• October 21, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 21, 2025
    Current time: October 21, 2025 8:39 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 26th, 2025

Administrasyong Trump, pinagtibay ang kahalagahan ng ‘trilateral cooperation’ sa Pinas, Japan

Posted on: January 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINAGTIBAY ni US Secretary of State Marco Rubio ang commitment ng Estados Unidos na panatilihin ang trilateral cooperation nito sa Pilipinas at Japan sa ilalim ng administrasyon ni US President Donald Trump.

Muli itong inulit ni Rubio sa isinagawang bilateral meeting kasama si Japan’s Foreign Minister Iwaya Takeshi sa Washington DC noong Enero 22 (Manila time).

Sinabi ng Japanese Ministry of Foreign Affairs, na “The two Ministers concurred on the importance of further developing coordination of like-minded countries, including Japan-US-Republic of Korea, Japan-Australia-India-US, and Japan-US-Philippines.”

 

Sinabi naman ng State Department na tinalakay ng dalawang opisyal kung paano ang Estados Unidos at Japan ay magkatuwang na magta-trabaho at kapit-bisig “to counter ongoing threats in the Indo-Pacific and around the world, including joint efforts against China’s destabilizing actions”.

Nauna rito, binigyang diin naman ng Tokyo ang pangangailangan para sa presensiya ng Estados Unidos sa Asya, lalo na sa gitna ng inilarawan nito bilang “increasingly severe strategic environment” sa rehiyon.

Sa kanyang naging pagbisita sa Maynila noong Enero 15, araw ng Miyerkules, sinabi ni Iwaya na ang trilateral Japan-US-Philippines relations ay “highly important framework” para maunawaan ang malaya at bukas na Indo-Pacific.

 

 

“Southeast Asia is located at a strategic pivot in the Indo-Pacific and is a world growth center, thus partnership with Southeast Asia is vital for regional peace and stability,” ang sinabi naman ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.

“We will approach the next US administration to convey that constructive commitment of the United States in this region is important, also for the United States itself,” dagdag na wika ni Manalo.

 

 

Sa nasabi pa ring araw, muli namang pinagtibay ng mga foreign ministers ng QUAD member states na sina Rubio, Iwaya, Indian Foreign Minister Subrahmanyam Jaishankar, at Australian Foreign Minister Penny Wong ang kanilang “shared commitment to strengthening a free and open Indo-Pacific where the rule of law, democratic values, sovereignty, and territorial integrity are upheld and defended”.

 

 

Sa kanyang confirmation hearing, inilarawan ni Rubio ang naging aksyon ng Beijing sa Asia Pacific bilang “deeply destabilizing” at hinikayat ang Tsina na iwasan ng gumawa ng “anything rash or irrational” pagdating sa Pilipinas at Taiwan kung ito ay seryoso na gawing matatag ang US-China relations. (Daris Jose)

PBBM, hindi hinahadlangan ang impeachment complaints laban kay VP Sara

Posted on: January 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINDI hinahadlangan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang proseso ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

 

Sa press briefing sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, pinabulaanan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang pahayag ng mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na di umano’y ang pakikialam ni Pangulong Marcos ang dahilan ng pagkaantala sa impeachment proceedings laban kay VP Sara.

 

“He (Marcos) is not blocking. He cannot do that because it is the discretion of the collective of the lower house. If they decide to initiate, there is no way of preventing that,” ang sinabi ni Bersamin.

 

 

Ipinahahayag lamang aniya ni Pangulong Marcos ang pananaw nito sa impeachment move subalit hindi dinidiktahan ang Kongreso na ipagpaliban ang proseso ng reklamo.

 

Sinabi pa niya na may karapatan ang Kongreso na mag-endorso ng impeachment complaints laban kay VP Sara.

 

“You know, that under the constitution, the impeachment must emanate from the lower house, okay? Now, if the President has made the statement at all, about that process, it is only an opinion that he stated because he probably the thinking of the President is that might be distracting us from our agenda or our move forward,” aniya pa rin.

 

“We cannot dictate on the lower house. It is co-equal, belongs to a co-equal branch of government. All we were saying, the President was saying to the lower house, this is my position,” ang sinabi ni Bersamin.

 

 

Matatandaang, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi ito pabor sa anumang balakin na i-impeach o patalsikin sa puwesto si VP Sara dahil maaapektuhan umano ang trabaho ng mga kongresista at senador.

 

 

Sinabi pa ni Pangulong Marcos na hindi ikagaganda ng buhay ng mga Pilipino ang pag-impeach kay Duterte.

 

 

Kinumpirma rin ni Marcos ang text message na hinikayat niya ang mga mambabatas na huwag maghain ng impeachment complaint laban kay VP Sara.

 

 

Sa ulat, ang posibleng paghahain ng impeachment complaint laban kay Duterte ay bunga ng hidwaan ni VP Sara kina Marcos at pinsan nito na si Speaker Martin Romualdez.

 

 

Sa Kamara nagmumula ang reklamong impeachment, na kapag naaprubahan ay dadalhin sa Senado upang “litisin” ang opisyal na nais tanggalin sa posisyon.

 

 

Ang mga impeachable official sa bansa ay ang Presidente, Bise Presidente, mga miyembro ng Supreme Court, mga miyembro ng Constitutional Commissions, at ang Ombudsman.

 

 

Bukod sa usapin ng kung papaano o saan ginamit ni Duterte ang kaniyang confidential funds na iniimbestigahan ng mga kongresista, naging kontrobersiyal ang isiniwalat ng bise presidente na may kinausap na siyang papatay kina Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Romualdez, kung may masamang mangyayari sa kanya. (Daris Jose)

Iyak nang iyak habang dinadasalan ng mga pastor: SAM, nangako na tatapusin ang ginagawang simbahan sa Baseco

Posted on: January 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SA recent na pakikipag-usap namin kay Sam Verzosa natanong kung paano ang relationship niya with the Lord; paano siya magdasal?

Dito niya naikuwento ang isang pangyayari habang nag-iikot siya sa kalakhang Maynila bilang parte ng pagtakbo niya bilang Alkalde ng Maynila.

“Alam niyo po, napakaganda…sobrang…habang nag-iikot po ako sa Baseco, namimigay kami ng mga rice, napunta ako sa isang dead-end na eskinita.

“Maliliit na ito na mga kalye sa Baseco, sabi nila huwag na ako dumaan, pero may nagsabi sa akin na huminto ako at pumunta ako.

“So naglakad ako, sinuyod ko, habang sinusuyod ko yung eskinita sa Baseco namimigay ako, may tumawag sa akin na tao.

“Sabi niya, ‘Sir, daan po kayo sa church namin’, so in the middle ng pag-iikot ko sa Baseco, dinala po ako sa isang Christian church at sa kalagitnaan nun, nagdadasal sila, nagwo-worship sila.

“Nakapikit yung pastor, nagdadasal, yung how to overcome our problems, na pagpasok ko pati ako nadala dun sa sinasabi ng pastor, na kasi ako kahit papaano hindi naman ako perpekto, may dinadala rin ako minsang bigat, may problema na nasa puso ko. “Nung narinig ko yung pastor, kahit papaano nawala yung bigat sa puso. Tapos ito pa yung pinaka nakakataas ng balahibo, e.

“Nakapikit siya nung nagdadasal siya, pagdilat ng mata niya, ako yung nakita niya, e matagal na rin daw niyang dinadasal na sana makadalaw ako dun, kasi hindi pa kami nagmi-meet ever.

“E nandito ito sa pinakagilid-gilid na lugar sa Baseco, hindi na ito nadadalaw, loob-looban ‘to e, dead-end na nga, e.

“Tapos napunta ako dun ng walang plano.”

Sino ang humila sa kanya?

“Isang tao lang. Random lang. Sabi niya, ‘Mayor SV, daan po kayo sa simbahan namin’, so ako naman, kasi pahila siya e, kaya ako napasamaPagpasok ko, yun na, hanggang nagulat siya, hanggang dinasalan nila ako. “Alam ninyo, iyak ako ng iyak kanina.

Actually, yun yung highlight ng araw ko, iyak ako ng iyak kanina.  Dinasalan nila ako after, lolo’t lola, pastor, may isang Korean pastor pa dun.

“So nakapikit lang ako habang dinadasalan nila ako. “Habang umiikot daw ako, sana hindi lang ako yung nakikita ng mga tao, kundi yung Diyos, yung Panginoon, ang nakikita ng tao, pag umiikot ako at tumutulong ako, talagang kinilabutan ako e.

“Iyak po ako ng iyak.

“Tapos ito pa, nahatak na naman ako ng isang leader dun na nagpapagawa ng isang simbahan.

“At nangako ako, sabi ko, ako magpapatapos nitong simbahan na ‘to sa Baseco, sabi ko, tatapusin natin ‘to in how many months.”

Mga ilang percent na ba ang simbahan?

“Wala. Wala pa, halos hollow blocks pa lang e. Sabi ko tatapusin ko ‘to, kasi nasa dulo na ‘to e, sa may Baseco beach. So, sabi ko, dinala ako ng Diyos dun for a reason.”

(ROMMEL L. GONZALES) 

Musical crime drama na ‘Emilia Pérez’, nanguna sa 13 nominasyon: KARLA SOFÍA GASCÓN, first trans actress na na-nominate sa Academy Awards

Posted on: January 26th, 2025 by Peoples Balita No Comments
INIHAYAG na noong Huwebes, ika-23 ng Enero sa Los Angeles ang mga nominasyon para sa 97th Oscars.
Ang musical crime drama na ‘Emilia Pérez’ ay nangunguna sa lahat ng mga pelikula na nakakuha ng 13 nominasyon, kabilang ang makasaysayang pagkilala para kay Karla Sofía Gascón, ang first transgender performer sa kasaysayan ng Oscar na hinirang para sa Best Actress.
Habang ang ‘Emilia Pérez’ ang nangibabaw sa mga nominasyon, mayroong hindi pagkaka-nominate kay Selena Gomez para sa Best Supporting Actress, na kung saan sa naturang kategorya siya hinirang ng British Academy of Film and Television Awards at ng Golden Globes.
Samantala, ang historical epic na ‘The Brutalist’ at musical na ‘Wicked’ ay parching nominado para sa 10 Oscars, habang ang Bob Dylan biopic na ‘A Complete Unknown’ at papal thriller na ‘Conclave’ ay may tig-walong nominasyon.
Ilang naman unang beses na nominado sa Oscars ay sina Sebastian Stan ay nakakuha ng nominasyong Best Actor para sa ‘The Apprentice’, habang si Jeremy Strong ay nakakuha ng Best Supporting Actor para sa naturang pelikula.  Ang iba pang mga first-time nominees sa kategoryang Best Supporting Actor ay sina Yura Borisov (Anora), Kieran Culkin (A Real Pain) at Guy Pearce (The Brutalist).
Kabilang sa mga first-time nominees sa Best Actress category sina Gascón, Mikey Madison (Anora), Demi Moore (The Substance) at Fernanda Torres (I’m Still Here).
Maglalaban naman para kanilang unang Oscars sa kategoryang Best Supporting Actress sina Monica Barbaro (A Complete Unknown), Ariana Grande (Wicked), Isabella Rossellini (Conclave) at Zoe Saldaña (Emilia Pérez).
Ang nominasyon ay inihayag nina ‘Wicked at ‘Saturday Night Live’ star na si Bowen Yang at ‘Saturday Night’ star na si Rachel Sennott.
Nauna nang inanunsyo ng CEO ng AMPAS na si Bill Kramer at President Janet Yang na ang seremonya ng Oscars ay tuloy pa rin para sa Linggo, Marso, 2. Hinihikayat rin nila sa mga manonood na sumali sa mga relief efforts kasunod ng malawakang pagkawasak na iniwan ng mga wildfire.
Narito ang complete list of nominees…
Best Picture: Anora, The Brutalist, A Complete Unknown, Conclave, Dune: Part TwoEmilia Pérez, I’m Still Here, Nickel Boys, The Substance, Wicked
Best Directing: Jacques Audiard, Emilia Pérez; Sean Baker, Anora; Brady Corbet, The Brutalist; Coralie Fargeat, The Substance, James Mangold, A Complete Unknown
Best Actor In A Leading Role: Adrien Brody, The Brutalist; Timothée Chalamet, A Complete Unknown; Colman Domingo, Sing Sing; Ralph Fiennes, Conclave; Sebastian Stan, The Apprentice
Best Actress In A Leading Role: Cynthia Erivo, Wicked; Karla Sofía Gascón, Emilia Pérez; Mikey Madison, Anora; Demi Moore, The Substance; Fernanda Torres, I’m Still Here
Best Actor In A Supporting Role: Yura Borisov, Anora; Kieran Culkin, A Real Pain; Edward Norton, A Complete Unknown; Guy Pearce, The Brutalist; Jeremy Strong, The Apprentice
Best Actress In A Supporting Role: Monica Barbaro, A Complete Unknown; Ariana Grande, Wicked; Felicity Jones, The Brutalist;Isabella Rossellini, Conclave; Zoe Saldaña, Emilia Pérez
Best Adapted Screenplay” A Complete Unknown, James Mangold and Jay Cocks; Conclave, Peter Straughan; Emilia Pérez, Jacques Audiard in collaboration with Thomas Bidegain, Léa Mysius and Nicolas Livecchi; Nickel Boys, RaMell Ross & Joslyn Barnes; Sing Sing, Clint Bentley, Greg Kwedar; Story by Clint Bentley, Greg Kwedar, Clarence Maclin and John “Divine G” Whitfield
Best Original Screenplay: Anora, Sean Baker; The Brutalist, Brady Corbet & Mona Fastvold; A Real Pain, Jesse Eisenberg; September 5, Moritz Binder and Tim Fehlbaum and co-written by Alex David; The Substance, Coralie Fargeat
Best Costume Design: A Complete Unknown, Arianne Phillips; Conclave, Lisy Christl; Gladiator II, Janty Yates and Dave Crossman; Nosferatu, Linda Muir; Wicked, Paul Tazewell
Best Makeup And Hairstyling: A Different Man, Mike Marino, David Presto and Crystal Jurado; Emilia Pérez, Julia Floch Carbonel, Emmanuel Janvier and Jean-Christophe Spadaccini; Nosferatu, David White, Traci Loader and Suzanne Stokes-Munton; The Substance, Pierre-Olivier Persin, Stéphanie Guillon and Marilyne Scarselli; Wicked, Frances Hannon, Laura Blount and Sarah Nuth
Best Original Score: The Brutalist, Daniel Blumberg; Conclave, Volker Bertelmann; Emilia Pérez, Clément Ducol and Camille; Wicked, John Powell and Stephen Schwartz; The Wild Robot, Kris Bowers
Best Live-Action Short Film: A Lien, Anuja, I’m Not a Robot, The Last Ranger, The Man Who Could Not Remain Silent
Best Animated Short Film: Beautiful Men, In the Shadow of the Cypress, Magic Candies, Wander to Wonder, Yuck!
Best Production Design: The Brutalist, Production Design: Judy Becker; Set Decoration: Patricia Cuccia, Conclave, Production Design: Suzie Davies; Set Decoration: Cynthia Sleiter, Dune: Part Two, Production Design: Patrice Vermette; Set Decoration: Shane Vieau, Nosferatu, Production Design: Craig Lathrop; Set Decoration: Beatrice Brentnerová, Wicked, Production Design: Nathan Crowley; Set Decoration: Lee Sandales,
Best Cinematography: The Brutalist, Lol Crawley; Dune: Part Two, Greig Fraser; Emilia Pérez, Paul Guilhaume; Maria, Ed Lachman; Nosferatu, Jarin Blaschke
Best Film Editing: Anora, Sean Baker; The Brutalist, David Jancso; Conclave, Nick Emerson; Emilia Pérez, Juliette Welfling; Wicked, Myron Kerstein
Best Original Song: “Never Too Late” from Elton John: Never Too Late. Music and Lyrics by Elton John, Brandi Carlile, Andrew Watt and Bernie Taupin; “El Mal” from Emilia Pérez. Music by Clément Ducol and Camille; Lyric by Clément Ducol, Camille and Jacques Audiard; “Mi Camino” from Emilia Pérez. Music and Lyric by Camille and Clément Ducol; “Like A Bird” from Sing Sing. Music and Lyric by Abraham Alexander and Adrian Quesada; “The Journey” from The Six Triple Eight. Music and Lyrics by Diane Warren
Best Documentary Feature Film: Black Box Diaries, No Other Land, Porcelain War, Soundtrack to a Coup d’Etat, Sugarcane
Best Documentary Short Film: Death by Numbers, I Am Ready, Warden, Incident, Instruments of a Beating Heart; The Only Girl in the Orchestra
Best International Feature Film: Brazil, I’m Still Here; Denmark, The Girl With the Needle; France, Emilia Pérez; Germany, The Seed of the Sacred Fig; Latvia, Flow
Best Animated Feature Film: Flow, Inside Out 2, Memoir of a Snail, Wallace & Gromit: Vengeance Most Fowl, The Wild Robot
Best Sound: A Complete Unknown, Tod A. Maitland, Donald Sylvester, Ted Caplan, Paul Massey and David Giammarco; Dune: Part Two, Gareth John, Richard King, Ron Bartlett and Doug Hemphill; Emilia Pérez, Erwan Kerzanet, Aymeric Devoldère, Maxence Dussère, Cyril Holtz and Niels Barletta; Wicked, Simon Hayes, Nancy Nugent Title, Jack Dolman, Andy Nelson and John Marquis; The Wild Robot, Randy Thom, Brian Chumney, Gary A. Rizzo and Leff Lefferts
Best Visual Effects: Alien: Romulus, Eric Barba, Nelson Sepulveda-Fauser, Daniel Macarin and Shane Mahan; Better Man, Luke Millar, David Clayton, Keith Herft and Peter Stubbs; Dune: Part Two, Paul Lambert, Stephen James, Rhys Salcombe and Gerd Nefzer; Kingdom of the Planet of the Apes, Erik Winquist, Stephen Unterfranz, Paul Story and Rodney Burke; Wicked, Pablo Helman, Jonathan Fawkner, David Shirk and Paul Corbould
Ang winners ng 97th Oscars ia-announce sa live ceremony on Sunday, March 2, in Los Angeles. Si Conan O’Brien ang magho-host sa live broadcast, na i-air sa ABC-TV and streaming sa Hulu.
 (ROHN ROMULO)