Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
(RUEL J. MENDOZA)
WINASAK ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pangunguna ni Mayor WES Gatchalian ang 130 non-conforming weighing scale na nakumpiska mula sa iba’t ibang pamilihan sa lungsod sa isinagawang operation timbangan.
Ang inisyatiba ay naka-angkla sa pambansa at lokal na mga batas na kumokontrol sa paggamit ng mga kagamitan sa pagtimbang sa mga pampublikong pamilihan.
Ang Republic Act No. 11706, o ang “Timbangan ng Bayan Act,” ay nag-uutos sa pagtatatag ng Timbangan ng Bayan Centers sa mga pampubliko at pribadong pamilihan upang mabigyan ang mga mamimili ng paraan ng pag-verify ng mga instrumento sa pagtimbang.
Ang mga lalabag sa batas na ito ay maaaring maharap sa mga parusa mula ₱50,000 hanggang ₱300,000, pagkakulong ng isa hanggang limang taon habang ang paulit-ulit na mga paglabag ay maaaring kanselahin ang mga business permit.
Ang lungsod ay ipinapatupad na ordinansa, ang Ordinance No. 903, Series of 2021, na kilala rin bilang New Market Code ng Valenzuela City na nagpapataw ng multa mula ₱5,000 hanggang ₱15,000 sa mga vendor o establisyimento na makikitang gumagamit ng tampered o non-compliant weighing device.
Binigyang-diin ni Mayor WES ang kahalagahan ng fair and honest trade practice. “Hindi po rason ang pagmahal ng bilihin, dahil lahat naman po tayo ay naghahanap-buhay, importante po na tayo ay tapat sa ating gawain. Dito po sa Valenzuela, ang pinaiiral natin ay disiplina, ayaw po nating pinagsasamantalahan ang ating mga consumer. Dapat po natin silang protektahan, bilang bahagi ng ating misyon na pagandahan ang ating environment dito sa lungsod.” pahayag niya.
Ang pagsira sa mga nakumpiskang timbangan ay magsilbing daan upang turuan ang mga nagtitinda sa pamilihan tungkol sa wastong paggamit at pagpapanatili ng mga kagamitan sa pagtimbang.
Samantala, nagsagawa naman si Mayor Wes, kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) ng surprise inspection sa Karuhatan Public Market para suguraduhin na tama at walang daya ang mga gamit na timbangan ng mga nagtitinda. (Richard Mesa)
SINIGURO ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga mambabatas na may sapat itong pondo para sa bago at pinalawig na health benefit packages.
Ang paniniguro ay ginawa ng mga opisyal ng PhilHealth sa pangunguna ni President at Chief Executive Officer Emmanuel Ledesma Jr., sa pagdinig ng House Committee on Health na pinamumunuan ni Batanes Rep. Ciriaco Gato Jr. ukol sa pagtaas ng benefit packages nito.
Sinabi ni Gato na makakakuha ang mga PhilHealth members ng bago at expanded health benefit packages na nagkakahalaga ng P271 billion.
Inihayag naman ni PhilHealth finance officer Renato Limsiaco Jr., sa pagtatanong ni Appropriations acting chairperson at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo kaugnay sa cash-on-hand ng ahensiya, na ang PhilHealth ay mayroong P492 billion nitong Dec. 31, 2024.
Dagdag nito, ang P203 billion ay kokolektahin sa direct contributors mula sa private sector atgovernment ngayong 2025. nitong 2024, ang actual collection base sa PhilHealth’s cash position report ay P178.5 billion mula sa direct contributions at P9.6 billion mula sa indirect contributions.
“That’s the entire picture. But the bottom line is we really have more than enough to fund your corporate budget of P280 billion. And if I remember it correctly last hearing, (you said) that you intend to spend P244 billion for benefit (packages),” ani Quimbo.
Klinaro naman ni Ledesma na ang pondo para sa benepisyo ngayong taon ay nasa P271 billion, na inaprubahan ng PhilHealth Board.
“So P271 billion is the total new number for total expected benefit packages in 2025,” pahayag ni Quimbo.
Ayon kay Limsiaco, ang P284 billion corporate budget sa 2025 ng Philhealth ay hinati sa P271 billion para sa benefits expense; P12.5 billion paea sa administration and personnel services; at P200 million para sa maintenance at iba pang operating expenses. (Vina de Guzman)
BINIGYANG diin ni Outgoing United States Vice President Kamala Harris ang kahalagahan na muling pagtibayin ang US commitment para idepensa ang Pilipinas sa gitna ng patuloy na agresyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang binanggit ni Harris sa isang telephone call kay Pangulong President Ferdinand Marcos Jr. Martes ng gabi.
“Indeed, and I will tell you from my first visit to Manila and our first conversation, it is extremely important to me and to the United States that we reaffirm the commitment to the defense of the Philippines including the South China Sea,” Harris ang nakasaad sa press release na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO).
Sa kabilang dako, sinabi naman ng White House na pinagtibay ni Harris ang kahalagahan ng patuloy na pagdepensa sa ‘international rules and norms’ sa South China Sea sa harap ng probokasyon mula Beijing.
Binigyang diin nito na dapat lamang na suportahan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa harap ng probokasyon ng Tsina, “and the enduring nature of its defense commitments to the Philippines,” ayon sa White House.
Inaala rin ni Harris ang kanyang makasaysayang pagbisita sa Pilipinas, partikular na ang kanyang naging byahe sa Palawan noong November 2022. Sinabi nito na ang kanyang byahe ay nagbigay-diin sa ”the vulnerability in the region.”
Winika pa ng Bise-presidente na ang kanyang naging pagbisita ay nagpalakas sa pagsuporta ni US President Joe Biden sa Pilipinas pagdating sa ‘seguridad at kaunlaran.’
“I know there is bipartisan support within the United States Congress and within the US for the strength of this relationship and the enduring nature of it in terms of security, but again prosperity and to your point of people-to-people ties,” ang sinabi ni Harris.
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Harris kasabay ng pagbibigay-diin sa matatag at produktibong partnership sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
“Madame Vice President, before I came to this call I was going through all of the things that we had discussed in the past couple of years. And it is remarkable how much work we have been able to do and how much it has progressed and developed the relationship between our two countries. Already very strong relationship but evolving and evolving for the modern challenges that we face, both for us and the South China Sea and for the United States around the world,” ang litaniya ni Pangulong Marcos.
“As I told President Biden when I spoke to him, I said that, I remember … just before we signed the trilateral agreement in Washington, that, I said to President Biden that this will change the dynamic of the South China Sea and the Indo-Pacific. And it certainly has done that,” aniya pa rin.
Pinag-usapan din ng mga ito ang trilateral cooperation sa Japan bilang isang mahalaging halii ng regional security, kung saan tumulong ang Vice President na pabilisin ito ito sa unang leader-level trilateral meeting sa Jakarta noong September 2023.
Bago matapos ang nasabing pag-uusap sa telepono, inimbitahan ni Pangulong Marcos si Harris na muling bisitahin ang Pilipinas. (Daris Jose)
INAASAHAN na ng Office of the Vice President (OVP) na matitigil na nito ang pagbibigay ng medical at burial assistance ngayong taon dahil sa ‘no budget’ na inaprubahan para sa programa sa ilalim ng 2025 General Appropriations Act (GAA).
Sinasabing mula January hanggang December 2024, nakapagbigay ang programa ng mahigit sa P822 milyong halaga ng financial assistance para sa kabuuang 187,028 benepisaryo.
“Since there’s no line item under 2025 General Appropriations Act for Financial Assistance / Subsidy, the Office of the Vice President has no fund to implement the medical and burial assistance program,” ang sinabi ng OVP.
Dahil dito, humingi ng paumanhin ang Office of Vice President Sara Duterte sa publiko “for the inconvenience.”
Matatandaang, tinintahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang ₱6.352-trillion national budget para sa 2025 noong Disyembre 30 ng nakaraang taon.
Nangyari ang pagpirma ni Pangulong Marcos upang maisabatas ang General Appropriations Act (GAA) for Fiscal Year (FY) 2025, sa Ceremonial Hall sa Malacañang Palace matapos ang programa para sa paggunita ng “Rizal Day.”
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na inatasan niya ang pag-veto sa mahigit ₱194 billion halaga ng line items na hindi umano naka-align sa mga prayoridad na programa ng kaniyang administrasyon.
“This budget reflects our collective commitment to transforming economic gains into meaningful outcomes for every Filipino. It is designed not just to address our present needs but to sustain growth and to uplift the lives of generations that are yet to come,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi ni VP Sara na maaaring maapektuhan ng pagtapyas sa 2025 budget ng OVP ang ilang proyekto ng OVP partikular na ang ‘free bus rides at financial assistance’ ang ipinagkaloob sa kanilang satellite offices.
Gayunman, ipinagpatuloy pa rin ng mga satellite office ng OVP ang kanilang trabaho at tungkulin hanggang noong December 31, 2024, subalit binigyang diin na hindi siya sigurado kung paano ang operasyon ay magbabago ngayong 2025.
Tinuran ni VP Sara na may 200 OVP personnel ang maaaring mawalan ng trabaho dahil sa nangyaring pagtapyas sa budget. (Daris Jose)
INATASAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Department of Budget and Management (DBM) na ibalik ang P400 million branding budget para sa Department of Tourism (DOT).
“Restore the P400 million branding budget of DOT to sustain the momentum,” ang naging utos ni Pangulong Marcos sa DBM sa isinagawang pagpupulong kasama si Tourism Secretary Esperanza Christina Garcia Frasco sa Palasyo ng Malakanyang.
Ang pondo ay huhugutin mula sa contingency fund ng Pangulo.
Sinabi ni Pangulong Marcos na handa na ang Pilipinas na simulan ang pagpapalakas sa international image, tinukoy ang kamakailan na accomplishments ng Filipino talents, kabilang ang two-time gymnastics world champion na sina Carlos Yulo at The Voice US champ Sofronio Vasquez, kapwa nagdala ng karangalan sa bansa.
Binigyang diin ng Pangulo na hindi makakaya ng gobyerno na mawala ang momentum.
“We have to maintain the momentum. There is already momentum. It doesn’t hurt that we have people like Sofronio winning The Voice and that we had Caloy Yulo winning the Olympics,” ang tinuran ni Pangulong Marcos.
“All of these things that our people are doing that is great for the Philippines. And then we’re still living off the wonderful performance of Filipino health workers during Covid. Hindi na makakalimutan ‘yon,” dagdag na wika nito.
Muli namang inulit ni Frasco ang sentimyento ni Pangulong Marcos at nagpahayag ng ganap na suporta para sa inisyatiba ng administrasyon para i-promote ang turismo ng Pilipinas.
Sa kanyang naging presentasyon, sinabi ng Kalihim na ang kakapusan sa pondo para sa DOT ay mauuwi sa pagkabawas ng engagement kasama ang target audiences, mas kaunting kalakalan at consumer activation opportunities, at kawalan ng global media placements, kabilang sa iba pang setbacks.
Utang na loob sa global campaign para palakasin ang turismo ng Pilipinas, sinabi ng Kalihim na ang bansa ay nakakuha ng P760 billion sa international visitor receipts mula January 1, 2024 hanggang December 31, 2024.
Idinagdag pa nito na ang foreign tourists sa Pilipinas na matagal na nananatili o may average na 11 gabi noong 2024 kumpara sa siyam lamang noong 2019.
Samantala, pormal na hiniling ng DoT ang pagbabalik ng P400 million branding budget para suportahan ang campaign efforts nito. (Daris Jose)
Amid rising cases of dengue and the spread of health misinformation, healthcare professionals are calling on Filipinos to seek medical advice and factual information about second-generation dengue vaccines. Experts emphasize that understanding the benefits and safety of this vaccine is essential for making informed health decisions.
Dr. Lulu Bravo, a prominent vaccinologist and vaccine advocate, has been vocal in dispelling common misconceptions surrounding the dengue vaccine. With decades of experience in vaccine development and immunization campaigns, Dr. Bravo underscores the importance of vaccination not only for personal protection but also as a public health measure to protect entire communities.
“Vaccination has been around for over 230 years, saving millions of lives by preventing serious diseases,” Dr. Bravo said. “People must remember that vaccines are rigorously tested to ensure safety and efficacy. The dengue vaccine is no different.”
Combating misinformation to protect health
In recent years, misinformation about vaccines has circulated widely, especially on social media, often fueled by sources lacking scientific expertise. Healthcare providers are concerned that the spread of these inaccuracies might deter people from taking steps that could prevent serious diseases like dengue, which is a leading cause of illness in the Philippines. According to Dr. Bravo, misinformation around vaccination not only affects individuals but also puts entire communities at greater risk.
“Vaccination is not just a personal choice; it’s a public health issue,” she said. “When people are vaccinated, they are less likely to spread disease to others, including vulnerable groups such as children, the elderly, and those with weakened immune systems.”
The new dengue vaccine is a valuable intervention in combating dengue disease that can be mild for some people but may
How other countries benefit from second-generation dengue vaccine
In response to the growing threat of dengue fever, Vietnam’s Ministry of Health has proposed offering free dengue vaccinations. The Law on Prevention and Control of Infectious Diseases of Vietnam mandates that available vaccines for infectious diseases must be given to the people for free to reduce the number of cases and limit severe cases requiring hospitalization or death due to dengue fever.
The second-generation vaccine is approved in more than 40 countries worldwide and is available in 24 countries including Indonesia, Brazil, Thailand, Argentina, Malaysia, Colombia, Germany, Finland, Sweden, Norway, Denmark, Netherlands, Luxembourg, Czech Republic, Austria, Belgium, Ireland, Portugal, Spain, U.K., Slovakia, Italy, Poland, Israel.
Empowering Filipinos through informed choices
Healthcare providers are hopeful that with accurate information, more Filipinos will recognize the benefits of the vaccine and consider it an important part of dengue prevention alongside traditional measures like vector control and environmental sanitation.
“Combatting dengue in the Philippines requires a multi-pronged approach,” Dr. Bravo noted. “Aside from vaccination, people must continue practices like fogging, eliminating mosquito breeding sites, and maintaining clean surroundings.”
With a growing array of online sources and opinions, Dr. Bravo urges Filipinos to verify information through credible channels. She encourages the public to look to healthcare professionals, scientific studies, and official health organizations for accurate and evidence-based information.
In a time when social media can amplify misinformation, healthcare professionals stress that individuals who rely on facts are better equipped to make health choices that benefit both themselves and their communities.
“The goal is to empower Filipinos with knowledge so they can make informed decisions and take actions that protect their families and their communities,” she said. “When people rely on credible information, they contribute to a healthier Philippines.”
The second-generation dengue vaccine offers a significant opportunity to reduce the disease burden in the Philippines. By embracing informed choices, experts believe Filipinos can play a critical role in the nation’s fight against dengue.
PASOK na sa ikatlong round ng Australian Open si US tennis star Coco Gauff.
Ito ay matapos na talunin niya si Jodie Burrage ng United Kingdom sa score na 6-3, 7-5.
Hawak na ni Gauff ang kalamangan 3-1 sa ikalawang set subalit nagawa pang lumaban ang Londoner tennis player at naitala ang 5-3 sa kaniyang serve.
Inamin nito na isang malaking hamon sa kaniya ang Rod Laver Arena dahil sa nakapagtala ito ng double-faulting sa kaniyang serve.
Susunod na makakaharap nito sa ikatlong round si Leyla Fernandez ng Canada.
POC maagang naghahanda para sa iba’t ibang torneo
ITINALAGA ng Philippine Olympic Committee si PBA Chairman Ricky Vargas bilang magiging chef de mission ng Los Angeles 2028 Olympics.
Isinagawa ang pagtatalaga sa ginawang kauna-unahang general assembly ng POC.
Habang si Dr. Jose Raul Canlas ay itinalaga na mamuno sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand.
Ilan sa mga itinalaga ay si Al Panlilio na mangangasiw ng Aichi-Nagoya 2026 Asian Games habang si Represetatives Richard Gomez ay siyang bahala sa Milano Cortina 2026 Winter Olympics at si Stephen Arapoc naman ay itinalaga sa Chengdu 2025 World Games.
Si Richard Lim ng Karate ay chef de mission ng Asian Winter Games sa Harbin na magsisimula sa Pebrero 7 hanggang 14.
Sinabi ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino na mahalaga ang maging handa ng maaga para walang magiging palusot sa mga performances ng mga atleta ng bansa.