• October 22, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 23, 2025
    Current time: October 23, 2025 6:17 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 19th, 2025

Disbarment complaint laban kay FPRRD, inihain sa SC

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGHAIN  ng disbarment complaint ang pamilya ng mga bitkima ng extrajudicial killings o EJK laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa tanggapan ng Korte Suprema, Enero 17.

 

Giit ng pamilya ng mga biktima ng EJK, bitbit ang mga plakards na walang karapatan at hindi karapat-dapat  na maging abogado ang dating pangulo.

 

Sinabi ng abogado na  si Atty. Vicente Jaime Topacio na siya ay anak ng peace consultants na si Agaton Topacio at Eugenia Magpantay na pinatay sa panahon ng Duterte administration.

 

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, hindi sila mapapagod na lumaban at hiiling  nila sa Kataas-taasang Hukuman na bigyan  ng dignidad ang kanilang pagkatao na magkaroon ng karapatan na magkaroon ng hustisya.

 

Maalala sa isang congressional hearing, sinabi ni Duterte na aakuhi niya ang ‘full responsibility’ sa war on drugs ng kanyang administrasyon.

 

Sa rekord ng gobyerno, nasa humigit-kumulang 6,2000 drug suspect ang napatay sa police operations mula Hunyo 2016 hanggang Nobyembre 2021 ngunit pinabulaanan ito ng human rights group  at sinabing ang bilang ay umabt sa higit 30,000 dahil sa unreported related killings. (Gene Adsuara)

PBBM tiniyak na disaster resilient ang mga housing projects sa Leyte

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na disaster resilient o matibay at kayang sumagupa sa  kalamidad gaya ng malalakas na hangin at maging ng lindol ang mga bahay na nai- turn over ngayong araw sa mga pamilyang naapektuhan ng Super Typhoon Yolanda sa  Burauen, Leyte.

Ayon kay Pang. Marcos masusing idinisenyo  ang mga housing units ng National Housing Authority (NHA) at ready for occupancy na ito ng mga beneficiaries.

Nagpahayag din ng kumpiyansa ang Pangulo sa NHA at DHSUD na palalawigin pa ng mga ito ang pagtuklas ng mga disenyo ng mga pabahay na pinatatayo ng gobyerno lalo at iba na ang hamon ng panahon.

Nilinaw naman ni Pangulong Marcos na libre ang ipinamahaging mga Bahay sa mga biktima ng bagyong Yolanda Kasama na din ang loteng pinagtitirikan ng mga housing units.

Ibig sabihin, walang babayarang buwanang amortisasyon ang mga beneficiaries at hindi na maniningil pa ang gobyerno sa kanila. (Daris Jose)

Pangulong Marcos, VP Sara dumausdos pa satisfaction ratings – SWS

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KAPWA  dumausdos ang satisfaction ratings nina Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte noong Disyembre 2024.

Sa latest Social ­Weather Stations (SWS) survey, ang net satisfaction rating ni Marcos ay pumalo sa +19 noong December 2024, o 13 percent na mas mababa sa +32 noong September 2024.

Ang pagbaba ay naitala sa lahat ng rehiyon sa bansa maliban sa kanyang balwarte sa balance Luzon na 60 percent ng mga Pinoy ang naghayag ng satisfaction mula June 2024.

Sa naturang survey lumabas na noong December 2024, 51% ng mga Pinoy ay satisfied kay Marcos habang 52% ang satisfied kay Duterte.

Nakita ang pagbaba sa satisfaction sa ­Mindanao, ang balwarte ng pamilyang Duterte. Mula 52 percent noong September 2024 ay naging 32% nitong December 2024 habang ang dissatisfaction ay tumaas na mula 36% ay naging 50% noong December 2024.

Samantala ang net satisfaction ni Duterte noong December 2024 ay pumalo sa +21 o 6% na mas mababa noong September 2024.

Nakapagtala si Duterte ng pinaka- mababang percentage ng ­“satisfied” sa NCR na 39%, mababa sa 51% noong September 2024 habang ang kanyang ­pinakamataas na satisfaction ay nananatiling mataas sa Mindanao, 79 percent.

Ang dissatisfaction rating ng dalawang pinakamataas na opisyal sa bansa ay halos pareho lamang na may 32% kay Marcos habang 31% kay Duterte samantalang 16% ang undecided. (Daris Jose)

CIBAC Party List Rep. Bro. Eddie Villanueva, tinutulan ang pagpapatupad ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) Program sa mga paaralan

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAHIGPIT na tinutulan ni CIBAC Party List Rep. Bro. Eddie Villanueva ang pagpapatupad ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) Program sa mga paaralan.

 

“Papayag ka ba na mga taong hindi mo kilala at hindi mo alam ang totoong katauhan ang magtuturo sa mga anak o apo mo ng maseselang bagay tungkol sa sex, porn literacy, masturbation, oral sex, at anal sex? Walang matinong magulang ang papayag nito. Pero sa tinutulak ngayon na Senate Bill 1979, otherwise known as Prevention of Adolescent Act or Anti-Teen Pregnancy Law, mapwe-pwersa ang mga magulang na ipagkatiwala na lang sa mga taong hindi nila kilala ang pagtuturo ng patungkol sa sex sa kanilang mga inosenteng anak,” ani Villanuueva.

 

Ayon sa mambabatas, maselan na subject ang sex education na dapat ay maingat na tratuhin.

 

“Sex education programs should be approached with caution, maselan ito, at delikado, dahil hindi naman lahat ng guro ay may takot sa Diyos. May ilan na maaaring mag-abuso ng kanilang posisyon, at samantalahin ang innocense ng mga estudyante in the process of teaching CSE,” dagdag pa nito.

 

Nangangamba pa ito s aposibilidad na maituro sa CSE ang ‘age-inappropriate lessons’ na posibleng mauwi sa maagang sexualization, misunderstanding sa konsepto ng pag-iingat at kahinhinan at pagsasawalang bahala sa halaga ng kalinisang puri, respeto at disiplina sa mga bata.

 

Nanawagan naman ito sa senado na ikunsidera ang ibang paran para maiwasan ang teen pregnancy.

 

“Kaya nananawagan po tayo sa Senado ng Pilipinas, lalo na sa mga senador na pinagpipilitan ang sex education na ito. Maawa naman po kayo sa kabataang Pilipino. Kung gusto ninyo silang tulungan makaiwas sa teen pregnancy, mas pagbutihin natin ang pagtuturo ng moralidad sa mga paaralan. Mas pagtuunang-pansin natin ang pag-develop ng curriculum at learning materials patungkol sa Values Education at GMRC o Good Manners and Right Conduct,” pahayag nito.

 

Isinuwestiyon nito ang pagsasagawa ng community-based education programs na magtuturo sa mga magulang kung paano nila magagabayan ang kanilang mga anak sa mga usaping sekswal sa mga mga local government units.

 

Maaari rin aniyang makipag-partner ang pamahalaan sa simbahan at iba pang faith-based groups upang tulungan ang mga kabataan.

 

“Pero ang CSE ay hindi isa sa mga paraang ito.  Kaya naman nananawagan din tayo sa Department of Education na suspindihin ang umiiral ngayong DepEd Order No. 031 series of 2018, na nagpapatupad ng sex education sa mga paaralan,” giit nito. (Vina de Guzman)

P1.4M droga, nasamsam sa 2 tulak sa Caloocan drug-bust

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMABOT sa mahigit P1.4 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang tulak ng illegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Acting Caloocan police chief P/Col. Edcille Canals ang mga suspek na sina alyas “Kuya”, 44, at alyas “Jojo”, 52, kapwa residente ng lungsod.

Ayon kay Col. Canalas, nag-ugat ang operation matapos magpositibo ang natanggap na impormasyon ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y pagpapakalat ng mga suspek ng illegal na droga sa Brgy. 188 at kalapit na mga barangay.

Dakong alas-3:53 ng madaling araw nang agad dambahin ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/Lt Restie Mables ang mga suspek sa Brgy. 188 ng lungsod matapos bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 206 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P1,400,800.00 at buy bust money na isang tunay na P500 bill at walong P1,000 boodle money.

Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) under Republic Act 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni Col. Ligan ang mga operatiba ng CCPS-SDEU sa kanilang propesyonalismo, dedikasyon, at pambihirang pagganap sa napakahalagang operasyong ito.

Aniya, ang matagumpay na operasyon ay isang patunay sa hindi natitinag na pangako ng NPD na puksain ang mga aktibidad ng ilegal na droga at lumikha ng mas ligtas na komunidad para sa mga residente ng Metro Manila. (Richard Mesa)

Hindi nabayarang P59.6-billion hospital claims ng Philhealth, pinasisilip

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINASISILIP  ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez sa Kamara ang hospital reimbursement claims na nagkakahalaga ng P59.6 billion na hindi nabayaran ng Philhealth.

Nakapaloob ito sa inihain niyang Resolution No. 2173.

 

“These non-payments of claims have resulted in the partial closure of some medical services of hospitals, and in some cases the full closure of hospitals,” ani Rodriguez.

 

Dagdag pa aniya ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho dala na rin sa partial o full closure ng mga ospitals.

 

Sinabi pa ng mambabatas na importante na mabusisi ito ng Kamara upang makahanap ng paraan kung papaano matutulungan ang mga naturang ospital at mabayaran sila ng Philhealth.

 

Ang bigong pagbabayad o reimbursement ng Philhealth sa mga ospital nitong nakalipas na pitong taon ay nabunyag sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Health.

 

Sinabi nito na ang mga claims na na-deny o ibinalik sa mga ospital ay dahil sa “for correction.”

 

Inimpormahan ng Philhealth ang mga mambabatas na nitong 2024 ay nasa 483,000 ang denied claims na nagkakahalaga ng P4.7 billion; habang mula 2018 hanggang 2023, ay nasa 3milyong claims na nasa-total na P32.4 billion ang na-reject.

 

Iniulat ng Department of Health na karamiihan sa mga natanggihang claims ay dahil sa kabiguan ng mga ospital na mai-file ito sa loob ng 60 araw na isinasaad sa batas. (Vina de Guzman)

LTO inatasan ang Regional Directors na tapusin ang pamamahagi ng plaka ng tricycle bago ang Abril 30, 2025

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang lahat ng mga regional director na tiyaking maipamahagi na ang lahat ng plaka ng tricycle, partikular ang mga ginagamit sa pampublikong transportasyon, bago ang Abril 30 ngayong taon.

 

Ang kautusan ay inilabas matapos lumabas sa imbentaryo ng mga naimprentang plaka na sapat na ang bilang ng mga ito para sa lahat ng tricycle sa buong bansa. Ang natitirang hamon na lamang ay kung paano ito maipapamahagi sa tamang mga may-ari.

 

Ipinaliwanag ni Asec Mendoza na kumpiyansa ang ahensya na matatapos ang distribusyon ng plaka ng tricycle sa buong bansa dahil sa malaking pag-unlad sa proseso ng pag-iimprenta ng plaka mula noong nakaraang taon.

 

“Bahagi ito ng aming catch-up plan para maipamahagi ang mga plaka. Tulad ng aming ipinangako, ginagawa namin ang lahat upang mapabilis ang pag-iimprenta, at masaya naming ibinabalita na nagawa na namin ito. Ang hamon na lamang ngayon ay maihatid ang mga ito sa mga may-ari,” ani ni Asec Mendoza.

 

“Nagpapasalamat tayo sa ating DOTr Secretary sa kanyang patuloy na suporta upang masolusyunan ang matagal nang problema sa plaka na nagsimula pa noong 2014,” dagdag niya.

 

Inutusan na rin ni Asec Mendoza ang lahat ng LTO regional director na gumawa at magsumite ng plano kung paano nila ipapamahagi ang mga plaka sa kani-kanilang nasasakupan.

 

Binibigyan aniya ng hanggang Enero 27 ang mga LTO Regional Director upang isumite ang kanilang distribution plan. Layunin nitong gabayan sila sa implementasyon base sa mga nakaraang karanasan.

 

Gayunpaman, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang tagumpay ng programa.

 

“Simula pa noon, malaki na ang papel ng mga LGU sa distribusyon ng plaka. Maging ang mga opisyal ng barangay ay laging handang tumulong. Ang kailangan lang ay maayos na koordinasyon,” ani Asec Mendoza.

 

Ang distribusyon ng plaka ng tricycle ay bahagi ng pagsisikap ng LTO na resolbahin ang backlog ng plaka ng motorsiklo bago ang Hulyo ngayong taon.

 

Naayos na ang backlog ng mga plaka para sa mga sasakyang may apat na gulong noon pang Enero ng nakaraang taon.

 

Binigyang-diin din ni Asec Mendoza ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wastong plaka ng mga tricycle, bilang bahagi ng solusyon sa problema sa mga kolorum na tricycle sa mga bayan at lungsod.

 

Sa Quezon City, halimbawa, nagpasalamat ang lahat ng Tricycle Operators and Drivers Associations (TODA) kay Asec Mendoza matapos masolusyunan ang backlog sa mga plaka. Naipamahagi ang mga ito sa tulong ng LGU ng Quezon City.

 

Bunga nito, sinabi ng mga opisyal ng TODA na lubos na gumanda ang kanilang kita dahil nabawasan na ang mga kolorum na tricycle.

 

“Hangad naming maipakalat ang mabuting halimbawa sa Quezon City sa buong bansa. Sa tulong ng LGU, hindi lang natin malulutas ang backlog kundi pati na rin ang problema sa mga kolorum na tricycle,” ani Asec Mendoza. (PAUL JOHN REYES)

Kelot na wanted sa rape sa Caloocan, tiklo

Posted on: January 19th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISANG 49-anyos na lalaki na kabilang sa Most Wanted Person ng Northern Police District (NPD) ang arestadi nang matunton ng pulisya sa kanyang tirahan sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

 

Tinangka pang isarang muli ni alyas “Paul” ang pintuan ng tinutuluyang bahay sa Kaagapay Road, Brgy. 188 nang matunugang mga pulis ang kumakatok at pinagbuksan niya ng pinto pero nabigo na siya dahil naging alisto ang mga tauhan ni P/Col. Edcille Canals, ang bagong upong hepe ng Caloocan City Police.

 

Iprinisinta kaagad ng mga operatiba ng Sub-Station-14 ng Caloocan police kay alyas Paul ang warrant of arrest na inilabas nito lang Lunes, Enero 13, 2025, ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Rose Sharon Santiago Cordero-Abila ng Branch 129 dahil sa kasong paglabag sa Article 266-A ng Revised Penal Code o Rape.

 

Ani Col. Canals, walang piyansang inirekomenda ang korte para sa pansamantalang paglaya ni alyas Paul na ngayon ay naka-detine sa Tala Police Sub-Station-14 habang hinihintay pa ang paglalabas ng kautusan ng korte para sa paglilipat sa kanya sa Caloocan City Jail.

 

Pinuri naman ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan ang mga operatiba ng Caloocan police sa mabilis na pagkakadakip sa akusado na aniya ay patunay sa kanilang pangako na dakpin ang mga wanted na kriminal upang mapanatili ang katahimikan at maging ligtas sa anumang panganib ng bawa’t komunidad. (Richard Mesa)