresista at senador.
Ang katwiran ng Pangulo, hindi ikagaganda ng buhay ng mga filipino ang pag-impeach kay VP Sara.
“This is not important,  this does not make nay difference to even one, single Filipino life, so why waste time on this?” pahayag ng Punong Ehekutibo.
“What will happen to the– if somebody files an impeachment? It will tie down the House, it will tie down the Senate. It will just take up all our time, for what? For nothing. None of this will help improve a single Filipino life. As far as I’m concerned, it’s a storm in a tea cup,” paliwanag niya.
Kinumpirma naman ni Pangulong Marcos ang text message na hinikayat niya ang mga mambabatas na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay Duterte.
Matatandaang, sa Kamara nagmumula ang reklamong impeachment, na kapag naaprubahan ay dadalhin sa Senado upang “litisin” ang opisyal na nais tanggalin sa posisyon.
Ang mga impeachable official sa bansa ay ang Presidente, Bise Presidente, mga miyembro ng Supreme Court, mga miyembro ng Constitutional Commissions, at ang Ombudsman.
Bukod sa usapin ng kung papaano o saan ginamit ni Duterte ang kaniyang confidential funds na iniimbestigahan ng mga kongresista, naging kontrobersiyal ang isiniwalat ng bise presidente na may kinausap na siyang papatay kina Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Romualdez, kung may masamang mangyayari sa kanya. (Daris Jose)

Filipinas nagtapos sa 3-3 draw ang laban kontra Uzbekistan

Posted on: January 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGTAPOS  sa 3-3 draw ang laban ng Philippine women’s football team laban sa home team na Uzbekistan sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup Qualifiers.
Unang nakapagtala ng goal ang Filipinas sa unang apat na minuto ng laro at naitabla agad ng Uzbekistan sa 12:53 oras ng laro na ginana psa Yunusobod Sports Complex sa Tashkent.
Mayroon ng isang panalo at isang draw ang Filipinas habang ang Uzbekistan ay wala pang panalo at may isang draw.
Nitong araw ng Sabado ay tinambakan ng Filipinas ang Kuwait 4-1.
Hawak ng Uzbekistan ang 3-2 na kalangan sa natitirang dalawang minuto ng laro subalit naging mabilis si Judy Connolly ng Filipinas para agad na maipasok ang goal at maitabla sa 3-3 ang laro.
Sinubukan pa ng Uzbekistan na maitabla ang laban sa natitirang tatlong segundo subalit hindi na umabot.
Susunod na makakaharap ng Filipinas ang Turkmenistan sa Miyerkules na tinalo ng Australia 6-1 nitong Sabado.

IOC papalitan ang mga medalya ni US swimmer Hall na nasama sa wildfire

Posted on: January 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANGAKO  ang International Olympic Commitee (IOC) na kanilang papalitan ang mga medalya ni American swimmer Gary Hall Jr na nasunog sa wildfire sa Los Angeles.
Ayon kay IOC president Thomas Bach, na bibigyan nila si Hall ng replicas ng 10 Olympic medals na natupok ng apoy.
Lumaban ang American swimmer sa Olympics sa mga taon ng 1996, 2000 at 2004 kung saan nagwagi ito ng kabuuang limang gintong medalya, tatlong silver at dalawang bronze sa Atlanta, Sydney at Athens.
Una ng ikinalungkot ng 50-anyos na Hall of Famer swimmer ng US ang pagkasunog ng kaniyang bahay dahil sa wildfire kung saan hindi niya nailigtas ang mga medalya na kaniyang napanalunan.

150 Pinoy naapektuhan ng LA wildfires – DFA

Posted on: January 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NASA 150 Filipinos ang naapektuhan ng wildfires sa Los Angeles at kasalukuyang nananatili sa Evacuation Center, ayon sa  Department of Foreign Affairs (DFA).
“We have about 150 displaced Filipinos. They had to undergo the mandatory evacuation. They are now being housed in evacuation centers,” ayon kay DFA Assistant Secretary Adelio Angelito Cruz.
Ang wildfires ay kumalat sa libu-libong mga ektarya ng lupain dahil sa malakas na hangin kung saan naapektuhan ang tatlong magkakahiwalay na lugar na kinabibilangan ng Palisades, Eaton, at Hurst.
Nasa 24 ang iniulat sa namatay kung saan walo ang nasawi sa Palisades at 16 sa Eaton. Mahigit sa 100,000 residente ang inutusan na ring lumikas.
Tiniyak ni Cruz na tinutulungan ng gob­yerno ng Pilipinas ang mga apektadong Filipino na makakuha ng pangmatagalang tirahan.
Nasa 290,000 mga Pinoy immigrants ang nakatira sa Los Angeles, Long Beach at Anaheim sa California. ( Daris Jose)

Panukalang maging legal ang marijuana bilang gamot o medical use inaasahang maipasa na

Posted on: January 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMAASA ang isang mambabatas na maipapasa ng Kamara bago magtapos ang ikatlo at huling sesyon ng Kamara ang panukalang pagsasa-legal sa paggamit ng marijuana bilang gamot o for medical use.
Pahayag ito ni Camsur Rep. LRay Villafuerte sa muling pagbubukas ng sesyon nitong Lunes.
Naipasa ng Kamara bago matapos ang taong 2024 ang House Bill (HB) No. 10439.
Isinusulong sa panukala na magamit ang marijuana bilang medical use sa matinding mga sakit tulad ng cancer, epilepsy, HIV o human immunodeficiency virus at post-traumatic stress disorder (PTSD).
“If all goes well, this Congress can cap its record feats in its third and final session by at last writing a long-proposed law legalizing the use of medical cannabis as an alternative, relatively more affordable pain reliever for Filipinos hurting from excruciating ailments like cancer, epilepsy, HIV and PTSD,” ani Villafuerte.
Umaasa pa ito na ipapasa rin ng senado ang bersyon nitong Senate Bill (SB) No. 2573 bago matapos ang 19th Congress.
Ayon sa mambabatas, dapat bigyang pansin lead ang ginawang pagsasa- legal ng nasa 60 bansa sa paggamit ng medical cannabis at pagkumpirma sa medicinal journals sa medical values nito.
Kabilang sa 60 bansa na ginawang legal ang paggamit sa medical  cannabis ay ang Australia, Canada, Germany, Israel at United Kingdom (UK). (Vina de Guzman)

Maling pagkakilanlan sa Pilipinong OFW, dapat managot

Posted on: January 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IGINIIT ng isang mambabatas na panagutin yaong nagkamali sa pagkakilanlan o misidentified na nasawing OFW sa Kuwait.
Nanawagan din si Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ng masusing imbestigasyon sa kaso ni Overseas Filipino Worker Jenny Sanchez Alvarado, na umanoy napagpalit ang bangkay sa isang  Nepali domestic worker na namatay din sa  Kuwait.
“This is a grave insult to the dignity of our OFWs and their families. Paano nangyari na ang bangkay ng isang Nepali national ang naiuwi sa Pilipinas samantalang ang pamilya Alvarado ay naghihintay sa kanilang ina? Malaking kapalpakan ito,” ani Brosas.
Ayon sa mambabatas, dapat managot ang  Department of Migrant Workers (DMW) at Philippine embassy sa Kuwait sa naging lapse sa protocol.
‘The incident has caused severe emotional distress to Alvarado’s husband and five children, who only discovered the wrong remains upon opening the casket at a funeral home in Cavite. We demand answers from the DMW and our embassy officials. Saan napunta ang bangkay ni Jenny? Bakit hindi maayos ang identification process? This negligence is unacceptable and someone must be held accountable,” dagdag nito.
Bukod kay Alvarado, nais din nitong paimbestigahan ang kaso ng dalawa pang OFW na namatay sa ibang bansa.
“We call for a full investigation into the deaths of these three domestic workers. Hindi pwedeng basta-basta na lang tanggapin ang explanation ng employer na suffocation ang dahilan ng pagkamatay. We need to ensure that there was no foul play involved,” aniya.
(Vina de Guzman)

Top 20 business and realty taxpayers sa Navotas, pinarangalan

Posted on: January 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
BINIGYAN ng pagkilala ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang Top 20 Business and Realty Tapayers bilang pasasalamat sa kanilang kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod bilang bahagi ng pagdiriwangng ika-119th anibersaryo ng pagkakatatag ng Navotas City.
Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Vice Mayor Tito Sanchez at mga konsehal ng lungsod ang isinagawang Awarding ng plaque of recognation sa top 20 business and realty taxpayers na ginanap sa Manila Hotel.
Kabilang sa top 20 real property taxpayers na pinarangalan, ang Therma Mobile, Inc., Worldsummit Holdings Corp./Deity Construction Company, Petron Corporation, Frabelle Fishing Corp., Icy Point Cold Storage, Columbia International Food Products, Inc., RBL Fishing Corp., Nautilus Shipyard and Repair Inc., La Paz Ngo (Young’s Town Sardines & Corned Beef), Melcon Dev. Corp., Asian Slipway Corporation, VVS Cold Storage & Processing Corp., Primetown Realty Dev. and Leasing Corp., Manila Electric Company, TP. Marcelo & Co., Inc., Fishport Ice Plant, Inc., Crystal Cold Chain Corp., Solid Shipping Lines, Kai-Anya Foods Corp. at Happy Chef Inc.
          Samantala, ang top 20 business taxpayers naman na pinarangalan ay ang Ravago Equipment Rentals, Inc., Marra Builders Inc., Philippine Super Feed Corporation, Icy Point Cold Storage and Processing Corp., Therma Mobile Inc., Phil. Ecology Systems Corp., Frabelle Shipyard and Marine Services Corporation, Linton Incorporated, Frabelle Corporation, Columbia International Food Products, Inc., Trans Pacific Journey Fishing Corp., Josefa Slipways Inc., Ferna Corporation, Special Container and Value Added Services, Inc., Fast Logistic Corp., VVS Cold Storage & Processing Corp., Titan Transnational Corporation, Purechem Corporation, South Seas Cargo Forwarders, Inc. Co. at Meat World International, Inc.
Pinasalamatan ng Tiangco brothers ang mga taxpayers, mga opisyal, mga residente ng lungsod, department of heads, pribadong organisasyon, at sector ng negosyo dahil sa kanilang walang-humpay na suporta sa pamahalaan at sa kanilang ambag sa patuloy na pagtaas ng antas ng pamumuhay sa Navotas.
“Maraming salamat sa inyong maagap at tamang pagbabayad ng buwis at sa inyong patuloy na suporta sa ating lungsod para sa NavLevelUp na pagbibigay ng serbisyo sa mga Navoteño” pahayag ni Mayor Tiangco. (Richard Mesa)

Tulak na ginang, nadakma ng DDEU-NPD sa drug bust, higit P.4M shabu nasamsam

Posted on: January 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAHIGIT P.4 milyong peso halaga ng shabu ang nasamsam sa isang tulak na ginang na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
           Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Capt. Regie Pobadora ang suspek na si alyas “Tita”, 45, residente ng Quezon City.
          Ani Capt. Pobadora, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y pagbebenta ng suspek ng illegal na droga sa lungsod kaya isinailalim nila ito sa validation at nang positibo ang ulat, ikinasa ng DDEU ang buy bust operation.
Dakong alas-9:47 ng umaga nang dakmain ng mga tauhan ni Capt. Pobadora ang suspek sa Galler Subdivision, Brgy., 141 ng lungsod matapos bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
          Ayon kay Capt. Pobadora, nakumpiska nila sa suspek ang nasa 65 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P442,000 at buy bust money.
          Kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II ng R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya sa suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang DDEU sa kanilang hindi natitinag na pangako sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.
“The prompt and effective execution of this operation exemplifies the resolute determination of our personnel in safeguarding the public from the detrimental effects of illicit drugs. We remain steadfast in our mission of protecting the community.” pahayag niya. (Richard Mesa)

National Rally for Peace ng INC, natapos ng mapayapa

Posted on: January 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PASADO 5:20 p.m nang mapayapang natapos ang isinagawang nationwide ‘National Rally for Peace’ ng pamunuan ng Iglesia ni Cristo (INC) kung saan umabot ang bilang nito sa 1.8 million na mga miyembro ng INC ang dumalo sa Quirino Grandstand.
Isa ito sa 13 sites na isinagawang nationwide rally ng INC sa buong bansa kung saan dagsa rin ang mga miyembro nito sa lugar ng Sports Complex nang Ilagan City, Provincial Capitol ng Palawan, Sawangan Park sa Legazpi City, Freedom Grandstand sa Iloilo City, Ormoc City Plaza sa Leyte, South Road Properties (SRP) Grounds sa Cebu City, Pagadian City Proper sa Zamboanga del Sur, Plaza Divisoria sa Cagayan de Oro City, San Pedro Square sa Davao City at Butuan Sport Complex sa Agusan del Norte.
Samantala, umaasa naman ang Malacañang na ang ginawang ‘National rally for peace’ ay magbibigay ng kaliwanagan sa mga isyu na kinahaharap ng bansa.
Binigyang diin naman ng mga kapatid natin sa INC ang kahalagahan ng pagkakaisa at kapayapaan sa gitna ng gulo sa pulitika sa bansa.
Bagama’t wala pang bilang na inilalabas ang pamunuan ng INC sinabi nila na mula ng magdatingan ang mga miyembro nito kaninang 6:00 a.m (Enero 13, 2025), ay ‘wala pa silang naitalang mga kaso ng nasugatan o nahilo hanggang sa matapos ang naturang rally.

Malakanyang nirerespeto ang Peace rally ng INC

Posted on: January 15th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NIRERESPETO ng Malakanyang ang mapayapang pagtitipon ng mga kapatid nating Iglesia ni Cristo (INC) noong Lunes, Jan 13.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin ang peace rally ay karapatang ginagarantiyahan ng Konstitusyon, pinahahalagahan ng mga tao at kinikilala ng administrasyon ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.
Kumpiyansa ang Palasyo na magiging mapayapa, matiwasay at makabuluhan ang National Rally for Peace.
Sinabi ni Bersamin, umaasa ang Malakanyang na ang mga ipapahayag na mga opinyon sa gawaing ito ay makakatulong sa paglilinaw sa mga usaping kinakaharap ng bansa at maghahatid sa atin sa tunay na pagkakaisa.
Binigyang diin ni Bersamin ang kahalagahan ng pagkilatis at pakikinig sa lahat ng panig sa isang usapin na aniya’y siyang magdudulot ng kalinawan na hinahanap.
Nakikita anya nila ang pagtitipon ngayon bilang bahagi ng “national conversation” na dapat ginagawa ng mga tao para magkaroon ng kaliwanagan at pagkakaisa sa mga isyung kinakaharap ng lahat at makaaapekto sa hinaharap.
Kaugnay nito’y inatasan naman ang kaukulang mga ahensya ng gobyerno kabilang ang nasa peace and order, traffic and transportation management gayundin ang emergency health services, na umalalay para sa kakailanganing tulong ng mamamayan.
Sa kabilang dako, mahigpit din ang seguridad na ipinatupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) upang mapanatili ang kaayusan.
Nagdeploy din ang PNP ng mga pulis sa paligid ng Malakanyang.