• March 11, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 10th, 2025

41% ng mga Pinoy ang sumusuporta sa impeachment ni VP Sara HINDI ikinasorpresa ng ilang mambabatas ang lumabas na survey na sumusuporta sa impechment complaint laban kay Bise Presidente Sara Duterte.

Posted on: January 10th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Reaksyon ito nina House Assistant Majority Leader ayt Zambales Rep. Jay Khonghun at Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V sa pinakabagong  Social Weather Stations (SWS) survey na 41% ng mga Pinoy ang sumusuporta sa impeachment.
Ayon sa mga mambabatas, inilalarawan lamang umano ng survey ang public outrage sa umano’y mismanagement ng P612.5 milyong confidential funds na nakalaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) habang naninilbihan bilang kalihim ang VP.
“The numbers don’t lie. The public is demanding accountability, and this survey reflects their growing frustration over the glaring irregularities surrounding the Vice President’s actions,” ani Khonghun.
Ang survey, na isinagawa ng Dec. 12 at 18, 2024, ay nagpapakita na 41% ng mga pinoy ang sumusuporta sa impeachment, habang 35% ang ayaw at 19% ang undecided.
Tatlong impeachment complaints laban kay Duterte ang  inihain sa Kamara dahil sq akusasyon ng gross incompetence, betrayal of public trust at deliberate misuse of public funds.  (Vina de Guzman)

Fishing heritage, pinarangalan ng Navotas sa Araw ng Mangingisda PINAGTIBAY pa ng Navotas City ang pagmamalaki nito bilang “Fishing Capital of the Philippines” sa Araw ng Mangingisda, na isa sa mga highlight ng pagdiriwang ng 119th Navotas Day.

Posted on: January 10th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Ginanap nitong Enero 8, 2025, ganap na pinarangalan ang lifeblood of the city—ang mga mangingisda nito—na ang dedikasyon at katatagan ay nagpapanatili ng mga henerasyon at naging dahilan ng pag-unlad ng lungsod.
Pinuri naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mahahalagang kontribusyon ng fishing community.
“Kayo ang dahilan kung bakit ‘Fishing Capital of the Philippines’ ang Navotas. Ang araw na ito ay para sa inyo—isang pagkilala sa inyong tiyaga at sakripisyo para sa inyong pamilya at sa ating lungsod,” pahayag niya.
Pinangunahan ni Renato C. Abad ng Barangay Tangos North ang Top 10 Most Outstanding Fisherfolk ngayong taon.
Isang mangingisda mula noong 15, ginawa ni Abad ang kanyang mapagpakumbabang simula sa isang kwento ng tagumpay, pagsuporta sa kanyang pamilya, pagtulong sa tatlo sa kanyang mga anak na makapagtapos ng kolehiyo, at itinatag ang Small Commercial Fishing Consumers Cooperative ng Navotas.
Ang kanyang tagumpay ay higit pa sa personal na tagumpay, na nagsisilbing testamento sa walang hanggan na mga oportunidad na dulot ng pagsusumikap at pagbabago sa industriya ng pangingisda.
Upang maging kuwalipikado sa Top 10 Fisherfolk, ang mga nominado ay dapat rehistradong Navoteño fisherfolk na inendorso ng kani-kanilang barangay at barangay fisheries at aquatic resources management council chairperson. Dapat din silang maging matibay na mamamayan na walang nakabinbin o kasalukuyang kaso o conviction, at dapat ay nakagawa sila ng milestone na karapat-dapat tularan at inspirasyon para sa kanilang kapwa mangingisda.
Nakatanggap ang mga awardees ng cash prizes mula ₱4,000 hanggang ₱10,000, plaques of recognition, at karagdagang insentibo tulad ng mga groceries at bigas.
Dagdag pa rito, lahat ng Top 10 awardees ay karapat-dapat na mag-nominate ng isang miyembro ng pamilya para sa NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship, na may taunang allowance na ₱16,500 para sa transportasyon at pagkain, gayundin ₱1,500 book stipend kada academic year.
“The Araw ng Mangingisda stands as a powerful reminder of the city’s rich heritage and the enduring role of its fishing community in shaping Navotas’ identity. It is a celebration not just of the past, but of the brighter future that lies ahead for Navoteños,” ani Tiangco. (Richard Mesa)

Estudyante, kasabwat huli sa higit P300K high grade marijuana sa Caloocan

Posted on: January 10th, 2025 by Peoples Balita No Comments

UMABOT sa P.3 milyong halaga ng high grade marijuana ang nasamsam sa dalawang drug suspects, kabilang ang isang estudyante matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Capt. Regie Pobadora ang naarestong mga suspek na sina alyas “Mart”, 20, Grade 11 student ng Bagong Barrio at alyas “White”, 19.
Ayon kay Capt. Pobadora, ikinasa nila ang buy bust operation matapos magpositibo ang natanggap na report hinggil sa umano’y pagbebenta ng mga suspek ng high grade marijuana, kabilang ang cannabidiol (CBD) like cigarrette sticks.
Agad pinasok ng mga tauhan ni Capt. Pobadora ang tinitirhang bahay ni alyas White sa Guadalupe St , Brgy., 83, saka inaresto ang mga suspek dakong alas-11:27 ng gabi matapos matanggap ang senyas mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang 18 grams ng hinihinalang high-grade marijuana/kush na nagkakahalaga ng P27,000; 149 packs ng suspected  “cannabidiol high grade marijuana” na may katumbas na halagang P312,300 at buy bust money na isang isang tunay P500 bill at 10-pirasong P1,000 boodle money.
Ani Capt. Pobadora, kadalasan daw is online selling ang ginagawang transaksyon ng mga suspek, may gamit umano silang application na telegram, pag paisa-isang stick lang ng “cannabidiol high grade marijuana” mga estudyante, ka-tropa nila at mga tambay sa kanilang lugar yung mga bumibili.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang mabilis na pagsisikap ng DDEU at sumusuportang mga unit. “This operation exemplifies the unwavering dedication of our police personnel to uphold justice and maintain peace and order within our communities,” pahayag niya.
Sasampahan ng pulisya ang mga suspek ng kasong paglabag sa Sections 5, 26 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

22-anyos na wanted sa rape sa Caloocan, laglag sa selda

Posted on: January 10th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TIMBOG ang 22-anyos na kelot na nakatala bilang top 4 most wanted person sa Northern Police District (NPD) nang magbalik sa lugar kung saan niya isinagawa ang panghahalay may isang taon na ang nakalilipas sa Caloocan City.
          Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang Warrant and Subpoena Section ng Caloocan police na nagbalik sa kanilang lugar sa Brgy., 3, Sangandaan ang akusado na si alyas “Rudy” na nahaharap sa kasong Rape.
          Katuwang ang Team 1 ng Regional Public Safety Battalion ng National Capital Region Police Office (RPSB-NCRPO), ikinasa ng WSS ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakadakip sa akusado dakong alas-3:50 ng hapon.
Ang akusado ay binitbit ng mga tauhan ni Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles sa bisa ng warrant of arrest na inilabas noong Pebrero, 28, 2024 ni Caloocan Regional Trial Court (RTC) Presiding Judge Primo Elvin Lobina-Siosana ng Branch 128, para sa kasong Rape.
Lumabas sa imbestigasyon na nangyari ang panghahalay sa nasabing lugar may isang taon na ang nakalilipas subalit, simula noon ay nagtago at nawala ng parang bula sa lugar ang akusado.
Binigyang papuri naman ni NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang mga tauhan ng Caloocan City Police Station at lahat ng units na nagtulong-tulong sa pagtugis at tuluyang madakip ang akusado.
“This operation exemplifies the unwavering commitment of our police personnel to uphold justice and maintain peace and order in our communities,” pahayag ni Col. Ligan. (Richard Mesa)

Dahil sa pinaigting ma kampanya ng LTO sa paggamit ng seatbelt, higit 134K nahuli 2024

Posted on: January 10th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAHIGIT 134,000 motorista ang nahuli sa buong bansa noong 2024 dahil sa paglabag sa Republic Act 8750 o Seat Belts Use Act of 1999, ayon sa Land Transportation Office (LTO) nitong Miyerkules, Enero 8.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang masigasig na pagpapatupad ng batas hinggil sa paggamit ng seatbelt ay nagresulta sa pagkolekta ng P179.9 milyon mula sa mga multa ng mga lumabag.
“Patunay ito na seryoso kami sa pagpapatupad ng batas na ito. Kung dati ay maaaring makalusot, ngayon ay hindi na, lalo na’t pinaigting namin ang kampanya para sa paggamit ng seatbelt ngayong taon,” ayon kay Asec. Mendoza.
“Kaya naman nananawagan kami sa ating mga motorista na sundin nang maayos ang batas dahil, ayon na rin sa ating DOTr Secretary Jaime J. Bautista, ito ay para sa kanilang kaligtasan at bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na masiguro ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng kalsada,” dagdag niya.
Batay sa datos ng LTO, ang LTO-CALABARZON ang may pinakamataas na bilang ng nahuling lumabag sa Seatbelt Law na umabot sa 32,485, sinundan ng LTO-Region 3 na may 10,774, at LTO-Region VI na may 10,270.
Mula Enero 1, 2024 hanggang Disyembre 31, 2024, kabuuang 134,147 motorista ang nahuli dahil sa paglabag sa Seatbelt Law, kung saan 124,712 na ang nagbayad ng multa, 53 ang patuloy na kinokontes ang kanilang kaso, habang ang iba ay hindi pa nakakapagbayad.
Nangako si Asec. Mendoza na ipagpapatuloy ang masigasig na operasyon laban sa mga lumalabag sa Seatbelt Law bilang bahagi ng kampanya ng LTO na Stop Road Crash.
Ngunit sinabi rin niya na sasabayan ito ng agresibong kampanya sa pagbibigay ng impormasyon upang hikayatin ang mas maraming motorista na gumamit ng seatbelt.
“Ang aming diskarte sa usaping ito ay may dalawang bahagi, ang una ay mahigpit na pagpapatupad sa pamamagitan ng pagpapakalat ng aming mga enforcer at pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya ng tagapagpatupad ng batas. Ang pangalawa ay isang malawakang kampanya sa impormasyon upang ipaintindi sa mga motorista ang kahalagahan ng pagsusuot ng seatbelt,” ani ni Asec. Mendoza.
Sa ilalim ng kampanya para isulong ang paggamit ng seatbelt, makikipag-ugnayan ang LTO sa mga lokal na pamahalaan at gagamit ng tulong mula sa mga grupo ng mamamayan at mga organisasyon ng komunidad upang isulong ang kamalayan sa kaligtasan ng publiko.
Kasama rin sa mga hihikayatin ang mga transport group, paaralan, at iba pang stakeholders upang mas palawakin ang kampanya sa impormasyon at komunikasyon para madagdagan ang kaalaman ng mga driver at pasahero tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng seatbelt. (PAUL JOHN REYES)

Magkakaroon ng realignment ang LRT 1 Cavite Extension

Posted on: January 10th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAGKAKAROON ng pagkabalam ang tinatayong Light Rail Transit 1 Cavite Extension (LRT   1   Cavite   Extension)   dahil   sa   problema   sa   right-of-way   (ROW)   kung   saan magkakaroon ng redesigning ang dating alignment.“One area that we talked about is the realignment of the LRT 1 extension to Niog in Cavite. We already have an existing alignment, but the DPWH constructed a flyover in the area and because of that, we need to redesign the project,” wika ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.Kung kayat maghihintay pa ang mga commuters ng matagal bago pa magamit ng   tuloy-tuloy   ang   LRT   1   extension   papuntang   Cavite   dahil   sasailalim   pa   ang konstruksyon nito sa isang redesigning dahil sa ginawang flyover ng DPWH.Pinaliwanag   ni   Bautista   na   ang   extension  ng   LRT  1   ay   hindi   na   dadaan   sa orihinal na alignment dahil sa nagkaroon ng isang flyover segment ng dapat sana ay doon itatayo ang nasabing railway.Sinabihan   ni   Bautista   si   President   Ferdinand   Marcos   ng   nasabing   sitwasyon upang maresolba agad ang problema dahil ito ay isa sa mga priyoridad na proyekto ng pamahalaan.Ang LRT 1 Cavite Extension ay isang proyekto na naglalayon na pahabain ang dating LRT 1 ng 12 kilometro south ng istasyon sa Baclaran na mayron istasyon sa Paranaque, Las Pinas, at Bacoor sa Cavite. Bago natapos ang 2024 ay binuksan naman ng Light Rail Manila Corp. (LRMC), ang   operator   ng   LRT   1,   ang   unang   bahagi   ng   extension   na   may   estasyon   sa Redemptorist at MIA Roads ganon din ang PITX, Ninoy Aquino Avenue, at Dr. Santos sa Sucat. Wala pang eksaktong timeline ang binigay ng LRMC kung kailan matatapos ng buo ang natitirang bahagi ng extension. Ang ikalawang bahagi ng proyekto ay may habang 3.1 kilometro na itatayo ang istasyon sa Las Pinas-Zapote roads. Habang   ang   ikatlo   at   ang   huling   bahagi   ay   may   habang   2.4   kilometro   na matatapos sa istasyon ng Niog sa Cavite.
Kung matatapos ang buong linya, ang nasabing railway ay tataas ang ridership ng 800,000 kada araw. May kabuuang P64.92 billion ang pondo ng LRT 1 Cavite Extension na inaasahang ang travel time mula sa lungsod ng Pasay papuntang Cavite ay tatagal na lamang ng 25 minuto.  LASACMAR 

63% Pinoy nagsabing mahirap sila noong Disyembre TUMAAS sa 63 porsiyento o 17.4 milyong pamilyang Pinoy ang ikinokonsidera ang sarili na mahirap, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong Disyembre 2024.

Posted on: January 10th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TUMAAS  sa 63 porsiyento o 17.4 milyong pamilyang Pinoy ang ikinokonsidera ang sarili na mahirap, ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa noong Disyembre 2024.
Lumitaw sa survey noong Disyembre 12-18 na ang Self-Rated Poor Families ay tumaas ng apat na puntos mula sa 59 porsyento noong Setyembre 2024.
Sinabi pa ng SWS na ang December survey ang pinakamataas na Self-Rated Poor Families sa loob ng 21 taon mula sa 64% noong ­Nobyembre 2003.
Nabatid pa na ang 2024 annual average Self-Rated Poor Families na 57% ay mas mataas sa 48% annual average na naitala noong 2023 at 2022.
Samantala, ang December 2024 survey ay nagpapakita na 11 porsyento sa mga pamilyang Filipino ang ikinokonsidera ang sarili na nasa borderline o sa gitna ng poor at not poor classifications.
Nasa 26 porsyento naman ang nagsabing hindi sila mahirap.
Ang Mindanao ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng mga mahirap (76%), sinundan ng Visayas (74%), Balance Luzon (55%) at Metro Manila (51%).

Ads January 10, 2025

Posted on: January 10th, 2025 by Peoples Balita No Comments