• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 12:07 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

Stephen Curry, binuhat ang Warriors sa panalo kontra Wolves

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINUHAT  ni NBA superstar Stephen Curry ang Golden State Warriors (GSW) para ibulsa ang panalo laban sa Minnesota Timberwolves, tangan ang isang puntos na kalamangan, 116 – 115.

Kumamada si Curry ng 31 points at walong assists sa panalo ng GSW habang 24 points naman ang ambag ng forward na si Andrew Wiggins.

Hindi pa rin nakapaglaro si Draymond Green sa naging laban ng Warriors ngunit ipinalit sa kaniya ang sophomore na si Trayce Jackson-Davis bilang sentro.

Kumamada si Davis ng 15 rebounds, at dalawang blocks, daan upang pangunahan ang depensa ng GSW.

Hindi naman umubra ang tig-28 points na ipinasok ng dalawang guard ng Minnesota na sina Anthony Edwards at Donte DiVicenzo.

Napigilan ng Warriors ang comeback attempt ng Wolves sa 2nd half ng laban kasunod na rin ng 13-point lead na hawak ng GSW sa pagtatapos ng 1st half.

Pinilit kasi ng Wolves na habulin ang GSW sa ikatlo at huling quarter ng laban gamit ang offensive explosion nina Edwards at Donte.

Gayunpaman, napigilan ng GSW ang last-second shot attempt ng Wolves at ibinulsa ang 1-pt win laban sa kalaban.

Sa halip na 8-5pm7-4pm pasok sa gobyerno irerekomenda ng MMDA

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IREREKOMENDA ng Metropolitan Manila Development Autho­rity (MMDA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-adjust ng mas maaga ang pasok sa lahat ng national government agencies (NGAs) sa National Capital Region (NCR) sa ilalim ng adjusted working hours na ipinatutupad ng local government units na mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.

Sakaling maaprubahan ang rekomendasyon, sinabi ni MMDA Chairman Don Artes na makatutulong ito para matugunan ang matinding trapiko at pagsisikip sa Metro Manila.

Isinaalang-alang aniya, sa pagrekomenda sa Pangulo na i-adapt din sa NGAs ang ipinatupad ng LGUs dahil sa nakitang  malaking improvements sa travel time ng sasakyan at mga empleyado. Ang adjusted working hours sa LGUs na 7:00-4:00 ay batay sa resolusyon na naipasa ng Metro Manila Council (MMC).

“Siguro makakatulong ‘yan mapabawas lalo na sa public transport. Imagine mo, 500,000 ‘yung mga empleyado. Makakaiwas na sila sa pagsabay doon sa ibang bumabyahe. Dapat matapos ‘yung recommendation bago masimulan ‘yung rehabilitation ng Edsa,” ani Artes.

Sa pulong ng MMC, natalakay na ang tinata­yang 223,508 kawani ng gobyerno na gumagamit ng public transportation ang makakabawas sa rush hour kung ‘di sasabay sa mga manggagawa ng pribadong sektor.

Lumalabas din na nasa 37.15% ng mahigit 473,500 national government employees sa NCR ang gumagamit ng pribadong sasakyan sa tuwing rush hour.

(Daris Jose)

PBBM suportado pag deklara ng DA re Food Security Emergency on rice sa bansa

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang nakatakdang pagdeklara ng Department of Agriculture (DA) na Food Security Emergency on rice sa bansa.

Sa panayam kay Pang. Marcos sa Leyte  kanyang sinang-ayunan ang nasabing rekomendasyon ng national price coordinating council (NPCC).

Sa isang ambush interview sa lLeyte ngayong araw, sinabi ng pangulo na hinihintay na lamang na pormal na matanggap ng dept of agriculture ang rekomendasyon sa susunod na linggo.

Paliwanag ng Pangulo, gagawin ang hakbang na ito para gumana nang tama ang merkado sa presyuhan ng bigas.

Aniya sa kabila ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan hindi pa rin bumababa ang presyo ng bigas.

Dagdag pa nito hindi  aniya  nakasusunod sa  law of supply and demand ang merkado.

Kaya  kinakailangan na aniyang pwersahan na maibaba ang presyo ng bigas at tiyaking gumagana nang maayos ang presyuhan sa mga palengke.

Dagdag pa ng Punong Ehekutibo may iba aniya na  iligal ang pagtataas ng presyo kaya iniimbestigahan ito ngayon ng Kamara. (Daris Jose)

‘Emergency sa bigas’ nakaamba

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAY  sapat na datos at katwiran para magdeklara ang Department of Agriculture (DA) ng Food Security Emergency on Rice.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na malaki ang tsansa na maaprubahan ng National Price Coordinating Council ang rekomendasyon na magdeklara ng emergency sa bigas.

Dagdag pa ni Tiu Laurel na dahil sa patuloy na tumataas ang presyo ng bigas kaya mahalaga na mailabas na sa mga warehouse ng National Food Authority (NFA) ang may 300,000 toneladang bigas.

Sa ilalim kasi ng Rice Tariffication Law, hindi maaring mailabas ang bigas sa mga bodega ng warehouse hanggat walang kalamidad sa bansa.

Paliwanag ng kalihim, na sa kabila ng mga ipinatupad na hakbang kabilang ang pagbaba sa 15% mula sa 35% ng taripa sa imported na bigas, ay hindi pa rin bumababa at nanatili sa P60 hanggang P64 ang presyo ng kada kilo ng branded rice sa merkado.

Hinihintay na lamang ngayon ni Laurel ang pormal na rekomendasyon ng NPCC bago konsultahin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Laurel, nasa P3 hanggang P5 ang ibababa sa presyo ng bigas oras na maaprubahan ang rekomendasyon ng NPCC.

Sinabi naman ni Department of Trade and Industry Secretary Maria Cristina Roque na nakahanda na ang kanilang hanay na bantayan ang mga mapagsamantalang negosyante.

Ayon kay Roque, P5,000 hanggang P1 mil­yong multa ang ipapataw sa mga negosyante na hindi susunod sa itinakdang presyo ng bigas. (Daris Jose)

Disbarment complaint laban kay FPRRD, inihain sa SC

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGHAIN  ng disbarment complaint ang pamilya ng mga bitkima ng extrajudicial killings o EJK laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng Korte Suprema, Enero 17.

 

Giit ng pamilya ng mga biktima ng EJK, bitbit ang mga plakards na walang karapatan at hindi karapat-dapat  na maging abogado ang dating pangulo.

 

Sinabi ng abogado na  si Atty. Vicente Jaime Topacio na siya ay anak ng peace consultants na si Agaton Topacio at Eugenia Magpantay na pinatay sa panahon ng Duterte administration.

 

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, hindi sila mapapagod na lumaban at hiiling  nila sa Kataas-taasang Hukuman na bigyan  ng dignidad ang kanilang pagkatao na magkaroon ng karapatan na magkaroon ng hustisya.

 

Maalala sa isang congressional hearing, sinabi ni Duterte na aakuhi niya ang ‘full responsibility’ sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

 

Sa rekord ng gobyerno, nasa humigit-kumulang 6,2000 drug suspect ang napatay sa police operations mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021 ngunit pinabulaanan ito ng human rights group  at sinabing ang bilang ay umabt sa higit 30,000 dahil sa unreported related killings. (Gene Adsuara)

PBBM tiniyak na disaster resilient ang mga housing projects sa Leyte

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na disaster resilient o matibay at kayang sumagupa sa  kalamidad gaya ng malalakas na hangin at maging ng lindol ang mga bahay na nai- turn over ngayong araw sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa  Burauen, Leyte.

Ayon kay Pang. Marcos masusing idinisenyo  ang mga housing units ng National Housing Authority (NHA) at ready for occupancy na ito ng mga beneficiaries.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang Pangulo sa NHA at DHSUD na palalawigin pa ng mga ito ang pagtuklas ng mga disenyo ng mga pabahay na pinatatayo ng gobyerno lalo at iba na ang hamon ng panahon.

Nilinaw naman ni Pangulong Marcos na libre ang ipinamahaging mga Bahay sa mga biktima ng bagyong Yolanda Kasama na din ang loteng pinagtitirikan ng mga housing units.

Ibig sabihin, walang babayarang buwanang amortisasyon ang mga beneficiaries at hindi na maniningil pa ang gobyerno sa kanila. (Daris Jose)

Pangulong Marcos, VP Sara dumausdos pa satisfaction ratings – SWS

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KAPWA  dumausdos ang satisfaction ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte noong Disyembre 2024.

Sa latest Social ­Weather Stations (SWS) survey, ang net satisfaction rating ni Marcos ay pumalo sa +19 noong December 2024, o 13 percent na mas mababa sa +32 noong September 2024.

Ang pagbaba ay naitala sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa kanyang balwarte sa balance Luzon na 60 percent ng mga Pinoy ang naghayag ng satisfaction mula June 2024.

Sa naturang survey lumabas na noong December 2024, 51% ng mga Pinoy ay satisfied kay Marcos habang 52% ang satisfied kay Duterte.

Nakita ang pagbaba sa satisfaction sa ­Mindanao, ang balwarte ng pamilyang Duterte. Mula 52 percent noong September 2024 ay naging 32% nitong December 2024 habang ang dissatisfaction ay tumaas na mula 36% ay naging 50% noong December 2024.

Samantala ang net satisfaction ni Duterte noong December 2024 ay pumalo sa +21 o 6% na mas mababa noong September 2024.

Nakapagtala si Duterte ng pinaka- mababang percentage ng ­“satisfied” sa NCR na 39%, mababa sa 51% noong September 2024 habang ang kanyang ­pinakamataas na satisfaction ay nananatiling mataas sa Mindanao, 79 percent.

Ang dissatisfaction rating ng dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa ay halos pareho lamang na may 32% kay Marcos habang 31% kay Duterte samantalang 16% ang undecided. (Daris Jose)

CIBAC Party List Rep. Bro. Eddie Villanueva, tinutulan ang pagpapatupad ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) Program sa mga paaralan

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAHIGPIT na tinutulan ni CIBAC Party List Rep. Bro. Eddie Villanueva ang pagpapatupad ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) Program sa mga paaralan.

 

“Papayag ka ba na mga taong hindi mo kilala at hindi mo alam ang totoong katauhan ang magtuturo sa mga anak o apo mo ng maseselang bagay tungkol sa sex, porn literacy, masturbation, oral sex, at anal sex? Walang matinong magulang ang papayag nito. Pero sa tinutulak ngayon na Senate Bill 1979, otherwise known as Prevention of Adolescent Act or Anti-Teen Pregnancy Law, mapwe-pwersa ang mga magulang na ipagkatiwala na lang sa mga taong hindi nila kilala ang pagtuturo ng patungkol sa sex sa kanilang mga inosenteng anak,” ani Villanuueva.

 

Ayon sa mambabatas, maselan na subject ang sex education na dapat ay maingat na tratuhin.

 

“Sex education programs should be approached with caution, maselan ito, at delikado, dahil hindi naman lahat ng guro ay may takot sa Diyos. May ilan na maaaring mag-abuso ng kanilang posisyon, at samantalahin ang innocense ng mga estudyante in the process of teaching CSE,” dagdag pa nito.

 

Nangangamba pa ito s aposibilidad na maituro sa CSE ang ‘age-inappropriate lessons’ na posibleng mauwi sa maagang sexualization, misunderstanding sa konsepto ng pag-iingat at kahinhinan at pagsasawalang bahala sa halaga ng kalinisang puri, respeto at disiplina sa mga bata.

 

Nanawagan naman ito sa senado na ikunsidera ang ibang paran para maiwasan ang teen pregnancy.

 

“Kaya nananawagan po tayo sa Senado ng Pilipinas, lalo na sa mga senador na pinagpipilitan ang sex education na ito. Maawa naman po kayo sa kabataang Pilipino. Kung gusto ninyo silang tulungan makaiwas sa teen pregnancy, mas pagbutihin natin ang pagtuturo ng moralidad sa mga paaralan. Mas pagtuunang-pansin natin ang pag-develop ng curriculum at learning materials patungkol sa Values Education at GMRC o Good Manners and Right Conduct,” pahayag nito.

 

Isinuwestiyon nito ang pagsasagawa ng community-based education programs na magtuturo sa mga magulang kung paano nila magagabayan ang kanilang mga anak sa mga usaping sekswal sa mga mga local government units.

 

Maaari rin aniyang makipag-partner ang pamahalaan sa simbahan at iba pang faith-based groups upang tulungan ang mga kabataan.

 

“Pero ang CSE ay hindi isa sa mga paraang ito.  Kaya naman nananawagan din tayo sa Department of Education na suspindihin ang umiiral ngayong DepEd Order No. 031 series of 2018, na nagpapatupad ng sex education sa mga paaralan,” giit nito. (Vina de Guzman)

P1.4M droga, nasamsam sa 2 tulak sa Caloocan drug-bust

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMABOT sa mahigit P1.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Acting Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang mga suspek na sina alyas “Kuya”, 44, at alyas “Jojo”, 52, kapwa residente ng lungsod.

Ayon kay Col. Canalas, nag-ugat ang operation matapos magpositibo ang natanggap na impormasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagpapakalat ng mga suspek ng illegal na droga sa Brgy. 188 at kalapit na mga barangay.

Dakong alas-3:53 ng madaling araw nang agad dambahin ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt Restie Mables ang mga suspek sa Brgy. 188 ng lungsod matapos bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 206 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P1,400,800.00 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong P1,000 boodle money.

Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni Col. Ligan ang mga operatiba ng CCPS-SDEU sa kanilang propesyonalismo, dedikasyon, at pambihirang pagganap sa napakahalagang operasyong ito.

Aniya, ang matagumpay na operasyon ay isang patunay sa hindi natitinag na pangako ng NPD na puksain ang mga aktibidad ng ilegal na droga at lumikha ng mas ligtas na komunidad para sa mga residente ng Metro Manila. (Richard Mesa)

Hindi nabayarang P59.6-billion hospital claims ng Philhealth, pinasisilip

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINASISILIP  ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Kamara ang hospital reimbursement claims na nagkakahalaga ng P59.6 billion na hindi nabayaran ng Philhealth.

Nakapaloob ito sa inihain niyang Resolution No. 2173.

 

“These non-payments of claims have resulted in the partial closure of some medical services of hospitals, and in some cases the full closure of hospitals,” ani Rodriguez.

 

Dagdag pa aniya ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho dala na rin sa partial o full closure ng mga ospitals.

 

Sinabi pa ng mambabatas na importante na mabusisi ito ng Kamara upang makahanap ng paraan kung papaano matutulungan ang mga naturang ospital at mabayaran sila ng Philhealth.

 

Ang bigong pagbabayad o reimbursement ng Philhealth sa mga ospital nitong nakalipas na pitong taon ay nabunyag sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Health.

 

Sinabi nito na ang mga claims na na-deny o ibinalik sa mga ospital ay dahil sa “for correction.”

 

Inimpormahan ng Philhealth ang mga mambabatas na nitong 2024 ay nasa 483,000 ang denied claims na nagkakahalaga ng P4.7 billion; habang mula 2018 hanggang 2023, ay nasa 3milyong claims na nasa-total na P32.4 billion ang na-reject.

 

Iniulat ng Department of Health na karamiihan sa mga natanggihang claims ay dahil sa kabiguan ng mga ospital na mai-file ito sa loob ng 60 araw na isinasaad sa batas. (Vina de Guzman)