• October 23, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 9:25 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

Djokovic nagtala ng record sa kasaysayan ng tennis

Posted on: January 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAHIGITAN na ni Novak Djokovic ang record ni retired tennis star Roger Federer sa may pinakamaraming Grand Slam singles na nilaro.

Nangyari ito matapos na talunin niya si Jaime Faria ng Portugal sa ikalawang round ng Australian Open sa score na 6-1, 6-7(4/7), 6-3, 6-2.

Ito na ang pang-430 na Slam contest ni Djokovic kung saan mayroong 429 lamang si Federer at 423 si Serena Williams.

Ang pagpasok ni Djokovic sa ikatlong round ay siyang pang-17 magkakasunod na taon na kaniyang naitala.

Kahit na matalo aniya ito ay labis na siyang nasisiyahan dahil sa nakapagtala na ito ng record sa tennis.

Susunod na makakaharap nito sa ikatlong round si Tomas Machac ng Czech Republic.

Ads January 17, 2025

Posted on: January 17th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Alex Eala umangat pa lalo ang WTA rankings

Posted on: January 16th, 2025 by Peoples Balita No Comments

LUBOS ang pasasalamat ngayon ni Pinay tennis star Alex Eala matapos ang muling pag-akyat ng kaniyang ranking sa Women’s Tennis Association.
Ayon kasi sa pinakahuling ranking na inilabas ng WTA na nasa pang-136 na ito ngayon.
Noong unang linggo ng Enero ay nasa pang-143 lamang ito matapos ang bigong maka-usad sa main draw ng Australian Open.
Tinalo kasi siiya ni Jan Fett ng Croatia sa score na 7-5, 6-2 sa Grand Slam qualifiers.
Sinabi ng 19-anyos na si Eala na kaniyang pagbubutihin ang paglalaro para mas lalong umangat ang kaniyang world rankings.

Russian tennis star Medvedev sinira ang camera ng Australian Open

Posted on: January 16th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NASIRA ni world number 5 tennis player Daniil Medvedev ang camera na nakalagay sa net sa first round ng Australian Open.
Nangyari ang insidente ng talunin niya si KasKasidit Samrej ng Thailand sa loob ng limang sets – 6-2, 4-6, 3-6, 6-1, 6-2.
Umint ang ulo ni Medvedev ng makuha ng ranked 418 ang kalamangan 2-1 sa ikatlong set.
Dahil sa pag-init ay nahampas niya gamit ang raketa nito ang camera na nakalagay sa net.
Binigyan tuloy siya ng warning ng chair umpire dahil sa racket abuse.
Susunod na makakaharap ng Russian tennis player ay s iLearner Tien ng US sa ikalawang round.

2024 accomplisment report, inilahad ni Mayor Sandoval sa kanyang kaarawan

Posted on: January 16th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SA kanyang 2024 accomplisment report, isa-isang inilahad ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga naging tagumpay ng lungsod na layong pagbutihin pa ang kalidad ng buhay ng Malabuenos, kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-60-taong kaarawan na ginanap sa Malabon Sports Complex.
          “Nakaahon na at magpapatuloy pa. Ang ating mga naging tagumpay noong nakaraang taon ay ating nakamit dahil sa ating pagkakaisa, pinagsama-samang lakas para makamit ang ating mithiin. Ito rin ay nagsisilbing inspirasyon sa atin upang mas pagbutihin ang ating mga ginagawa tungo sa patuloy na pag-unlad. Kaya sana po ay ipagpatuloy rin natin ang pagkakapit-bisig. Nagawa na natin noong nakaraang taon, mas kakayanin at gagalingan pa natin ngayong 2025”. pahayag ng alkalde.
“Kaya sana po ay ipagpatuloy din natin ang pagkakapit-bisig. Nagawa na natin noong nakaraang taon, mas kakayanin at gagalingan pa natin ngayong 2025,” dagdag niya.
Ibinahagi ni Mayor Jeannie ang patas na pamamahagi ng tulong pinansiyal sa pamamagitan ng Malabon Ahon Blue Card, pagkakaloob ng tulong sa pamilya ng namamatayan, pamamahagi ng programang pangkabuhayan, at pamimigay ng 20 bangka at 40 lambat sa mga mangingisda.
Namahagi rin ang alkalde ng scholarship sa mahigit 6,000 estudyante ng City of Malabon University, pati na ng kanilang allowance para sa kanilang pag-aaral, trabaho sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students (SPES), at pagsasagawa ng Mega Job Fair upang lumaki ang oportunidad ng mga kababayan na magkaroon ng trabaho,
Sa serbisyong pangkalusugan, naipagkaloob sa 22,000 Malabuenos ang P15.2 milyong tulong pinansiyal sa pamamagitan ng Malasakit Center, katuwang nila ang pambansang pamahalaan, pati na 200.000 piraso ng libreng gamot sa 11,000 benepisyaryo at 362 ang nabakunahan ng anti-rabies.
Bahagi pa rin ng talumpati ng unang babaeng alkalde ng lungsod ang pamamahagi ng 15,626 relief packs, hot meals, at pansamantalang matutuluyan sa 36,000 katao nang manalasa ang bagong Carina, pati na rin ang pagpapasinaya sa Command and Control Center na magpapalakas sa pagtugon nila sa kalamidad, at pagtatanim ng bakawan sa mga daluyan ng tubig, pagsasa-ayos ng pumping stations at floodgates upang mapigil ang pagbaha.
Inilahad din ni Mayor Jeannie ang pakikipag-partner sa Development Bank of the Philippines para sa implementasyon ng DBP Asenso Program na nagpasimula sa konstruksiyon ng iba’t ibang imprastraktura tulad ng Multi-Purpose Building at Malabon Sports and Convention Center sa Brgy. Tañong, pati na ang Mid-rise Housing Project sa Sisa Extension sa Barangay Tinajeros na magbibigay ng pabahay sa may 220 residente.
Sinabi pa ng alkalde na naitaguyod din niya ang turismo, kultura, kasaysayan at sining sa Malabon sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa na kasali ang pagtuklas ng talento ng mga residente. Nakamit din niya ang ikalawang Seal of Good Local Governance (SGLG) mula sa Department of Interior and Local Government at ang Gawad Kalasag Seal na kumikilala sa kahusayan ng LGUs sa pagtugon sa kalamidad.
Kinilala din si Mayor Jeannie bilang Most Influential Woman ng Foundation of Filipina Women Network para sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng negosyo at serbisyo publiko. (Richard Mesa)

Nito lamang weekend… VP Sara, nagpunta sa Japan para sa ‘private trip’

Posted on: January 16th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGPUNTA si Vice President Sara Duterte sa Japan nitong weekend para sa isang “private trip.”
Sinabi ng Office of the Vice President (OVP) na sa kabila ng ‘unofficial nature’ ng pagbisita ni VP Sara sa Japan, ginamit naman nito ang pagkakataon para makapulong ang iba’t ibang grupo ng overseas Filipino workers’ (OFW) sa mga araw na nanatili siya roon.
“The Vice President visited Japan over the weekend and visited various OFW groups there during the course of her private trip,” ang sinabi ng OVP.
“She’s now back here in Manila,” ayon pa rin sa OVP.
Ang biyahe ni VP Sara ay bago pa ang isinasagawang Iglesia ni Cristo’s (INC) “National Rally for Peace” sa Quirino Grandstand, ngayong araw ng Lunes, Enero 13.
Hindi naman kinumpirma ng OVP kung dadalo si VP Sara sa naturang rally. ( Daris Jose)
News 3
PBBM sa DA: Tiyakin ang mabilis na suporta sa mga magsasaka ngayong ‘planting season’
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Department of Agriculture (DA) na tiyakin ang mabilis na paghahatid ng lahat ng uri ng suporta para sa mga magsasaka upang maiwasan ang anumang pagkaantala ngayong “planting season.”
“There should be no significant delays to the implementation of agri-support to farmers,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa mga opisyal ng DA sa isang pulong kasama ang mga economic manager sa Palasyo ng Malakanyang.
Inatasan din ng Pangulo ang Department of Budget and Management (DBM) na iprayoridad agriculture sector, siguraduhin ang napapanahong budgetary support.
“Be mindful of the planting season. Huwag tayo maiiwanan sa planting season. That’s why you need to come up with the timely budgetary support,” ang winika ng Pangulo.
Samantala, binigyang diin ng DA na sa pamamagitan ng tamang tulong sa ‘fertilizers, quality seeds, at teknolohiya’, maaaring palakasin ng mga magsasaka at gawing mahusay ang pagiging produktibo nito.
Binigyang diin naman ng departameto na ang napapanahong pamamahagi ng binhi/ punla at fertilizers ay mahalaga para maiwasan ang mga pagkaantala at mapalawak o mapalaki ang potensyal na ani.( Daris Jose)

Biden, kumpiyansang pahahalagahan ni Trump ang partnership sa Pinas, Japan

Posted on: January 16th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KUMPIYANSANG ipinahayag ni outgoing United States President Joe Biden na pahahalagahan ni President-elect Donald Trump ang relasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas at Japan.
Ito ang sinabi Biden sa trilateral phone call kasama sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japan Prime Minister Shigeru Ishiba, umaga ng Enero 13, araw ng Lunes.
“Simply put, our countries have an interest in continuing this partnership and institutionalizing our cooperation across our governments so that it is built to last. I’m optimistic that my successor will also see the value of continuing this partnership, and that it is framed the right way,” ang sinabi ni Biden sa ipinalabas na press release ng Presidential Communications Office (PCO).
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Marcos na ‘looking forward’ siya na makatrabaho si Trump sa malawak na saklaw ng mga usapin na “will yield mutual benefits to two nations with deep ties, shared beliefs, common vision, and a long history of working together.”
Samantala, muling magbabalik ng White House si Trump matapos siyang magwagi kontra kay incumbent US Vice President Kamala Harris sa nakalipas na 2024 US Elections.
Si Trump ang ika-47 Pangulo ng Estados Unidos na minsan na ring namuno sa naturang bansa noong 2017 hanggang 2021, bilang ika-45 Presidente nito.
Matatandaang noong Nobyembre 2022 nang ianunsyo ni Trump ang kaniyang interes sa pagtakbo sa 2024 US Elections.
Marami naman ang nag-aabang kung ano raw ang magiging pagbabago sa koneksyon ng Pilipinas at Estados Unidos, sa muling pagbabalik ni Trump at magiging relasyon nito kay Pangulong Marcos. ( Daris Jose)

PBBM, nilagdaan ang batas na magpo-promote sa development ng PH natural gas industry

Posted on: January 16th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NILAGDAAN ni Pangulong Ferdinand ‘Marcos Jr. batas na magpo-promote sa development o pagsusulong ng Philippine Natural Gas Industry.
Tinintahan nito lamang Enero 8, ang Republic Act No. 12120 ay “promote natural gas as a safe, efficient, and cost-effective source of energy and an indispensable contributor to energy security by establishing the Philippine Downstream Natural Gas Industry for the benefit of all segments of the nation’s populations.”
Layon nito na i- develop ang natural gas bilang isang reliable fuel para sa power plants, na sa kalaunan ay makatutulong sa energy security ng bansa.
Ipo-promote rin ng bagong batas ang conversion ng existing fossil-fuel operated equipment at pasilidad para sa natural gas use; sabihin pa na ang conversion ay ‘technically at financially feasible.’
Sa kabilang dako, ang Department of Energy (DoE) ang lead agency para idetermina ang pangangailangan para sa i-regulate ang development ng agregasyon sa bansa.
“Aggregation is defined as the procurement of indigenous natural gas, combining it with imported LNG, and selling the aggregated gas to gas buyers in the Philippines or abroad,” ayon sa DoE.
May pahintulot ang DoE na sumuri, mag-apruba at magpalabas ng permit na kailangan para sa lugar, konstruksyon, operasyon at maintenance, pagpapalawak, pagbabago, rehabilitasyon, decommissioning, at abandonment ng anumang PDNGI facility o activity.
Samantala, ang operasyon ng PDNGI facility ay dapat na isailalim sa isang evaluation process para sa posibleng ‘inclusion at entitlement’ ng insentibo sa ilalim ng Strategic Investment Priority Plan. (Daris Jose)

Comelec agad na inihinto ang pag-imprenta ng balota dahil sa TRO mula sa Supreme Court

Posted on: January 16th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING mag-iimprenta ang Commission on Election (COMELEC) nang mahigit anim na milyong balota para sa national and local elections.
Ito ay matapos na ipinatigil ng Korte Suprema ang pag-imprenta dahil sa ipinalabas na restraining orders matapos na pigilan ng Comelec na makasali sa halalan ang limang kandidato.
Sinabi ni Comelec Spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na lahat ng mga printing activities ng mga balota ay kanilang inihinto.
Inaaral na rin ng kanilang information technology department ng mga pagbabago sa kanilang database ng kandidato dahil may mga natanggal na at ang babaguhin ang election management system.
Dagdag pa nito na hindi lamang ang pag-imprinta ang nakansela at maging ang nakatakdang mock election sa darating na Enero 18 ay kanselado na rin.
Gagawa na ngayon ang Comelec ng 1,667 na bagong ballot page template kung saan lalagyan nila ito ng serial number at muling mag-iimprenta ng panibagong anim na milyong balota.
Maging ang buong system program ng Automated Counting Machine (ACM) ay kanilang babaguhin.
Tatalima na lamang sila utos ng Supreme Court kung dodoblehin na lamang nila ang oras para maabot ang deadline ng pag-imprenta ng balota.
Magugunitang naglabas ng TRO ang SC dahil sa hindi pagsali ng COMELEC na kumandidato sina Subair Guinthum Mustapha at Charles Savellano na idineklarang nuisance candidates sa pagka-senador Senator at pagiging Representative of Ilocos Sur’s First District; pagbasura sa certificates of candidacy ni Chito Bulatao Balintay na tumatakbong Zambales Governor at Florendo de Ramos Ritualo, Jr. bilang Sangguniang Panlungsod Member ng unang distrito ng San Juan City at disqualification ni Edgar Erice bilang Representative ng ikalawang distrito ng Caloocan City. (Daris Jose)

Ads January 16, 2025

Posted on: January 16th, 2025 by Peoples Balita No Comments