• March 12, 2026

  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 4th, 2025

Prepare for action, drama, and intrigue as ABS-CBN’s ‘Incognito’ streams exclusively on Netflix starting January 17, 2025

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

IT’S time to gear up for an adrenaline-packed ride as ‘Incognito’ makes its explosive debut on Netflix this January 17, 2025.
The much-anticipated series, brought to life by ABS-CBN and Star Creatives, promises heart-stopping action, intense drama, and a powerhouse cast that’s bound to leave viewers captivated.
Incognito’ brings together some of the most celebrated names in Philippine entertainment, including:
Richard Gutierrez, stepping into a fierce and commanding lead role.
Daniel Padilla, whose charisma and depth elevate the series’ emotional core.
Ian Veneracion, showcasing a riveting performance.
Baron Geisler, as the unpredictable wildcard.
Rising stars Maris Racal, Anthony Jennings, and Kaila Estrada, adding fresh energy to the ensemble.
This stellar team, led by renowned director Lester Pimentel Ong, ensures an unforgettable viewing experience.

Can’t wait to see the story unfold? Netflix subscribers get an exclusive first look, with the series streaming 72 hours ahead of its ABS-CBN premiere. Whether you’re a fan of fast-paced action or compelling storytelling, this is your chance to be part of the action before everyone else.

Set against the backdrop of a gritty, high-stakes world, the series follows a group of skilled operatives tasked with missions that test their loyalty, wit, and humanity. With twists lurking at every turn, ‘Incognito’ keeps you on the edge of your seat from start to finish.

Mark your calendars! The countdown begins to January 17, when the mission kicks off exclusively on Netflix.

(ROHN ROMULO)

Sa rami ng pagsubok na dumating noong 2024: AI-AI, self-love and self-care ang wish ngayong 2025

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

SELF-LOVE and self-care ang wish ni Ai-Ai delas Alas sa pagpasok ng 2025.
Sa rami raw ng pagsubok na dumating sa kanya nung 2024, gusto niyang magsimula ulit at gawin ang maraming bagay na hindi niya nagawa noon.
“I love myself very much. Ang dami kong gustong gawin tulad nang sumayaw, mag-gym, magbasa ng libro. Gusto ko rin mag-travel ng mag-isa to Bangkok, Japan and Korea. At gusto ko maging super active sa showbiz ngayon. More trabaho and self-love,” sey ng Comedy Concert Queen na ambassadress ng VBank app ni Chavit Singson.
Babalik sa US si Ai-Ai sa Feb. 3 kaya gusto niyang maraming matapos na trabaho ngayong January. Kasama na rito ang isang movie na ipo-produce ni Chavit.
“God is good and maraming mga blessings na dumating. Sabi nga ni Ninong Chavit kasama ako sa mga movies ng mga Korean artists. Excited ako kasi favorite ko mga K-pop at K-drama.”
Nagpahula raw si Ai-Ai at magaganda raw ang mga mangyayari sa kanya ngayong 2025. Magbabalik daw siya sa concert scene at magkaroon ng movie para sa MMFF 2025.
***
KAHIT divorced na, friends pa rin ang ex-Hollywood couple na sina Jennifer Lopez and Ben Affleck.
Kailan lang ay nakita silang dalawa na nag-e-exchange gift sa Soho House in Los Angeles last December 22.
“Jennifer arrived with family members for a late lunch. Ben and Jennifer are still connected, and they do communicate when it involves their kids. They have every intention of continuing to be in each other’s lives despite not being romantically involved,” ayon sa report ng Page Six.
Sa interview ni J.Lo sa British Vogue, ini-embrace na lang daw niya ang pagiging divorced for the fourth time.
“I think the way I overcome things is not by thinking of them as happening to me but happening for me and what is the lesson that needs to be learned in the moment. There are no coincidences. This is not happening, you know, just randomly. It’s happening for a reason. What can I learn and how can I come out the other side better, stronger, more knowledgable, and kind of evolve and grow.”
(RUEL J. MENDOZA)

‘Di rin sila nakaligtas sa ‘7-year itch’: BARBIE, kinumpirma na totoong hiwalay na sila ni JAK

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

KINUMPIRMA na nga ni Barbie Forteza sa kanyang post kagabi, ika-2 ng Enero na totoong naghiwalay na sila ng boyfriend for seven years na si Jak Roberto.

Sinimulan niya ang IG post ng isang quote kasama ang ilan larawan nila ni Jak…

“Don’t cry because it’s over. Smile because it happened – Dr. Seuss.”

“Having you in my life was the happiest I had ever been. Seven wonderful years. A lot of laughs, a lot of ramen and so much love.

“Your love was exceptional. But sometimes, good things fall apart so better things can come together. Beautiful goodbye, @jakroberto,” sey pa ni Barbie.

Pagpapatuloy pa niya, “Thank you for loving me the way you did. I am excited for what’s to come for the both of us. You take care of yourself. May you find the love you deserve.

“I hope for everyone’s understanding and I wish you can help us put this matter to rest.”

Hindi naman maiiwasan na madamay si David Licauco sa paghihiwalay ng JakBie.

Patok na patok ang loveteam ng BarDa, na huling napanood sa drama series ng GMA Network na “Pulang Araw” kasama sina Alden Richards, Sanya Lopez at Dennis Trillo.

Iba’t-iba ang naging reaksyon ng netizens sa naturang break-up ng Kapuso couple, na itinaon talaga sa pagsisimula ng 2025…

“New Year na new year – break-up kaagad ang news? Hindi maganda premonitions to sa boung taon.
“Wish both of them healing.”

“Ang haba ng pinagsamahan pero nauwi rin sa hiwalayan, sana maayos pa, magkasama nilang sinaksihan ang tagumpay ng bawat isa… Sana pwede pang magkasundo..”

“Di ba matatag itong couple na ito? Ano kayang nangyari?

“So sad. I was rooting for them.”

Komento pa ng ilan, “Para sakin pag sinabing di magtatagal maybe mga 1 year lang eh sila 7 years so matagal tagal din. Marriages have lasted shorter than this.”

“May tinatawag kasing 7-year itch.”

“7 years tapos wala pang 30yrs old si Barbie so expected narin naman na hiwalayan ang ending nila. 7 year itch is real lalo na kung wala pa kayong balak mag settle down.”

“Barbie deserves much better.”

“Na-fall out of love cguro si Barbie. Expected na, laging kasama ung isa na mas gwapo, mas masipag, mas gumaling ng umarte, mas mayaman etc, etc. Ehh ung ex, walang projects, pangit umarte, mas may future dun sa isa nohhh.”

“Buti nga at hiwalay na sila. Di naman sila bagay at ala naman career ang lalaki – aasa lang kay Barbie. Barbie deserves someone a lot better.”

“I’ve seen it coming. They have that couple vibes that they’re not gonna be the end-game.
“Atleast they ended in good-terms. Unang showbiz hiwalayan ng taon.”

“Akala ko sila na ang end game. Sad naman.”

“Kaka-post lang nila last Dec ang sweet pa hiwalay agad? Salubong sa bagong taon eh. Sana prank lang to.”

Dagdag pa nila, “Ang awkward siguro makita yung ex sa isang station after 7 years kayong magkarelasyon. Baka matagal na din silang break mula pa nung may cheating issue kay Jak pero di lang pinublic kasi bad publicity para sa Pulang Araw o baka naman hindi cheating issue ni Jak un baka break na talaga sila nun ni Barbie kaya ganun na asta ni Jak.

“Hiwalay na rin si david at gf nya non showbiz di lang public.

“Yes, mas nauna sila maghiwalay mga 3Q last yr pa. Pero di kelangan i-announce. What for?”

“Not a fan of BarDa pero parang mas bagay sila Barbie and David. Opposites kasi personality nila.. pero when it comes goals/dreams, parang pareho sila. Si David alam ko may businesses sya.”

Opinion pa ng netizens…

“Magiging Bea Alonzo the 2nd yan si Barbie aabot pa ng mga 40s.”

“Bad omen isama bf/gf sa pinagagawang bahay kasi naghihiwalay sila, example si JLC at Ellen, Kathryn at Daniel, now Jak at Barbie.”

“Sila Dingdong and Marian lang talaga ang success stories sa lahat ng showbiz couples. Dami gustong gumaya at ginagawa silang peg pero di kinakaya. Hirap magka showbiz relationship.

At sa paghihiwalay na ito nina Barbie at Jak, i-wish natin na later on ay makatagpo sila ng ka-partner na tunay na magpapaligaya sa kani-kanilang buhay.

(ROHN ROMULO)

Pahulaan sa netizens kung sino ang pinatatamaan: GABBY, may reaksyon sa pagmamanipula sa anak na magalit sa ama

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments
PAHULAAN sa mga netizen kung sino ang pinatatamaan ni Gabby Concepcion sa quote na kaniyang ibinahagi sa kaniyang latest Instagram post.
Sa nasabing post ay walang dudang may pinatatamaan si Gabby, ito ay tungkol sa mga taong nagmamaniobra diumano ng anak para magalit sa ama nito, huh!
Banggit pa ng  aktor na ang ganung klaseng gawain ay “one of the most evil things” na puwedeng gawin ng isang tao sa buhay niya.
“Manipulating a kid to make them hate their Dad is one of the most evil things a human can do,” post pa ni Gabby.
Siyempre dahil very obvious na may pinatatamaan kung kaya may mga nakisawsaw agad at ginawang isyu.
May kanya-kanyang reaksiyon ay komento agad ang mga netizens.
“So true. It takes a great mother, one who truly loves her child, to never bad-mouth her ex-husband so that the child’s love and respect for her father are not tarnished. Someday, Papi, in God’s perfect timing, she will come to love you as your dearest eldest daughter does. Have a blessed 2025! “
“That’s why I admire Mami Sha the most. She has become my inspiration when I too had a daughter with an absentee dad. It takes a strong woman to take all the hurts and responsibilities.”
“Yan ang napakagandang ginawa ni Sharon s buhay mo ang mahalin ka ng anak mo ….”
“Papi new year na new year Yan ah,”
“What if kung ayaw talaga maging close ng dad sa anak?”
Well, everybody knows naman Si Gabby ay dating mister ni Megastar Sharon Cuneta at ang anak nila ay si KC Concepcion.
Maliban sa semi retired actress na si KC, may anak din naman si Gabby sa iba pa niyang mga naging karelasyon gaya nina Maria Grace Amagna Ibuna, Jenny Syquia, at misis na si Genevieve Yatco Gonzales.
***
“BAGONG bihis po ang aming tahanan,” pagmamalaki pa ng premyadong host na si Boy Abunda sa televiewers na sumubaybay ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
“Kanina po ay binasbasan ang ating bagong set ni Fr. Vhen. Napakaganda po ng kanyang mensahe, he reminded us na ang ama ng Panginoong Hesus Kristo ay isang karpintero, who was proud of what he did.
“Sumasama raw ang batang Hesus habang gumagawa ang Kanyang ama. The message was love your job, and that’s exactly what we’re gonna do the whole year of 2025,” mahabang salasay pa ni Sir Boy
Ayon pa rin sa tinaguriang King of Talk ay hindi lamang daw ang set ang pinalitan dahil bago na rin ang dressing room ni Boy.
Dalawampung minuto lamang napapanood mula Lunes hanggang Biyernes nang hapon ang “Fast Talk with Boy Abunda.”
At sa Enero 23, 2025 ay dalawang taon nang umeere ang programa ni Kuya Boy.
(JIMI C. ESCALA)

Filipinas team captain Tahnai Annis magreretiro na

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

INANUNSIYO ng longtime captain ng Filipinas football na si Tahnai Annis ang kaniyang pagreretiro.
Sa isang football podcast ay inanunsiyo ng 35-anyos ang nasabing desisyon.
Sinabi nito na ilang buwan na niyang pinag-isipan ang nasabing pagreretiro.
Si Annis ay isinilang sa US na tubong Lucena ang kaniyang mga magulang.
Naging bahagi ng Philippine women’ Football team si Annis noong 2018 at mula noon ay natulungan niya ang national team na makakamit ng tagumpay.
Naging captain siya ng mag-qualify ang Filipinas sa FIFA Women’s World Cup 2023 at dinala ang 2022 AFF Women’s Championship na ginanap sa bansa.
Mayroon siyang kabuuang 43 caps at 14 goals para sa Filipinas.
Huling naglaro ito sa Pilipinas noong Abril 2024 sa isang friendly games laban sa South Korea.

Alex Eala, agad nagrehistro ng panalo sa pagpasok ng 2025

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

AGAD  gumawa ng impresibong panalo ang Filipina tennis sensation na si Alex Eala matapos niyang dominahin ang laban nila Taylah Preston sa quarterfinals ng WTA Canberra International.
Nagawa ni Eala na talunin ang kalaban sa tatlong magkakasunod na set, 4-6, 6-2, 6-1.
Sa kabuuan, nakakuha si Eala ng 88 points habang 73 lamang kay Preston.
Muling ipinakita ng world no. 147 ang kaniyang magandang performance sa kabuuan ng laban, daan upang makapasok siya sa semifinals at tuluyang lumapit sa kaniyang unang title ngayong 2025.
Sa semis, posibleng makakaharap niya ang pambato ng China na si Wei Sijia o kung hindi man ay ang kinatawan ng Switzerland na si Simona Waltert.

Pilipinas may ipapadalang 20 atleta para sa Asian Winter Games

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

MAGPAPADALA  ang Pilipinas ng 20 atleta para sa 9th Asian Winter Games.
Gaganapin ito sa darating na Pebrero 7-14 sa Harbin, China.
Layon ng mga atletang Pinoy na makakuha ng medalya para sa 2026 Winter Olympics.
Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na nakakamit na ng gintong medalya ang bansa sa Summer Olympics kaya nais nilang makakuha ng gintong medalya sa Winter Olympics.
Sa naunang edition ng Asian Winter Games ay naging kulelat ang Pilipinas.
Dagdag pa ni Tolentino na sasabak sa anim na sports sa kabuuang 11 na sport event.
Ang Curling team ang siyang may pinakamaraming miyembro na aabot sa 10. Nangunguna sa nasabing torneo ang Japan na sinundan ng China at Kazakhstan.

Pagpapaliban sa implementasyon ng mga infra projects, kinuwestiyon

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NAGBABALA  ang isang mambabatas sa negatibong epekto sa panukalang pagpapaliban ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa implementasyon ng ilang public works  project hanggang matapos ang midterm elections.
Ayon kay CamSur Rep. LRay Villafuerte, ang pagpapaliban sa mga ito kabilang na ang mga infrastructure projects para sa pagpapaggawa ng mga nasirang imprastraktura ay makakaapekto sa pagsusumikap ng gobyerno para palakasin ang katatagan sa mga high-risk communities, pagkakaroon ng dagdag trabaho at pagpapatuloy sa paglago ng ekonomiya.
 “Putting infrastructure projects on hold till the year’s second half, especially those planned public works meant to make vulnerable communities  highly resilient ahead of this year’s typhoon season, will mean putting these places at risk anew this year for the tropical cyclones and other natural calamities of increasing frequency and intensity as a consequence of the climate crisis,” anang mambabatas.
Importante aniya ang agarang implementasyon ng mga proyekto lalo na yaong mga programa para sa climate mitigation and adaptation na naglalayong ipasa-ayos ang mga nasirang imprastraktura na nasira ng bagyo.
Halimbawa aniya ang matinding trapiko papuntang Bicol lalo na noong kapaskuhan dala na rin sa ginagawang sira sirang daan dulot ng bagyo sa Andaya highway sa CamSur.
Kung ipagpapaliban aniya ng gobyerno ang pagpapatigil sa mga gaiitong proyetko ay inaasahang haharap muli ang mga motorista at commuters sa kahalintulad na bangungot ngayong taon. (Vina de Guzman)

PBBM, pinangalanan ang bagong PH ambassador to Hungary, iba pang mga bagong gov’t appointees

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

PINANGALANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Maria Elena Algabre bilang pinakabagong Philippine ambassador to Hungary na may concurrent jurisdiction sa Bosnia at Herzegovina, Montenegro, at Serbia.
Sa katunayan, inilabas ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga pangalan ng mga bagong appointees noong Disyembre 31, 2024.
Kabilang din sa mga bagong DFA appointees ay sina Marie Charlotte Tang bilang non-resident ambassador to Ethiopia at ambassador Kenya na may concurrent jurisdiction sa Congo, Malaw, Seychelles, Somalia, South Sudan, Tanzania, Uganda, Rwanda, Burundi, at Comoros.
Mainit na tinanggap naman ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) si Cynthia Paulino bilang miyembro ng Board of Directors na tatayong kinatawan ng Olongapo City.
Pinangalanan naman ng Pangulo sina Eduardo Robles Jr. at Henry Yap bilang mga undersecretary ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Itinalaga naman ni Pangulong Marcos ang ilang indibidwal sa National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ) sa iba’t ibang kapasidad.
Samantala, itinalaga ng Pangulo si Rene Diaz bilang assistant secretary ng Department of National Defense (DND), habang nagpadala rin ng mga bagong appointees sa Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Interior and Local Government (DILG), the Department of Trade and Industry (DTI), at the Department of Transportation (DOTr).
Si Martin Marvin Diño ay Presidential Legislative Liaison Officer II ng Office of the President (OP) ngayon.
Mainit na tinanggap naman ng United Coconut Planters Life Assurance Corporation ng Presidential Commission on Good Governance (PCGG) ang tatlong bagong miyembro ng Board of Directors nito. (Daris Jose)

LTO, nag-deploy ng maraming enforcers sa pagtatapos ng holiday break para sa kaligtasan ng publiko

Posted on: January 4th, 2025 by Peoples Balita No Comments

NANAWAGAN si Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II sa mga motorista na magdoble-ingat sa kalsada, lalo na’t inaasahang marami ang babiyahe pabalik sa kanilang trabaho at paaralan sa pagtatapos ng mahabang Holiday break ngayong weekend.
Ayon kay Assec Mendoza, inatasan na niya ang lahat ng Regional Directors at mga pinuno ng iba pang opisina ng LTO na tiyakin ang presensya ng mas maraming enforcers sa kalsada upang tumulong sa pamamahala ng trapiko at pagpapatupad ng mga batas trapiko para sa kaligtasan ng publiko.
“Ang ating mga tauhan, sa pakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno, ay nasa lansangan upang tulungan ang ating mga kababayan sa kanilang pagbiyahe pabalik sa Metro Manila at iba pang urban areas sa pagtatapos ng mahabang Holiday break,” ani Assec Mendoza.
“Inaasahan natin ang mataas na volume ng mga sasakyan sa mga kalsadang patungo sa Metro Manila at iba pang urban areas kaya’t kailangang maramdaman ang ating presensya upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng bumibiyahe,” dagdag niya.
Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), mahigit 500 na aksidente sa kalsada ang naitala mula sa pagsisimula ng Christmas break, kung saan higit sa anim na tao ang kumpirmadong nasawi.
Noong nakaraang buwan, iniutos din ni Assec Mendoza ang mas pinaigting na kampanya para sa kaligtasan sa kalsada, kabilang na ang mas agresibong operasyon laban sa mga trak na lumalabag sa mga regulasyon tulad ng overloading at paggamit ng mga sirang gulong.
Mahigit 25 may-ari ng trak ang nabigyan na ng show cause orders dahil sa mga operasyong karaniwang isinasagawa mula gabi hanggang madaling araw sa mga regular na ruta ng trak sa Metro Manila at iba pang lugar.
“Ang ating agresibong kampanya para gawing ligtas ang lahat ng ating kalsada ay bahagi ng adbokasiya para sa kaligtasan sa kalsada ni DOTr Secretary Jaime J. Bautista, gayundin ng sariling kampanya ng ahensya na Stop Road Crash,” ani Assec Mendoza.
“Ngunit habang agresibo ang ating kampanya at operasyon para sa kaligtasan sa kalsada, nananawagan tayo sa lahat ng motorista na makiisa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kinakailangang hakbang para sa kaligtasan at pagsunod sa lahat ng regulasyon hindi lamang para sa kanilang kaligtasan kundi pati na rin ng lahat ng gumagamit ng kalsada,” dagdag pa niya.
Tiniyak din ni Assec Mendoza na sapat ang bilang ng mga tauhan sa mga pangunahing lansangan upang tumulong sa mga motorista sa kanilang biyahe patungo sa kanilang mga trabaho, partikular na sa Metro Manila.
Pinaalalahanan din niya ang mga motorista na tiyaking maayos ang kondisyon ng kanilang sasakyan, na ang driver ay hindi dapat nasa ilalim ng impluwensya ng alak o ilegal na droga, at may sapat na pahinga bago bumiyahe. (PAUL JOHN REYES)