• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:51 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

Kinaaliwan ng netizens ang viral na ‘Bangkok Transformation’: DENNIS, nag-sorry agad sa pinagawang challenge sa kanya ni JENNYLYN

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments
SA kanyang TikTok account agad palang nag-sorry si Kapuso Drama King Dennis Trillo sa kanyang video tungkol sa “Bangkok Transformation” challenge na nag-trending at nag-viral sa social media.
Inamin niyang ipinagawa ito sa kanya ang asawang na si Ultimate Star Jennylyn Mercado na hindi raw niya talaga matanggihan.
“Sorry guys, sabi kasi ng asawa ko gawin ko daw ito,” caption ni Dennis sa kanyang TikTok video kung saan mapapanood nga ang pagsunod niya sa hamon ni Jennylyn.
Mapapanood sa video ang iba’t ibang transformation ng Golden Best Actor ng MMFF, mula Day 1 daw niya sa Bangkok naka-shirt at pants hanggang sa umabot na siya ng one year.
At makalipas nga ang isang taon sa pananatili sa Bangkok, Thailand ay makikitang nakasuot na si Dennis ng pink wig with matching black spaghetti strap and floral skirt.
Kaya pakiusap ng aktor, huwag daw itong seryosohin dahil gusto lang niyang magdala ng good vibes sa newest TikTok entry.
Marami naman ang natuwa at naaliw na netizens sa nakakalokang paandar ni Dennis  sa kinarir na “Bangkok Transformation” challenge.
Nang silipin namin ang TikTok video, naka-279K like na ito at libu-libo na rin ang comments, ang sabi ng karamihan ay kamukha niya si Jen.
Hanga rin siya sa ginawa ni Dennis, na kitang-kita raw ang pagiging best actor, dahil hindi lang looks ang nag-iiba, pati na ang pagsasalita, lalo na ang accent and tone accuracy bilang trans sa Thailand.
(ROHN ROMULO)

Miami Heat, tinambakan ng Blazers

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments
HINDI nakapalag ang Miami Heat sa Portland Trailblazer sa kabila ng 4th-quarter scoring run ng koponan.
Pinangunahan ni Portland small guard Anfernee Simons ang Blazers at kumamada ng 24 points habang 22 points at 15 rebounds naman ang ini-ambag ng sentrong si Deandre Ayton.
Limang iba pang player ng Portland ang nagbuhos ng tig-double-digit points.
Sa unang tatlong quarter ng koponan, hawak na ng Portland ang 20-point lead, 97 – 77.
Ipinakat naman ng Miami ang 4th quarter scoring run at nagawang magbuhos ng 30 points sa loob ng 12 mins. Tanging 19 points lamang ang naiganti rito ng Blazers.
Gayunpaman, hindi pa rin naging sapat ang scoring run ng Miami upang burahin ang 20-point 3rd quarter lead ng Portland.
Nagtapos ang laban, 116 – 107, pabor sa Portland.
Nalimitahan lamang sa 13 points si Miami star Jimmy Butler habang 20 points at 16 rebounds ang idinagdag ng sentrong si Kel’el Ware.
Bumagsak na sa 21-21 ang Heat kasunod ng pagkatalo habang hawak naman ng Blazers ang 15 – 28 win-loss record.

Mayor Joy, ibang opisyal ng Quezon City, pinarangalan

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINARANGALAN si Quezon City Mayor Joy Belmonte­ ng Gawad Bagong Bayani at ilang opisyal ng Quezon City local government dahil sa patuloy na pagsusulong ng mga polisiya at programa na nagdadala ng pagbabago sa komunidad.

Iginawad ang “Bayani ng Bayan” Award kay Ma­yor Joy Belmonte habang ang “Kampilan ng Bagong Bayani” ay iginawad kay Councilor Charm Ferrer.

Nagkamit naman ng “Bagong Bayani” Award sina District 1 Representative Arjo Atayde, Majority Floor Leader Doray Delarmente, Bernard Herrera, at Vladimir Estocado ng Barangay and Community Relations Department.

Para sa kategorya ng pangkat, nagkamit din ng parangal ang National Economic Protectionism Association (NEPA).

Nagpasalamat naman si QC Mayor Belmonte sa pagkilalang ito.

Malugod ding tinanggap ni Councilor Ferrer ang parangal kalakip ang pangakong patuloy na magsisilbi nang may malasakit, tapang, at dedikasyon para sa ikabubuti ng bawat mamamayan ng Lungsod Quezon.

60 porsyento ng tawag sa 911, prank calls – DILG

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINATAYANG 60% ng mga natatanggap na tawag sa 911 ng Philippine National Police (PNP) ay prank calls.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa press briefing sa Malakanyang, na sa kabila ng mga natatanggap na prank calls ay hindi sila makagawa ng hakbang para maparusahan ang mga may kagagawan nito.

Ayon pa kay Remulla, isa sa nakikita nilang problema kaya hindi mahabol at maparusahan ang mga gumagawa ng prank calls ay dahil sa hindi pa integrated ang national ID system sa telecommunications company.

Kaya sinasamantala rin aniya at naglipana ang POGO scam dahil hindi naging masyadong epektibo ang SIM Card Registration Act.

Dahil dito, kaya palalakasin aniya nila ngayong taon ang 911 integrated system sa buong PIlipinas sa pamamagitan ng pagbuhos ng pondong P500 milyon na tinanggal sa intelligence fund ng PNP.

“Yung savings na ‘yun ay ilalagay natin sa ­launching and bidding process ng Integrated 911 system para sa buong Pilipinas. So from intelligence fund to 911. It will be a fully audited system na under scrutinous bidding,” ayon pa kay Remulla.

Impeachment, hinahadlangan?

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

KINONDENA ng Makabayan bloc sa kamara ang mabagal umanong proseo o takbo ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

 

Ayon kina ACT Teachers Rep. France Castro, GWP Rep. Arlene Brosas at

Kabataan Rep. Raoul Manuel, wala silang nasaksihang kasaysan sa kamara  na natulog umano  nang mahigit isang buwan ang impeachment complaints sa Secretary General’s office.

 

Naniniwala ang mga ito na ang pagalinlangan para i-transmit at simulan na ang impeachment proceedings ay nag ugat sa nakalipas na mga pahayag ni Presidente Marcos na sinabihan niya ang mga kaalyado na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay  Duterte dahil hindi naman ito importante at wala naman ito epekto sa pamumuhay ng mamamayang Pilipino.

 

ang ganito umanong pakikialam ay isang mapanganib na paghadlang umano sa constitutional processes at democratic accountability.

 

Hindi anila maaaring magpatuloy ang House secretary general sa pag-upo sa naturang mga reklamo.

 

“The Constitution mandates that impeachment proceedings must be initiated upon proper filing of complaints,” anang mga mambabatas.

 

nanawagan naman ang mga ito sa mga kasamahang mambabatas na igiit ang kanilang constitutional mandate at huwag hayaan na madiktahan umano ng Executive ang takbo at kalalabasan ng impeachment proceedings.

(Vina de Guzman)

DBM, nangako na reremedyuhan ang kasalatan sa pondo ng mga ahensiya ng gobyerno

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na may ilang paraan para tugunan ang kakapusan sa budget ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno para ngayong taon ng 2025.

 

 

Ito’y matapos na ihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naghahanap ang gobyerno ng paraan para dagdagan ang 2025 national budget na isang“suboptimal” kasunod ng budget cuts.

 

 

“This is to clarify matters pertaining to the instruction of President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. to various National Government Agencies (NGAs) to ensure sufficient funding of legacy projects and programs, which were affected by congress-introduced changes or adjustments in the 2025 General Appropriations Act (GAA),” ang sinabi ng DBM.

 

 

“Pursuant to the directive of the President, the Department of Budget and Management (DBM) is committed to remedy the funding deficiencies of various Departments for FY 2025, through appropriate measures,” dagdag na pahayag ng departamento.

 

 

Sinabi ng DBM na ang ‘funding deficiencies’ ay maaaring tugunan sa pamamagitan ng “modifying the allotment, using savings to augment deficient items, or using the Contingent Fund or Unprogrammed Appropriations.”

 

 

“However, these are still subject to the conditions and requirements prescribed in the applicable Special and General Provisions under the General Appropriations Act,” ang tinuran ng DBM.

 

 

Sinabi pa ng DBM na ang available allotments sa loob ng budget ng ahensiya ay maaaring ideklara bilang savings, gaya ng tinutukoy sa

 

Seksyon 77 ng General Provisions of the 2025 GAA, subalit ang paggamit ng pondo ay magiging ‘subject’ sa ‘rules on augmentation’ na nakapaloob sa Seksyon 78.

 

 

Sinasabing, maaari ring gamitin ang Contingent Fund para i- cover ang funding requirements ng bago urgent activities o mga proyekto ng NGAs, government-owned or -controlled corporations, at local government units na dapat ipatupad o binayaran sa loob ng taon, napapailalim sa pag-apruba ng Pangulo.

 

 

Sinabi pa ng DBM na ang infrastructure programs at social programs sa ilalim ng SAGIP maaaring i-cover ng Unprogrammed Appropriations, depende sa kondisyon, kabilang na ang availability ng excess revenue, na dapat lamang na sertipikado ng Bureau of the Treasury.

 

 

“To recall, earlier this month, the President instructed agencies to review, rationalize, and identify which programs, activities, and projects are within their priorities and ready for implementation, and those otherwise, which should be revisited and identified as possible savings so that they can be reprogrammed or reprioritized,” ayon sa DBM.

 

 

“We are one with the President in addressing the validated funding deficiencies. Nevertheless, it is understood that the process and procedures to be undertaken shall strictly adhere to budgeting, accounting, and auditing laws, rules and regulations,” dagdag na wika ng DBM.

 

 

Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa idinaos na ‘full Cabinet meeting’ noong Enero 7, ang repasuhin ang mga programa ng administrasyon na nakapaloob sa 2025 National Expenditure Program subalit popondohan ng Kongreso, partikular na iyong mahalaga sa socioeconomic program.

 

 

Kasalukuyang nagsasagawa ang Pangulo ng serye ng mga pagpupulong kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan para talakayin ang resulta ng kanilang budget review at maghanap ng solusyon sa ‘budget cuts.’ (Daris Jose)

Pasig, gagawing Smart City

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANGAKO si Pasig City mayoralty candidate Sara Discaya na iaangat ang buhay ng bawat Pasigueno at gagawing ‘smart city’ ang lungsod.

Ayon kay Discaya, sa ilalim ng kanyang administrasyon, titiyakin niya ang pagkakaroon ng pamahalaan ang Pasig City na marunong makinig sa mga residente at walang komunidad o barangay ang mapapabayaan.

Sinabi ni Discaya na plano niyang pagkalooban ang mga Pasiguenos ng mga karagdagang imprastraktura, health insurance, lilikha ng trabaho, magkakaloob ng libreng edukasyon at low-cost housing projects.

Bilang isang construction firm owner, nangako rin si Discaya na magpapatayo ng mas maraming imprastraktura gaya ng mga tulay at konkretong road networks na magkokonekta sa interior barangays sa mga pangunahing kalsada.

“This is a big dream but it should start with a dream because if you do not have a dream, you have no inspiration,” ani Discaya.

Naging inspirasyon naman ni Discaya sa pagtakbo sa halalan ang nakikitang pagdurusa ng mga Pasiguenos mula sa kahirapan, red-tape at kakulangan ng suporta ng pamahalaan. Kilala si Discaya na nagtutungo sa mga underprivileged at low-income communities sa lungsod para sa kanyang regular charity works.

Una nang sinabi ni Discaya na sakaling palaring maging susunod na alkalde ng lungsod, ipaprayoridad niya ang pag-modernize sa lungsod at gawin ito bilang isang Smart City, kung saan ginagamit ang teknolohiya at data sa pagpapahusay ng buhay ng mga residente. (Richard Mesa)

DBM Sec. Mina Pangandaman, nilagdaan ang Circular para sa 2nd tranche ng salary increase … SALARY HIKE ALERT PARA SA MGA GOV’T WORKERS

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

NILAGDAAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman ang National Budget Circular No. 597, nagbibigay ng mga alituntunin para sa second tranche ng umento sa sahod para sa mga civilian government worker.

 

 

Ang nasabing Circular ay ipinalabas ng naaayon sa implementasyon ng updated Salary Schedule para sa Civilian Personnel alinsunod sa Executive Order (EO) No. 64, s. 2024, na tinintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong Agosto 2024.

 

 

“Sa pagpapatuloy po ng pangako ng ating Pangulo, ipatutupad po natin ngayong January 2025 ang pangalawang bahagi ng salary increase para sa ating mga kawani ng gobyerno. We hope that this second tranche will provide much-needed financial relief and allow our government workers to better support their families, invest in their futures, and enhance their overall quality of life,” ang sinabi ni Pangandaman.

 

 

Nakasaad sa EO No. 64 na “the updated Salary Schedule shall be implemented in National Government Agencies in four (4) tranches, with the first beginning on January 1, 2024, the second on January 1, 2025, the third beginning on January 1, 2026, and the fourth and final tranche beginning on January 1, 2027.”

 

 

“This applies to all civilian government personnel, now existing or hereafter created in the Executive, Legislative, and Judicial Branches, the Constitutional Commissions and other Constitutional Offices, State Universities and Colleges, and Government-Owned and Controlled Corporations (GOCCs) not covered by Republic Act (RA) No. 10149 and EO No. 150, s. 2021, regardless of appointment status, whether regular, casual, or contractual; appointive or elective; and on a full-time or part-time basis,” ayon sa DBM.

 

 

Samantala, hindi naman saklaw ng Circular ang military at uniformed personnel; government agencies na exempted mula sa RA No. 6758; GOCCs sa ilalim ng RA No. 10149 at EO No. 150; mga indibiduwal na walang employer-employee relationship at pinondohan mula sa non-Personnel Services appropriations/budgets, gaya ng consultants at experts na mayroon lamang limited period para gampanan ang specific activities o services na may inaasahang outputs, mga manggagawa na kasama sa job contracts (_pakyaw_) at iyong mga binabayaran ‘on piecework basis’, mga student workers at apprentices, at iyong ang serbisyo ay may kinalaman sa pamamagitan ng job orders, contracts of service, o iba pang kahalintulad na katayuan.

 

 

Ang halaga na kinakailangan para sa salary adjustment ng civilian government personnel sa FY 2025 ay huhugutin sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund at anumang ‘available appropriations’ sa ilalim ng FY 2025 General Appropriations Act, “subject to budgeting, accounting, and auditing rules and regulations.”

 

 

Para sa GOCCs na sakop ng Circular, ang halaga ay huhugutin mula sa kanilang corporate operating budgets, na aprubado ng DBM.

 

 

Samantala, binigyang diin naman ng DBM na ang guidelines na applicable sa local government units ay dapat na saklaw ng hiwalay na Circular.

Ads January 23, 2025

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments

“Paddington in Peru” wins the heart of moviegoers with a 93% Rotten Tomatoes score

Posted on: January 22nd, 2025 by Peoples Balita No Comments
As with the first two highly acclaimed Paddington films, Paddington in Peru has been garnering praises from audiences and film critics for its unique story, animation, and humor.
Paddington in Peru sees the iconic bear in a brand new adventure as he tries to get back to his roots and solve a mystery involving his family in hist birthplace of Peru.
Watch the trailer here: https://youtu.be/0l52k4m7GNs?si=HbMS0AixH7qiUL3A
Variety talks about how Paddington in Peru will appeal to moviegoing kids, writing, “Paddington in Peru is, as any Paddington adventure should be, fast and buoyant and disarmingly sunny in a way that viewers who weren’t alive — or at least of cinemagoing age — for the 2017 release of Paddington 2 will lap up.”
Paddington’s thoughtful and beautiful animation was noted by The Hollywood Reporter, which writes, “Although returning players Hugh Bonneville, Madeleine Harris and Samuel Joslin as the other three Brown family members make significant contributions along with Mortimer, no one can hold the screen with a hard stare like Paddington. He pulls off one his best here, a perfectly calibrated study in facial movement, lighting (particularly in the brown-gold glitter of his eyes) and comic timing.”
The BBC praises how Paddington in Peru maintains the heart of the story from previous films, even in the brand new setting. “Dotted with waterfalls and piranhas, double crosses and Inca riddles, the Browns’ jungle quest is the subject of a wholesome, well-constructed, richly coloured adventure yarn with just enough of the eccentric charm, animated interludes and musical numbers that make the Paddington series what it is.”
Slant mirrors these sentiments, while also acknowledging the film’s message about familial roots and finding what home truly means. “While it’s never didactic or heavy-handed about its messaging, Paddington in Peru also offers an idea of Britishness that’s multifaceted and modern, as the titular bear celebrates his official status as a citizen of the U.K. while reconnecting with his Peruvian roots.
Set off with friends, family, and the wonderful Paddington, as Paddington in Peru arrives in Philippine theaters on January 29.
Photo & Video Credit: “Columbia Pictures”
(ROHN ROMULO)