• October 20, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 20, 2025
    Current time: October 20, 2025 7:50 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 27th, 2025

Imbestigasyon sa pagpapakalat ng fake news, sisimulan ng Kamara

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAKATAKDANG  simulan ng Kamara ang imbestigasyon sa pagkalat ng fake news at disinformation.

 

Tatlong komite o Tri Committee (Tri Comm) ang siyang mangunguna sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa likod ng malawakang disinformation maging ang impact nito sa Filipino society.

 

Ang joint panel ay bubuuin  House Committees on Public Order, on Public Information at on Information and Communications Technology (ICT).

 

Nagsagawa naman ng unang executive briefing ngayong Lunse ang tricom na pinangunahan ni Sta. Rosa Rep. Dan Fernandez presiding.

 

“Ang mga Pilipino ay may karapatan sa katotohanan. Dapat protektahan natin ang ating mga kababayan laban sa mga maling impormasyong nagdudulot ng takot, kalituhan at pagkakawatak-watak ng ating lipunan,” ani  Fernandez.

 

Layon ng mga mambabatas na busisiin ang pagiging epektibo ng mga plataporma para labanan ang  disinformation at matukoy ang mga  legislative gaps na kailangang tugunan.

 

Pananagutin din aniya ang mga masa likod ng pagpapakalat ng pekeng balita at disinformation para sa  personal o political gain.

 

“Hindi natin hahayaang magpatuloy ang sistemang ito kung saan nalilinlang ang ating mga kababayan. Panahon na upang malaman natin ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan para sa pansariling interes,” pahayag nito.

(Vina de Guzman)

NAVOTAS SOLON, SUPORTADO ANG P500M PONDO NG PNP IT SYSTEMS

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IKINATUWA ni Navotas Congressman Toby Tiangco ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na muling maglaan ng P500 milyon mula sa intelligence fund ng Philippine National Police (PNP) upang maibalik ang badyet para sa mga programa nito sa information technology.

“Cyberspace is a rapid changing landscape and we need to ensure that our law enforcement agencies are always up to date,” aniya.

Nagpahayag siya ng buong suporta para sa hakbang na itinataguyod nito ang transparency sa gobyerno habang sinasangkapan ang PNP para labanan ang cybercrimes at tugunan ang mga hamon sa cybersecurity.

“I fully support the president’s decision because it ensures the PNP is prepared to tackle threats like phishing, scams, and identity theft while promoting accountability,” dagdag ni Tiangco.

Sa datos mula sa Social Weather Stations (SWS), binigyang-diin ni Tiangco ang pagkaapurahan ng pagtugon sa cybercrime kung saan 7.2% ng mga pamilyang Pilipino ang naging biktima ng cybercrimes noong Setyembre ng nakaraang taon.

“Maya’t-maya makakarinig ka ng reklamo na na-hack, na-scam, o na-phish. Napapanahon at kailangan talaga nating mag-invest sa IT programs ng ating kapulisan,” paliwanag Solon.

Gayundin, idiniin ni Tiangco ang kahalagahan ng pagpapabuti ng sistema ng 911 ng PNP, na sinabi na ang malaking bilang ng mga kahilingan sa emergency hotline ay mga kalokohan.

“Nakakalungkot dahil majority ng tumatawag sa ating 911 centers ay prank calls. Apart from enforcing sanctions and penalties for prank callers, we need a system that deters such actions and ensures faster emergency responses,” sabi pa niya.

Umaasa siya na ang muling inilaang pondo ay makakatulong sa pagbuo ng Integrated National 911 System upang mapahusay ang emergency services. (Richard Mesa)

Substitute bill hinggil sa Adolescent Pregnancy Prevention, tanggap ng Malakanyang

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TANGGAP ng Malakanyang ang substitute bill ukol sa Adolescent Pregnancy Prevention bill ni Senator Risa Hontiveros.

 

”Well, we always welcome initiatives like those kasi it means she finally realized that there must be something [objectionable] to her earlier version. But we are not judging her version at all,” ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin.

 

 

Sa kabilang dako, umaasa na ngayon si Senadora Risa Hontiveros na papasa na sa panlasa ng mga kritiko ang substitute bill para sa isinusulong niyang Pregnancy Prevention Bill.

Binago kasi ng senadora ang ilang probisyon ng kontrobersiyal na anti-teenage pregnancy bill kasunod ng mga kritisismo.

 

Dahil dito, umaasa si Hontiveros na susuportahan na ito ng mga senador na binawi ang kanilang pirma sa panukala.

 

 

Inalis na kasi ng senadora ang mga kontrobersiyal na probisyon at isinama ang mga rekomendasyon ni Senate President Chiz Escudero.

Kabilang na rito ang pag-alis sa katagang ” guided by International Standards”, paglimita sa Sex Education sa 10 taon pataas; pag-adjust sa 16 taong gulang pataas pagdating sa access sa Reproductive Health Product ng walang parental consent.

 

 

Naniniwala naman si Hontiveros na hindi na babalik pa sa committee level ang pagdinig sa substitute bill.

Matatandaang, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ibi-veto niya ang Senate Bill 1979 o “Prevention of Adolescent Pregnancy Act” kung maipasa raw ito sa kasalukuyan nitong mga nilalaman.

Sa isang ambush interview nitong Lunes, Enero 20, sinabi ni Marcos na nabasa na raw niya nang detalyado noong weekend ang Senate Bill 1979, at hindi raw siya sang-ayon sa ilan umanong bahagi ng panukalang batas.

 

 

“I was shocked and I was appalled by some of the elements of that. Because this is, all this woke that they are trying to bring into our system. You will teach four-year olds how to masturbate, that every child has the right to try different sexualities,” ani Pangulong Marcos.

“This is ridiculous. It is abhorrent. This is a travesty of what sex education should be to the children.”

 

 

Samantala, nang tanungin naman si Bersamin kung ano ang basehan ni Pangulong Marcos sa sinasabing probisyon ukol sa masturbation matapos na igiit ng senadora na wala naman ito sa kanyang panukalang batas, sinabi nito na na may nabasa ang Pangulo na may indikasyon ng masturbation.

”This is very common, you know when you read something, you read the lines and there are between the lines… language is very broad, you have a connotation, denotation and the other implications of language,” ayon kay Bersamin.

 

 

”Let’s give the President a benefit of the doubt about that no? He probably read there something that indicated to him that it is going to include masturbation… he’s entitled to that opinion,” aniya pa rin. (Daris Jose)

DFA, masusing naka-monitor sa posibleng pagpapatigil sa US assistance —PCO

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MASUSING naka-monitor ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa ulat kaugnay sa posibilidad na pagpapatigil sa United States foreign assistance.

Ito ang sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) matapos na magpalabas ang US State Department ng “stop-work” order para sa lahat ng existing foreign assistance at pinatigil ang bagong tulong, ayon sa isang cable na nakita ng Reuters, matapos ipag-utos ni Pangulong Donald Trump ang ’90-day pause to review’ kung ang aid allocation ay nakahanay sa kanyang foreign policy.

 

Ang pagpapatigil sa foreign aid na kagyat na epektibo ay naka-apply sa bago at umiiral na tulong, tinukoy ang US State Department memo na nilagdaan ni Secretary of State Marco Rubio, araw ng Biyernes.

 

 

Nakasaad sa memo na ang mga senior official “shall ensure that, to the maximum extent permitted by law, no new obligations shall be made for foreign assistance” hanggang si Rubio ay makagawa ng desisyon matapos ang pagrerepaso, ang iniulat ng Reuters.

 

Sinabi pa ng PCO na makakatrabaho ng DFA ang partner nito sa US Department of State at US government “to determine how this will affect the Philippines.”

 

 

Ang Estados Unidos ang pinakamalaking ‘single donor’ pagdating sa pagbibigay ng tulong sa buong mundo.

Sa katunayan, “in fiscal year 2023, it disbursed $72 billion in assistance.” (Daris Jose)

Chinese Embassy pumalag: Chinese ‘espionage’ ops, ‘baseless speculation and accusation’

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINALAGAN ng Chinese Embassy ang di umano’y espionage operation sa Pilipinas ng sinasabing Chinese spy.

 

 

“The so-called ‘espionage’ operation of a Chinese citizen in the Philippines is baseless speculation and accusation,” ang sinabi ng tagapagsalita ng Chinese Embassy na naka-post sa kanilang website.

“The Chinese Embassy in the Philippines has expressed concerns to the Philippine side and requested for consular visit to the said Chinese citizen so as to provide consular assistance,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na isang Chinese national ang naaresto kamakailan dahil sa pag-eespiya.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, bukod sa isang Chinese ay dalawa ring Pinoy ang naaresto sa operasyon na ikinasa sa Makati City noong Biyernes ng gabi, January 17.

Ipiniresenta ang mga salarin at ang mga kagamitan na nakuha mula sa kanila sa tanggapan ng Department of Justice (DOJ).

 

 

Kinilala ang mga suspek na sina Deng YuanQing at ang dalawang Pinoy na sina Ronel Jojo Balundo Besa, Jayson Amado Fernandez.

Napag-alaman na may kakayanan ang mga nakuhang kagamitan sa pagmamanman sa mga lugar na military camp bases, power plants, tanggapan ng mga local government unit at maging mga shopping mall.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa kung sino pa ang mga kasabwat at kung ano ang kanilang motibo.

 

 

Nahaharap ngayon ang tatlo sa kasong Espionage at Cybercrime Prevention Act of 2012.

“We urge the Philippine side to base its judgment on facts, not to make presumption of guilt, stop airing groundless speculations about the so-called ‘Chinese spy case’, handle relevant cases in accordance with the law, earnestly fulfill the obligations of the bilateral consular treaty and protect the legitimate rights and interests of Chinese citizens in the Philippines,” ang sinabi naman ng Chinese Embassy. (Daris Jose)

Sakripisyo ng SAF 44, paalala ng kahalagahan ng “national unity”- VP Sara

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PARA kay Vice-President Sara Duterte na isang “powerful reminder” ang ‘heroic deaths’ ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015 para sa kahalagahan na magkaisa bilang isang bansa.

 

Ipinahayag ito ni VP Sara sa video message ukol sa National Day of Remembrance of the Heroic Sacrifice ng SAF 44.

 

“May the lessons learned from this tragic loss inspire us to work together to overcome challenges and strive for a safer and more secure future for all Filipinos,” ang sinabi ni VP Sara.

“SAF 44 is a powerful reminder of the importance of national unity and our collective responsibility to protect our country’s security,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, muling kinilala ni VP Sara ang kabayanihan ng fallen 44 Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) commandos na nasawi sa naganap na Mamasapano Clash.

 

 

Ginawa ng bise ang pahayag kasabay ng paggunita sa ika-10 anibersaryo ng madugong bakbakan noon.

Batay sa inilabas na statement ng bise, ang ginawa ng SAF 44 ay simbolo ng kabayanihan at sakripisyo para sa Pilipinas.

Kaugnay nito ay nanawagan si Duterte sa mga Pilipino na magkaisa para masolusyunan ang mga hamon na kinakaharap ng bansa.

Magsilbi rin sana itong inspirasyon sa mga Pilipino para magtulungan.

 

 

Ang sagupaan sa Mamasapano ay nagsimula sa pagsalakay ng puwersa ng Special Action Force ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas (PNP–SAF) saTukanalipao,Mamasapano,Maguindanao Pilipinas upang dakpin ang mga terorista, na nauwi sa pinakamalaking pagkalagas sa puwersa PNP–SAF nang masukol sila ng mga puwersa ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters atMoro Islamic Liberation Front.

Naganap ang insidente noong madaling-araw ng Enero 25, 2015.

 

 

Kung maaalala , aabot sa 44 na tauhan ng pulisya ang nasawi matapos ang pakikipagsagupaan sa mga rebeldeng muslim sa isinagawang operasyon sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Sa kabila nito ay matagumpay naman ang operasyon kung saan na neutralized ng mga ito ang Malaysian bomb maker and Jemaah Islamiyah leader na si Zulkifli Bin Hir, alias Marwan.

“As we continue to honor their lives and extend our deepest condolences to their families and loved ones, let us also acknowledge the complexities and dangers faced by those who serve in law enforcement and the armed forces,” ang sinabi ni VP Sara. (Daris Jose)

DFA sa mga undocumented Pinoy sa Estados Unidos: Manatiling ‘low profile’, gawing legal ang inyong pamamalagi

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang undocumented at overstaying Filipino sa Estados Unidos na manatiling “low profile” at gawing legal ang kanilang pamamalagi habang pinahihigpit ng administrasyong Trump ang kanilang mga immigration policy.

Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Eduardo Jose De Vega na nakahanda ang DFA na ipaabot ang tulong nito sa mga Filipino na magpapasaklolo sa Philippine Embassy o mga konsulado sa Estados Unidos.

 

 

“Our advice is to keep a low profile as possible and work for your legalization,” ayon kay De Vega.

Aniya pa, sinabi ni President Donald Trump na maaari siyang makipagtulungan sa Democrats ukol sa illegal aliens na hindi babagsak sa ilalim ng mga kategoryang illegal immigrants na target ng mga ito na i-deport, gaya ng mga kriminal at terorista.

“That means they will make legal means to encourage these productive overstaying aliens to be totally legalized. So, take advantage of that,” ang sinabi pa ni De Vega.

 

 

Winika pa nito na ang lahat ng mga Pinoy, maging kung ito ay undocumented, bumiyahe sa Estados Unidos, ay may hawak na visa.

“Lahat iyan may visa. Nag-expire lang. Walang halos tumawid na walang kapapel-papel,” ani De Vega.

Kaya nga, halos imposible na ang tinatayang 300,000 Filipino na walang legal status sa Estados Unidos ay ide- deport sa pagtatapos ng administrasyon ni Trump.

 

 

“If you are targeted for deportation, you have legal means also to contest your deportation and at least legally stay for several months,” anito sabay sabing “(Some immigration lawyers could) argue that you are doing something productive in the US. And sometimes, it’s a success, it prevents deportation.”

Matatandaang, sa unang Trump presidency, sinabi ni De Vega na “only a few hundred or less” undocumented Filipino kada buwan ang idine-deport ng Estados Unidos, mas mababa sa bilang sa panahon ng Obama administration.

 

 

“Tingnan natin, kunwari bigla lang in six months may 20,000 na-deport o 10,000, then umakyat talaga. Huwag tayo mag-conclude until makita natin iyong data in six to eight months kung dadami ang made-deport,” aniya pa rin.

Muli namang inulit nito na handa ang gobyerno ng Pilipinas na tugunan ang epekto sa mga Filipino ng planong mass deportation.

 

 

Madali naman aniya sa gobyerno na gamitin ang DFA Assistance-to-Nationals fund.

Nandiyan din aniya ang Department of Migrant Workers’ Aksyon (Agarang Kalinga at Saklolo para sa mga OFW na Nangangailangan) Fund, gagamitin para sa legal, medical, financial at iba pang uri ng tulong para sa overseas Filipino workers, gaya ng ‘repatriation ay intervention’ para protektahan ang karapatan ng mga mamamayan.

 

 

“The President talked to President Trump and our ambassador has assured them that they’ll give them the assistance,” ang sinabi ni De Vega. (Daris Jose)

Akusado sa 990 kilos na shabu, naghain ng not guilty

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NOT GUILTY plea ang inihain ng abogado ng mga akusadong pulis sa 990 kilos shabu sa ginanap na arraignment  Lunes ng umaga, Enero 27.

 

Dahil dito, itinakda ng Manila Regional Trial Court (MRTC)  Branch 175 sa Pebrero 14  ang pre-trial para sa kasong paglabag sa RA 9165 sa 29 na mga pulis.

Kaugnay ito sa narekober na 990 kilo ng sahbu sa isang gusali sa Tondo Maynila noong 2022.

Bagama’t tumangging magbigay ng plea ang kampo ni MSgt Rodolfo Mayo Jr dahil sa nakabinbin nilang motion to quash sa paglilitis…ang abogado na ang naghain ng not guilty plea para sa kanya

 

Hindi naman sumipot ang mga abogado ng ilan sa mga akusado na nakalalaya pa rin kasama na si PLCol Glenn Gonzalez

 

Samantala, tinalakay din ng korte ang kanya kanyang hiling ng mga akusado sa kanilang detention, kung ililipat ba sa PNP Custodial Center

 

Kasama rin dito si Patrolman James Osalvo na hiniling mailipat sa PNP General Hospital at mabantayan ng isang kamag-anak

 

Ito ay dahil sa kondisyong medikal ng pulis na nasangkot sa aksidente at nasa kustodiya ngayon ng Custodial Center sa Kampo Crame. (Gene Adsuara)

Mga pro-China candidates sa halalan, huwag iboto

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMAPELA si House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V sa mga Pinoy na huwag iboto ang mga  pro-China candidates ngayong darating na May midterm elections.

 

Kasunod na rin ito sa ulat na gumamit ng sonic device ang isang  Chinese vessel sa Philippine Coast Guard ship malapit sa Zambales.

 

Ang device ay nagpapakawala ng nakakabinging ingay o noise, na nagbibigay panganib sa kalusugan at kaligtasan ng mga personnel ng bansa.

 

“This is no longer just about the West Philippine Sea—it’s about our future as a nation. Supporting candidates who are soft on China is the same as endorsing the harassment of our Coast Guard and the exploitation of our natural resource,” anang mambabatas.

 

Lalo pang pinalalakas ng Tsina ang kanilang presensiya sa wps, gamit ang  water cannons at ngayon ay acoustic weapons para takutin ang mga pinoy.

 

“Bawat Pilipino ay dapat magtanong: Pahihintulutan ba natin na kontrolin ng China ang ating mga desisyon? O pipiliin natin ang mga lider na ipaglalaban ang ating soberanya at hindi magpapadala sa mga dayuhang mananakot?” pahayag pa ni Ortega.

 

Hinikayat pa nito ang mga botante na gamitin ang kanilang balota bilang armas aat depensa laban sa panghihimasok ng dayuhan.

 

“A vote for pro-China candidates is a vote against the heroes who fought for our independence, the fishermen fighting for their livelihood, and the Coast Guard risking their lives to protect our seas. We must elect leaders who put the Philippines first—leaders who champion our flag in every forum and stand shoulder-to-shoulder with our people in adversity,” pagtatapos nito. (Vina de Guzman)

Bagong China Town bubuksan sa Quezon City

Posted on: January 27th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISANG  bagong Chinatown sa Banawe area ang nakatakdang buksan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte  kaugnay ng  hitik sa sayang selebrasyon ng Chinese New Year sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte na itatampok sa nasabing event ang commitment ng pamahalan ng Quezon City upang isulong ang turismo at ipakita sa mga bisita partikular na sa mga turista ang kakaibang kasaysayan ng magkalong kultura at modernong mga darayuhin sa lugar.

Samantalang isa ring makulay na mga aktibidad ang masasaksihan sa Martes , Enero 29  ang selebrasyon ng Chinese New Year na sisimulan sa Dance Fit session.

“Then a ribbon-cutting ceremony will be led by the mayor, marking the official launch of the redesigned City Chinatown,” pahayag ni Engelbert Apostol, Chief ng Public Affairs and Information Service Department ng naturang siyudad.

Aniya ang bagong disenyong QC Chinatown ay siguradong makakahalina sa lugar bilang pa­ngunahing hub ng turismo, kultura at maging sa komersiyo.