• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 8:48 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

Malabon LGU, inilunsad ang ‘cleanest barangay’

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UPANG isulong ang kalinisan at diwa ng “Bayanihan” sa mga komunidad sa Malabon City, inilunsad ng pamahalaang lungsod ang “Search for the Cleanest Barangay 2025” kung saan ang barangay na mananalo ng unang cash prize ay tatanggap ng isang milyong peso.

“Isang patimpalak para sa dalawampu’t isang barangay kasabay ng ating layunin na mas gawing malinis, luntian, at maaliwalas para sa lahat ang Malabon. Kaya para sa ating mga mahal na Malabueno. Ito na ang panahon upang tayo ay magtulong-tulong tungo sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran. Dahil higit pa sa gantimpalang matatanggap ng mga magwawagi, ay ating maipapamalas ang ating galing, pagkakaisa, at pagkakaroon ng pakialam at pagkalinga sa ating kalikasan na siya ring kinakailangan para sa ating magandang kinabukasan,” pahayag ni Mayor Jeannie Sandoval.

Ayon kay City Environment and Natural Resources Office (CENRO) Officer-in-Charge Mr. Mark Mesina, ang programang ito ay upang hikayatin at bumuo ng kooperasyon sa pagitan ng Lungsod, mga barangay, at komunidad tungo sa pagkamit ng malinis at environment-friendly na kapitbahayan na magpapanatili ng isang malinis at luntiang paligid, na walang anumang uri ng debris at sagabal.

Sinabi ng alkalde na pormal na magsisimula ang Search for the Cleanest Barangays 2025 sa Marso at isang serye ng inspeksyon at assessment ang isasagawa mula Abril hanggang Nobyembre kung saan ang mga mananalo sa paligsahan ay papangalanan sa Disyembre.

Inihayag naman ni Mesina na ang mga barangay ay huhusgahan ng mga piling judges mula sa Malabon City Solid Waste Management Board, Metro Manila Development Authority (MMDA), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at Mother Earth Foundation, Inc batay sa mga sumusunod na pamantayan:

Malinis at maayos na Barangay (40%), Sustainability Measures (25%),  Pakikilahok sa Komunidad (15%), Innovaton and Creativity (10%) at Dokumentasyon (10%).

Ibinahagi din ni Mayor Jeannie na ang mga mananalong barangay ay tatanggap ng cash prize na P1,000,000 para sa unang gantimpala, P500,000 para sa ikalawang gantimpala, P250,000 para sa ikatlong gantimpala, P150,000 para sa ikaapat na gantimpala, at P50,000 para sa ikalimang gantimpala, kasama ang mga plake at sertipiko.

“Maayos at malinis na kapaligiran ang prayoridad natin dito sa Malabon. Hindi lang ito para sa kalikasan, kundi para na rin sa kalusugan at kagalingan ng bawat isang Malabueno. Kaya kasabay ng ating patuloy na pagsasagawa ng paglilinis sa mga daanan ng tubig at mga kalsada ay ating isinusulong ang bayanihan ng bawat komunidad upang maisagawa at maipagpatuloy ang ating hangarin,” pahayag naman ni City Administrator Dr. Alexander Rosete. (Richard Mesa)

Deklarasyon ng food security emergency, ikakasa sa Enero 22- DA

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INAASAHAN na idedeklara ng Department of Agriculture (DA) ang food security emergency sa Enero 22, ng taong kasalukuyan, araw ng Miyerkules.

 

“Ang expectation by Monday, mare-receive na ng DA ‘yung kopya ng resolution ng approval ng recommendation na mag-declare nga ng food security emergency,” ang sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa sa mga mamamahayag sa sidelines ng isang news forum, araw ng Sabado.

 

“So ine-expect na ma-review ‘yan ng Monday din hanggang Tuesday at ang expectation by Wednesday ay meron ng aksyon ang ating kalihim and most likely again the declaration of food security emergency,” ang dagdag na pahayag ni de Mesa.

 

Sa kabilang dako, kamakailan lamang ay inaprubahan ng National Price Coordinating Council ang isang resolusyon na hinihikayat ang Department of Agriculture na magdeklara ng “food security emergency for rice” dahil sa patuloy an pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

 

Sa ilalim ng Republic Act 12078, o batas na nag-aamyenda sa Agricultural Tariffication Act, ang Agriculture Secretary ay may kapangyarihan na magdeklara ng food security emergency sa bigas bunsod ng supply shortage o extraordinary increase sa presyo ng nasabing produkto.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na ang posibilidad na pagdedeklara ng ‘food security emergency for rice’ ay ‘justidfied” sabay sabing may sapat na data para suportahan ang nabanggit na aksyon.

 

Tinuran naman ni Trade Secretary Ma. Cristina Roque, chairman ng NPCC, ang nasabing hakbang ay magbibigay pahintulot sa National Food Authority (NFA) para ipalabas ang buffer stock ng bigas para maging matatag ang presyo, palitan ang ipinalabas na stocks kasama ang locally produced rice para suportahan ang mga magsasakang Filipino.

 

“This will empower the DTI to take decisive action in protecting consumer welfare while strengthening the country’s agricultural backbone,” aniya pa rin.

 

Sa kasalukuyan, hawak ng NFA ang 300,000 metric tons ng bigas na buffer stocks. “Releasing these reserves will help decongest warehouses in preparation for the February harvest,” ayon sa DA.

Samantala, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang deklarasyon ng food security emergency ay naglalayon na “to force the price down” matapos na gawin ng gobyerno ang lahat ng magagawa nito.

Winika ni De Mesa na ang panukalang food security emergency declaration ay sanhi ng “extraordinary increase ng rice,” sabay sabing sa kabila ng pagtapyas sa tariff rate para sa imported rice, ang presyo ng pangunahing butil ay bumaba.

 

 

Ipagpapatuloy naman ng DA ang mga programa nito na nag-aalok ng ‘affordable rice’ gaya ng “Rice for All” na nagbebenta ng P38 per kilo ng bigas, inihalo sa mga sirang butil ng bigas.

Inaasahan naman ni De Mesa na palalawakin ng departamento ang Rice-for-All initiative sa ibang lalawigan sa susunod na buwan o Pebrero o Marso.

“Uunahin natin yung mga Metro areas outside of Metro Manila kagaya ng Cebu, Davao, Cagayan de Oro, Iloilo. So unahin natin yung mga ganitong areas,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Bong Go sa PhilHealth: Unutilized funds, i-maximize para sa miyembro

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINIGYANG diin ni Se­nator Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng pagtiyak sa sustainability at accessibility ng mga serbisyo ng Philippine Health Insu­rance Corporation (PhilHealth) sa kabila ng kawalan ng subsidiya ng gobyerno sa budget ngayong taon.

Sa pagdinig noong Huwebes, Enero 16, ng Senate committee on health na kanyang pinamunuan, muling iginiit ni Senator Go ang kanyang hindi pagsang-ayon sa kawalan ng subsidy sa PhilHealth.

Gayunman, nanawagan siya sa ahensiya na gamitin nang epektibo ang reserba at labis na pondo nito upang ma­panatili ang mga pangako nito sa mga miyembro.

“Ayaw ko talaga na ma-zero ang PhilHealth. Nag-oppose talaga ako rito. Hindi nga po ako pumirma sa bicam report,” ani Go.

Nagpahayag ng pagkabahala ang senador sa pag-aalala ng mga Pilipino, partikular ang retirees at umaasa sa PhilHealth para sa tulong medikal. Binigyang-diin niya na ang resources ng PhilHealth ay dapat na ibuhos sa paglilingkod sa mga pangangailangang pangkalusugan ng mga miyembro nito.

Direktang tinanong ni Senator Go si PhilHealth President Emmanuel Ledesma Jr., at hu­mingi ng katiyakan na hindi magdurusa ang mga mi­yembro sa pagbabawas ng serbisyo sa kabila ng mga hamon sa pananalapi.

“Can you just assure the public, Sir Ledesma, that despite the zero subsidy from the national government, wala ba silang dapat ipangamba sa serbisyo na ibibigay n’yo ngayong taong ito? At hindi ba sila dapat matakot magpaospital? Mas papalawakin n’yo pa ang inyong serbisyo ngayon?” tanong ni Senator Go.

Bilang tugon, tiniyak ni Ledesma, “Yes, Mr. Chair. We can assure each and every member of PhilHealth that ‘wag po kayong mag-alala, ‘wag po kayong matakot pumunta sa hospital. As a doctor, sagot po kayo ng PhilHealth. Rest assured. Importante rito, meron silang masasandalan.”

Ads January 20, 2025

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

“Quezon” marks the continuation of TBA Studios’ cinematic “Bayaniverse”

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
TBA Studios has announced that its highly-anticipated biographical historical movie “Quezon” is set for production this year with a target theatrical release later this year.
“Quezon” marks the continuation of TBA Studios’ cinematic “Bayaniverse”—a series of films based on Philippine history that includes box office hits “Heneral Luna” and “Goyo: Ang Batang Heneral.”
It is also the company’s first major film production since 2020, after bringing award-winning international films such as the Academy Award-winning “Everything, Everywhere All At Once” and “Past Lives”, and the Dolly de Leon-starrer “Triangle of Sadness” to Philippine theaters as a distributor.
Filming for “Quezon” is set to start in March 2025.
The movie is expected to follow the life of Manuel L. Quezon, a Filipino lawyer and soldier who became the President of the Commonwealth of the Philippines from 1935 to 1944, highlighting his tumultuous presidential campaign against then-President Emilio Aguinaldo.
According to TBA Studios President and COO Daphne Chiu, “Quezon” will be released both locally and worldwide. She added that the film will be produced as a stand-alone—a movie that exists within the same cinematic continuity of TBA Studios’ beloved historical films “Heneral Luna” and “Goyo: Ang Batang Heneral”, but will be made accessible to moviegoers who have not seen the earlier films.
Jerrold Tarog, the director and co-writer of “Heneral Luna” and “Goyo: Ang Batang Heneral,” is set to return to helm “Quezon.”
The film is supported by the Philippine government agency National Commission for Culture and the Arts (NCCA) and the Film Development Council of the Philippines (FDCP), the latter announcing last year a funding support for the movie. This landmark partnership signals a shared goal between TBA Studios, NCCA, and FDCP to further strengthen the local film industry by delivering and promoting world-class films.
Casting for the movie’s major and supporting roles is currently underway and will be announced soon. Chiu teases that the cast will feature names that will surprise and excite audiences and hardcore fans of the Bayaniverse alike.
TBA Studios made its mark in the Philippine film industry with the box-office and critical success of “Quezon’s” historical film predecessors—with “Heneral Luna” earning the title as the Philippines’ highest-grossing historical film of all time during its record-breaking theatrical run in 2015 and the Philippines’ official entry for Best Foreign Language Film at the 88th Academy Awards.
(ROHN ROMULO)

Gustong tumulong at maka-inspire sa marami: GELA, passion and advocacy project ang ’Time To Dance’

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAGSISIMULA na ang kilig at galing ng mga mananayaw sa “Time To Dance,” ang newest dance survival reality show ng ABS-CBN at Nathan Studios sa pangunguna nina Gela Atayde at Robi Domingo, na ipalalabas ngayong gabi (Enero 18) sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, at A2Z.
Sa naganap mediacon noong Huwebes (Enero 16), ikinwento ng New Gen Dance Champ na si Gela ang dahilan kung paano nabuo ang “Time To Dance.”
“This is really a passion project of mine,” panimula niya.
“It was really pitch to me na magka-dance show, na dream ko rin naman.  Pero idea po talaga ito ng Star Magic and Direk Lauren (Laurenti Dyogi), it was really him who believed in me in the first place.
“And of course, with the help of my mom (Sylvia Sanchez), who conceptualized all of these.  It was really a collaboration of different productions.
“But aside from that, my mom always say na, dahil nakita nila ang puso ko and for passion for dance. Not just dance itself but for the community.
“This is an advocacy project for me. It’s because being part of the dance community, I see the ins and outs of what really happens. ‘Yung mga kulang, yung mga sobra. 
“Here in ‘Time To Dance,’ I want to be able to help those who want to explore dance more and also inspire. 
“I have teammates kasi na that weren’t really financially stable enough to fly with us also to compete. So, that was the realization that like hit me na I will be able to help, because I’m privilege enough too and I’m very thankful I am and given this opportunity.
“Nabuo ang “Time To Dance” because of the heart and passion na nakita nila sa akin Nina Direk Lauren and my mom,” pahayag pa ni Gela.
Ibinahagi ni Gela ang inclusivity sa show dahil tampok dito ang mga dancer na may iba’t ibang edad, karanasan, at pisikal na abilidad. Naikwento niya rin na makakasama sa show ang celebrity performers na sina AC Bonifacio at Darren Espanto at sikat na dance coaches na sina Chips Beltran, Lema Diaz, at Jobel Dayrit bilang guest judges at coaches.
Samantala, puring-puri ni Robi ang hosting skills ni Gela, na isang first-time host.
“Kitang-kita kay Gela yung gigil talaga na pag-ibayuhin pa ‘yung kanyang craft. Ang laki ng improvement niya since day one. In hosting, what you want is that connection, it’s not all about talking. Ramdam na ramdam namin yun sa kanya,” komento ni Robi.
Binigyang-diin rin ng direktor ng World of Dance Philippines na si Vimi Rivera, na bahagi ng dance council sa show, ang layunin ng “Time To Dance” na maipakita ang talento ng local dance community ng bansa. Sinabi niya rin na ang show ay “more than just a competition.”
Say naman ng American dancer/TikTokerist na si Ken San Jose, na 3rd placer ‘World of Dance Philippines’, “grabe, I fell sobrang honored, galing ako sa survival show na ‘World of Dance’, pero contestant pa ako, ngayon naging judge na ako.
“Sobrang honored ako especially being with Coach Vimi and Gela, such high level and incredible people in dance.
“Of course si Kuya Robi, he taught me everything I know.  It’s really nice that I get to be a part of this and put my inputs and share to the contestants. And to see and be a part of their journey through out the show, as well.” 
Sa pilot episode ng show, ipapakilala ang 17 dance hopefuls na sasabak sa matinding training kasama ang pinakamagagaling na coach mula sa Philippine dance community.  Masusubukan ang gigil, galing, at puso ng mga mananayaw sa group dance evaluations at kapana-panabik na one-on-one dance combats. 
Sino kaya ang magpapakita ng gigil at galing at magiging kauna-unahang grand winner ng  “Time To Dance”? Abangan sa pinakabagong dance survival reality show tuwing Sabado, 8:30 pm sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, MYX, iWantTFC, at TFC. 
Para sa iba pang updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, X, Instagram, at TikTok o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom

***

UPANG mas maproteksyunan pa ang mga datos na kasalukuyang hawak ng Ahensya, opisyal na inilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Miyerkules, Enero 15, 2025, ang Data Privacy Management Program nito kasunod ng pagsasagawa ng unang data privacy training para sa mga Board Member at empleyado ng MTRCB.

Parte ito ng inisyatiba ng MTRCB na matiyak ang seguridad ng mga sensitibong impormasyon bilang pagtalima sa Data Privacy Act of 2012.

Layon ng programa na matukoy ang lahat ng personal na datos na kinokolekta, pinoproseso, at itinago ng Ahensya, pati na rin ang pagbuo at pagpapatupad ng polisiya para masiguro na epektibong napapamahalaan ng MTRCB ang lahat ng datos at maiwasan ang anumang insidente at pagkakompromiso sa mga ito.

Binigyang diin ni MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio ang dedikasyon ng Board na mapangalagaan ang lahat ng datos na kapit ng ahensya.

“Bukod po sa mandato ng MTRCB na maproteksyunan ang pamilyang Pilipino partikular ang kabataan sa pamamagitan ng responsableng panonood, atin din tinitiyak ang seguridad at integridad ng mga impormasyon na ating ginagamit sa operasyon, partikular ang mga sensitibong impormasyon,” sabi ni Sotto-Antonio sa kanyang mensahe.

Kinilala rin nito ang mahalagang parte ng data privacy sa makabagong panahon.

“Sa ilalim ng programang ito, ating matitiyak na tayo ay sumusunod sa nakasaad sa Data Privacy Act of 2012. Makakabuo tayo ng mga hakbang para matugunan ang mga hamon pagdating sa regulasyon at pamamahala ng mga datos ng epektibo.”

Ang naging pagsasanay naman para sa mga empleyado at Board Member ay naging daan para magkaroon ng praktikal na kaalaman ang mga ito upang masiguro na nakalinya sa umiiral na polisiya at regulasyon ang bawat proseso ng ahensya sa pagprotekta ng mga sensitibong datos.

Patuloy naman ang pagtitiyak ng MTRCB na bukod sa mandato nitong pagprotekta sa mga manonood sa pamamagitan ng pagbibigay kaalaman sa responsableng panonood, sinisikap din ng Board na matiyak ang seguridad ng lahat ng impormasyon na sumasalamin sa dedikasyon ng Ahensya sa mataas na antas ng serbisyo publiko.

(ROHN ROMULO)

Very intimate lang ang pinangarap na kasal sa simbahan: SHAIRA, nagbigay na ng ilang updates sa wedding plans nila ni EA

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAGANDA nga raw ang pasok ng 2025 para kay Nikki Valdez dahil nakasama siya sa malaking cast ng action-serye na ‘Lolong: Bayani Ng Bayan’ ng GMA Public Affairs.
Nagpapasalamat ang Kapamilya actress sa pagkakataong makapagtrabaho ulit sa Kapuso Network after ng 2023 teleserye na ‘Unbreak My Heart’ na collaboration ng GMA-7 at ABS-CBN 2.
“Nakakatuwa lang kasi the the inquiry came through Star Magic. So, at least ito, may chance na makalipat-lipat ng network.
“At saka kami naman mga artista, magkakaibang bakod man kami nagtatrabaho pero magkakaibigan naman kami.
“Kasi isa lang ang mundo na ginagalawan natin. Tayo-tayo lang ‘yung nagkikita, di ba?
Bukod sa Lolong, bumalik din si Nikki sa kanyang first love which is singing and performing onstage. Magbibida ito sa local adaptation ng 2009 Broadway musical titled ’Next To Normal’ sa February 2025 at the Power Mac Center Spotlight Blackbox Theater in Circuit Makati. 
Kasama ni Nikki sa musical sina Sheila Valderrama-Martinez, OJ Mariano, Sheena Belarmino, Vino Mabalot, Omar Uddin, Benedix Ramos and Floyd Tena.
Gagampanan ni Nikki ang role na Diana Goodman, a mother who struggles with bipolar disorder and how it affected her family. The role was originally played on Broadway by Alice Ripley.
Sa tulong daw ng production staff ng Lolong ay nagawa raw mapagsabay ni Nikki ang taping at ang rehearsals niya para sa Next To Normal.
“Nakakapag-rehearse ako and nakakapag-taping ako. Kaya malaking pagpapasalamat ko na kaya palang i-traffic ang schedule ko.
***
NAGBIGAY na ng ilang updates si Kapuso Morning Sunshine Shaira Diaz sa wedding plans nila ng fiancé at kapwa aktor na si EA Guzman.
Ayon pa sa leading lady ng ‘Lolong: Bayani Ng Bayan’, ang gown na gagamitin niya ay manggagaling sa Korea.
“Kasi sobrang love ko ‘yung Korea, ‘yung culture nila, mahilig ako sa K-drama, sa K-pop, sa BTS, kay Jung Kook, so parang gusto ko lagyan talaga ng ‘yung something very personal sa ‘kin.”
Pinili nila ni EA na gawin ang kanilang kasal sa Silang, Cavite dahil “tahimik, away from the noise,” at sinabing dream church wedding niya ang gagawin nila.
“Very intimate lang po, close friends and family,” sabi ng aktres.
Pagdating naman sa mga entourage, ilan sa mga binanggit ni Shaira ay sina Arra San Agustin, ‘Unang Hirit’ co-hosts niya na sina Kaloy Tingcungco at Anjo Pertierra, at aktres na si Julia Montes.
Pagbabahagi rin ni Shaira na tahimik lang ang kanilang wedding preparations dahil hinahayaan lang siya ni EA magdesisyon para sa kanilang kasal. Tuwing may nakikita siyang ideya na gusto niyang isama sa kanilang kasal, ipapadala lang niya ito kay EA at papayag na ito.
***
AFTER two weeks ay nagsalita na ang mister ng pumanaw na Broadway star and TV actress na si Linda Lavin. Sumakabilang-buhay si Lavin noong December 29 dahil sa lung cancer. She was 87.
Ang mister ni Lavin of 20 years na si Steve Bakunas ay hirap tanggapin ang biglaang pagpanaw nito. Um-attend pa raw sila ng isang red carpet event at nakapag-taping pa raw si Lavin para sa sitcom nito na Mid-Century Modern bago sumapit ang Pasko.
Huling habilin daw ni Lavin bago ito nalagutan ng hininga ay: “Honey, I want you to live your life. If I die, I want you to know that I love you so much.”
Sumikat si Lavin dahil sa pagbida nito sa ‘70s hit sitcom na Alice kunsaan nanalo siya ng isang Emmy at dalawang Golden Globe awards. Nanalo naman siya ng Tony Award para sa stage play na Broadway Bound in 1987.  Huli siyang napanood sa 2024 Netflix series na No Good Deed at sa 2021 movie na Being The Ricardos.
(RUEL J. MENDOZA)

Mas type ang girl, dahil marami nang apong lalaki: VIC, puwede pang humirit ng isang baby kung kakayanin ni PAULEEN

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SA media con ng Sante Barley na ini-endorse ni Bossing Vic Sotto, natanong kung susundan pa ang bunsong anak nila ni Pauleen Luna na si Baby Mochi na mag-isang taon na sa buwang ito.
Wala namang problema sa TV and movie icon and producer na dagdagan pa ang dalawang anak nila.
Pero ang dapat daw tanungin ay si Pauleen kung kakayanin pa nito na magkaroon ng third baby.
“Ewan ko kung kaya pa ni Pauleen. Ako, kaya pa, eh. Ewan ko sa kanya, tanungin n’yo,” natatawang sagot ni Bossing Vic.
Dagdag pa niya, “Ang bilis nga ng panahon. And we’re so thankful to God that we’re healthy, very beautiful baby, at medyo nakakatayo na. Nakakatayo na ng mag-isa niya, pero mga 2 seconds lang, bagsak ulit.”
Natanong din siya type ba niyang magkaroon ng baby boy.
“Okay na, ang dami kong apong lalaki, ang gugulo. Anak ni Oyo, 5 lalaki. Tapos si Danica, may 2 lalaki.
“Kapag nasa bahay, parang may riot parati sa bahay namin, kapag nandu’n ‘yung mga apo kong lalaki.
“Okay na sa akin ang mga babae, they’re very sweet, they’re very malambing. I always look forward to going home kasi tanggal lahat ang pagod ko sa trabaho kapag nakita mo na ‘yung mga anak mong mababait,” pahayag pa ni Vic.
Sinagot din ni Vic ang tanong kung paano niya napapanatili hanggang hanggang ngayon ang kanyang “staying power” sa entertainment industry pati na ang “positive image” sa publiko.
“Clean living lang. Huwag kang umapak ng ibang tao. Huwag kang mang-alila. Huwag kang maangas.
“Stay humble. Humility, for me, is a very important word. Huwag kang magyayabang. Relax ka lang sa buhay,” tugon pa niya.
Umiiwas na rin daw siya sa mga tao at bagay na makakapagpa-stress lang sa kanya.
Samantala, sa edad na 70 and turning 71 sa April 28, ay wala pa raw siyang maintenance medicines.

Nagpapasalamat siya sa Diyos dahil kahit senior na siya ay maayos pa rin ang estado ng kanyang health at ang pinaka-good news pa ay hindi pa niya kailangang mag-take ng mga gamot pang-maintenance.

Wala raw siyang problema sa  hypertension at diabetes pero aminado siyang may mga iniinom siyang food supplements, kabilang na ang vitamins at mga all-natural healthy drinks.

Say pa ni Bossing na ang ilan daw sa mga kasamahan niya sa “Eat Bulaga” ay may mga maintenance medicines na tulad nina Joey de Leon at Allan K.

Bukod sa pag-take ng supplements, mine-maintain din niya ang pagkakaroon ng healthy lifestyle, tulad ng regular exercise (pagbibisikleta at walking, kasama na rin ang paggo-golf) at pagkain nang masustansiya at pagkain sa tamang oras.

And course, malaking tulong din sa pagpapalakas ng katawan ang pag-inom niya ng Sante Barley araw-araw, lalo na sa umaga at puwede rin bago matulog.

Kaya malaki ang pasasalamat niya sa CEO ng Sante na si Joey Marcelo, na pinagkatiwaan siya na mag-endorso ng sikat na produkto.

(ROHN ROMULO)

Hidilyn Diaz swak sa PSA Hall of Fame

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

WALANG  duda na ka­ra­pat-dapat na mailuklok sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Hall of Fame si weightlifter Hidilyn Diaz na kauna-unahang Pi­noy athlete na nakasungkit ng gintong medalya sa Olympics.

Pormal nang iluluklok si Diaz sa San Miguel Cor­poration-PSA Awards Night na idaraos sa Enero 27 sa Manila Hotel.

Hindi malilimutan ang ta­gumpay ni Diaz nang ma­ibulsa nito ang gintong me­dalya noong 2020 Olympics sa Tokyo, Japan pa­ra basagin ang ilang de­kadang pagkauhaw ng Pilipinas sa gold medal sa Olympics.

Kaya naman bibigyan ito ng natayanging para­ngal para saluhan sa ma­ningning na programa si first ever Filipino Olympic double-gold medalist Carlos Yulo na ta­tanggap ng Athlete of the Year award sa progra­mang inihahandog ng Are­naPLus, Cignal at MediaQuest.

Makakasama nina Diaz at Yulo ang iba pang at­leta at mga personalidad sa event na suportado ng Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO, PLDT/Smart, Senator Bong Go, Januarius Holdings, PBA, PVL at 1-Pacman Party List.

Isa lamang si Diaz sa listahan ng mga legendary athletes na nasa Hall of Fame.

Kabilang dito sina late track and field great Lydia De Vega, bowlers Paeng Ne­pomuceno at Bong Coo, chess grandmaster Eugene Torre, pool idol Ef­ren ‘Bata’ Reyes, late FIDE president Florencio Campomanes at Manny Pacquiao.

Matagumpay ang ka­rera ni Diaz na humakot ng kabi-kabilang gintong medalya sa Southeast Asian Games at Asian Games at sa World Championships at Asian Championships.

Isa lamang si Diaz sa apat na Pinoy athletes na nakasungkit ng dalawang medalya sa Olympics.

Bukod sa ginto ay may pilak din ito sa Rio Olympics noong 2016.

Kasama ni Diaz sa mga double medalists si­na Yulo (dalawang ginto), Nesthy Petecio (isang pilak at isang tanso) at Teofi­lo Yldefonso (dalawang tanso).

Troy Rosario muling maglalaro sa Gilas Pilipinas

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MULING  napili ng Gilas Pilipinas si Troy Rosario na sasabak sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Siya ang unang napili matapos na dumanas ng injury sina Kai Sotto at Kevin Quiambao.

Sinabi ni Gilas head coach Tim Cone na siya ang kukumpleto sa final 12 na isusumite nila.

Huling naglaro sa Gilas si Rosario ay noong 2021 Southeast Asian Games.

Magugunitang nagtamo ng anterior cruciate ligament (ACL) tear si Sotto habang ang 6-foot-6 na si Quiambao ay dumaranas ng right ankle injury.

Unang makakaharap ng Gilas Pilipinas sa Pebrero 20 ang Chinese Taipei habang makakalaban nala ang New Zealand sa Pebrero 23.