• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 22, 2025
    Current time: October 22, 2025 8:27 PM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 21st, 2025

Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NATAPOS ang kampanya ng Pilipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup.

Ito ay matapos na talunin sila ng Australia 2-1 sa qualifiers sa laro na ginanap sa Tashkent, Uzbekistan.

Mayroon silang kabuuang dalawang panalo, isang draw at isang talo sa pitong puntos sa Group C.

Nanguna sa grupo ang Australia na naipanalo ang lahat ng apat na laro.

Tanging si Halle Smit ang nakapagtala ng puntos sa Pilipinas habang sa Australia ay sina Daisy Arrowsmith at Jessica Au.

Hihintayin pa ng Pilipinas ang ibang mga resulta para malaman kung sila ay aabanse sa actual tournament na gaganapin sa China sa Mayo.

 

Djokovic pasok na sa quarterfinals ng Australian Open

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

PASOK na sa quarterfinals ng Australian Open 2025 si 10-time champion Novak Djokovic.

Tinalo ng 37-anyos na Serbian tennis star si Jiri Lehecka ng Czech Republic sa score na 6-3, 6-4, 7-6 (7/4).

Dahil dito ay makakaharap niya si Carlos Alcaraz.

Target ni Djokovic na maitala ang pang-25 na Grand Slam title.

Ito na rin ang pang-61 quarterfinal appearance ni Djokovic sa mga major tennis games.

NHA nagsagawa ng unang Housing Caravan para sa 2025

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

INILUNSAD ng National Housing Authority (NHA) ang unang Housing Caravan para sa 2025 na ginawa sa Dorothea Homes 1, Brgy. Halang, Naic, Cavite. Layunin ng inisyatibong ito na palakasin ang ugnayan sa mga benepisyaryo ng NHA at magbigay ng pagkakataon upang tugunan ang kanilang mga katanungan at alalahanin kaugnay ng pabahay.

 

Ang aktibidad ay dinaluhan nang mahigit 500 benepisyaryo na pinangunahan ni NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano sa patnubay ni NHA General Manager Joeben Tai. Ginamit ng mga dumalo ang forum bilang pagkakataon upang magtanong tungkol sa kanilang mga alalahanin sa pabahay, partikular sa amortisasyon.

 

Ang mga residente mula sa Dorothea Homes 1 & 2, Harbour Homes, Brgy. Ang Calubcob Parkstone Estate at Naic View ay ipinaunlakan din ang kanilang mga katanungan pangangasiwa ng technical unit, community support services, finance services at estate management ng NHA Cavite District Office.

 

Kasama ni AGM Feliciano sa programa si Engr. Emma Monica R. Anacan, Officer-in-Charge ng Cavite District Office.

 

Noong nakaraan, nagsagawa naman ang ahensya ng dalawang Housing Caravan na dinaluhan ng mahigit 1,500 na benepisyaryo sa Baras, Rizal at Cabuyao, Laguna.

 

Samantala, kabuuang 109 pamilya ng mga biktima ng sunog mula sa Davao City, Davao Oriental, Davao de Oro, at Pasay City ang nakatanggap ng tulong sa ilalim ng Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng NHA.

 

Ang programang ito ay nagbibigay ng pinansyal na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga kalamidad upang makatulong sa muling pagsisimula at muling pagtatayo ng kanilang mga tahanan. (PAUL JOHN REYES)

Manila mayoralty ‘tight race’ – survey

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

HABANG papalapit ang 2025 elections, umiinit ang labanan sa politika sa Lungsod ng Maynila na pinangungunahan ng tatlong pangunahing kandidato na sina dating­ Mayor Isko Moreno, kasaluku­yang Mayor Honey Lacuna, at Congressman Sam Versoza.

Batay sa inilabas ng HKPH Public Opinion and Research Center, kasama ang Hong Kong-based Asia Research Center, nangunguna si Moreno na may 46% voter preference, na nagpapakita ng kanyang patuloy na kasikatan kahit matapos ang kontro­bersyal niyang pagtakbo sa pagkapangulo noong 2022.

Sumusunod si Lacuna na may 31% ng suporta mula sa mga botante. Matapos niyang maitalaga bilang alkalde mula sa pagiging bise alkalde, tutok si Lacuna sa paglutas ng mga suliraning panglungsod at pagpapanatili ng kaayusan. Sa patuloy na paglakas ng kanyang kampanya, tiwala ang kanyang kampo na maaari pang humabol sa resulta.

Samantala, si Versoza, baguhan sa politika ng Maynila, ay nakakuha ng 15% voter preference. Kilala siya sa makabago niyang kampanya at malakas na koneksyon sa mga kabataang botante.

Ayon sa survey, 8% ng mga respondent ang nananatiling undecided, na nagbibigay-diin sa pagiging hindi tiyak ng resulta ng eleksyon.

Ayon kay Steven Su, program director ng HKPH-ARC, mahalaga ang papel ng mga undecided voters. “Wala pang kandidato ang nakakuha ng mayorya, kaya’t napakahalaga ng desisyon ng mga undecided voters sa magiging resulta,” ani Su.

Ang survey ay isinagawa sa 1,800 rehistradong botante mula sa anim na distrito ng Maynila.

Pinas, Tsina nagpulong sa Xiamen para pag-usapan ang mga isyu ukol sa South China Sea

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGPULONG ang mga opisyal ng Pilipinas at Tsina sa Xiamen, China, para sa 10th consultative meeting ng Bilateral Consultation Mechanism on the South China Sea.

Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Foreign Undersecretary Ma. Theresa Lazaro na nagkaroon siya ng tapat at konstruktibong talakayan kasama si Chinese Vice Foreign Minister Chen Xiaodong hinggil sa South China Sea at iba pang bilateral issues.

 

Hindi namang idinetalye ni Lazaro ang nasabing “frank discussions’ ipinaalala nito sa Beijing ng kanilang Provisional Understanding hinggil sa ‘rotation at reprovisioning missions’ ng PIlipinas sa Ayungin Shoal at positibong resulta nito.

“Our position is clear and consistent, but so is our willingness to engage in dialogue. We firmly believe that despite the unresolved challenges and differences, there is genuine space for diplomatic and pragmatic cooperation in dealing with our issues in the South China Sea,” ang sinabi ni Lazaro sa naturang pulong.

Winika pa ni Lazaro na nagpahayag ng kanyang seryosong alalahanin ang Maynila ukol sa mga aktibidad ng ‘Chinese cutters’ sa Philippine maritime zones na ‘inconsistent’ sa 1982 UN Convention on the Law of the Seas at Philippine Maritime Zones Act.

Ang tinutukoy ng diplomat ay ang intrusyon ng Beijing sa Philippine territorial waters, partikular na ang pag-deploy coast guard cutters, isa sa mga ito ay ang pinakamalaking coast guard vessel sa buong mundo.

Hindi naman tinukoy ng veteran diplomat ang naging tugon ng Beijing, subalit ang pagpupulong ay isinagawa matapos na hikayatin ni Sen. Marco Tubio, nominado ni US President-elect Donald Trump sa US state department, ang Tsina na “stop messing around” sa Pilipinas at Taiwan.

Kapwa naman hinikayat ng mga opisyal ng Maynila at Washington ang Beijing na pagsumikapan na patatagin ang situwasyon sa South China Sea at sa mga lugar na nakapalibot sa Taiwan, isa ring treaty ally ng Estados Unidos.

“The actions they are taking now are deeply destabilizing. They are forcing us to take counteractions because we have commitments to the Philippines and we have commitments to Taiwan that we intend to keep,” ang sinabi ni Rubio sa mga US senator sa idinaos na confirmation hearing, araw ng Huwebes.

If they want to destabilize the relationship or they want to at least create some pathway for stabilization of our relationship with them, they really need to stop messing around with Taiwan and with the Philippines because it’s forcing us to focus our attention in ways we prefer not to have to,” ang sinabi ng senador. (Daris Jose)

 

Ads January 21, 2025

Posted on: January 21st, 2025 by Peoples Balita No Comments