• October 24, 2025 WordPress timezone: Asia/Manila
    Current date: October 25, 2025
    Current time: October 25, 2025 2:21 AM

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 14th, 2025

Halos P1 milyon shabu, nasamsam sa HVI na ginang sa Valenzuela

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MULING humimas ng rehas ang isang babaeng tulak ng illegal na droga na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng halos isang milyong peso halaga ng shabu nang maaresto muli ng pulisya sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
          Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) ActinG Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang suspek na si alyas “Shiela”, 46, ng Brgy. Gen T De Leon.
          Ayon kay Col. Cayaban, ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Joan Dorado ang buy bust operation matapos ang natanggap na impormasyon na patuloy umano ang pamamayagpag ng suspek sa pagbebenta ng shabu.
          Batay sa record, dati nang nadakip ng SDEU ang suspek sa buy bust operation noong November 2023 subalit, nang makalabas ay muli umano itong nagpatuloy sa kanyang illegal drug activities.
          Dakong alas-4:20 ng hapon nang arestuhin ng mga tauhan ni Capt. Dorado ang suspek sa Pardrigal Extension, Brgy. Karuhatan matapos umanong bintahan ng P14,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
          Nakumpiska sa suspek ang nasa 140 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P952,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at 14-pirasong P1,000 boodle money, P400 recovered money, cellphone at sling bag.
          Ani PMSg Ana Liza Antonio, kasong paglabag sa Sections 5 at 11 under Article II of RA 9165 ang isasampa nila laban sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.
          Pinuri naman ni NPD Director ang pagsisikap at  dedikasyon ng mga operatiba. “This is another major success in our fight against illegal drugs. The NPD remains committed to making our streets safer for all,” pahayag ni Col. Ligan. (Richard Mesa)

COMELEC Checkpoint para sa 2025 National Elections, sabay-sabay na inilunsad sa CAMANAVA

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
UPANG matiyak na pigilan ang anumang banta  ng karahasan na may kaugnayan sa darating na May Election, sabay-sabay na sinimulan ang pagpapakalat ng checkpoint sa ibat-ibang lugar sa Hilagang bahagi ng kamaynilaan partikular sa CAMANAVA Area, nitong January 12, 2025.
Ang nasabing hakbangin ng Commission on Election sa 2025 National Elections at BARMM Parliamentary Election ay inilunsad bilang pagsisimula ng mahigpit na pagpapatupad ng mga regulasyon kabilang ang nationwide gun ban na  ang layunin pigilan ang anumang karahasan o anumang gawaing ipinagbabawal  na may kaugnayan sa halalan.
Dahil dito, nagpakalat  ang COMELEC at NPD  ng mga miyembro ng kapulisan sa buong CAMANAVA area upang subaybayan ang mga mamamayan sa pagsunod at pagtalima sa batas  na pinaiiral  sa panahon ng halalan at mapanatili ang katahimikan sa panahon ng halalan.
Ipinaliwanag ni Northern Police District (NPD) Acting Director PCOL Josefino Ligan ang mga layunin ng checkpoint, ay upang hulihin ang mga indibidwal na lumalabag sa batas trapiko at halalan; mapanatili ang presensya ng pulisya upang hadlangan ang aktibidad ng kriminal; at subaybayan ang mga kahina-hinalang aktibidad upang matukoy ang mga potensyal na banta.
           Binigyang-diin ng mga Election Officer ng Commission on Elections (COMELEC) ang pinakamahalagang kahalagahan ng mga checkpoint sa pagtataguyod ng integridad ng halalan, na tinitiyak na magagamit ng mga botante ang kanilang mga karapatan sa isang ligtas at protektadong kapaligiran.
          Nanawagan din sila sa publiko na makipagtulungan sa mga alagad ng batas sa panahon ng checkpoint operations.
Alinsunod sa pagpapatupad ng mga checkpoint na ito, ang NPD at COMELEC ay nananatiling determinado sa kanilang pangako na hadlangan ang mga banta at tiyakin ang isang secure na proseso ng elektoral para sa lahat ng mamamayan.
Pinapakiusapan ang publiko na sumunod sa mga pamamaraan ng checkpoint, kabilang ang pagbagal at pagiging handa na magpakita ng wastong pagkakakilanlan kapag hiniling.
Ang NPD at COMELEC ay patuloy na nagpapatupad ng mga sustained security measures at nakikipagtulungan sa publiko para matiyak ang tagumpay ng 2025 National Elections.
Hinihikayat din ang mga mamamayan na iulat ang anumang mga iregularidad o kahina-hinalang aktibidad sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya o sa pamamagitan ng hotline ng NPD.
Magpapatuloy ang sabay-sabay na checkpoint operations hanggang sa pagtatapos ng panahon ng halalan, na magpapatibay sa magkasanib na pangako sa pagtataguyod ng kapayapaan, kaayusan, at ang demokratikong proseso. (Richard Mesa)

P361M naibahagu na financial assistance ng NHA sa taong 2024

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments
UMABOT sa P361 million ang naipamahagi na Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng National Housing Authority (NHA) sa mga pamilyang Pilipino para sa buong taon ng 2024 na naapektuhan ng matinding kalamidad, sa ilalim ng pamumuno ni General Manager Joeben A. Tai.
“The NHA is one with President Bongbong Marcos Jr.’s commitment to aiding the housing needs of our Filipino families through our various” programs and services,” said GM Tai.
Sa ilalim ng EHAP, ang ahensya ay nagbibigay ng tulong-pinansyal sa mga pamilyang apektado ng mga kalamidad tulad ng bagyo, sunog, lindol, at pagbaha. Ang programa na ito ay para tulungan ang mga benepisyaryo na magsimula mula sa pamamagitan ng pagsasaayos ng kanilang mga tahanan.
Kamakailan lang, nag-abot ng pamaskong handog ang NHA Region XI ng EHAP bilang year-ender na regalo sa 35 pamilya mula sa bayan ng Tarragona at 2 pamilya naman mula sa bayan ng Lupon na biktima ng sunog sa Davao Oriental.
Bilang kinatawan nina NHA General Manager Joeben A. Tai at Regional Manager Engr. Clemente A. Dayot, personal na iniabot ni NHA District 2 Officer-In-Charge Gerold P. Namoc ang cash assistance na tig-P10,000 bawat pamilya. (PAUL JOHN REYES)

OCTA: Inflation, pagkain top concern ng Pinoy NANANATILI ang inflation at pagkain sa pangunahing concerns o alalahanin ng mga Pinoy.

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Batay sa resulta ng OCTA Research 4th Quarter 2024 Tugon ng Masa (TNM) nationwide survey na inilabas kahapon, 56% ng adult Filipinos ay itinuturing na ang pagkontrol sa presyo ng basic goods at commodities bilang top national concern.
“This is a significant drop of 10 percentage points from the 66% registered during the 3rd Quarter of 2024,” anang OCTA.
Kasunod ng inflation, 44% ng mga Pinoy ay concern sa access sa abot-kayang pagkain, pagpapahusay o pagdaragdag ng sweldo (36%), pag-ahon sa kahirapan (34%) at paglikha ng trabaho (29%).
Ang alalahanin naman sa umento sa sahod ay bahagyang bumaba sa 36% mula sa dating 39% habang bumaba rin ng apat na puntos ang concerns sa paglikha ng trabaho na nasa 29% na lamang.
Anang OCTA Research, ang survey ay isinagawa mula Nob­yembre 10-16, 2024, sa pamamagitan ng face-to-face interview sa may 1,200 respondents, na nagkakaedad ng 18-taong gulang pataas.

Ads January 14, 2025

Posted on: January 14th, 2025 by Peoples Balita No Comments