BINUWELTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pambabatikos ng Tsina sa deployment ng Typhon missile system ng Estados Unidos sa Pilipinas kasabay ng alok na isang kasunduan.Sinabi ni Pangulong Marcos na handa niyang tanggalin at alisin sa bansa ang Typhon missile launchers ng Estados Unidos kung ititigil na ng Tsina ang agresyon nito sa West Philippines Sea (WPS).
Sa ambush interview kay Pangulong Marcos sa sidelines ng pagpapasinaya sa Mactan-Cebu International Airport Alternate Runway, tinugunan ni Pangulong Marcos ang pagkontra ng Tsina sa missile system, binigyang diin na ang Pilipinas ay hindi man lamang nag-komento sa mas malaking missile arsenal ng Tsina.
“I don’t understand their comments on the Typhon missile system,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“We don’t make any comments on their missile systems and their missile systems are a thousand times more powerful than what we have,” dagdag na wika nito.
Dahil dito, nag-alok ang Pangulo ng isang kasunduan sa Tsina, itigil ang agresibong aksyon at ang territorial claims sa Pilipinas kung saan , ang magiging kapalit ay pagkonsidera na bawiin ang missile system.
“Let’s make a deal with China—stop claiming our territory, stop harassing our fishermen and let them have a living, stop ramming our boats, stop water-cannoning our people, stop firing lasers at us, and stop your aggressive and coercive behavior, and I’ll return the Typhon missiles,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Tigil nila yung ginagawa nila, ibabalik ko lahat ‘yan,” ang pahayag pa rin ng Pangulo.
Samantala, napaulat na inilipat ng puwesto ng US military ang kanilang Typhon missile launcher na dating nasa Laoag airfield sa Pilipinas. Ang naturang missle launcher, kayang magpakawala ng mga multi-purpose missile na kayang umabot sa China at Russia.
Sa ulat ng Reuters, galing umano sa isang senior Philippine government source ang impormasyon tungkol sa ginawang paglilipat ng missile launcher.
Ayon pa sa ulat, ang Tomahawk cruise missiles na ilalagay sa launcher ay kayang tumama sa target na nasa China o Russia mula sa Pilipinas. Habang SM-6 missiles ay kayang tumama sa air or sea targets kahit sa layo na mahigit 200 kilometro (165 miles).
Batay umano sa impormasyon ng source na mula sa gobyerno ng Pilipinas, ginawa ang paglilipat para malaman kung gaano kabilis ang paglilipat ng missile battery sa bagong firing position. Paraan umano ito upang matiyak na magiging ligtas ang naturang armas kung magkakaroon ng kaguluhan.
Nakita sa mga satellite images na isinakay sa C-17 transport aircraft sa Laoag International Airport nitong mga nakaraang linggo ang mga battery at mga kaugnay na kagamitan, ayon kay Jeffrey Lewis ng Middlebury Institute of International Studies.
Inalis din ang mga puting canopy na ipinangtakip sa Typhon equipment, ayon sa mga larawan na nakita ng Reuters at hindi pa nai-report noon.
Ang Typhon system ay bahagi ng inisyatiba ng US na maglagay ng iba’t ibang anti-ship weapons sa Asya.
( Daris Jose)
BAHAGI ng destabilisasyon o i-destabilize ang gobyerno ang hakbang na hamunin ang ‘constitutionality’ ng 2025 General Appropriations Act (GAA) sa Korte Suprema.
HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Filipino-Chinese community na ituloy lamang ang kanilang “grand ambitions” hindi lamang sa sarili kundi para sa mas ikabubuti ng lahat.
MAHIGIT P1.5 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa isang rider na nagtangkang takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng checkpoint makaraang masita dahil walang suot na helmet sa Caloocan City, Miyerkules ng gabi.
NANGAKO si Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya para iposisyon ang Pilipinas bilang ‘top country’ sa buong mundo para sa ‘budget transparency at oversight.’
NANAWAGAN si Navotas City Congressman Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na magtatag ng ethical guidelines habang isinasama nito ang Artificial Intelligence (AI) at teknolohiya sa paghahatid ng edukasyon.
UPANG mapabilis ang koordinasyon sa pagitan ng lokal na pamahalaan at mga Malabueno sa panahon ng mga kalamidad, inilunsad ni Mayor Jeannie Sandoval at Malabon Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang bagong Malabon All Hazards One Network (AHON) 24/7 Alert Application.
APRUBADO na sa House Committee on Labor and Employment na pinangunahan ni Rep. Fidel Nograles ang panukalang batas na layong magpatupad ng P200 across the board wage hike.