• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 11:19 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

Manila mayoralty ‘tight race’ – survey

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

HABANG papalapit ang 2025 elections, umiinit ang labanan sa politika sa Lungsod ng Maynila na pinangungunahan ng tatlong pangunahing kandidato na sina dating­ Mayor Isko Moreno, kasaluku­yang Mayor Honey Lacuna, at Congressman Sam Versoza.

Batay sa inilabas ng HKPH Public Opinion and Research Center, kasama ang Hong Kong-based Asia Research Center, nangunguna si Moreno na may 46% voter preference, na nagpapakita ng kanyang patuloy na kasikatan kahit matapos ang kontro­bersyal niyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 2022.

Sumusunod si Lacuna na may 31% ng suporta mula sa mga botante. Matapos niyang maitalaga bilang alkalde mula sa pagiging bise alkalde, tutok si Lacuna sa paglutas ng mga suliraning panglungsod at pagpapanatili ng kaayusan. Sa patuloy na paglakas ng kanyang kampanya, tiwala ang kanyang kampo na maaari pang humabol sa resulta.

Samantala, si Versoza, baguhan sa politika ng Maynila, ay nakakuha ng 15% voter preference. Kilala siya sa makabago niyang kampanya at malakas na koneksyon sa mga kabataang botante.

Ayon sa survey, 8% ng mga respondent ang nananatiling undecided, na nagbibigay-diin sa pagiging hindi tiyak ng resulta ng eleksyon.

Ayon kay Steven Su, program director ng HKPH-ARC, mahalaga ang papel ng mga undecided voters. “Wala pang kandidato ang nakakuha ng mayorya, kaya’t napakahalaga ng desisyon ng mga undecided voters sa magiging resulta,” ani Su.

Ang survey ay isinagawa sa 1,800 rehistradong botante mula sa anim na distrito ng Maynila.

Pinas, Tsina nagpulong sa Xiamen para pag-usapan ang mga isyu ukol sa South China Sea

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGPULONG ang mga opisyal ng Pilipinas at Tsina sa Xiamen, China, para sa 10th consultative meeting ng Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Foreign Undersecretary Ma. Theresa Lazaro na nagkaroon siya ng tapat at konstruktibong talakayan kasama si Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong hinggil sa South China Sea at iba pang bilateral issues.

 

Hindi namang idinetalye ni Lazaro ang nasabing “frank discussions’ ipinaalala nito sa Beijing ng kanilang Provisional Understanding hinggil sa ‘rotation at reprovisioning missions’ ng PIlipinas sa Ayungin Shoal at positibong resulta nito.

“Our position is clear and consistent, but so is our willingness to engage in dialogue. We firmly believe that despite the unresolved challenges and differences, there is genuine space for diplomatic and pragmatic cooperation in dealing with our issues in the South China Sea,” ang sinabi ni Lazaro sa naturang pulong.

Winika pa ni Lazaro na nagpahayag ng kanyang seryosong alalahanin ang Maynila ukol sa mga aktibidad ng ‘Chinese cutters’ sa Philippine maritime zones na ‘inconsistent’ sa 1982 UN Convention on the Law of the Seas at Philippine Maritime Zones Act.

Ang tinutukoy ng diplomat ay ang intrusyon ng Beijing sa Philippine territorial waters, partikular na ang pag-deploy coast guard cutters, isa sa mga ito ay ang pinakamalaking coast guard vessel sa buong mundo.

Hindi naman tinukoy ng veteran diplomat ang naging tugon ng Beijing, subalit ang pagpupulong ay isinagawa matapos na hikayatin ni Sen. Marco Tubio, nominado ni US President-elect Donald Trump sa US state department, ang Tsina na “stop messing around” sa Pilipinas at Taiwan.

Kapwa naman hinikayat ng mga opisyal ng Maynila at Washington ang Beijing na pagsumikapan na patatagin ang situwasyon sa South China Sea at sa mga lugar na nakapalibot sa Taiwan, isa ring treaty ally ng Estados Unidos.

“The actions they are taking now are deeply destabilizing. They are forcing us to take counteractions because we have commitments to the Philippines and we have commitments to Taiwan that we intend to keep,” ang sinabi ni Rubio sa mga US senator sa idinaos na confirmation hearing, araw ng Huwebes.

If they want to destabilize the relationship or they want to at least create some pathway for stabilization of our relationship with them, they really need to stop messing around with Taiwan and with the Philippines because it’s forcing us to focus our attention in ways we prefer not to have to,” ang sinabi ng senador. (Daris Jose)

 

Ads January 21, 2025

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

Philippine team, pinaghahandan na ang pagsabak sa Asian Winter Games sa Pebrero

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGHAHANDA  na ang Philippine contingent para sa Asian Winter Games 2025 na nakatakda mula Pebrero 7-14, 2025 sa China.

Ayon kay Richard Lim, ang Chef de Mission ng Pilipinas para sa naturang sports competition, 20 atletang Pinoy ang sasabak dito.

Mula sa dalawampung sporting event, sasabak ang mga ito sa anim na event.

Sapat na rin aniya ang naturang bilang, lalo na at hindi rin sanay gaano ang mga Pinoy athlete sa paglalaro sa mga winter games o mga sporting events na idinaraos sa mga lugar na may makakapal na niyebe.

Sa huling araw ng Enero 2025, nakatakdang umalis ang unang batch ng mga Pinoy athletes habang ang iba ay susunod na lamang sa unang linggo ng Pebrero.

Ayon pa kay Lim, hahabulin ng Philippine contingent ang opening ceremony sa Pebrero 7.

Ilan sa mga laro kung saan sasabak ang mga atletang Pinoy ay figurescating, skiing, curling, at iba pa.

Samantala, bagamat 20 atletang Pinoy lamang ang sasabak sa Asian Winter Games 2025, sinabi ni Lim na ito na ang pinakamalaking team na ipapadala ng Pinas sa naturang sporting event.

Sa kasalukuyan, naihanda na ang maraming pangangailangan ng mga atleta tulad ng jacket, uniform, scarf, at iba pang kakailanganin hindi lamang sa mismong kompetisyon kundi sa kabuuang panananatili ng team sa naturang lugar.

Stephen Curry, binuhat ang Warriors sa panalo kontra Wolves

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINUHAT ni NBA superstar Stephen Curry ang Golden State Warriors (GSW) para ibulsa ang panalo laban sa Minnesota Timberwolves, tangan ang isang puntos na kalamangan, 116 – 115.

Kumamada si Curry ng 31 points at walong assists sa panalo ng GSW habang 24 points naman ang ambag ng forward na si Andrew Wiggins.

Hindi pa rin nakapaglaro si Draymond Green sa naging laban ng Warriors ngunit ipinalit sa kaniya ang sophomore na si Trayce Jackson-Davis bilang sentro.

Kumamada si Davis ng 15 rebounds, at dalawang blocks, daan upang pangunahan ang depensa ng GSW.

Hindi naman umubra ang tig-28 points na ipinasok ng dalawang guard ng Minnesota na sina Anthony Edwards at Donte DiVicenzo.

Napigilan ng Warriors ang comeback attempt ng Wolves sa 2nd half ng laban kasunod na rin ng 13-point lead na hawak ng GSW sa pagtatapos ng 1st half.

Pinilit kasi ng Wolves na habulin ang GSW sa ikatlo at huling quarter ng laban gamit ang offensive explosion nina Edwards at Donte.

Gayunpaman, napigilan ng GSW ang last-second shot attempt ng Wolves at ibinulsa ang 1-pt win laban sa kalaban.

DSWD, nagpaabot ng paunang tulong sa pamilya ng nag-viral na sampaguita vendor

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBIGAY ng paunang tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng nag-viral na babaeng college student na inatake ng security guard sa labas ng isang mall sa Mandaluyong City.

Sa naging kautusan na rin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, personal na iniabot ni Assistant Secretary Irene Dumlao ang P20,000 kay Judith, ina ng sampaguita vendor na nagngangalang Jeny, 22, na nasa eskuwelahan nang mag-house visit ang mga DSWD social workers.

“Nanay, ito pong ipinaabot namin sa iyo ay initial pa lamang. Sabi po ng case manager natin, babalik sya at mag-iinterview sya para humingi ng additional information kasi gusto rin po namin kayong matulungan,” ang sinabi ni Dumlao sa ina sa bahay ng mga ito sa Quezon City.

 

 

Sinabi nito na lalo pang aalamin ng mga social worker ang situwasyon ng pamilya upang madetermina kung ano pa ang maaaring maitulong gaya ng Sustainable Livelihood Program.

Sa isinagawang panayam, sinabi ni Judith na ang kanilang pamilya ay dating benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program subalit gradweyt (graduate) na dahil ang pinakabunsong anak ay 19 taong gulang.

 

 

Sinabi ni Judith na si Jeny ay first-year student, kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Medical Technology.

Sinabi pa rin nito sa mga social worker na nagsisikap si Jeny na tapusin ang kanyang pag-aaral, dahilan para magtinda ito ng sampaguita pagkatapos ng kanyang klase.

“Kaya sila nagsusumikap na magtinda, doon sila kumukuha ng baon at pamasahe. Tapos ang iba ay itatabi nila para pagdating ng babayarin [sa school] ay mayroon silang pagkukunan,” ayon kay Judith.

 

 

Si Judith ang gumagawa ng sampaguita habang ang kanyang mga anak at asawa ang nagbebenta nito.

Sa ulat, hindi itinago ng mga magulang ng viral sampaguita vendor na masama ang loob nila sa ginawa ng security guard sa kanilang anak. Napag-alaman na 22-anyos na college student na ang dalaga at mayroong kakambal.

“Masakit sa kalooban kasi akong nanay hindi ko sila nahampas ng ganyan. Masakit kasi ginawa nila sa anak ko, na sinipa parang ganoon naghahanap-buhay nang maayos,” ayon sa ina ni Jeny.

 

 

“Nakikiupo lang siya kasi umaambon ng time na ‘yon.… Eh ngayon dumating ang guard. Pilit siya pinapaaalis. Ang anak ko na ‘yan ‘pag alam niya tama siya ipaglalaban niya sarili niya eh hanggat hindi nagkakaunawaan, hinablot ngayon ang sampaguita,” sabi naman ng ama ni Jeny.

December 17, 2024 umano nang mangyari ang insidente sa labas ng SM Megamall. Tinanggal na sa mall ang sangkot na security guard sa insidente.

 

 

“On the part of the DSWD,lagi po nating sinasabi na hindi po natin tino-tolerate ang gender-based violence. Dapat ay there is a collective effort on the part of the private and public sectors na protektahan at pangalagaan ang karapatan ang well-being ng bawat isa,” ang sinabi ni Dumalo. (Daris Jose)

 

Comprehensive Sexuality Education, napakahalaga -PBBM

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TANGGAP ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang pangangailangan na tugunan ang teenage pregnancy sa gitna ng pag-uusap ukol sa implementasyon ng   Comprehensive Sexuality Education (CSE).

 

Sa isang ambush interview, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na tumataas ang bilang ng teenage pregnancy  sa bansa.

 

“Well, as long as – ‘yun na nga, because you know what, I think what you are talking about dumadami ang teenage pregnancy, dumadami ang single mothers, dumadami ang sakit na…” ayon kay Pangulong Marcos.

 

“And even… Kasama na rin diyan, pagka teenager ‘yung nanay, hindi marunong alagaan ‘yung bata. Hindi nila alam – marunong alagaan ang sarili nila ‘pag buntis sila. Kung anong kakainin; kung nanganak na, kung ano ang ipapakain doon sa bata,” dagdag na wika nito.

 

Sinabi ng Pangulo na ang pagtuturo ng CSE sa mga estudyante ay “very important.”

 

“These are all of the things that we need to address. And so, the teaching of this in our schools is very, very, very important,” aniya pa rin

 

“And to make young people, especially, knowledgeable about what are the options that are truly available to us, and what the consequences are – what the consequences are of having a child too soon, too early,” ang sinabi ng Pangulo.

 

Idinagdag pa nito na ang kabataan kapag nagkaka-anak ay nasa  ‘very difficult situation’ kapuwa para sa mga bata at mga magulang..

 

Nauna rito, ipinahayag naman ng National Coalition for the Family and the Constitution (NCFC) ang alalahanin nito sa konsepto gaya ng “gender fluidity” at “sexual diversity,” contraception, abortion, at non-traditional relationships sa ilalim ng CSE.

 

Sinabi ng grupo na ang mga paksa ay taliwas sa traditional Christian at Islamic morality ukol sa  family life.

 

Samantala, sinabi ni Education Secretary Sonny Angara na nakikinig ang departamento sa sentimyento ng publiko kaugnay sa mga hakbang, sinabi na ang ahensiya ay bukas sa suhestiyon na may kaugnay sa kanilang pagsisikap.  (Daris Jose)

Disbarment vs Duterte inilarga sa SC

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINAMPAHAN ng disbarment complaint ng mga pamilya ng extrajudicial killings (EJKs) victims at human rights advocates sa bansa, si dating Pang. Rodrigo Duterte sa Korte Suprema.

Tumanggi naman si Karapatan Secretary General Cristina Palabay na isapubliko ang nilalaman ng kanilang reklamo dahil sa sub-judice rule.

Gayunman, iginiit ni Palabay na hindi karapat-dapat na maging abo­gado si Duterte dahil sa umano’y mga paglabag nito sa Code of Professional Responsibility at Accountability, gayundin sa kanyang conduct unbecoming of a lawyer.

Ipinaliwanag rin ni Palabay na nagpasya silang sampahan ng disbarment ang dating pangulo matapos na sabihin ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte, na nagboluntaryo ang kanyang ama na maging abogado niya sakaling tuluyan nang umusad ang mga impeachment na inihain laban sa kanya sa Kongreso.

Kaugnay nito, umaasa naman si Palabay na kaagad na pagbibigyan ng SC ang kanilang rek­lamo dahil ayaw aniya nilang marinig ang dating pangulo na magsalita sa impeachment trial, gamit ang kanyang chapa bilang isang abogado at dating prosecutor.

Kabilang sa mga complainant sa reklamo si Atty. Vicente Jaime Topacio, na anak nina National Democratic Front of the Philippines (NDF) consultants Agaton Topacio at Eugenia Magpantay, na napatay sa kanilang tahanan noong Nobyembre 2020, sa ilalim ng administrasyong Duterte at mga pamilya ng mga biktima ng EJKs. (Daris Jose)

DSWD, nagpadala ng mas maraming ‘food packs’ sa Negros Island sakali’t mag-alboroto at pumutok ang Bulkang Kanlaon

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IPINAG-UTOS ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian sa Disaster Response Management Group ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magpadala ng mas maraming food packs sa Negros Island para sa inaasahang pagputok ng Bulkang Kanlaon, huling sumabog noong nakaraang Disyembre at nananatiling nasa Alert Level 3.

 

Sinabi ng DSWD na tiniyak ni Gatchalian sa mga field offices ng departamento sa Central at Western Visayas regions na ang karagdagang food packs ay darating, araw ng bukas, Linggo, Enero 19.

 

“We will fill our provincial warehouses on the island to the brim,” ang winika ni Gatchalian.

 

 

Aniya pa, kailangang tiyakin ng DSWD na maihahatid ang 40,000 food packs sa Negros Oriental at panibagong 40,000 sa Negros Occidental sa araw ng Lunes, Enero 20.

 

Ang Food packs ay ay sinadya upang mapanatili ang pamilya na na-displaced ng kalamidad gaya ng pagsabog ng bulkan, lindol at pagbaha.

 

“Check the maximum capacity for both sides of Kanlaon. I want maximum capacity the warehouses of Negros Oriental and Occidental. So we have to be ready,” ayon sa Kalihim. (Daris Jose)

Connectivity digitalization na isinusulong ng Marcos Admin, suportado ni Tiangco

Posted on: January 20th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGPAHAYAG ng kanyang buong suporta si Navotas Congressman Toby Tiangco sa isinusulong ni Pangulong Ferdinand Marcos para sa mas magandang koneksyon sa buong Pilipinas.

“Sabi nga ng Pangulo, wala dapat maiiwan. Dapat lahat ng Pilipino magkaroon ng access sa internet,” ani Tiangco.

“Handa ang Kongreso na suportahan ang pananaw ng Pangulo, lalo na sa pag-streamline ng mga proseso at pag-institutionalize ng mga reporma na kinakailangan para sa mas mahusay na digital na imprastraktura,” dagdag niya.

Idiniin ni Tiangco ang panawagan ng pangulo sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na unahin ang Common Tower Program (CTP) nito para maabot ang mga underserved at remote na lugar.

“Malinaw ang mga utos ng Pangulo–kailangan ng DICT na mag-step up para mapakinabangan ang mga benepisyo ng CTP at magbigay ng mas magandang koneksyon sa mas maraming Pilipino,” sabi pa niya.

Ang CTP ay inilunsad upang mapahusay ang imprastraktura ng telekomunikasyon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng pagtatayo ng mga shared tower.

Sa pamamagitan ng programang ito, ang mga mobile network operator ay na-insentibo na mag-set up ng mas maraming antenna sa mga rural na lugar na may mababang populasyon.

“Lahat ay nagsisimula sa koneksyon. Sa pamamagitan lamang ng pagbibigay ng mas maraming Pilipino ng access sa maaasahang internet maaari nating i-unlock ang buong potensyal ng pagsisikap ng digitalization ng ating pamahalaan. Umaasa kami na bilisan ng DICT ang pagkilos sa pagpapatupad ng CTP,” pagtatapos ni Tiangco. (Richard Mesa)