• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 7th, 2025

Mga patakaran sa AKAP, halos tapos na -DSWD

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
HALOS tapos na ang binabalangkas na mga patakaran para sa kontrobersiyal na cash assistance program na Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (Akap).
Sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na layunin ng panukalang mga patakaran o alituntunin ay ang tiyakin ang ‘eligibility’ ng mga indibiduwal bago maging kuwalipikado bilang benepisaryo sa ilalim ng Akap, itinuturing itong ‘last-minute insertion’ sa 2025 General Appropriations Act at labis na inulan ng kritisismo dahil sa posibilidad na gamitin para ugain ang mga botante para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Sinabi ni Gatchalian na nakapulong niya sina Labor Secretary Bienvenido Laguesma at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan noong nakaraang Biyernes para talakayin ng “refined intake form” para sa Akap.
Pagtugon ito sa naging panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para sa bagong guidelines para sa “conditional implementation” ng Akap at pagtalima sa kanyang line-item veto message ukol sa Akap.
“One of the agreed salient provisions in the guidelines was maintaining a ceiling on the number of household members who can avail the program to “minimize instances of duplication of aid,” ayon kay Gatchalian.
Maglalagay din sa guidelines ng mga “consequences” para sa mga mapanlinlang na gawain gaya ng ‘forging documents at beneficiary lists’ bagaman hindi naman nito idinetalye.
“Both Laguesma and Balisacan agreed to the proposed guidelines, believing this would “help pacify pertinent public concern” amid initial backlash to the program,” ang sinabi ng Kalihim.
Ipinaliwanag ni Gatchalian na ang programa ay “intends to address the significant strain of inflation to the financial capacity of those who earn less than minimum wage,” bagaman ang tinutumbok ng mga kritiko ay kung paano na ang cash assistance program ay maaaring maging ‘prone’ sa korapsyon.
“In case of the social welfare in take, [the refined intake form] will show us if our clients’ goods are affected by the effects of inflation,” ang tinuran pa rin ni Gatchalian.
“Anybody can refer [a beneficiary to the program], but our social workers and the result of interviews and assessment will be followed at the end of the day,” aniya pa rin.
“The new intake form will also determine if the beneficiaries in the program were “indeed affected” by inflation,” ani Gatchalian, habang kinikilala naman nito ang mga state social workers na palaging “practiced prudence” sa pagsala sa mga indibiduwal bago pa hayaan ang mga ito sa programa. (Daris Jose)

Tradisyonal na nagkakaloob ng pardon… 220 Pinoy, nakatanggap ng pardon sa UAE

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MAY 220 Filipino na nakadetine sa United Arab Emirates (UAE) ang pinagkalooban ng pardon kung saan itinaon sa okasyon ng ika-53 National Day ng nasabing bansa.
Kasunod ito ng ginawang representasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kasama ang kanyang UAE counterpart.
Ang liderato ng UAE ay tradisyonal na nagkakaloob ng pardon para ipagdiwang ang kanilang national day noong Disyembre 2 ng nakaraang taon.
Inanunsyo ang pagkakaloob ng pardon para sa mga Filipino noong Disyembre 26, 2024. bilang pagkilala sa pagkakaibigan sa pagitan ng dalawang bansa.
Direktang resulta rin ito ng pakikipagpulong ni Pangulong Marcos kay Kanyang Kamahalan Sheikh Mohamed Bin Zayed Al Nahyan, Pangulo ng United Arab Emirates, noong nakaraang Nobyembre.
Sa kabilang dako, kasalukuyan namang pinoproseso ng Department of Foreign Affairs at Philippine Embassy sa Abu Dhabi ang ‘documentary at administrative requirements’ para sa agarang pagbabalik sa Pilipinas ng mga pinoy na pinagkalooban ng pardon.
Ang mga ‘pardoned individuals’ ay nakadetine sa UAE para sa iba’t ibang pagkakasala.
Matatandaang noong Hunyo ng nakaraang taon, may detenidong pinoy sa UAE ang ipinagkalooban din ng pardon para naman sa okasyon ng Eid al-Adha. (Daris Jose)

1,000 personnel itinalaga ng PCG para sa Poong Nazareno

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
NAGTALAGA  nang mahigit isang libong personnel ang Philippine Coast Guard (PCG) sa kapistahan ng Poong Hesus na Nazareno .
Aabot sa 1,100 na tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tutulong para magbantay sa seguridad sa kapistahan ng Poing Jesus Nazareno para sa seguridad ng mga deboto at mga makikiisa sa banal na aktibidad.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Ronnie Gil  Gavan PCG,aabot sa 1,100 ang kanilang tauhan na ipapakalat sa iba’t ibang lugar na daraanan ng ruta ng prusisyon ng Traslacion 2025 gayundin sa paligid ng Simbahan ng Quaipo.
Sinabi ni Gavan,  ang pagde-deploy ng Coast Guard K9 teams, Explosive Ordnance Disposal units, Special Operations Groups, Civil Disturbance Management team at Deployable Response Groups sa may bahagi ng Quirino Grandstand, Jones Bridge, at sa paligid ng Quiapo Church.
Kasama rin idedeploy ang mga Coast Guard intelligence experts, crowd security personnel, at medical officers para sa seguridad at kaligtasan ng mga sasama sa Traslacion.
Nasa 21 floating assets ang ipapakalat ng PCG para magsahawa ng maritime security at safety operations Pasig River at Manila Bay kung saan 9 na unit nito ay mag-iikot sa ilang kalsada sa lungsod.
Umaasa si Admiral Gavan na magiging payapa at maayis ang Traslacion 2025 kung saan nakikiisa ang buong PCG sa selebrasyon ng kapistahan ng Poong Jesus Nazareno.(Gene Adsuara )

Bagong prisoner transfer program para sa mga Pinoy na nakakulong sa ibang bansa, hiling

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HINIKAYAT ng isang mambabatas ang gobyerno na magbuo ng bagong International Prisoner Transfer Program upang mapagsilbihan ng mga Pilipinong nahatulan sa ibang bansa na sa Pilipinas na lamang makulong.
Naniniwala si House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan na makakatulong sa rehabilitasyon sa mga pinoy na nahatulan sa ibang bansa kung sa Pilipinas nila bubunuin ang hatol sa kanila.
Nanawagan din ito sa Department of Foreign Affairs (DFA),  Department of Justice (DOJ), at Department of Migrant Workers (DMW) na magbuo ng bagong ptograma na maaari aniyang ihalintulad sa kaparehong inisyatibo sa United States.
“We need a program that will facilitate the transfer of Filipinos convicted of crimes and incarcerated in other countries, so that they can serve the remainder of their sentences here at home, closer to their families. There’s no question that bringing Filipino offenders closer to their loved ones will be more conducive to their rehabilitation,” dagdag nito.
Sa US, ang kanilang international prisoner transfer program ay pinangangasiwaan ng kanilang Justice’s International Prisoner Transfer Unit, habang ang kanilang Department of State, na katumbas ng DFA sa Pilipinas ang nagsisilbing chief negotiator sa lahat ng prisoner transfer treaties.
Nitong nakalipas na buwan, naka-uwi ng Pilipinas mula Jakarta ang death row survivor na si Mary Jane Veloso matapos makulong ng halos 15 taon dahil sa kasong drug trafficking.
Kasalukuyang nakakulong si Veloso, 39, mula Cabanatuan, Nueva Ecija, sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City matapos ng kanyang repatriation.
Ayon sa huling report ng DMW,  nasa total na 1,254 Pilipino ang na-convict sa iba’t ibang kaso at kasalukuyang nakakulong sa iba’t ibang bansa sa Asia-Pacific, Europe, at Middle East.
(Vina de Guzman)

Lolo, kasabwat tiklo sa drug bust sa Caloocan

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

HIMAS-REHAS ang dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga, kabilang ang 61-anyos na lolo matapos matimbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ni Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Ligan ang senior citizen na si alyas “JR”, 61, at ang 28-anyos niyang ka-partner na si alyas “Nelson” na magkasabuwat umano sa pagbebenta at pagpapakalat ng ilegal na droga sa Barangay 188 at karatig barangay ng lungsod.
Ayon kay Col. Ligan, ikinasa ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng NPD sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora ang buy-bust operation laban sa mga suspek makaraan ang maraming reklamo mula sa mga concerned citizens hinggil sa ilegal na aktibidad ng dalawa.
          Dakong alas-4:37 ng madaling araw nang dambahin ng mga operatiba ng DDEU ang mga suspek sa Sampaguita St. Brgy. 188 matapos tanggapin ang marked money mula sa isang pulis na nagpanggap na buyer
Ani Capt. Pobadora, nakuha nila sa mga suspek ang humigit’ kumulang 20 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P136,000.00 at buy bust money.
Pinuri naman ni Col. Ligan ang mga operatiba sa kanilang dedikasyon. “The NPD’s anti-drug campaign remains resolute. We will stay relentless in protecting our communities from this menace.” aniya.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5, 26, at 11, sa ilalim ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Andas ng Poong Nazareno, pinatibay

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

GINAWA nang mass matibay ngayon ang andas ng Poong Hesus nazareno para sa Traslacion 2025 kung saan ginawa na itong sunproof , ayon kay  Minor Basilica at national Shrine of Jesus Nazareno o Quiapo Church .
Sinabi ni Fr.Robert Arellano, tagapagsalita ng Quiapo Church na ang kapistahan ngayon ng Jesus Nazareno na makikita na ng mga deboto mula ang imahe sa prusisyon nang hindi ito nagpapawis ang salamin o nagmo-moist.
Ito ay gawa sa tempered glass para pumasok din ang natural na liwanag ng Mahal na Poong Hesus Nazareno upang makita ng mga deboto ang imahe  mula sa mga establisyimento.
Sinabi rin ni Fr. Arellano na mas lalong pinagtibay ang stainless metal na nakikita sa andas gayundin sa gulong ng andas.
Umaasa naman ang pari na ang prusisyon ngayong taon ay mas mabilis at magiging maayos dahil ito ay ipagdiriwang na sa buong bansa.
Pinaalalahanan din ng Simabahan ang mga deboto na sumunod sa mga patakaran at regulasyon sa pagsasagawa ng Traslacion.
Bilang bahagi ng security measures,sa pagdiriwang ng Kapistahan, magpapatupad ng liquor at gun ban sa paligid ng Quiapo. (Gene Adsuara)

Mga guro sa Caloocan, may P2K monthly augmentation pay

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
MASIGLANG sinalubong ang 2025 ng mga guro ng pampublikong paaralan sa Lungsod ng Caloocan nang ipatupad ng pamahalaang lungsod ang Php 2,000 buwanang augmentation pay simula na unang ipinangako ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa kanyang State of ang City Address (SOCA) noong Setyembre 2024.
Ang nasabing augmentation pay ay allowance na ibinibigay ng isang local government unit (LGU) sa mga gurong nakatalaga sa kanilang nasasakupan, na inuna ni Mayor Along na dagdagan sa kanyang termino bilang pagpapahalaga sa mahahalagang kontribusyon ng mga local faculty member sa sistema ng edukasyon sa lungsod.
“Sa ating mga huwaran at maaasahang guro sa Caloocan, ito po ang pagtupad ko sa aking ipinangako na gawing Php 2,000 ang inyong augmentation pay bilang pagpapakita ng ating pagpapahalaga at pangangalaga sa bawat isa sa inyo,” aniya.
Ipinahayag din ng alkalde ang patuloy na pagtutok ng pamahalaang lungsod sa pagpapanatili ng kalidad ng edukasyon sa lahat ng aspeto at nanawagan ng suporta sa lahat ng stakeholders upang matiyak ang maayos na paghahatid ng lahat ng serbisyo.
“Sa mga guro, kasama na ang mga school administrator, at lalo na sa ating mga magulang, nawa’y patuloy namin kayong maging kaagapay sa pagbibigay ng maayos at de-kalidad na edukasyon para sa ating mga anak,” ni Mayop Along.
“Isa pong magandang salubong para sa Bagong Taon ang programang ito, at tinitiyak ko na tuloy-tuloy pa rin ang pagpapaunlad natin ng ating mga serbisyo para sa magandang kinabukasan ng mga Batang Kankaloo,” dagdag niya. (Richard Mesa)

119th founding anniversary ng Navotas, “NavLevel Up”

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KASADO ang mga paghahanda ng Navotas City sa isang kapana-panabik na serye ng mga aktibidad mula Enero 6 hanggang 26, 2025, na nakasentro sa temang “NavLevel Up!” para itaas ang mga programa at serbisyo ng lungsod upang mas mapagsilbihan ang bawat Navoteño.
 “Ang ‘NavLevel Up!’ ay hindi lamang tema kundi isang panata natin na ipagpatuloy ang pag-angat ng ating lungsod. This year, we aim to further enhance the quality of life for every Navoteño by improving our programs and services in health, livelihood, education, and more.” pagbabahagi ni Mayor John Rey Tiangco.
Sinimulan ang kasiyahan nitong Lunes, Enero 6, sa Misa ng Pasasalamat sa Navotas Sports Complex, na susundan ng isang Medical Mission at Feeding Program na pinamumunuan ng Samahang Kristiyano ng Navotas sa City Hall Grounds. Sa gabi, pagsasama-samahin ng Pistang Kristyano ang komunidad sa pamamagitan ng pananampalataya at pakikisama.
Kabilang din sa mahahalagang aktibidad sa buong lingo, ang Zumba and Health Caravan (Jan. 7, 6 AM) sa Navotas Sports Complex, Araw ng Mangingisda (Jan. 8, 8 AM) sa FARMC Compound, Stakeholders’ Day (Jan. 8, 9 AM) sa Navotas Sports Complex, Simultaneous Clean-Up Activity (Jan. 10, 6 AM) sa lahat ng barangay, Awarding of Top 20 Business and Realty Taxpayers (Jan. 10, 6 PM) sa Manila Hotel, Street Dance Competition and the launch of additional NavoConnect Sites (Jan. 11, 5 AM) sa R10, Navotas-wide Funbike (Jan. 12, 6 AM), na sisimulan sa Navotas Bus Terminal, Pangisdaan Boodlefight (Jan. 14, 10 AM) sa Navotas Fish Port at Ginuman Fest (Jan. 15, 5pm) sa Road 10.
Magho-host din ang lungsod ng mga aktibidad na nakatuon sa kabuhayan at paglago ng pananalapi, kabilang ang Mega Job Fair (Ene. 9), Financial Literacy Seminar (Ene. 13), at ang NavoBangka-Buhayan program (Ene. 15), kung saan tatanggap ang mga Navoteño fisherfolk ng bangka at lambat.
Ang pagdiriwang ay magtatapos sa isang Grand Parade sa Enero 16, na susundan ng pamamahagi ng 5 kilong bigas sa buong lungsod mula Enero 18 hanggang 26.
“NavLevel Up! reflects our commitment to innovation and continuous improvement to better the lives of Navoteño,” ani Tiangco. “We invite everyone to join us in this celebration, as we work together to make Navotas a model city of sustainability, resilience, and progress.” (Richard Mesa)

Agresibong kampanya para sa paggamit ng seatbelt, sisimulan ngayong taon ng LTO

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
SISIMULAN ngayong taon ng Land Transportation Office (LTO), sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista ang isang agresibong kampanya para sa paggamit ng seatbelt bilang bahagi ng mga hakbang sa kaligtasan sa kalsada.
Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inatasan na niya ang lahat ng Regional Directors at mga pinuno ng District Offices na gawing mas episyente ang paggamit ng social media at iba pang mass communication platforms upang hikayatin ang mas maraming motorista na sumunod sa umiiral na batas sa mandatoryong paggamit ng seatbelt.
“Ang aming paraan dito ay magiging dalawang aspeto: una, ang mahigpit na pagpapatupad sa pamamagitan ng deployment ng aming mga enforcer at pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensyang nagpapatupad ng batas. Ang pangalawa ay ang malawakang information drive upang maiparating sa mga motorista ang kahalagahan ng pagsusuot ng seatbelt,” ani Asec Mendoza.
“Bahagi rin ito ng aming programang Stop Road Crash na agresibo nating itutulak ngayong taon,” dagdag niya.
Sa ilalim ng kampanya para itaguyod ang paggamit ng seatbelt, makikipag-ugnayan ang LTO sa mga lokal na pamahalaan at gagamitin ang serbisyo ng mga grupo ng mamamayan at mga organisasyon sa komunidad upang itaas ang kamalayan sa pampublikong kaligtasan.
Hihikayatin din ang pakikiisa ng mga transport groups, paaralan, at iba pang mga stakeholder upang palawakin ang kampanya at pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa kahalagahan ng seatbelt para sa mga driver at pasahero.
Sinabi rin ni Asec Mendoza na ang kampanya para sa seatbelt ay magbubukas ng oportunidad para sa pagsasagawa ng mga pananaliksik at pag-aaral na may mga motorista bilang tagatugon, pati na rin ang implementasyon ng iba’t ibang programa at proyekto, at ang pagtataguyod ng isang road safety advocacy network system.
“Ang kampanya ay magbibigay-diin sa kahalagahan ng seatbelt sa kaligtasan upang mas suportahan ang pinakaepektibong pagpapatupad nito,” ani Asec Mendoza.
“Ang pagbuo ng mga plano at programa para sa isang pambansang kampanya sa impormasyon, edukasyon, at komunikasyon tungkol sa kahalagahan at tamang paggamit ng seatbelt ay mahalaga upang mapataas ang kamalayan at maitaguyod ang kaligtasan sa kalsada,” dagdag niya.
Magsasagawa rin ang LTO ng regular na pagsusuri sa kahusayan at pagiging epektibo ng kampanya para sa paggamit ng seatbelt. (PAUL JOHN REYES)

‘Pahalik’ para sa Nazareno, handa na

Posted on: January 7th, 2025 by Peoples Balita No Comments
TINIYAK ni Nazareno 2025 at Quiapo Church spokesperson Fr. Robert Arellano kahapon na handa na ang lahat para sa idaraos na tradisyunal na ‘Pahalik’ sa Poong  Jesus  Nazareno sa Martes, Enero 7 sa Quirino Grandstand.
Ayon kay Arellano, natapos na nila ang preparasyon para sa  aktibidad kaya inaasahan na  mada-ling araw ng Martes ay nasa Quirino Grandstand na ang imahe para sa Pahalik.
Matatandaang ang ‘Pahalik’ ay tradisyon ng mga deboto kung saan pumipila sila upang hawakan o halikan ang imahe ng Nazareno.
Matapos ang ‘Pahalik’ isasagawa naman ang midnight mass bago simulan ang pinakaaabangang Traslacion.
Inaasahang dadaluhan ng milyun-milyong deboto ang Traslacion mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Kaugnay nito, pinaalalahanan naman ni Arellano ang mga deboto na huwag akyatin ang Andas na sinasakyan ng imahe upang maiwasan ang disgrasya.
Binago ang disenyo ng Andas upang hindi matuntungan ng mga deboto.