• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 11:04 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 27th, 2025

HVI drug suspect nasilo sa Navotas buy bust, higit P.3M droga, nasabat

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISANG drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) ang timbog matapos makuhanan ng mahigit P.3 milyong halaga ng shabu nang kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enfortcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta umano ng droga ni alyas ‘Eman’, 46, ng Brgy, NBBN.

Isinailalim ng SDEU sa validation ang suspek at nang positibo ang report, ikinasa nila ang buy bust operation sa pangunguna ni P/Capt. Luis Rufo Jr, sa koordinasyon sa PDEA matapos isa sa kanyang mga tauhan ang nagawang makipagtransaksyon kay ‘Eman’ ng droga.

Dakong alas-10:35 ng gabi nang dakmain ng mga tauhan ni Capt. Rufo ang suspek matapos tanggapin ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer sa V De Guzman St., Brgy. Bangkulasi.

Nakumpiska sa suspek ang nasa 54.39 grams ng hinihinalang shabu na may estimated street value na P369,852.00 at buy bust money.

Sinampahan ng SDEU ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Navotas City Prosecutor’s Office.

Pinapurihan naman ni Col. Ligan ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon at pambihrang pagganap sa panahon ng operation.

“This significant seizure is a direct result of our relentless efforts to dismantle illegal drug operations within our jurisdiction. Disrupting the supply chain and preventing these dangerous substances from reaching our communities are major achievements,” pahayag niya. (Richard Mesa)

Binata na wanted sa rape sa Bulacan, nalambat ng Caloocan police

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HIMAS-REHAS ang isang lalaki na wanted sa kasong statutory rape matapos makorner ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang akusado na si alyas ‘James’, 20.

Dinakip si ‘James’ sa bisa ng warrant of arrest na inisyu Presiding Judge April Anne M. Turqueza-Pabellar, ng Family Court, Branch 6, Third Judicial Region, Sta. Maria, Bulacan noong August 16, 2024, para sa kasong Statutory Rape.

Ayon kay Col. Canals, walang inirekomendang piyansa ang hukuman para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang Cadena de Amor Police Substation-11 na nagtatago umano sa Camarin ang akusado na nakatala bilang Top Most Wanted Person sa Bulacan.

Kasama ang mga tauhan ng NCRPO-RDEU Team 3, agad nagsagawa ang SS11 ng joint operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-3:20 ng gabi sa Lirio Street, Barangay 175, Camarin.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng SS11 habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.

Pinuri naman ni Col. Ligan ang dedikasyon at mabilis na action ng mga tauhan ni Col. Canals na nagresulta sa matagumpay na operation. (Richard Mesa)

EDSA Shrine at 2 simbahan pa kinilala na bilang national shrine ng CBCP

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAIANGAT  bilang national srhine ang status ng tatlong Simbahang Katolika sa bansa.

Pinangunahan ito ng Archdiocesan Shrine of Mary, Queen of Peace o kilala bilang EDSA Shrine , Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto at Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu.

Isinagawa ang pag-angat ng estado ng nasabing mga simbahan matapos ang 129th plenary assembly ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines na dinaluhan ng mahigit 70 Obispo sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang EDSA Shrine at Archdiocesan Shrine of Our Lady of Loreto ay nasa ilalim ng Archdiocese ng Manila habang ang Diocesan Shrine of Our Lady of Aranzazu ay sa ilalim ng Diocese of Antipolo.

 

Itinayo ang EDSA Shrine noong 1989 bilang pag-alala sa Pebrero 25, 1986 people power revolution.

Ito rin ang lugar na isinagawa ang 2001 rally na nagresulta sa pagpapatalsik kay dating Pangulong Joseph Estrada.

Ang Loreto Church sa Sampaloc District ay makikita doon ang centuries-old na imahe ng Virgin Mary bilang Our Lady of Loreto ito rin ang tanging simbahan sa bansa na inialay sa mga Marian ang titulo.

Habang ang Aranzazu Shrine sa San Mateo, Rizal ay may mayamang kasaysayan na noong 1596 ay unang nanirahan ang mga Augustinian friars.

Ayon pa sa CBPCP an ang pagdeklara na maging national shrine ang isang simbahan at ito ay maituturing na sagradong lugar na kinikilala ng Simbahang Katolika dahil sa pagiging makasaysayan, spiritual at mayroong cultural significance.

Kadalasan ito ay kinikilala dahil sa pagkakaroon ng sikat na debosyon, mayroong mahalagang religious events, miracles o apparitions.

Ads January 27, 2025

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Los Angeles Lakers sinapawan ang Boston Celtics

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMISKOR si star center Anthony Davis ng 24 points at may 23 mar­kers si Austin Reaves para banderahan ang Lakers sa 117-96 pagsa­paw sa nagdedepen­sang Boston Celtics.

Nagkuwintas si LeBron James ng 20 points at 14 rebounds para sa Los An­ge­les (24-18) matapos pa­ngalanan sa All-Star Game sa ika-21 sunod na season.

Inungusan din ni James si NBA legend Hakeem Olajuwon sa seventh place sa defensive rebounds sa NBA history sa third quarter.

Mayroon na ngayong 9,726 rebounds si James.

Pinamunuan ni Kristaps Porzingis ang Boston (31-14) sa kanyang 22 points ka­sunod ang 17 markers ni Jaylen Brown.

Nag-ambag si Jayson Tatum, hinirang din sa All-Star Game, ng 16 points.

Ipinoste ng Lakers ang isang 28-point lead sa fourth quarter para iwanan ang Celtics matapos magsalpak ng 11 three-pointers sa first half.

Sa Denver, inilista ni Ni­kola Jokic ang kanyang pang-limang sunod na tri­ple-double sa tinapos ni­yang 35 points, 22 rebounds at season-high 17 assists sa 132-123 panalo ng Nuggets (28-16) sa Sac­ramento Kings (23-21).

Djokovic hindi na tinapos ang semis ng Australian Open dahil sa injury

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NATAPOS na ang paghahangad ni Serbian tennis star Novak Djokovic na makuha ang pang-25 na grand slam title.

Maaga kasi itong nag-retire sa semifinals ng Australian Open dahil sa injury sa kaniyang kaliwang hita.

Tinapos pa ni Djokovic ang unang set laban kay world number 2 na si Alexander Zverev kung saan natalo siya sa 7-6(5) sa laro na tumagal ng isang oras at 21 minuto.

Nagulat na lamang ang mga audience ng magkamayan na ang dalawa hanggang tuluyang umalis na sa court si Djokovic.

Pinasalamatan ni Zverev ang mga nanood dahil hindi sila nagalit kay Djokovic matapos na hindi tinapos ang laro.

Hiniling na lamang nito sa audience ng pagrespeto na lamang kay Djokovic dahil sa binigay nito ang lahat ng makakaya.

Magugunitang nakapasok sa semifinals ng Australian Open si Djokovic matapos na talunin niya si Carlos Alcaraz kung saan nag-medical time out siya dahil sa injury.

“Ironclad” commitment ng US sa Pilipinas sa liderato ni Trump, mananatili

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IKINALUGOD ni Speaker Martin Romualdez ang ginawang paniniguro ng bagong talagang U.S. Secretary of State Marco Rubio na ime-maintain ng United States, sa ilalim ng liderato ni Presidente Donald Trump, ang “ironclad” commitment nito sa Pilipinas.

 

“Secretary Rubio’s affirmation clearly demonstrates the United States’ enduring commitment to our partnership. This reassurance comes at a crucial time when our shared values and mutual interests face serious challenges in the region,” ani Romualdez.

 

Napapanahon aniya ang naging pahayag ni Rubio kasunod na rin sa tumataas na tensiyon sa West Philippine Sea, partikular na sa presensiya ng malaking barko ng China Coast Guard malapit sa territorial waters ng Pilipinas.

 

Sa kabila ng patuloy na tensiyon, iginiit ni Speaker ang pagkakaroon ng diplomasya na siyang pangunahing paraan para maresolba ang usapin sa West Philippine Sea.

 

Inihayag pa ni Romualdez na sa kabila rin na kinilala nito ang pangangailangan sa isang malakas na alyansa ay mananatili ang pagsunod ng Pilipinas sa pagkakaroon ng isang independent foreign policy.

 

“Our focus remains on safeguarding our sovereignty and securing the welfare of our people. At the same time, we recognize the importance of working with allies who uphold the rule of law and respect international norms,” giit nito. (Vina de Guzman)

Matobato, walang pasaporte para pumuga palabas ng Pinas- DFA

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na walang record ng pasaporte at biometric records ang self-confessed hitman na si Edgar Matobato kahit pa isiniwalat sa New York Times article na nakapuga ito palabas ng bansa.

“The Department of Foreign Affairs (DFA) has found no passport and biometrics records under the name ‘Edgar Matobato’,” ayon sa DFA.

“Any application under a new or assumed identity will be flagged by the system, and a Philippine passport will not be issued, if there is already an existing record and biometrics in the database,” dagdag na pahayag ng departamento.

 

 

Tiniyak ng DFA na nagsasagawa na ng imbestigasyon hinggil sa bagay na ito at “refer the matter to law enforcement agencies and relevant authorities for further investigation” kung sinasabi ng ebidensiya na kailangan pa ang isang karagdagang pagsisiyasat.

“Fraudulent application for passport is a serious offense punishable under the Passport Law,” diing pahayag ng DFA.

Samantala, noong nakaraang linggo, idinetalye ng New York Times sa artikulo nito ang pagtakas ni Matobato mula sa Pilipinas. Sinasabing umalis ng Pilipinas si Matobato kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

 

 

Si Matobato ay ‘pitong taon nang nagtatago simula noong 2017 kung saan ay may kinahaharap na kasong kidnapping case noong 2002.

Inuugnay din ito sa umano’y dating miyembro ng death squad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City. (Daris Jose)

DA, patuloy na nakikipag-usap sa mas maraming LGUs para sa ‘nationwide’ NFA rice sale

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Agriculture (DA) sa ilang piling local government units (LGUs) para sa pagbebenta ng National Food Authority (NFA) rice sa buong bansa.

Ang pagbebenta ng NFA rice sa LGUs, sa mga ahensiya ng gobyerno at government-owned-and-controlled corporations ay nagkakahalaga ng P36/kg., kabilang na ang bagong giling o iyong hindi pa tumatandang bigas, ay pinahihintulutan sa ilalim ng ‘food security emergency for rice ‘na hindi pa idinedeklara.

“Basically, nationwide ito pero kung saan malapit ‘yungstocks…Mangyayari diyan is iyong guidelines na labas namin by the end of the month. So it will take time for them to really look at it,” ang sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

Sinabi pa nito na ang inisyal na pagkilos ay naglalayon na bawasan ang mga gastos sa kargamento o logistik at panatilihin ang ‘affordable level’ ng NFA rice para sa mga consumer.

“We cannot give all municipalities or LGUs or cities. Ang diskarte for minimal friction cost is kung ano pinakamalapit sa stocks,iyon ang bibigyan ng mga allocation,” ang sinabi ni Tiu Laurel.

 

 

Sa ilalim ng ‘food security emergency for rice,’ maaaring magbenta ang DA ng NFA rice sa LGUs at iba pang government bodies simula Pebrero 11, na maaaring ibenta sa mga consumer sa halagang P38/kg.

“They can book already. Then maybe the delivery is maybe February 7 to 15,” ang winika pa rin ni Tiu Laurel,. tinukoy ang transmittal of letters mula sa NFA upang piliin ang mga LGU para matukoy ang kanilang layunin at kailangang volume allocation.

 

 

Nauna rito, nakipagpulong ang DA sa mga Metro Manila mayor para tiyakin ang availability ng NFA rice sa rehiyon.

Para sa inisyal na monthly target, may 9,000 bags ng NFA rice ang ilalaan para sa 17 lungsod at munisipalidad sa National Capital Region; at 3,000 bags sa Calamba, Laguna.

Kabilang naman sa iba pang lugar na mayroong mataas na NFA stocks ay ang Calapan City sa Oriental Mindoro at San Jose sa Occidental Mindoro.

 

 

“It will be foolish for us to mill it and send it to Luzon or Mindanao for additional freight costs. So,kung kaya lang ma-consumeiyonwithin Mindoro, thensubukan ubusin iyon,” ayon kay Tiu Laurel.

Sinabi pa rin nito na ang maaaring mag-suplay ang Mindoro ng NFA rice sa Cebu.

Sa ngayon, may 300,000 metric tons (MT) ng NFA rice stocks ang maaaring ibenta sa ilalim ng ‘food security emergency for rice.’

 

 

Gayunman, wala pa ring natatanggap ang DA ng kopya ng resolusyon mula sa National Price Coordinating Council para sa deklarasyon.

“The draft has been given and they’re finalizing or have finalized already and I’m actually assuming that it is already going around for signature,” ang pahayag ni Tiu Laurel.

Maliban sa gawing available ang murang NFA rice sa publiko, “the said declaration will also enable NFA to free up warehouse spaces and support local farmers through palay (unhusked rice) procurement for the upcoming harvest season.” ayon pa rin kay Tiu Laurel. (Daris Jose)

HVI tulak, laglag sa Valenzuela drug bust, P340K droga, nasamsam

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAHIGIT P.3 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas ‘Biboy’, 27 ng Brgy. Gen T De Leon na nahaharap sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangeroud Drug Act of 2002.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, sinabi ni Col. Cayaban na nakumpiska sa suspek ang nasa 50 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P340,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 8-pirasong P1,000 boodle money, P200 bills at cellphone.

Nauna rito, ikinasa ng mga tauhan ni P/Capt. Joan Dorado, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA makaraang magpositibo ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y pagbebentan ng suspek ng droga.

Nang tanggapin umano ng suspek ang marked money mula sa pulis na nagpanggap na buyer, kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinakma ng mga operatiba dakong alas-2:05 ng madaling araw sa Plastic City Avenue, Brgy. Veinte Reales.

Pinuri naman ni Col. Ligan ang Valenzuela City Police sa kanilang dedikasyon at hindi natitinag na pangako sa kampanya laban sa droga.

Aniya, ang NPD ay nananatiling matatag sa kanyang misyon na pangalagaan ang komunidad at alisin ang mga aktibidad ng ilegal na droga, na tinitiyak ang kapayapaan at kaayusan para sa mga mamamayan ng Metro Manila. (Richard Mesa)