• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 6th, 2025

Na-link lang at ginawan na ng ‘fake news’: ARRA, mariing itinanggi na sangkot sa hiwalayang PAOLO at YEN

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

“NO. Hard no!”
Ito ang sagot ni Arra San Agustin sa issue na may kinalaman daw siya sa hiwalayan nina Paolo Contis at Yen Santos.
Ayon sa Kapuso actress, noong 2023 pa raw nagsimula ang pagkaka-link niya kay Paolo noong magkasama sila sa noontime show na ‘Tahanang Pinakamasaya’ (dating Eat Bulaga).
Binigyan daw ng malisya yung love triangle skit nila sa show kasama si Kapuso comedian Betong Sumaya.
“‘Yung mga tao, they cut out pictures of me and Kuya Paolo tapos gumagawa sila ng mga articles, like mga headlines na ako daw ‘yung third party, so nag-start po ‘yan last year. Tapos for some reason, nag-resurface po siya, itong news na ‘to, and fake news, fake ‘yung source, dun po siya galing and I don’t know why karamihan sa mga tao naniniwala,” paliwanag ni Arra.
Mensahe ni Arra na huwag agad maniwala sa mga lumalabas na fake news sa social media.
“We can easily be manipulated or gaslighted by a single headline lang na hindi naman pala totoo. They draw conclusions like, ‘Hay ba’t ganiyan, ba’t ganiyan ‘yung ginawa, ba’t pumayag kang maging third party?’ Ganun ‘yung mga comments nila sa ‘kin. Parang ako, ‘Wow, you know too much,'” sey ni Arra.
Dahil na rin kasi single din si Arra since 2022 kaya nali-link siya kay Paolo. Pero nag-uusap na raw ulit sila ng ex-boyfriend niyang PBA player na si Juami Tiongson.
***
PAGPASOK ng 2025 ay bumalik sa Instagram si Meghan Markle.
Unang post ng Duchess of Sussex sa pagbalik niya sa IG ay isang reel na tumatakbo siya sa beach at sinulat niya ang “2025” sa buhangin.
Si Prince Harry ang kumuha ng video ni Meghan sa Montecito, California.
Pina-shut down kay Meghan ang personal at professional Instagram accounts niya noong nagde-date pa lang sila ni Harry in 2017.
Nearing 1 million na ang followers ni Meghan sa pagbalik nito sa IG at magkakaroon siya ng sariling lifestyle show sa Netflix.
(RUEL J. MENDOZA)

“SONIC THE HEDGEHOG 3” SCORES 96% AUDIENCE RATING, IN PH CINEMAS JANUARY 15

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Moviegoers have spoken, and they love Sonic the Hedgehog 3!
The latest big-screen adventure of Team Sonic has earned a 96% audience rating on Rotten Tomatoes. The film, which opened in the US December 20, has so far earned upwards of $230 million at the global box office. It opens in Philippine cinemas January 15.
Reviews from critics have also been mostly positive. “Sonic the Hedgehog 3” currently holds a Fresh 86% rating on Rotten Tomatoes, higher than its two predecessors.
“Sonic the Hedgehog 3 is way better than it has a right to be: as a video game adaptation, as a threequel, as a family-friendly movie coming out [on Christmas season],” wrote RogerEbert.com, which also praised Jim Carrey for “giving not one but two gleefully deranged performances that harken to his rubber-faced comedic greatness of three decades ago.”
Find out more about Jim Carrey’s evil genius performance of the two Robotniks in this “Double Your Villain” featurette: https://youtu.be/uiuhejpaL9Q?si=vFp-_DPStLA_1h9M
Forbes magazine also enjoyed the film, saying “it’s fun, it’s silly, it’s visually different enough and interesting enough to look good on a big screen, and most important of all it has Jim Carrey providing not one but two performances inspired enough and funny enough to make it worth watching the whole movie.”
“Clever jokes, a noticeable reverence for the source material, and some fantastic antagonists make the Blue Blur’s latest race an entertaining ride from start to finish,” raved Collider.com.
Variety was also impressed. “Sonic the Hedgehog 3 is wired-up synthetic fun,” they wrote. “It’s a trivial kiddie flick that moves at the speed of your mind playing video games. Video-game films seldom have that quality – they tend to be overproduced and lugubrious. But Sonic 3 gives hyperactivity a good name. Jeff Fowler, who directed all three of these movies, is a quicker and wittier flimflam magician of energy than he was when he made the first Sonic in 2020.”
Sonic the Hedgehog returns to the big screen in his most thrilling adventure yet in Sonic the Hedgehog 3. Sonic (voiced by Ben Schwartz), Knuckles (Idris Elba) and Tails (Colleen O’Shaughnessey) reunite against a powerful new adversary, Shadow (Keanu Reeves), a mysterious villain with powers unlike anything they have faced before. With their abilities outmatched in every way, Team Sonic must seek out an unlikely alliance in hopes of stopping Shadow and protecting the planet.
Sonic the Hedgehog 3 opens in Philippine cinemas January 15, 2025. Join the conversation with the hashtag #SonicMovie3 and tag @paramountpicsph (Photo and Video Credit: “Paramount Pictures International”)

(ROHN ROMULO)

Hindi lang ang pangarap na Best Float ang nakuha: SYLVIA, habambuhay nilang iti-treasure ni ARJO ang FPJ Memorial Award

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KAUSAP namin ang aktres at mega-producer na si Sylvia Sanchez nitong Bisperas ng Bagong Taon.
Gabi kami magka-Viber at nagulat kami dahil habang kausap namin si Sylvia ay naka-swimsuit ito at nagsu-swimming sa pool sa resthouse nila sa Batangas.
Sabi sa amin ng aktres, nag-swimming siya dahil gusto niyang tanggalin ang lahat ng pagod sa katawan niya bunga ng walang humpay niyang trabaho para sa ‘Topakk’ na pelikula ng kanilang Nathan Studios, na palabas pa rin sa mga sinehan ngayon bilang entry sa 50th Metro Manila Film Festival.
Masayang-masaya si Sylvia dahil natupad ang pangarap niyang magwagi bilang Best Float sa MMFF Gabi Ng Parangal nitong December 27 sa Solaire Grand Ballroom.
Ka-tie ng ‘Topakk’ sa Best Float ang ‘Uninvited’ na nagkataon namang ang Mentorque Productions producer na si Bryan Dy ay kaibigan ni Sylvia, kaya nagtatawanan sila habang in-accept ang kanilang award.
Sabi nga ni Sylvia, kung noon ay nanonood lamang siya ng parada kapag may MMFF, ngayon ay awardee na siya bilang Best Float.
Bukod dito ay nanalo rin ng Special Jury Prize ang ‘Topakk.’
Pero ang higit na ikinatuwa pa ni Sylvia ay ang pagwawagi ng movie nina Arjo Atayde ng Fernando Poe, Jr. Memorial Award.
Para sa mga hindi nakakaalam ay malapit kay Sylvia ang yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino na si FPJ.
Nakasama ni Sylvia si FPJ sa pelikulang ‘Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin 2’ at mula noon ay naging magkaibigan na sila.
At naroroon kami sa bahay nina Sylvia at mister niyang si Art Atayde sa Pasig noong pumasyal doon si FPJ two weeks bago ito pumanaw noong 2004.
Going back sa MMFF Gabi Ng Parangal, tiyempo namang galing sa comfort room si Sylvia noong tawagin ang ‘Topakk’ bilang winner ng FPJ Memorial Award kaya hindi niya narinig kung anong eksaktong award ang napanalunan.
Kaya naman noong ma-inform na si Sylvia na award na konektado kay FPJ ang nakamit nila ay halos maluha ang aktres sa tuwa.
Sayang nga lamang raw at hindi siya lubusang nakapagpasalamat at nabanggit si FPJ sa acceptance speech niya dahil hindi nga siya agad naging aware kung ano ang award dahil nga galing siya sa CR.
Habambuhay raw nilang ite-treasure ni Arjo ang mga napanalunan nila sa 50th MMFF higit sa lahat ang FPJ Memorial Award dahil nga napaka-espeyal kay Sylvia si FPJ na Tito Ron kung tawagin niya noong nabubuhay pa.
(ROMMEL L. GONZALES)

Nakumpirma na single na rin si David: JAK, tahimik at wala pa ring post sa breakup nila ni BARBIE

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PATULOY  ngang pinag-uusapan ang naging announcement ni Barbie Forteza sa ikalawang araw ng Enero, na totoong hiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Jak Roberto, na tumagal din ng pitong taon.
At base nga sa post ng Kapuso actress, inilarawan niya ito na “beautiful goodbye” ang breakup nila ng Kapuso hunk actor at nagpapasalamat sa kanilang samahan bilang magkarelasyon.
Wala pa ngang post hanggang ngayon si Jak tungkol sa paghihiwalay nila ni Barbie.
Say naman ng netizens, may matinding dahilan si Barbie kung bakit biglaang breakup nila, samantalang noong bago mag-Pasko ay okay na okay pa ang kanilang kanilang relasyon.

Binigyan din ng kahulugan ng netizens ang social media post ng nanay ni Barbie na si Imelda Forteza at kapatid ni Barbie na si Gabrielle Vierneza pagkatapos ilantad ng aktres ang breakup nila ni Jak.

Sa Instagram Story ng mommy ni Barbie, “No one knows how much you went through this year, but you stayed strong and didn’t quit.

“I’M SO PROUD OF YOU.”

Nag-post ang kapatid niyang si Gabrielle last January 1, 2025 sa X (dating Twitter) ng litrato ng aktres na nakatingalang tumatawa na may caption na, “Gusto ko happy ka.”

Nag-comment naman si Barbie ng, “Hahahahahaha!!!”

Abangers pa rin ang netizens sa susunod na kabanata ng breakup ng JakBie, at kung ano nga ba ang tunay na dahilan.

Samantala, patuloy namang nadadamay ang ka-loveteam ni Barbie na si David Licauco, na-confirm na last year pa naging single.

Kaya say ng BarDa fans, puwede na raw silang magkatuluyan.

Pero may nagbabala kay David, na kung sakali raw na liligawan niya si Barbie, ay patapusin muna niya ang three-month rule.

(ROHN ROMULO)

Nuggets, hindi naisalba ng monster double-double ni Jokic

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Hindi naisalba ng monster double-double ni Nikola Jokic ang Denver Nuggets matapos itong tapatan din ni San Antonio Spurs center Victor Wembanyama.

Sa naging bakbakan ng dalawa ay muli kasing kumamada si Jokic ng 41 points, 18 rebounds, at siyam na assists.

Gayunpaman, tinapatan naman ito ni Wemby ng 35 points at 18 rebounds.

Naging mahigpit ang laban sa pagitan ng dalawang bigating koponan at makailang-beses na nagpalit ng lead.

Sa pagpasok ng huling quarter, hawak ng Nuggets ang tatlong puntos na kalamangan ngunit pinilit ng Spurs na ungusan ang 2023 NBA champion.

37 seconds bago matapos ang laro, nagawa ng Spurs na hawakan ang isang puntos na lead, 111 – 110, habang hawak ng Nuggets ang bola.

Pinilit ni Jokic na magpasok ng 3-point jump shot ngunit bigo itong magkonekta habang nakuha naman ng Spurs ang rebound.

Gayunpaman, na-out of bounds ang Spurs sa naging transition play kayat napunta sa Nuggets ang bola. Agad namang nagpatawag ang koponan ng timeout at sa pagbabalik sa laro ay tinangka ni Jokic na ipasa ang bola sa kaniyang teammate ngunit agad itong naagaw ni Wemby.

Agad ipinasa ni Wemby ang bola kay Davin Vessel para sa isang driving dunk, 2 seconds bago matapos ang laro.

Hindi na nakahabol ang Nuggets sa nalalabing dalawang segundo at natapos ang laro sa 113 – 110.13 – 110.

Warriors star Stephen Curry nagtala ng panibagong record sa NBA

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

Nagtala ng record sa NBA si Golden State Warriors star Stephen Curry.

Naganap ito ng ng talunin ng Warriors ang Philadelphia 76ers sa score na 139-105 kung saan nakapagtala ito ng 30-point, 10 assist at anim na rebounds.

Ang two-time NBA MVP ay naging unang manlalaro ng kasaysayan ng liga na nagtala ng eight-for-eight sa three-pointers at double-digit assist.

Ang kaniyang walong three points ng walang anumang palya ay kaniyang career best at isang three points na hawak ni Latrell Sprewell, Jalen Brunson at Ben Gordon.

Pinuri naman ni Warriors head coach Steve Kerr ang nagawang record na ito ni Curry.

VP Sara at mga dating presidente tinanggal bilang miyembro ng panel… PBBM nagpatupad ng balasahan sa NSC

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINALASA  ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga miyembro ng National Security Council (NSC).

Sa pagbabago na ginawa ni PBBM sa reorganisasyon ng NSC ay ang pagtanggal nito sa bise-presidente o kay VP Sara Duterte at mga dating pangulo bilang kasapi ng konseho.

Batay sa Executive Order (EO) No.81, ang NSC ay pamumunuan ng presidente bilang chairperson habang magiging miyembro rin ang senate president, house speaker at iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Maaari ring magtalaga ang Pangulo ng iba pang mga opisyal ng gobyerno bilang kasapi ng NSC at maging mga private citizens.

Kasama naman sa Executive Committee ng NSC ang Pangulo bilang chairperson, habang miyembro rin ang executive secretary, senate president o kinatawan nito, house speaker o kinatawan nito at iba pang mga gov’t officials.

Kasabay nito, inatasan naman ang Director-General ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at mga hepe ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na dumalo sa mga pagpupulong ng council at umasiste sa mga deliberasyon.

Maaari ring imbitahan ang gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para makilahok dito at magtalaga ang pangulo ng iba pang opisyal ng gobyerno at pribadong indibidwal sa NSC.

Ni-reorganize rin ang NSC executive committee at hindi na kasama dito ang pangalawang pangulo. (Daris Jose)

DILG, ipinag-utos sa LGUs na magsumite ng ‘No POGO’ certificates sa katapusan ng Enero

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

BINIGYAN ng go signal ng Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan at mga pulis na inspeksyunin ang mga commercial buildings na saklaw ng business permits at maging ang mga residencial sa kanilang hurisdiksyon upang ma-check kung sumunod sa total ban ng gobyerno sa POGOs (Philippine Overseas Gaming Operations).
Sinabi ni DILG Secretary Juanito Victor Remulla na required ang mga local government units (LGUs) na magsulat ng “No POGO” certificates sa kanilang lokalidad sa katapusan ng buwan.
“LGUs are responsible for checking all the buildings, (and utilize) the occupancy permits, the electric permits, the fire safety permits so they would have full capacity to enter all the buildings,” ang sinabi ni Remulla.
Maliban sa commercial at residential building inspections maaari ring I-check ng LGUs kung ang may-ari ay nagbabayad ng tamang real property taxes.
Sinabi ni Remulla na nago-operate ang POGOs kapag mayroong available na bandwidth.
“They cannot operate in remote areas because there would be no Internet there. They have a high bandwidth requirement to be able to operate,” ang sinabi pa rin ng Kalihim.
Nilinaw naman ni Remulla na ang special economic zone areas o SEZAs ay hindi exempted mula sa ban sa ilalim ng Executive Order No. 74 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
“It is very clear that with EO 74, CEZA, PEZA zones are not exempted. We have no boundaries. There are no walls high for us to climb. All these areas, we can inspect,” ang tinuran pa rin nito.
“The government’s anti-POGO campaign is an ongoing thing, (it’s) forever. We will continue to be vigilant about it,” diing pahayag ni Remulla.
Aniya pa rin, ipatutupad ng DILG ang “zero tolerance” policy sa mga pasaway na local government officials sa kampanya laban sa POGOs.
“If you commit a mistake,pasensyahan tayo,” aniya pa rin.
Samantala sinabi ni Remulla na ang 11,000 foreign POGO workers na nananatiling ‘unaccounted for’ ang magiging ‘subject’ ng manhunt o pagtugis ng Bureau of Immigration (BI), habang iyon namang sangkot sa illegal activities ay hahabulin ng mga pulis. (Daris Jose)

VP, mga dating presidente, tinanggal ni PBBM sa reorganisasyon ng NSC

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

TINANGGAL ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginawa nitong reorganisasyon ng National Security Council (NSC) ang bise presidente at mga dating pangulo ng bansa bilang miyembro nito.
Sa pagtinta ng Pangulo sa Executive Order No. 81, winika ng Chief Executive kinakailangang gawin ang nasabing pagbabago upang matiyak na mananatiling matatag ang NSC bilang isang national security institution, na kayang mag-adapt sa mga nagbabagong hamon at oportunidad, sa loob at labas ng bansa.
Kasabay pa rin ang pagsiguro na gagawin ng miyembro ng NSC ang, “uphold and protect national security and sovereignty, thereby fostering an environment conducive to effective governance and stability.”
Sa ilalim ng bagong direktiba ni Pangulong Marcos , magiging miyembro ng NSC ang mga sumusunod:
Pangulo bilang chairperson;
    Senate President;
    Speaker of the House of Representatives;
    Senate President Pro-Tempore;
    Tatlong Deputy Speakers na itatalaga ng Speaker;
    Majority Floor Leader ng Senado;
    Majority Floor Leader ng Kongreso;
    Minority Floor Leader ng Senado;
    Minority Floor Leader ng Kongreso;
    Chairperson, Senate Committee on Foreign Relations;
    Chairperson, Senate Committee on National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation;
    Chairperson, Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs;
    Chairperson, House Committee on Foreign Affairs;
    Chairperson, House Committee on National Defense and Security;
    Chairperson, House Committee on Public Order and Safety;
Executive Secretary;
    National Security Adviser;
    Secretary, Department of Foreign Affairs;
    Secretary, Department of Justice;
    Secretary, Department of National Defense;
    Secretary, Department of the Interior and Local Government;
    Secretary, Department of Labor and Employment;
    Chief Presidential Legal Counsel;
    Secretary, Presidential Communications Office;
    Head, Presidential Legislative Liaison Office; at ibang opisyal ng pamahalaan at private citizens na maaaring italaga ng Pangulo “from time to time.”
Samantala, bubuuin naman ang executive committee ng mga sumusunod:
Pangulo bilang chairperson;
    Executive Secretary;
    Senate President o kanyang kinatawan;
    Speaker of the House of Representatives o kanyang kinatawan;
    National Security Adviser;
    Secretary, Department of Foreign Affairs;
    Secretary, Department of Justice;
    Secretary, Department of National Defense;
    Secretary, Department of the Interior and Local Government; at iba pang miyembro o advisers na maaaring talaga pa rin ng Pangulo “from time to time.”
Ayon sa Presidential Communications Office, nabuo ang NSC sa pamamagitan ng Executive Order No. 330 noong July 1, 1950.
Noong December 24, 1986, naglabas ng Executive Order No. 115 para sa reorganisas ng NSC at tinukoy ang mga miyembro, tungkulin, at awtoridad nito.
Nakasama sa mga miyembro ng NSC ang bise presidente sa pamamagitan ng EO No. 34, na inilabas ng noo’y pangulo na si Gloria Macapagal-Arroyo.
Sa pagkakaalis ngayon ng bise presidente sa NSC, ipinaliwanag ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa isang pahayag na sa ngayon, “Vice President is not considered relevant to the responsibilities of membership in the NSC.”
Idinipensa rin ni Bersamin ang kapangyarihan ng Pangulo na mag-alis at magdagdag ng miyembro sa NSC.
”Nonetheless, when the need arises, the EO reserves to the President the power to add members or advisers,” dagdag niya.
Magugunitang, sinabi NSC na itinuturing na seryoso ang ano mang banta sa pangulo, at usapin ng national security, makaraang sabihin ni Vice President Sara Duterte na may kinausap na siya para patayin si Marcos, ang First Lady na si Liza, at si Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kung may masamang mangyayari sa kaniya.
Kinuwestiyon ni Duterte ang naturang pahayag ng NSC bilang miyembro ng NSC, at sinabing hindi siya inimbitahan sa pulong nito, na ayon kay NSC Adviser Eduardo Año, “is closely coordinating with law enforcement and intelligence agencies to investigate the nature of the threat, the possible perpetrators, and their motives.”
Nilinaw kinalaunan ni VP Sara na hindi pagbabanta ang kaniyang naging pahayag tungkol sa First Couple at kay Romualdez. Sa halip, nais lang niyang ipaalam ang tungkol sa banta umano sa kaniyang buhay. (Daris Jose)

Muling pagsasaayos at pagbuo sa NSC, isang mahalagang hakbang- Año

Posted on: January 6th, 2025 by Peoples Balita No Comments

ISANG mahalagang hakbang ang ginawa ni Pangulong Ferdinard R. Marcos Jr. na muling ayusin at buuin ang komposisyon ng National Security Council (NSC), nakasaad sa Executive Order No. 81 s. 2024 na ipinalabas ng Chief Executive.
Mapalalakas nito ayon kay National Security Adviser (NSA) Eduardo Año ang pagbalangkas sa mga polisiya na nakaaapekto sa national security.
“The NSC is, first and foremost, an advisory body to the President, and its composition is always subject to the authority of President,” ayon kay Año.
Ani Año, isa ring NSC Director General na binigyang kapangyarihan ng Administrative Code of 1987 si Pangulong Marcos na muling ayusin ang administrative structure ng Office of the President kung saan bahagi ang NSC.
“Moreover, Section 17, Article VII of the Constitution vests in the President the power of control over all executive departments, bureaus and offices,” ang sinabi pa rin ni Año.
Tinukoy naman ni Año ang mga dating Pangulo ng bansa na muling inorganisa ang NSC para ma-meet ang mga ‘requirements at changing conditions’ ng Pangulo.
“Since the NSC was established by President Elpidio Quirino in 1950, it has undergone several reorganizations. President Ferdinand E. Marcos reorganized the NSC under EO 396 in 1972. President Corazon Aquino reorganized the NSC under EO 115 in 1986 and EO 292 in 1987. President Fidel V. Ramos reorganized the NSC under EO No. 33 in 1992 while President Gloria Macapagal-Arroyo reorganized the NSC under EO No. 34 in 2001,” ang litaniya ni Año.
At dahil ang layunin ng NSC reorganization ay para palakasin ang pormulasyon ng mga polisiya na may kinalaman sa national security, sinabi ni Año na ang aksyon at desisyon ng mga Pangulo ay nakasalalay sa payo at angkop na impormasyon.
“It is also premised on the need for timely and coherent action to address current and emerging threats to national security,” aniya pa rin. (Daris Jose)