• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 5:17 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2025

EJ Obiena sasabak na muli sa torneo matapos ang paggaling mula injury

Posted on: January 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SASABAK na sa international event si Filipino pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena.
Ang ranked number four ay ilang buwang hindi sumabak sa mga kumpetisyon dahil sa kaniyang spine injury.
Huling sumabak ito noong Agosto kung saan nagtapos ito sa pang-apat na puwesto sa Paris Olympics.
Sinabi nito na nag-ensayo na siya noong nakaraang buwan para sa pagsabak niya sa International Jump Meeting sa Lausitz-Arena, Germany sa darating na Enero 29.
Ito aniya ang kaniyang kauna-unahang indoor event ngayong 2025.
Labis siyang nasasabik dahil sa tagal na niyang hindi nakasabak sa mga international competition.
Magugunitang noong Nobyembre ng nakaraang taon ay inilunsad niya ang knaiyang unang training pole facility sa lungsod ng Laoag, Ilocos Norte.

P15 minimum pasahe sa jeep namumuro

Posted on: January 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments
DULOT  nang patuloy na pagtaas ng halaga ng produktong petrolyo, pinag-aaralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na aksyunan ang hirit ng mga drayber at operator ng jeep na itaas sa P15 ang minimum na pasahe sa jeep.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz na susuriin itong mabuti dahil batid ng kanilang hanay ang hamon na kinakaharap ng mga drayber at operator dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin.
“The LTFRB is reviewing the petition thoroughly and will consider all relevant factors, including fuel price trends, inflation rates, and the overall economic impact on the riding public,” ayon kay Guadiz.
Gayunman, sinabi nito na sinusuri rin ng LTFRB ang magiging epekto ng pagtaas ng pasahe sa mga commuters.
“We assure all stakeholders that the board will conduct public hearings and consultations to ensure transparency and inclusivity in the decision-making process,” dagdag ni Guadiz.
Tiniyak din ng LTFRB na magiging patas sa magkabilang panig ang gagawing desisyon hinggil dito.
Sa kasalukuyan, nasa P13 ang minimum na pasahe sa jeep. (Daris Jose)

Matapos ihayag ni PBBM na ibi-veto ang bill… 7 senador atras sa Anti-teenage Pregnancy Bill

Posted on: January 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MATAPOS ihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibi-veto ang anti-teenage pregnancy bill, pitong senador ang umatras sa pagsuporta sa panukala.
Ito ay sina Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senators Loren Legarda, Bong Revilla Jr., Senators Bong Go, JV Ejercito, Cynthia Villar at Nancy Binay.
Nauna rito, nagpahayag ng pag-aalala si Pangulong Marcos kaugnay sa ilang probisyon ng panukalang “sex education bill” na naglalayong pigilan ang teenage pregnancy
“… I was shocked, and I was appalled by some of the elements of that [SB 1979]. Because all this ‘woke’ [attitude] that they are trying to bring into our system,” napaulat na sinabi ng Pangulo.
Naniniwala ang ­Pangulo na hindi dapat itinuturo ang “masturbation” sa kasing bata ng apat na taong gulang.
“You will teach 4-year-olds how to masturbate. That every child has the right to try different sexualities. This is ridiculous. It is abhorrent. It is a travesty of what sexual [orientation] and sex education should be to children…,” sabi ng Pangulo.
Idinagdag naman ni Revilla na bagaman at dapat harapin ang isyu ng teenage pregnancy pero dapat magkaroon ng “refinement” ang panukala na naayos sa interes ng mga mamamayan. ( Daris Jose)

Caloocan LGU, magtatayo ng government center

Posted on: January 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments
OPISYAL na sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ang pagtatayo ng bagong government center, kasunod ng isinagawang groundbreaking ceremony na pinangunahan nina Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan at Congressman Oca Malapitan sa Barangay 101.
Ang walong palapag na gusali ay magkakaroon ng mga nakalaang espasyo para sa parehong national at local government agencies, kabilang ang mga satellite office ng National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Elections (COMELEC), na may layuning gawing mas mahusay at accessible ang mga proseso ng gobyerno para sa mga residente ng lungsod.
Ipinahayag ni Mayor Along ang kanyang pananabik sa proyekto at pinagtibay ang pangako ng pamahalaang lungsod sa pagbibigay prayoridad sa imprastraktura na lubos na magpapahusay sa kalidad ng mga serbisyong natatanggap ng publiko.
“Isa sa mga malalaking proyekto ng aking administrasyon na malapit sa aking puso ay itong government center. Sa pagtutulungan nating lahat, sa oras na maitayo natin ito, wala nang Batang Kankaloo ang magpapalipat-lipat ng gusali para makipagtransaksyon sa mga ahensya ng pamahalaan,” aniya.
Binigyang-diin din ng alkalde ang patuloy na pagtatayo ng iba pang malalaking proyektong pang-imprastraktura ng kanyang administrasyon at tiniyak sa kanyang mga nasasakupan na sa ilalim ng kanyang pamumuno, patuloy na pahalagahan ng pamahalaang lungsod ang kanilang tiwala sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programa at proyektong kapaki-pakinabang sa lahat.
“Kaliwa’t kanan po ang pagpapaunlad natin sa ating lungsod sa pamamagitan ng mga programa at proyektong mapapakinabangan ng bawat isa. Nariyan ang bagong Hall of Justice, kasama pa ang mga gusaling ipinapatayo natin sa Caloocan City – North kagaya ng columbarium at crematorium, bagong city hall, PUP Caloocan, UCC College of Medicine and Health Sciences, at maging mga proyektong pabahay,” pahayag ng alkalde. (Richard Mesa)

Revilla sa NCSC: Centenarian Law sa Seniors, ipatupad!

Posted on: January 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGBABALA si Senator Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr. sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) sa masamang implikasyon kung hindi agad maipatupad ang RA 11982 o ang Expanded Centenarian Law bago matapos ang buwan ng Enero.
Kilala bilang Senior Citizens Welfare champion, sinabi ni Senator Bong na dapat kumilos na ang NCSC ngayong New Year upang hindi mapagbuntunan ng galit ng mga lolo at lola na matagal nang naghihintaysa mga benepisyo ng inamyendahang batas na pinirmahan noong Marso 2024.
“Huwag magkakamali ang NCSC na hindi ito agarang ipatupad. Hindi naman nila siguro idi-disappoint ang ating mga lolo at lola na inaabangan na ito since last March,” ayon kay Revilla.
“Sigurado naman akong ayaw nilang harapin ang galit ng ating mga nakakatanda,” dagdag nito.
Tinaguriang “Revilla Law”, ang Expanded Centenarians Act ay magbibigay ng P10,000 cash gifts sa mga senior citizens tuwing aabot sa mga edad na 80, 85, 90 at 95-anyos, samantalang ang mga centenarians o ang mga aabot 100 taong gulang ay patuloy na makakatanggap ng one-time cash gift na P100, 000.
“Sinigurado natin na mapondohan
iyan sa General Appropriations Act (GAA) o 2025 National Budget. Nakipag-ugnayan tayo sa DBM para ga­rantisado ang pondo. Now it’s in the NCSC hands to fully implement it and ensure that no lolo and lola will be left behind,” paliwanag ng mambabatas.
“Wala silang dahilan para hindi ito maipatupad. There are almost 200,000 senior citizens who stand to benefit under the law. We thus call on the NCSC to fulfill their obligations in ensuring that payouts are already ready and rolled out starting January 2025. They have already been given enough time and funding,” pagtatapos ng senador.

WHO, ikinalungkot ang pagkalas ng US sa kanilang organisasyon

Posted on: January 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NANGHIHINAYANG ang World Health Organization (WHO) sa anunsyo ng Estados Unidos na umalis mula sa organisasyon.
Ang WHO ay may mahalagang papel sa pagprotekta sa kalusugan at seguridad ng mga tao sa buong mundo, kabilang ang mga US nationals, sa pamamagitan ng pagharap sa mga ugat ng sakit, pagpapalakas ng mga sistema ng kalusugan, at pagtuklas, pag-iwas, at pagtugon sa mga health emergencies, kabilang ang mga paglaganap ng sakit sa high risk areas kung saan hindi makapunta ang iba.
 Ang Estados Unidos ay kabilang sa founding members ng WHO noong 1948 at patuloy na nakibahagi sa paghubog at pamamahala sa trabaho ng WHO mula noon, kasama ng 193 iba pang mga Estadong kasapi, kabilang ang aktibong pakikilahok sa World Health Assembly at Executive Board.
Sa loob ng higit pitong dekada, ang WHO at ang USA ay nagligtas ng hindi mabilang na buhay at pinrotektahan ang mga Amerikano at lahat ng tao mula sa mga banta sa kalusugan.

Ads January 24, 2025

Posted on: January 24th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Fall in love once more as Renée Zellweger returns for one last chapter in “Bridget Jones: Mad About the Boy”

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments
FOLLOW Bridget Jones in another comedic and heartfelt chapter to her story, Bridget Jones: Mad About the Boy. Renée Zellweger reprises her role as romantic-comedy icon Bridget Jones, who tries to rekindle the spark in her life after the death of her husband Mark Darcy, played by Colin Firth.
Now a single mother to two children, her loved ones encourage her into pursuing a new path into life and love, often with hilarious results.
Watch the trailer: https://tinyurl.com/2b69nzny
The film also stars Hugh Grant, Emma Thompsion, Leo Woodall, Chiwetel Ejiofor, and Isla Fisher. Bridget Jones: Mad About the Boy is the perfect Valentine’s Day movie as it opens in Philippine theaters on February 12. Follow Universal Pictures PH (FB)UniversalPicturesPH (IG), and UniversalPicsPH (TikTok) for the latest updates.
About Bridget Jones: Mad About the Boy:
Two-time Academy Award® winner Renée Zellweger returns to the role that established a romantic-comedy heroine for the ages, a woman whose inimitable approach to life and love redefined an entire film genre.
Bridget Jones first blasted onto bookshelves in Helen Fielding’s literary phenomenon Bridget Jones’s Diary, which became a global bestseller and a blockbuster film. As a single career woman living in London, Bridget Jones not only introduced the world to her romantic adventures, but added “Singletons,” “Smug-Marrieds” and “f—wittage” into the global lexicon. Bridget’s ability to triumph despite adversity led her to finally marry top lawyer Mark Darcy and to become the mother of their baby boy. Happiness at last.
But in Bridget Jones: Mad About the Boy, Bridget is alone once again, widowed four years ago, when Mark (Oscar® winner Colin Firth) was killed on a humanitarian mission in Sudan. She’s now a single mother to 9-year-old Billy and 4-year-old Mabel, and is stuck in a state of emotional limbo, raising her children with help from her loyal friends and even her former lover, Daniel Cleaver (Hugh Grant).
Bridget Jones: Mad About the Boy is directed by acclaimed filmmaker Michael Morris (To Leslie, Better Call Saul), from a screenplay by BAFTA nominee Helen Fielding, based on her novel, with contributions from Emmy winner Abi Morgan (The Iron Lady, Eric) and Oscar® nominee Dan Mazer (I Give it A Year, Bridget Jones’s Baby).
The film is produced for Working Title by Tim Bevan and Eric Fellner, whose films, including The Danish Girl, Darkest Hour, Fargo, Les Misérables and The Theory of Everything, among others, have earned 14 Academy Awards® and six Best Picture nominations. The film is also produced by Jo Wallett (Wicked Little Letters, Catherine Called Birdy). The film is executive produced by Helen Fielding, Renée Zellweger, Amelia Granger and Sarah-Jane Wright. Working Title has produced all the Bridget Jones films.

(ROHN ROMULO)

Dahil magpo-forty na sa February 14: HEART, ramdam na ang pagod at maghihigpit na sa paggastos

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments
SA latest episode ng “Heart World” na ipinabas nung Sabado, Enero 18, ibinulgar ng Kapuso actress na si Heart  Evangelista na minsan na raw siyang hinimatay sa isang event na dinaluhan niya.
“Hinimatay na ‘ko sa Fashion Week kasi alam ko na nagsa-suffer na ‘yong health ko over and beyond just to get the bag, just to get the jacket.
“These ridiculous things na ginagamit ko naman sa trabaho ko but I will not use that anymore to justify,” pahayag ng aktres.
Ayon pa kay Heart ay nangako na lang siya sa sarili na pagtuntong niya sa edad na 40 sa darating Pebrero 14 ay maghihigpit na raw siya sa paggastos ng pera.
“I know how it feels na magtrabaho, kumayod talaga dahil gusto ko nito kasi I’m lucky, privileged ako na ‘di naman ako naging breadwinner in a sense sa pamilya ko.
“Pero, ibig sabihin, lahat ng mayroon ako, lahat ng suot ko, pinagtrabahuhan ko, as in talagang pinagpuyatan ko, talagang pinilit ko ‘yan para mabili lahat ng meron ako,” pagmamalaki pa niya.
Pero banggit pa ng aktres, ngayon daw na nagkaka-edad na siya, medyo nakararamdam na raw siya ng pagod.
“Iba na talaga ‘yong dating sa ‘kin, kahit Fashion Week.
“I will review talaga, hihigpitan ko ‘yong belt ko kapag gumagastos ako,” lahad pa rin ng asawa ni Senate President Chiz Escudero.
***
NAGKATSIKAHAN sina Star for All Seasons Vilma Santos at Senator Bong Revilla sa 50th birthday and Tapatan 50 book launching ni Anthony Taberna.
Matagal-tagal ding hindi nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ang dalawa sa malaking pangalan sa industriya.
Kabilang sina Ate Vi at Bong Revilla sa 50 personalities na featured sa libro ng broadcast journalist na mas kilalang si Ka Tunying.
Marami ang nagsasabing maaring magkakampi at pwede rin naman daw magkatapatan bilang bise presidente sina Vilma at Bong sa 2028 elections.
Pero para kay  Ate Vi ay wala raw sa mga plano niya na tumakbo sa mas mataas na posisyon na kahit marami ang nagsasabi na mas bagay siya sa mas mataas na position kaysa gobernador.
Kahit nga raw ang pagtakbo muli bilang gobernador sa Batangas ay hindi raw siya nagpa-plano.
“Again I don’t want to plan things. With due respect walang mga plano. Hindi po madali. Hindi madali akala ninyo ba? Even itong foreign issues natin ngayon – ganyan kadali ‘yan? China? How to handle? Hindi po ganon kadali po ‘yan,”  banggit pa ni Ate Vi.
Dagdag pa ng multi0awarded actress na isa raw sa natutunan niya sa pagseserbisyo ay non-stop ito.
“Hindi pwedeng, ‘Ah, nagawa ko na ‘yan, tapos na.’ Walang katapusan. Non-stop learning and giving solutions, So, ang ang pinaka-importante lang is ‘yung effectiveness.” lahad pa ng original grand slam actress.
Anyway, back kina Sen. Bong at Gob. Vilma ay may nakapagbulong sa amin na may nilulutong proyekto para sa dalawa.
Pwede raw pang telebisyon o pang pelikula.
(JIMI C. ESCALA)

Ibang-iba ang napapanood sa bagong teleserye: JILLIAN, nagulat na may asawa ang role pero ‘di pa ready sa kissing scene

Posted on: January 23rd, 2025 by Peoples Balita No Comments
IBANG Jillian Ward nga ang napapanood sa ‘My Ilonggo Girl.’
“Ako po kasi, tingin ko, sa fifteen years ko na rin sa industriya, I think it’s time na rin talaga na magkaroon ako ng leading man talaga.
“Ma-explore ko po yung, kumbaga, pagiging leading lady. Nagulat nga po ako may asawa po ako sa show na ito, so ibang-iba po siya for me.
“Excited po ako na mag-grow pa. Ito po yung nae-enjoy ko talaga yung ganitong klaseng experience.”
Handa na rin ba siya sa kissing scene?
“Ayan po ang medyo hindi ako kumportable, yang mga kissing scenes.
“Basta sa ngayon po, mas ine-explore ko pa is magkaroon ng lalim pa yung mga character na ginagampanan ko.”
Hindi naman daw isinasara ni Jillian ang posibilidad na magkaroon siya ng ka-kissing scene sa future.
“Actually, yung parents ko naman po, super considerate sila sa nararamdaman ko.
“Kunwari may mga ganun pong eksena, kissing scene, hindi po sa pinapaalam ko sa kanila, kundi more on mine-make sure nila na, ‘Ikaw, kaya mo ba, gusto mo ba?’
“Yung parents ko po kasi, hindi sila mapilit. Kumbaga, kung gusto ko, e, di gawin ko. Kung ayaw ko, huwag kong gawin.
“Sa ngayon, yes, [by choice] po na ayaw ko pa sa kissing scenes.
More on ang ginagawa ko din po sa career ko is by choice.
“Kumbaga, walang pumipilit sa akin, like my parents and my management, very respectful naman po sila.
“Pinoprotektahan nila ako. They make sure na happy ako sa ginagawa ko.
“Very open din po ako sa kanila na sabihin kung hindi ako kumportable.”  Dahil ba una siyang nakilala bilang child actress kaya hindi pa siya payag magkaroon ng kissing scene?
“Yes po, malaking factor siya.
“Kasi, kumbaga, mayroon ngang eksena na super nakakakilig, yung director ko po na naka-work ko pa noong baby pa ako, makatingin.
“Parang sabi ko na lang, ‘Hala, Tatay, ano ba yan, talagang nakatingin ka sa amin ha.’ Nakaka-concious kasi.
“Sabi ko nga po, parang nanay at tatay ko na silang lahat. So, feeling ko pinapanood ako ng nanay at tatay ko, ganun yung pakiramdam.
“Ayun din po yung challenge for me na kailangan ko pong mag-step out sa aking comfort zone kasi magtu-twenty na po ako next month, e.
“Kailangan na iba naman po. Iba naman na yung ma-experience ko.
“Kagaya lately, ine-explore ko po ang pagpe-perform, firing, yung mga sports shooting, kasi gusto ko pong matuto pa.” (ROMMEL L. GONZALES)